Riann's POV
"Dito ang traning room, katulad din sa atin mayroong din silang training grounds pero alam mo naming kakaiba ang training dito kumpara doon right?" Tumango nalang ako rito dahil ako'y napapagod na kanina pa namin inuuli ang Academy at tingin ko ay wala pa kami sa kalahati ng lugar nato hayst.
"Pagod kanaba ? maglunch muna tayo total lunch naman na." Sabi ni Ren na tinanguan kolag ulit. Masyado akong tinatamad mag salita at kung hinahanap nyo si Agro ay hindi ko rin alam kung nasaan ito.
Tahimik lamang kaming naglalakad papunta sa cafeteria.
"Dito tayo maganda dito ang pwesto ako na kukuha ng pagkain" sabi nito kaya tumango ako.
Maganda ang cafeteria dito ang motif ay nature kaya naman walang open area ito at mayroon lamang na magagandang lamesa ganun din yung mga bangko. Isama pa na ang kainang ito ay nasa ilalim ng malaking puno, at mayroong malalaking ugat na nagsilbing disenyo ng lugar.
Dahil sa itsura ng lugar na ito ay nagawang kumalma ng kalooban ko, bumalik sa isip ko ang pang iiwan na ginawa sakin ni Sean at ang biglang pagkawala ni mommy.
"Hime oh kumain kana." Sabi ni Ren ng dumating na ito. Walang imik akong kumain ng mapansin kong may kulang.
"Wala bang chuckie dito?" Tanung ko rito, napatampal naman ito sa noo. Mukang nakalimutan nya.
"Ako na bibili" sabi ko rito at pasimpleng inilabas ang aking Gold Card.
Sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay biglang nagsigawan ang kababaihan.
The newbie kyaaaahhhhh
Si Sean omaygosh , alam nyo bang mayaman daw yan sa labas ng academy?
Really, ang gwapo na pati right?
Oo ganun din yung tatlo nyang kaibigan girl
Natigila ko sa aking pag lalakad at nilingon ang pinag sisigawan ng mga babaeh dito. Parang unti unting bumalik sakin ang sakit. Oo nga at hindi ako umiyak pero tao rin ako nakakaramdam ng sakit.
Kaya habang papasok sya ay nakatingin lamang ako rito ng biglang magtama ang paningin naming dalawa, kita ko ang pagkagulat sa mga mata nito at inilipat ko naman ang tingin ko sa babaeng kasama nito, nakaakbay sya sa babae habang yung babae naman ay nakayakap sa bewang nya.
Muli akong nakipag titigan dito, hanggang sa namalayan kong nasa harap ko na ito at ang kasama nitong babae na walang ibang ginawa kundi tingnan ako mula ulo hanggang paa.
"Hindi ko akalaing hanggang dito ay hahabulin mo ako" nakangising sabi nito sa akin, hindi ako makapaniwala na ang laki ng piang bago nya sa sean na nakilala ko kaya naman ay hindi ako makapag salita dahil doon.
"Who's this b***h ba babe?" Tanung ng babaeng kasama nito.
"Oh well she's my EX girlfriend and I didn't know na hinahabol nya ako hanggang dito, paano ka naman nakapasok eh diba ang lampa lampa mo naman?" Namamahiyang sabi nito, naramdaman kong tumahimik ang paligid. Hindi ko magawang makagalaw o makapag salita manlang sa kinatatayuan ko.
Twinnie please come here
Mahinang bulong ko sa utak ko na alam ko namang malabo nyang marinig.
Para akong natuod sa aking kinatatayuan dahil sa mga nangyayare, hindi ko magawang igalaw o ialis manlanga ng katawan ko doon.
Kita ko ang mapanuring tingin ng mga shaman sa akin rito.
"Bumalik kana sa pinang galingan mo dahil hindi nababagay ang katula------" Hindi ko na narinig ang kasunod ng sinabi nito dahil sa biglang pagdaan ng isang lalake sa pagitan namin.
Para namang nag slow motion ang paligid na lalo pang naging tahimik tinitigan ko lang ang likod nitong papalayo na sa amin.
"Hime akala ko kung ano ng nangyare sayo halika bumalik kana sa table natin ako na ang bibili ng chuckie" Mabuti nalamang ay dumating ang aking kakambal kaya nang hihinang tumango ako rito.
"Alalayan mo sya Agro" seryosong sabi naman ni Ren at agad na umalalay sakin si agro na biglang lumabas sa aking tabi.
"Okay lang po ba kayo Lady Riann" tanung nito, tumango lamang ako at naupo na ng makarating kami sa aming pwesto.
"Napakalaking gago ng lalaking iyun" mahinang sabi ni Agro habang nakatingin kay Sean na nasa kabialng dulo ng lugar na ito at nakaupo sa isnag table kasama ang kanyang kasamahan.
Sean's POV
"Hindi bat si Riann yun yung Ex mo , nag aano ditto yun?" tanung ni Edward, nagkibit balikat lang ako at tumingin kay Luke na titig na titig sa pwesto ni Riann.
Naging okay na kami ni Luke dahil naintindihan nya yata ako?
"Pwede mo na syang ligawan pre" nakangising sabi ko habang nakatingin kay Luke.
"Mukang bago nya si Ren ang tagapag mana ng White Empire" seryosong sabi nito kaya napatingin ako doon kay Riann, Nakita kong kasama nito ang kakambal na si Ren.
Naalala ko tuloy ang ginawang pananakot nito wag ko lnag ikalat na dalawa ang tagapag mana ng White Empire.
FLASHBACKS
Tahimik akong naglalakad pabalik sa Shaman Academy, sinundo ko lang ang isa pang shaman na inutos ng Dean at si Arriane yun.
"Hiwalay na pala kayo," sabi ng isang malamig na boses mula sa dilim kaya naman agad kong inilabas ang aking Kutsilyong purong silver.
"Sinong nandyan?" seryosong sabi ko, lumabas naman mula sa liwanag si Ren. Ito ang kakambal ng aking dating kasintahan.
"Kung nandito ka para sabihing balikan ko sya, wala kang mapapala dahil wala naman na akong nakikitang dahilan para magtagal pa kami. Seryosong sabi ko rito, nakita ko ang paglabas ng ngisi nito.
"Nandito ako para pagbantaan ka" nakangising sabi nito, napaatras naman ako ng inilabas nito ang Gintong Shuriken nito at lumabas ang isang espiritu sa tabi nito.
"Huwag na huwag mong sasabihin sa iba na si Riann at ako ay magkadugo. " Malamig na sabi nito.
Ngumisi ako rito,"At kong sabihin ko sa iba, anong gagawin mo?" nakangising tanung ko rito.
gumanti ito ng ngisi sa akin ngunit nakakatakot ang ngising iyon. Walang orasyon o kung ano man na napapasok nya ang espiritu sa kanyang shuriken at bigla itong naging isang Samurai na nagliliyab.
"Pinagkatiwalaan ka masyado ng kakambal ko , hindi naman siguro masamang bawiin ko yung tiwalang binigay nya sayo hindi ba ? *smirk* sa paraan nga lang na gusto ko." Malademonyong sabi nito na nakapag paatras sa akin.
Nang makita nitoa ng takot sa muka ko ay muling bumalik ang maamong itsura nito ganun din ang liit ng armas nito. Walang pasabi itong umalis.
FLASHBACKS END
Yun ang nang yare noong araw na yun kaya hindi na ako magtatangka na sabihin sa iba ang sekretong yun.
"Bakit kaya isinesekreto nila yun" tanung ko sa sarili ko.
"Ha ?may sinasabi ka babe?" Tanung ni Mariel na nasa tabi ko kaya napaangata ng tingin ko at nakitang nakatingin narin sakin sila luke na tila inaantay ang sasabihin ko.
Umiling lamang ako at kumain hindi alintana ang tingin ng mga ito sa akin. Hindi ko pa gustong mamatay kaya mas mabuti pang manahimik nalang talaga.
"Ang lalim yata ng iniisip mo?" seryosong tanung ni Luke. Nagpanic naman ako dahil mabilis makahuli ang kaibigan kong ito.
"Yung lalaking dumaan sa gitna namin kanina sino yun?" pagbabago ko ng usapan.
"Ah oo yun , nakakagulat na lumabas ito sa HQ nila hindi naman sya bumili basta lang sya dumaan sa gitna nyo at umalis." Paliwanag ni Zach.
"So sino nga sya?" inis na tanung ko dahil mukang isang napakayabang na nilalang ang umepal sa eksena naming kanina.
"Sya si Gael ang first sa Ranking simula ng mabuksan ulit itong academy na ito at hindi ko alam kung ganun parin ngayong taon dahil nandyan na ang taga pag mana ng White Empire siguradong magiging maganda ang mangyayare sa Ranking na darating " masayang paliwanag naman ni Edward.
Napaisip ako sa sinasabi nitong Ranking, tsk kailangan ko pa yatang magpalakas para naman mapunta sa mataas taas na rank.
"Riann" rinig kong tawag ni Luke ditto kaya napatingin ako. Papadaan pala ito sa gilid namin kasama nito si Ren at ang power spirit ni ren.
"Luke hindi ko akalaing makikita kita dito , kaya pla bigla kayong nawala," nakangiting sabi nito.
Luke's POV
"Oo hindi ko rin akalaing shaman ka pala" nakangiting sabi ko rito.
"hindi ko nga alam bakit ako nandito eh wala naman akong power spirit" nakangiting sabi nito sa akin kaya naman napatingin ako sa wrist nito, wala itong bracelet na tulad nung sa amin, kung ganun wala nga syang power spirit.
"Tara na Riann" sabi ng kasama nitong si Ren.
"Mauna nako lu-lu" nakangiting sabi nito sa akin.Napangiti nalang din ako ng marinig ko ang tawag sa akin nito.
Sa totoo lamang ay bago ko maging kaibigan sila Sean ay nauna ko ng kaibigan si Riann, hindi ko rin naman akalaing ako pa ang magiging tulay ng una nyang pagkabigo sa pag ibig at yun ay kay Sean.
"Lalo syang gumanda right?" tanung ni Edward tumango ako dahil totoong Lalo syang gumanda.
"Maganda nga lampa naman at hindi kayang ipagtanggol ang sarili. " Sabi ni sean akay napatingin ako rito.
"Tama si babe she look pretty naman but I'm more prettier than her and di hamak na I'm stronger than her." Conyong sabi ni Mariel na hindi ko nalang pinansin.
Kaizer's POV
Natatawa akong nakatayo dito sa rooftop kung saan kitang kita ko ang ginawa kanina ng aming Leader.
"Anong tinatawa tawa mo dyan hinahanap ka sa HQ ni Leader." Napalingon naman ako sa taong bugnot na nagsalita.
"Pft-- sige tara " natatawang sabi ko rito, tiningnan naman ako nito na parang ako na ang pinakawieardong tao na nakita nya.
Nginisian ko ito at naglakad na palabas ng Rooftop, ramdam ko naman na nakasunod lamang ito sa akin at walang imik na narating naming ang HQ at pumasok na rito.
"Yow Leader hanap mo raw ako?"Nakakalokong tanung ko rito.
"Alamin mo ang lahat ng tungkol sa babaeng kasama ng tagapag mana ng white empire." Malamig na sabi nito pero binaliwala ko lamang ang tono nito at nginitian ito ng nakakaloko.
"Ano kayang masamang hangin ang nagdala sayo papunta sa cafeteria leader?" nakangising tanung ko rito.
"Si Gael? galling sa cafeteria?" taking tanung ni Red at nakita ko naman na nag angat ng tingin si Drake. Mukang ineteresado rin ito.
"Hahahaha oo at gumawa lang naman sya ng napakagandang entranace" natatawang sabi ko sa mga ito.
Ibinaba ni Drake ang hawak nitong libro at nagfocus sa sasabihin ko.
"Kanina kasi nasa rooftop ako para mangalap ng iba't ibang impormasyon , kaso saktong napatingin ako sa Cafeteria Nakita ko si Leader dumaan sa gitna nung tingin ko ay nag aaway isang babae at isang lalaki yun, " sabi ko at tumingin kay Leader . "At ang bonus pa dun ay maganda yung babae ha hahahahha" tumatawang sabi ko.
"Kumuha lang ako ng chuckie" malamig na sabi nito.
"Ang alam ko maraming stuck ng chuckie ditto?" nakahawak sa baba na sabi ni Red na umaktong nag iisip pa.
"Ang paalam mo sa akin kanina pupunta kang comfort room." Balewalang sabi ni Drake kaya lalong lumaki ang ngisi ko.
"Tsk" sabi ni Leader at tumayo saka naglakad palabas ngunit bago pa ito makalabas ng pinto ay nagsalita na ito.
"Make sure na mayroon kana ng impormasyon nya before sunset" malamig na sabi nito at umalis na.
"Weird" sabi ni Red at naglakad patungo sa Refrigerator naming.
"Marami nga tayong stuck ng chuckie," sabi nito.
Akala ko biro lang na nag iisip sya kanina tsk.
"Sinong babae naman yung sinasabi ni Gael?" seryosong tanung ni Drake habang nakatingin sa librong binabasa nito. Umayos ako ng upo at ngumisi saka inilabas ang aing Laptop, ito kasi an medium ng aking Power Spirit.
"Clauss alamin mo yung mpormasyon nung babaeng kasama ng taga pag mana ng white empire." Sabi ko sa aking power spirit na agad din naman nitong ginawa, pumasok ito sa aking Laptop at kusa naman nabuhay ang aking laptop, naramdaman ko naming lumapit sa tabi ko si Drake at Red.
Biglang may lumabas na Hologram kusang nagtipa ang aking laptop, ang aking power spirit kais ay dating batikang magnanakaw at magaling na hacker kaya kapag kailangan naming ng impormasyon ay madali na para sa amin.
"Riann Millan?" habang binabasa ni Drake ang lumalabas sa hologram kung saan kitang kita ang itsura ng babae.
"Adopted sya ni Lord Maximus kaya siguro kasama ni Ren. "Sabi naman ni Red na nasa isang tabi ko.
"Maganda sya, tipid na sabi ni Drake at muling bumalik sa pagbabasa, napangisi naman ako dahil tama sya maganda nga ito.
Riann's POV
" Balik muna tayo sa kwarto natin pagod na talaga ako at inaantok," nanghihinang sabi ko sa aking kakambal. Tinitigan muna ako nito bago tumango at maglakad kaya sinabayan kona lamang ito.
Tahimik lamang kaming naglalakad, hindi ko alam pero mula kanina sa cafeteria nanglambot ako na parang gusto nalang mahiga maghapon, nawalan anrin ako ng gana kumain.
Sa totoo lamang inaasahan ko ng makikita ko sya dito pero hindi ko inasahang ganun kaagap, ganun agad!
"Bukas makakapasok kana hime," nakangiting sbi ni Ren ng makapasok kami sa tinutuluyan namin.
Bumuntong hininga lamang ako at naupo sa sofa, nakita ko naming pumasok si Agro sa kusina.
"Hindi ba marunong gumamit ng pinto yun?" tanung ko sa aking kakambal, napatawa naman ito at tumingin sa dingding na tinagusan ni Agro.
"Hahahaha, Espiritu na kasi sya hime kaya ganun nasanay narin syang ganyan atsaka sabi nya noon nakakatamad daw magbukas sara ng pinto." Tumatawang sbai nit , hindi na ako nagsalita dahil lumabas na si Agro na may dala dalang malaking Chuckie at mga beer in can.
Agad ko naming kinuha ang aking chuckie saka ito binuksan at ininum ito ng diretso.
"Halatang bitin ka sa chuckie sa cafeteria kanina." Natatawang sabi ni Ren inirapan ko ito at muling tinungga ang malaking chuckie.
Nang maubos ko ang chuckie na iniinum ko ay tumayo na ako.
"Matutulog muna ako antok na antok pa ako dahil anong oras na ako dumating dito."Nanghihinang sbai ko rito , tumango naman ito at ininom na ang beer kaay naman umalis na ako at pumasok sa aking silid.
Pabagsak akong humiga, ramdam na ramdam ko ang antok hindi kona nagawnag mag isip isip dahil sa antok at pagod akoy nakatulog nalang.