CHAPTER SIX

1778 Words
CHAPTER SIX   Naalimpungatan si Xielo sa ingay na galing sa labas ng kuwarto niya. Kaagad siyang bumangon at pupungas-pungas pang binuksan ang pinto.     “Anong meron?” tanong niya kay Eillaine.     “Xie, how can you do this to me? I thought I was the one who cheated, but why do you seem to be happy that we broke up and immediately exposed your relationship with your fellow model to the public?” Nagising ang diwa niya nang marinig ang boses ni Jules.     Salubong ang kilay na hinarap niya ito at doon niya lang nakita na hinaharangan ito ni Oliv na makapasok ng tuluyan sa bahay niya. “What are you doing here?”     “I’m here to hear your explanation! How long have you been fooling me? Is that the reason why you rarely go home when you are in photoshoots because of your man?” Pag-aakusa nito sa kanya at ipinakita sa kanya ang larawan nila ng lalaking humila sa kanya kagabi. Hawak ng lalaki ang kanyang beywang at umaastang hahalikan na siya.     Kumunot ang noo niya at nang masiyasat mabuti ang litarto ay tumawa siya ng malakas. “You’re funny. I thought that during our time together you already know even a tiny part of my body.” She took a deep breath and shook her head. “I have nothing more to explain. We’re done and you’re getting married.  You need to go before everybody knows you’re here, I don’t want any trouble.”     Tinalikuran na niya ito at tinahak ang papunta ulit sa kanyang kuwarto. Hindi pa niya kayang harapin ito nang matagal dahil bumabalik lang ang sakit nang pangta-traydor nito sa kanya. At ngayon ay dinagdagan lang nito dahil lang sa nakitang litrato niya na may kasamang lalaki?     Sa dinami-dami ng taong dapat makaalam kung totoo ang balitang kumakalat ngayon ay dapat ito ang unang makakapuna na peke lang iyon at naisi lang pagkaperahan ang maling chismis na iyon.     Narinig niya pa ang pagtawag nito sa kanya ngunit hindi na niya ito pinansin pa at tuloy-tuloy lang siya sa pagpasok sa kanyang kuwarto. Alam niyang hindi din iyon hahayaang makapasok pa ng dalawa niyang kaibigan.     Bumalik siya sa paghiga sa kanyang kama at nakipagtitigan sa kisame. Hindi niya maintindihan kung bakit umaakto pa rin si Jules na parang pag-aari pa rin siya nito gayung ikakasal na nga ito sa anak ng reyna na binuntis nito. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam ang buong kuwento nang pagtataksil nito dahil wala namang malinaw na paliwanag si Jules na ibinigay sa kanya kahapon nang puntahan siya nito.     Tumunog ang kanyang cellphone na nasa maliit na mesang katabi lang ng kama niya. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag at makitang ang kanyang manager iyon ay agad niyang sinagot. Tiyak na ang tungkol sa kumakalat na issue ang sadya nito.     “Hello?”     “Hi Xie, how are you doing? Are you okay?” tanong nito sa kanya sa nag-aalalang boses.     “I’m fine, don’t worry about me,” sagot niya.     “I just want you to know that we caught the person who spread your fake photo with that model, and while we're talking the HR is already talking in front of the Press, telling them that the rumor wasn’t true. We're also releasing evidence about the true appearance of the woman kissing that stupid model. For now, you need to rest. I know what you're going through is not easy,” pagbabalita nito sa kanya.     “Thanks, Simon. By the way, I’ll be going to the Philippines and I kinda think that one month vacation is not enough for me,” aniya.     “Oh! Don’t worry I got you. You’ll need more time to heal, I know that.”     Ngumiti siya at pagkatapos niyang magpasalamat ay agad na siyang nagpaalam. Nang ibaba na niya ang kanyang cellphone ay muli siyang lumabas para kausapin sina Eillaine at Oliv. Nakatitiyak naman siyang hindi magbabalak umalis si Oliv hangg’t hindi nasisiguradong okay siya.     Kusa itong sumama sa kanya kagabi kahit hindi pa niya sinasabing gutso itong kausapin ni Eillaine. Hindi din siya nito nilubayan kagabi sa gtakot nab aka balikan siya ng gagong modelo na iyon. Ngayon niya lang din nalaman na modelo pala iyon.     Paglabas niya ng kanyang kuwarto ay nakita niyang nakikipaglaro si Oliv kay Tan-Tan hindi niya nakita si Eillaine kaya agad niyang tinanong ang kaibigan.     “She just bought something at the supermarket. Do you need anything?” tanong nito.     Umiling siya at tumabi dito para makipaglaro kay Tan-Tan.     “It seems that you’re not affected about the betrayal of that jerk,” puna nito sa kanya.     Nginitian niya ito. “I experienced more than that. I used to get hurt and this situation is not new to me. What happened to me with my first love was even worse, remember?     Natahimik ito at tumitig sa kanya na tila may gusto itong sabihin ngunit nag-aalangan lang.     “I know that Look, Liv. Come on, what’s in your mind?”     Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. “I’m planning to stay in Manila for quite a long time. Eillaine told me about Bachelor’s Den and I want to build my own Club there, not totally mine because I still want you to be my business partner.”     “That’s a nice idea. I’ll come with you, I already told my manager that I want to go to the Philippines and he granted me indefinite leave.” Tumatangong wika niya rito.     “No way!” Gulat na saad nito.     “Anong ‘no way’ ka diyan. Ayaw mong sumama ako sa inyo sa Pilipinas? Anong gagawin ko dito? O mas gusto mong magpunta akong Paris at doon ako manatili hanggang sa kung kailan ko gustong magbalik sa trabaho ko?” Pinandilatan niya ito ng mata habang nagsasalita.     Tinawanan siya nito. “Sira! Of course, I want you to come with me. I want you to personally introduce me to your first love.”     Sininghalan niya ito ng tawa. “For what? Hindi pa ba sapat ang mga ikunu-kuwento naming sa’yo?”   “Titingnan ko lang kung may chance pa na magkabalikan kayo?” Nakangiting saad nito sa slang na pagsasalita.     “Huwag ka nang umasa, we’re not destined to be together and we both know that when we decided to separate,” saad niya at kinarga si Tan-Tan. “Nagugutom na ba ang baby namin? Wala pa si Mommy kaya si Tita Mommy na lang ang gagawa ng pagkain mo,” sabi niya sa bata.     “You’re still young, Xie. One day, someone will come to love you and be with you for the rest of your life.”     Sumilay ang isang mapaklang ngiti sa kanyang labi. “Nah. I prefer to be alone for the rest of my life. No boys, no headaches and no heartaches.” Iniwanan niya si Oliv sa sala at nagpuntang kusina kasama si Tan-Tan na nilalaro ang kanyang buhok.     “Hmm… what would you like to eat, baby?” tanong niya sa limang buwang sanggol. Ngumiti lang ito sa kanya at tila nawiwili sa kulay ng buhok niya.     “Are you really serious of what you said? What if Thad ask you again?” Lumitaw bigla si Oliv sa likod niya at kinuha ang cereal sa cabinet. Kumuha na rin ito ng mangkok ni Tan-Tan at ito na mismo ang nagtimpla ng pagkain ng sanggol.     Simula nang manganak si Eillaine ay silang dalawa ni Oliv ang malimit na nag-aalaga kay Tan-Tan kapag kailangan si Eillaine sa palasyo. Kapag kailangan naman siya sa trabaho niya ay si Oliv naman ang nag-aalaga kay Tan-Tan. Pamangkin niya ang sanggol kaya may responsibilidad siya dito, iyon lagi ang dahilan nito.     Minsan napagkakamalan pa itong ama ng bata dahil sa may pagka-hawig nga ito ng kunti kay Tan ngunit agad naman iyong tinatama ng binata, baka raw makatikim siya ng mag-asawang suntok sa tunay na ama ni Tan-Tan sa oras na magkita ang mga ito.     “Believe me, malinaw ang naging usapan naming noon. He wants me to achieve my dreams and now that I’m—”     “Now that you succeed, may posibilidad na magkabalikan kayo.” Mabilis na dugtong ni Oliv sa sinasabi niya.   Nawalan siya ng imik sa sinabi nito, natanong niya na rin ang kanyang sarili kung may posibilidad nga bang magkabalikan sila ni Thad at hanggang ngayon ay Malabo pa rin ang sagot niya hanggang ngayon.     “Liv was right, paano pala kapag nakipagbalikan sa’yo si Thad?” Napalingon siya sa may pinto ng kusina at nakita niya si Eillaine na may mga dalang pagkain. Agad naman itong tinulungan ni Oliv sa mga dala nito. “Thank you.”     “Xie, hindi porket nasaktan ka ngayon ay kailangan mo nang sumuko at tanggapin na lang na hindi ka na sasaya ulit. Mapagbiro ang tadhana at talagang hindi ka tatantanan hangga’t hindi mo ipaglalaban kung ano ang tama para sa’yo,” sabi pa nito.     Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga. “Maybe you’re right. Both of you are right, pero hindi ibig sabihin niyan ay makikipagbalikan ako dahil lang sa gusto niya. Nasaktan ako, hindi lang isang beses kundi pangalawa na ito. Naging tanga ako dahil lang sa pagsunod ko sa tadhanang akala ko naman ay kakampi ko.”     “Ayoko na, ayoko nang magmahal. Nakakasawa nang masaktan at umiyak, maawa naman kayo sa akin,” pabirong tiran niya sa dalawa niyang kaibigan.     “Honestly,” saad ni Oliv na nagkamot ng ulo. “I don’t understand what you said can you say it in English?”     Nagtawanan silang tatlo sa sinabi ni Oliv, nawala ang bigat ng loob niya sa biro nito. Totoong hindi pa nito gamay ang mag-Tagalog at makaintindi ng salitang tagalog pero madali naman itong matuto at tinitiyak niyang manatili lang ito ng isa o dalawang buwan sa Pilipinas ay mahahasa na nito ang sarili nilang wika.     Habang nagpapakain siya kay Tan-Tan ay pinagtulungan naman ng dalawang lutuin ang pagkain nila para sa hapunan. Hindi na muna nila pinayagan si Oliv na umalis at maging siya ay hindi pinayagan ng binata na lumabas ng bahay. Kahit pang sabihin na naayos na ang issue tungkol sa pekeng pagpapakalat ng litrato niyang may kahalikan ay hindi pa rin siya ligtas sa mga reporter na nag-aabang lang sa kanya.                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD