CHAPTER FOUR
KINABUKASAN ay isang balita ang agad na kumalat sa buong bansa. Hindi alam ni Xielo kung paano siya magre-react sa nalaman, gusto niyang isiping nanaginip lang siya at hindi totoo ang napapanood niya.
Nakatakdang ikasal ang kapatid ni Seb na si Eva sa kanyang kinakasamang si Jules!
Hindi niya alam kung paano iyon nangyari pero ayaw niyang maniwala sa balita. Nanginginig ang kamay niyang kinuha ang kanyang telepono para tawagan si Jules tanungin kung totoo ba ang nasa balita o kapangalan lang nito ang lalaikng papakasalan ni Eva.
“Good morni—” Natigilan si Eillaine sa pagbati sa kanya nang makita ang balita sa telebisyon.
“E-Ei… tell me, nanaginip lang ba ako?” utal niyang tanong sa kaibigan niya.
Hindi ito nagsalita ngunit agad nitong pinatay ang telebisyon. Humarap sa kanya at mahigpit na hinawakan ang kamay niya.
Nang maramdaman niya ang mahigpit nitong pagpisil sa kamay niya ay tuluyan nang namalisbis ang mga luhang kanina niya pa pinipigilang dumaloy. Totoo ang mga nangyayari at hindi lang basta bangungot lang.
Umiling siya ng sunod-sunod. “Sabihin mong magkasing-pangalan lang ang lalaking pakakasalan ni Eva at ang kasinta—” Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil umiling na si Eillaine.
Hindi niya maintindihan kung bakit parang sigurado itong mali ang iniisip niya. Saka lang niya napagtanto na isa ito sa mga sumusunod sa batas na mayroon ang bansang iyon. Kabilang ito sa royalty family at hindi ito puwedeng magsalita nang kahit na ano sa mga kaganapan sa loob ng palasyo. Isa iyon sa sinumpaan nito bago ito tanggapin ng Reyna ng bansang iyon.
Napahikbi siya at ilang sandali lang ay malakas na humagulhol. “H-Hindi…” Umiiling na saad niya. “Hindi ito magagawa sa akin ni Jules…mahal niya ako…”
“I’m sorry, Xie, pero hindi na uuwi si Jules dito. B-buntis si Eva at ang ama ng batang dinadala niya ay si Jules. I am the one who discovered their secret. I saw them secretly hiding in one of the maiden’s rooms.” Umiiyak na ring turan ni Eillaine.
Napahawak siya sa kanyang dibdib, bigla siyang kinapos ng hangin sa katawan at hindi siya makahinga. Maagap naman siyang sinaklolohan ni Eillaine at pinainom ng tubig. Hindi niya akalain na magagawa pa rin siyang lokohin ni Jules sa kabila ng mga pinagsamahan nilang dalawa. Ang buong akal niya ay sapat na siya para rito, ngunit iyon pala ay kulang pa siya at nagawa pa nitong maghanap.
“K-kailan nangyari iyan?” tanong niya. Pilit niyang pinalalakas ang loob niya dahil gusto niyang malaman kung ano ang naging rason kung bakit nito nagawang magloko.
“I-Isang buwan na ang nakakalipas, at dalawang buwan nang pinagbubuntis ni Eva ang anak nila ni Jules,” sagot ni Eillaine sa kanya.
“Putangina,” saad niya na sinundan ng isang mapaklang tawa. “Sa loob ng dalawang buwan na iyon, nakabuntis siya ng ibang babae pero sa akin na kasama niya sa loob ng maraming taon ay hindi niya nabigyan ng kahit isang anak? Ang lupit niya!”
Niyakap siya ni Eillaine at hinagod ang likod niya. “I’m sorry kung wala akong magawa at hindi ko masabi sa’yo ang bagay na iyon. But believe me, the moment I saw them kissing I acted immediately and told the Queen.”
Umiling siya. Ramdam niya ang paghihirap din ni Eillaine sa sitwasyon niya at naiintindihan din niya ito kung bakit hindi nito masabi sa kanya iyon. Kaya pala ganoon na lang kalamig ang pakikitungo nito kay Jules nitong mga nakaraang araw.
“Gusto kong makausap si Jules,” saad niya.
Kumalas sa pagkakayakap si Eillaine at tumingin sa kanya. “Hindi na siya pinayagan pang lumabas ng palasyo, Xie. Kilala ka nila Xie, alam nilang sa’yo umuuwi si Jules. Kailangan mong magpakatatag, dahil maglalabas sila ng estatement tungkol sa opisyal na status ng relasyon niyo ni Jules.”
Nakagat niya ang kanyang labi at pinigilang huwag humagulhol ulit, parang hindi niya kakayanin ang kung anumang sasabihin ni Jules. Kailan ba ulit sila huling nagkita? Dahil sa sobrang kaabalahan niya sa mga photo shoots niya ay bilang lang sa daliri niya ang araw na nagkasama sila sa bahay nila at ang masaklap pa ay ilang lingo na din pala silang hindi nagkakausap ng maayos.
“Anong oras ang sinasabi mong interview na iyan kay Jules?” matapang niyang tanong kay Eillaine.
Tinitigan siya ni Eillaine sa mga mata at matigas na umiling. “Tama na, Xielo, huwag mo ng saktan pa ang sarili mo.”
“Gusto kong marinig ang mga sasabihin niya.” Naiiyak niyang turan.
Tumingin ito sa orasang nasa dingding at walang lumapit sa telebisyon para buksan iyon. Bumalik ito sa tabi niya at mahigpit na hinawakan ang mga nanginginig niyang kamay.
Malakas ang kabog ng puso niya at pakiramdam niya anumang oras ay sasabog siya, magkakalasog-lasog ang puso niya at ang pinaka-masaklap sa lahat ay ang walang katapusang sakit at pagdurugo ng puso niyang wasak na naman.
“Good morning! This explosive news was released today by the palace which really woke up the whole country. The queen's daughter Princess Eva is getting married and that lucky man is none other than the Head of the Palace Royal Guard General Jules. But how did the said General get married even though most people know that he is with a famous model named Xielo Dominguez? We will know the true state of their relationship with General Jules.” Pagbabalita ng British na broadcaster.
Halos hindi siya humihinga habang pinapanood ang pag-akyat ni Jules sa entablado at pagharap sa napakaraming reporter. Hindi pa man ay hindi na niya napigilan ang sariling umiyak, maagap namang nakaalalay sa kanya si Eillaine.
“Hindi mo kailangang panoorin ito, Xie. Mahihirapan ka lalng lalo sa mga sasabihin niya,” nag-aalalang wika ni Eillaine.
“Bakit, alam mob a kung ano ang mga sasabihin niya sa publiko?” Natawa siya sa kanyang sarili dahil sa tanong niya. “Oo nga pala, scripted lang ang sasabihin ni Jules at susundin lang din nito kung ano ang mga bagay na kailangan niyang sabihin,” sarkastiko niyang turan.
“Good day everyone! I'm here in front of you to answer your questions about my relationship with Ms. Xielo Dominguez. I admit that we had a four-year relationship and I will not lie that I loved her. But we got to the point where we both just woke up and realized that we no longer loved each other. We decided to end our relationship in good ways. As soon as I was free, I then realized why I lost my love for her. I knew it was wrong but I could not restrain myself from loving the daughter of our dear Queen. When I confessed my love and asked for Princess Eva's hand, the Queen immediately gave her blessing for us. I hope people will accept me and I promise in front of you that I will not neglect our beloved Princess. That's all and thank you very much.”
“Ha!” Iyon lang ang tanging namutawi sa bibig niya nang mapakinggan ang sinabi ni Jules sa harap ng buong mundo.
‘Nagising na lang sila pareho na hindi na mahal ang isa’t-isa at saka lang na-realized nitong ang prinsesa ang gusto nitong pakasalan? Kagaguhan!’ sigaw ng utak niya.
Napahawak siya sa kanyang ulo at gusto niyang magsisisigaw sa sobrang galit na nararamdaman niya. Hindi niya akalain na makakayang gawin iyon ng binata. Hindi ba nito alam kung ano ang iisipin ng mga tao sa kanya?
“Xie…” Narinig niya ang boses ni Eillaine na umaalo sa kanya.
“I…I’m…” huminga siya ng malalim. “I’m fine, don’t worry.” Tumayo siya at tahimik na umakyat papunta sa kuwarto nila ni Jules. Hindi niya naramdaman sumunod sa kanya si Eillaine, mukhang naiintindihan nitong kailangan niyang mag-isa.
Pagkapasok niya sa kanilang kuwarto ni Jules ay tila siya nauupos na kandilang bumagsak sa sahig. Humulagpos ang kanina pa niya pinipigil na galit. Bumunghalit siya ng iyak at wala siyang pakialam kung marinig man iyon ni Eillaine.
Wala siyang pakialam kung magmukha siyang kaawa-awa sa mga oras na iyon. Basta ang gusto niya lang mangyari ay mailabas ang galit na nararamdaman niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang kung biruin at paglaruan siya ng tadhana. Ang buong akala niya ay nahanap na niya ang tamang tao para sa kanya. Na hindi na siya iiyak pa.
Ang akala niya ay tapos na ang pagdurusang naranasan niya sa unang lalaking minahal niya. Akala niya sa pangalawang beses na ibibigay niya ang kanyang sarili at magpapa-alila sa pag-ibig ay mabubuo na ang pinangarap niyang isang pamilya. At higit sa lahat ay inakala niyang hindi nasayang ang ilang taong ginugol niya para mabuo ulit ang durog ng puso niya.
Gusto niyang magwala! Gusto niyang itapon ang lahatng bagay na magpapaalala kay Jules sa loob ng kuwartong iyon ngunit naisip niya, kapag ginawa niya ba iyon ay maiibsan ba ang sakit na nararamdaman niya ngayon? Matatangay ba ng apoy ang lahat ng poot, galit at hinanakit niya ngayon?
Isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya sa kanyang lalamunan at kasunod niyon ay ang malakas na paghagulhol niya.
“Xie… please open the door,” anang kanyang kaibigan na kumakatok sa kanyang pinto. “Hayaan mong damayan kita, nandito lang ako para sa’yo, please be strong.”
“Bakit ganoon ang mga lalaki sa buhay ko, Ei? May nagawa ba akong mali para karmahin ako ng ganito?” mahina niyang saad sa pagitan nang pag-iyak.
“Xie, walang mali sa’yo. Maaring hindi mo pa nakikita ang taong tunaya na magmamahal sa’yo. Tandaan mo lagi na lahat ng bagay ay nangyayari kasi nakataktakda itong mangyari.”
Isinandal niya ang ulo niya sa likod ng pinto. “Ayoko na…” hindi niya nasundan ang sasabihin niya dahil humagulhol na naman siya ng iyak.
“Ayoko nang magmahal… lagi na lang ako ang nasasaktan sa huli. Lagi na lang ako ang umiiyak at nadudurog. Ang unfair ng tadhana, hindi siya patas makipaglaro.”
“Xie, makinig sa akin. Buksan mo ang pinto at mag-usap tayo, ilabas mo sa akin ang lahat ng hinanakit mo. Makikinig ako,” sabi nito.
“Baka hinahanap ka na ni Baby Tan-Tan, sige na asikasuhin mo na ang baby mo. Okay lang ako, huwag kang mag-alala, hindi ko iisiping magpakamatay,” wika niya.
Biglang tumahim sa labas ng pinto niya, maya-maya lang ay narinig niya ulit itong nagsalita. “Babalikan kita, mamaya, paki-usap maging matatag ka, Xie.”
Nanatili siyang nasa likod ng pinto at nakatingin sa kawalan, tumigil na ang kanyang mga mata sa pag-iyak at hindi na rin niya maramdaman ang mga paa niya. Namanhid na yata sa sobrang tagal niya sa ganoong posisyon.
Tama si Eillaine, walang mangyayari sa kanya kung magpapatalo siya sa balitang parang bombing sumabog sa harapan niya. Sa isang iglap lang ay nagbago ang buhay niya nang hindi naman siya inabisuhan ng letseng tadhana na iyan.
Mukhang kailangan na niya talagang magbago ng tuluyan, gawing bato ang puso at huwag nang payagan ang kung sinumang lalaking humawak sa kanyang durog ng puso.