CHAPTER FIVE

1989 Words
CHAPTER FIVE     Naalimpungatan si Xielo nang makarinig nang sunod-sunod na katok mula sa labas ng pinto. Sa pag-aakalang si Eillaine lang iyon ay hindi siya sumagot at wala siyang balak na papasukin ito. Hindi niya puwedeng guluhin ito dahil may inaasikaso itong anak. Ayaw niyang maging pasanin ng kaibigan niya, pero nang marinig niya ang boses ni Jules ay kaagad niyang binuksan ang pinto.     “Honey… I’m sorry.” Hinging-paumanhin nito at nagtungo ng ulo.   Ang buong akala niya ay nasaid na ang kanyang luha ngunit nagkamali siya dahil nang marinig ang sinabi ni Jules ay tuloy-tuloy na tumulo ang kanyang mga luha. Hinintay niyang magsalita ulit ito ngunit wala na siyang narinig na kahit na anong paliwanag mula rito.     “I deserve an explination, Jules. Please… I want to know what happened—I want to know why!” Pinahid niya ang mga luha sa kanyang mukha at nanatili siya sa may pinto at hindi siya nag-abalang papasukin ang binata.     “I don’t know how to start Xie, but believe me I also don’t like what is happening.” He said and tries to come near her.     “Don’t!” sabi niya at dinuro ito. “Don’t get any closer I don’t want to hurt you, Jules.” Ngunit parang wala itong narinig at lumapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap.     Nagpumiglas siya ngunit dahil sa nanghihina niyang katawan ay hindi siya nagtagumpay gawin iyon. Pinagsusuntok niya ang dibdib nito at ilang beses niyang nasampal ang binate ngunit hindi ito bumitaw sa pagkakayakap sa kanya.     “Let go of me! I hate you! How did you manage to fool me and make me ridiculous in front of everyone? I did nothing but love you, and all I asked of you was to love me too and build our own family! I don’t understand why...” she paused and slipped away from Jules’ arms.   When she got away, she angrily pointed him out. “I don’t know why you can’t give it to me, but—bullshit! You give it to another woman in just two months? Ha!”     “I’m sorry, okay! I know I’m an asshole but please listen to me. It was a mistake and I know that! But believe me, honey I never have the intention to hurt you. I love—” Isang malakas na sampal ang ibinigay niya kay Jules. Nagdidilim na ang kanyang paningin at hindi iyon maganda para sa kanya at sa kaharap niya.     “You left, thank you. Do not add to the pain I feel now. Don’t worry I won’t mess up if that’s what you’re here. I can’t face you yet, so just come back to get your things when I’m not here.” Pagkasabi niyang iyon ay malakas niyang isinara ang pinto.     Nakarinig pa siya ng ilang katok bago ito tuluyang mawala at biglang tumahimik ang paligid niya. Katahimikan na pinapangambahan niyang mangyari, hindi niya magawang lumabas at hanapin si Eillaine para pakalmahin siya dahil tiyak na mag-aalala ito at matataranta. Ayaw niyang maging pabigat dito lalo na ngayon na may kinakaharap din itong sariling problema.     Napahawak siya sa kanyang dibdib nang magsimula na ang kinakatakutan niya. Mabilis niyang kinapa ang kanyang cellphone at isang tao lang ang alam niyang makakatulong sa kanya sa mga ganoong pagkakataon. Ayaw man niyang ipaalam dito ang nangyayari sa kanya ngayon ay wala siyang ibang mahingan ng tulong.     Saka na lang niya paiiralin ang pride niya dahil ang importante ngayon ay hindi siya atakehin ng sakit niya.     Idinayal niya ang numero ni Thad at ilang saglit lang ay narinig niya ang baritone at malamig nitong boses.     “Hello, Xie? Is everything okay there?” bungad na tanong nito.   “Thaddeus!” Bumunghalit na siya ng iyak pagkabanggit niya ng pangalan nito. Hindi na niya napigilan ang pagragasa ng iba’t-ibang emosyon sa kanyang sistema at nag-uumpisa na siyang makinig.     “Xie calm down. Damn it! You need to breathe, listen to me, Xie.” Narinig niya ang pag-aalala sa boses nito.     Huminga siya ng malalim gaya ng utos ni Thad. Ilang beses niyang inulit iyon hanggang sa unti-unting kumakalma ang pakiramdam niya.     “Think of anything that makes you happy, close your eyes and just listen to me, okay, honey?” sambit ni Thad.   Ipinikit niya ang kanyang mga mata at inalala ang mga masasayang nangyari sa buhay niya. Naalala niya ang unang araw na nagkakilala sila ni Thad. Nang araw na ligawan siya nito at ang ang hindi niya malilimutang pangyayari sa kanyang buhay ay iyong sagutin niya ang lalaki at ang mga pangakong binitiwan nila sa isa’t-isa.     Iminulat niya ang kanyang mga mata at pinigilan pang dumaloy ang kanyang alaala dahil ang mga kasunod na niyon ay ang masakit na parte ng kanyang nakaraan. Ayaw na niyang dagdagan pa ang sakit na nararamdaman niya ngayon.     “Feeling better?” tanong ni Thad sa kabilang linya.     Inayos niya ang kanyang boses bago sumagot dito. “Y-yeah, thank you. I’m sorry if I disturb you. I know you’re very busy—”     “Okay lang, patulog na rin naman ako. Can you talk to me now?” masuyong tanong nito sa kanya.     Natawa siya ng pagak. “Nothing. I’m just…” Nakagat niya ang kanyang ibabang labi at pinigilang humikbi. “I’m just broken.”     “Nag-away ba kayo ng boyfriend mo? May ginawa ba siyang kalokohan? May nalaman ka—”     “He’s getting married… but not with me,” aniya.     “What? How did it happen?” gulat na tanong ni Thad sa kabilang linya.     “Hindi ko rin alam, eh. Siguro talagang hanggang dito lang ako.” Naluluha na namang saad niya.     “Huwag mong isipin iyan, alam mong hindi iyan totoo. Isipin mo na lang na hindi pa siya ang lalaking para sa’yo. Hindi dapat iniiyakan ang ganyang klaseng lalaki,” ani Thad.     Natawa siya ng pagak. “Nakakatawa, sa dami ng taong malalapitan ko, sa’yo pa talaga ako lumapit. Thanks, anyway.”   “Xielo, lagi ko namang sinasabi sa’yo na puwede mo akong lapitan at kausapin kung naghahanap ka nang makakausap. I’m always be here for you,” turan ni Thad.     “I need to go. Bye!” Pinutol niya ang linya nang pag-uusap nila ni Thad. Ayaw na niyang marinig ang mga susunod pa nitong sasabihin. Tumingala siya sa kanyang kisame at isang malakas na sigaw ang kanyang pinakawalan.     Ilang sandali muna ang pinalipas niya bago tumayo at dumeretso sa kanyang banyo upang maligo at ayusin ang kanyang sarili. Nagawa niyang makabangon noon, alam niyang mas kaya niyang gawin ngayon. Masakit mang aminin pero tama ang sinabi ni Thad, hindi karapat-dapat iyakan ang isang walang kuwentang tao.     Nang humarap siya sa kanyang salamin ay agad niyang napansin ang unat at mahaba niyang buhok na sumabog dahil sa panggigil niya kanina kay Jules. Hinawakan niya iyon at natawa nang bigla niyang maisip ang kadalasang ginagawa ng mga sawi—ang gupitin ang buhok at magpalit ng anyo.     Ipinilig niya ang kanyang ulo, wala namang nagbabawal kung gagawin niya iyon. Kinuha niya ang gunting sa cabinet na nasa ilalim ng sink at sinimulang gupitan ang mahaba niyang buhok. Pagkatapos ay nagtimpla siya ng kulay abong pangkulay ng buhok at inumpisahang kulayan ang kalahati ng kanyang buhok pababa.   Nang matapos ay dumiretso siya sa kanyang walk-in cabinet at pumili ng isusuot niya. Balak nyang magpunta sa Club na pag-aari niya. Wala nang pipigil sa kanya sa kung anuman ang gawin niya. Nakabakasyon siya ng isang buwan, gagamitin niya iyon para magsaya at hindi para magmukmok lang.     Pagkalipas ng isang oras ay saka niya binanlawan ang kanyang buhok. Napangiti siya nang makuntento sa resulta. Isinunod niya ang paglinis ng kuko niya at kinulayan iyon ng kulay itim na nail polish. Nang matapos na ay saka siya nag-ayos ng kanyang sarili, sinadya niyang baguhin ang shades ng make-up niya at maging ang kulay ng lipstick niya. Light make-up lang iyon pero bumagay sa bagong kulay niyang buhok     Naglagay din siya ng kulay grey na contact lens para kompletuhin ang kanyang ‘New look Challenge’.     Napangiti siya nang mapagmasdan ang kanyang bagong itsura sa salamin. Walang makakapagsabing broken hearted siya at durog ang puso niya ngayon. Pagkatapos niyang maglagay ng pabango ay  lumabas na siya ng kuwarto, naabutan niya si Eillaine na pinaghehele ang anak nito.   Natulala ito nang makita ang ayos niya, o mas tamang sabihing napanganga ito at hindi nagawang makapagsalita.     “How do I look?” Nakangiting tanong niya at umikot pa sa harapan ng kaibigan.     Doon lang ito natauhan at saka nagsalita. “Perfect. Mukhang balak mong magpakasaya ngayon, ah.”     Tumango siya. “Marami pang puwedeng mangyari sa buhay ko at hindi lang iyon titigil dahil lang sa isang walang kuwentang lalaki. Pinili nilang iwan ako at saktan, pipiliin ko rin bang masaktan at mawasak?”     Ngumiti si Eillaine at lumapit sa kanya. “Good to hear that. Ikumusta mo na lang ako kay Liv at kungpuwede lang ay samahan ka niya pauwi mamaya, may sasabihin din ako sa kanya.”     Tumango siya at humalik sa pisngi ng matalik niyang kaibigan. “Lock the door when I’m gone. I have my keys, huwag ka nang mag-puyat, okay?”     Pagkalabas niya ng kanyang bahay ay agad na napansin niya ang isang British Reporter na palihim siyang kinukunan ng litrato, nagkunwari siyang hindi niya ito napansin at sumakay sa kanyang kotse.     Kung dati ay takot na takot siyang makuhanan ng litrato ng mga paparazzi dahil sa ayaw niyang malaman ni Jules ang Club na pinupuntahan niya, ngayon naman ay wala na siyang pakealam. Gusto niya ring ipamukha kay Jules na hindi lang ito ang magaling magtago ng sekreto, ang pinagkaiba nga lang ay hindi niya nagawang mmagloko sa halos apat na taon nilang relasyon.     Tinapakan niya ang silinyador ng kanyang sasakyan at sinilip sa side mirror ang paparazzi na agad sumakay sa kotse nito para sundan siya.     Dahil hindi naman kalayuan ang Club sa Villa niya ay agad siyang nakarating nang wala pang tatlumpong minuto. Bahagya siyang nagitla nang makitang may nakabantay na reporter sa labas ng Club at parang hinihintay siyang dumating.   Bumaba siya ng kanyang kotse at hindi pinansin ang reporter, maaring hindi siya nito nakilala dahil sa biglang pagbabago niya ng itsura, ngunit nang malampasan niya ito ay sinubukan pa siya nitong habulin. Agad niyang sinenyasan ang guard na huwag papasukin ang reporter at mabilis naman siyang pumasok sa loob.     Hinanap niya agad si Oliv ngunit sa dilim ng paligid ay hindi niya maaninag ang binata. Dumiretso siya sa bar counter at balak tanungin ang bartender kung nasaan ang business partner niya, ngunit hindi pa man siya nakakarating sa counter ay agad na siyang hinarang ng isang matangkad na lalaki.     “Hey, gorgeous. Want to dance with me?” Bago pa siya makapag-react ay agad siya nitong dinala sa gitna ng dance floor at sinayawan siya.     Hindi siya nakahuma nang biglang may kumislap na camera at nang tingnan niya ay ang lalaking nakasunod sa kanya simula sa kanyang villa. Balak niyang puntahan ang paparazzi ngunit hinawakan siya ng lalaki at ayaw siyang bitiwan.     “Get off me,” mataray niyang saad at nang balikan niya ang paparazzi ay wala na ito sa kinaroroonan nito.     “Shit.” Iyon na lamang ang nasabi niya at matalim na tiningnan ang lalaking humila sa kanya.     Susundan pa sana siya nito nang biglang lumitaw sa kung saan si Oliv at inakbayan siya kaya hindi na naka-porma pa ang lalaki. Ngunit wala doon ang isipan ni Xielo, nakatitiyak siyang siya naman ang laman ng balita bukas.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD