CHAPTER 4

3827 Words
Riann's POV "Princess wake up" rinig kong sabi ni Dad kaya unti unti kong iminulat ang aking mata. Anong klaseng panaginip iyon? "Anong oras na ba Dad?" tanung ko ng makabangon na ako, hindi ko na muna bibigyan pansin ang panaginip ko. "9:00 na ng gabi, magbihis kana at sabay na tayong kakain at aalis din tayo agad para saktong 12midnight ay nandoon na tayo." Sabi nito sa akin, tumango naman ako dito bilang tugon kaya lumabas na ito ng aking silid. Mabilis akong tumayo at nagpunta sa bathroom, balak kong maligo upang magising ang diwa ko at nakakaramdam din ako ng panlalagkit sa sarili dahil sa aking panaginip. Nang matapos ako ay agad akong pumasok sa aking Closet at nagsuot ng simpleng hanging shirt, black jeans at Rubber shoes. Yes, alam kong medyo cheap but I prefer this than those heels. Paglabas ng aking closet napansin ko na wala na ang aking mga gamit siguro ay naibaba na ito ng mga butler dito sa Bahay. Kaya naman lumabas na ako ng aking silid at dumeretso sa hapag kainan kung saan nakita kong naghihintay si Dad sa akin. "You look cool princess," nakangiting sabi sa akin ni Dad, nginitian ko rin ito bago maupo sa kanang bahagi ng hapagkainan. "Saan pa ba magmamana Dad?" sabi ko habang nakangiti ng nakakaloko napatawa naman si Dad. Hindi na ito nag salita pa at nag umpisa ng kumain kaya kumain narin ako. "Hindi pwede ang cellphone sa loob ng academy" seryosong sabi naman ni Dad kaya napatigil ako sa pagkain. Hindi pwede yun, paano ko sya macocontact? Kaya ba hindi ko macontact ang kambal ko? "Parang ayuko na doon Dad paano kita makakausap nyan.*pout*" napatawa naman si Dad, tumayo na ito kaya napatingin ako sa pagkain nito, ubos na pala . "Sundan mo ako sa Opisina ko" sabi ni Dad at naglakad na, napasimangot ako ng layasan na nga ako nito ng tuluyan, hindi manlang inintay na matapos ako si Dad talaga. Nang matapos na akong kumain ay tumayo narin ako, kumuha muna ako ng isang mansanas na nasa lamesa bago ako sumunod. Habang naglalakad ay kinakain ko ang mansanas at iniisip kung tutuloy paba sa pagpasok sa academy na yun. "Para naman kasing may kakaiba doon" kibit balikat na sabi ko sa aking sarili. Nakarating ako agad sa opisina ng aking Ama at walang katok ko itong binuksan, naabutan ko itong may inilalabas na maliit na gintong box. Nilapitan ko agad ito at umupo sa upuang nasa tapat ng table nito. "Hindi pa ba tayo aalis Dad?" tanung ko rito dahil mukang magbabalik tanaw pa ata ito nung ako ay bata pa tss. Batid kong ramdam nito ang pagkabagot ko kaya nginisian ako nito ng nakakaloko. "Ganun mo na ba ako kagustong iwan at dalian ka princess?" Nakangising sabi ni Dad naiinis na nginusuan ko ito. Alam naman nyang kaya kong hindi umalis para sa kanya eh. "Dad naman kunting inis pa hindi na talaga ako tutuloy" nakasimangot na sabi ko rito kaya naman tinawanan lang ako nito. Binuksan ito ang Box na ginto, nakatingin lamang ako s aginagawa nito. "Ito isuot mo, kahit anong mangyare ingatan mo yan at iingatan karin nyan" sabi sakin ni Dad kaya napatingin ako sa inabot nito sakin. Yung kwintas ko, pero hindi ako sigurado kung ito nga yun dahil parang may nagbago. Yung kwintas ko kasi noon ay transparent lang and masyadong boring ang itsura pero ang kwintas na hawak ko ngayon ay parang may makikinang na glitters sa loob at para narin crystal ito. "A-ang ganda" sabi ko, tumayo naman si Dad at kinuha ang kwintas sa aking kamay. "Itaas mo ang buhok mo", sinunod ko naman si Dad at naramdaman kong isinuot nya sa akin ang kwintas. Napahawak ako sa leeg ko ng maramdaman kong parang uminit yung kwintas pero agad din nawala. "Bagay na Bagay sayo, " nakangiting sabi ni Dad kaya napangiti rin ako at niyakap ito. "Thankyou Dad" sabi ko rito at agad na bumitaw. Mya kinuha pa si dad sa golden box at yun ay isang silver na katana. Inabot nya ito sa akin kaya agad ko itong kinuha, kahit nagtataka ay tiningnan ko ito at nakitang may nakaengrave na pangalan ko, Riann Millan. Kung ganun ay kahit pala doon ay kailangan namin mag ingat, kailangan kong mag ingat. "Sana main---" pinutol ko ang sasabihin ng aking Ama. "Naiintindihan ko Dad, pero paano yung Gold kong katana may nakita akong ganun at nilagay ko yun ngayon sa aking maleta." sabi ko rito, "Gagamitin mo lamang iyon kapag importanteng bagay o pang yayare, huwag na huwag mong iiwan sa kahit na saan dapat dala dala mo yun pati yang katanang silver. " Bilin ni Dad. "Dad hindi ko pwedeng dalhin lagi to saan ko naman ilalagay ko diba?" Gulong tanong ko kay Dad. "Here, you can store here lahat ng gamit mo. Ikaw at ang kambal mo lang ang mayroon nito so please if ever na gagamitin mo ay wag mong hayaang makita ng iba. Pwede mong ilagay dito ang maraming gamit and nandito narin pala ang maleta at ilang gamit mo, pwede din tayong mag usap gamit ito" mahabang paliwanag ni Dad habang isinusuot sa kaliwa kong braso ang isang relo, muka itong smart watch pero sa mga sinabi ni Dad ay mukang napakahightech nito. "And here, eto ang gagamitin mong card sa loob ng academy. Naalala mo ba yung Black Card mo? Nandyan na yun sa relong suot suot mo, ito muna sa ngayon ang gagamitin mo tulad din parin ng dati " sabi ni Dad at inabot sakin ang isang Gold card, kinuha ko ito at sinubukan ang relos. Pinindot ko ang option at pinindot ko naman ang install at itinapat ang censor ng relo sa Gold card at yun na nga napunta na sa loob nung relo ang aking Gold Card kita ko ang pangalan nito sa loob kaya nasabi kong nasa loob na nga. Ginawa ko rin ito sa katana na ibinigay sa akin ni Dad. Tumayo na si Dad ng makitang tapos na ako at napag aralan ko agad ito. "Tara na," sabi ni Dad at naunang maglakad kaya agad akong sumunod dito, pagbaba naming ay nakita ko si ang isang butler na pinag kakatiwalaan ni Dad nasa tapad ito ng isang sasakyan na nakabukas ang pinto sa likod kung ganun ay doon kami sasakay. "Akala ko ikaw lang maghahatid sakin Dad" sabi ko kay Dad ng parehas na kaming nakasakay at nasa driver seat narin si Butler Choi. "Hindi pwede masyadong malayo yun at wala pa akong tulog alam mo naman na princess an tumatanda na ako" kumakamot sa batok na sabi ni Dad kaya napatawa ako at tinitigan ang muka nito. Nakatingin na ito ngayon sa labas ng bintana, alam ko namang kahit ngumingiti ito sa amin ng kambal ko ay nangungulila parin ito kay Mom, malalamig ang mata ng Dad ko malamig din makitungo ito sa iba ngunit napakalambing nito pagdating samin ng kambal ko kaya masasabi kong sya na ang pinaka the best daddy ever para sa akin. Inalis kuna ang tingin ko rito ng makaramdam ako ng antok, hindi ko na namalayang kinain na pala ako ng dilim . Rogue's POV "Tama naman ang gagawin ko diba Butler Choi?" Tanung ko kay Butler Choi, para ko narin itong pamilya dahil bata palang ako ay sa amin na ito nagsisilbi sadyang hindi lang talaga ito mahahalata sa amin. "Tama lang po Lord Maximus, kailangan narin nyang madiskubre ng mas maagap ang kailangan nyang malaman at alam naman nating dalawa na hindi po sya pababayaan ng kakambal nya." Magalang na sagot nito sa akin habang patuloy na nagmamaneho, bumuntong hininga na lang ako ng Makita ko na ang Portal papasok ng Academy, nagbubukas lamang ito sa mga katulad naming SHAMAN. Nang makapasok kami sa Portal ay natanaw ko na ang Malaking Gate ng Shaman Academy, kulay itim ito na may linings na Gold mayroon din dalawang corono na design sa labas. "Mas gumanda ito ngayon Lord Maximus kumpara nung nag aaral kayo rito noon" sabi ni Butler Choi na sinang ayunan ko naman. Totoo ngang mas gumanda ito ngayon at sigurado akong mas lumawak ito. "Princess, nandito na tayo" pang gigising ko sa aking anak na tahimik na natutulog, mabilis naman itong nag mulat ng mata. Bahagya akong napaatras agad din namana kong kumalma ng mapagtantung namalikmata lamang ako. Hindi nya pwedeng makuha ang lahi ng ina nito, maaring mapahamak ang lahat at kung mang yare man yun kailangan maging handa kami. "Dad?" nabalik ako sa reyalidad ng tawagin ako nito. Lumabas na ako ng sasakyan ng pagbuksan ako ni Butler Choi at ganun din naman ang ginawa ng anak ko nung pagbuksan sya ni Butler Choi. "Lord Maximus *bow*" Pagsalubong sa akin ng kanang kamay ng Dean dito, malamig ko itong tiningnan. "Sumama ka sa kanya princess" malamig na sabi ko sa anak ko, agad kong nakita ang pag stiff ng katawan nito marahil ay nagulat ito. "Kailangan naming makabalik agad ni Butler Choi mag iingat ka dito okay?" sabi ko rito at hinarap ito tumango tango lamang ito. "agad agad Dad?" tanung nito sa akin, kita ko ang pangingilid ng luha nito. Parehas malapit ang Daddy's girl/boy ang kambal kaya di na ako magtataka kung sasabihin nitong sasama na sya pabalik. "Sumama nalang kaya ako sa inyo pabalik?" alanging sabi nito, hindi nga ako nagkamali. Napatingin ako kay Butler Choi na nakangiting nakatingin sa amin. "Miller ihatid mo ang ampun ko sa Dorm nya and please accompany her tomorrow morning tour her okay?" Sabi ko rito, ngumiti naman ito sa akin at tumango. "Dad " nagtataakng tanung ni Princess sa akin, kinindatan ko ito at napatawa naman ito. Dahil nagets na nya na hindi nga pala pwedeng ipaalam na sya ay anak ko. "Sige na pumasok kana, ingat kayo dyan okay" sabi ko rito, tuamngo ito sa akin. Niyakap ako nito kaya napangiti ako, dalaga na habol parin sa akin. Hinalikan ko ito sa noo at binitawan. "Ingat ka Dad" sabi nito , tumango ako at sumakay na sa sasakyan. "Kambal talaga sila " panimula ni Butler Choi ng parehas na kaming nasa loob ng sasakyan. "Siguradong magugulat si Ren pag Nakita ang kakambal nya." Nakangiting sabi ko, ngumiti rin si Butler Choi at hindi na nag salita pa. Riann's POV "Dito ang daan" seryosong sabi nito kaya agad ko naman itong sinundan at huminto ito sa isang malaking Building na kulay Ginto. "Pumunta kalang sa Front Desk tapos sabihin mo ang pangalan mo" Bilin nito tinanguan ko lang ito. Bakit ko pa sasagutin hindi sya kambal ko o si Dad hindi ko kailangan magpakabait. Pumasok na ako sa Building na iyon. Malaki ito at napaka elegante ng design, lumapit ako sa front desk. "Riann Millan" agad na sabi ko, binigay naman nito ang isang Card. "Hawakan mo lang yan at yung lalabas na numero dyan ang floor number mo at yan din ang mag sisilbing susi nito." Nakangiting sabi sakin ng babaeng nasa front desk, tumango lang ako at hinawakan na ito ng mahigpit. "F99?" patanong sabi ko rito, nagulat naman ito at nabitawan ang Ballpen na hawak hawak nito. "K-kung ganun sumunod ka sa akin" sabi nito kaya sumunod ako rito, sumakay ito sa elevator kaya sumakay rin ako. Halos manlaki naman ang aking mga mata ng makita ang mga pindutan na nandito. 100 floors ang nandito hindi kasi halata kapag nasa labas "May makakasama po ba ako?" tanung ko sa babaeng nasa tabi ko. "Bawat floor dito sa Gold Building ay 10 ang gumagamit maliban sa dalawa" seryosong sabi nito, "Aling floor po?" tanung ko ulit, tumingin ito sa akin. "Ang floor 99 at 100, dahil sa Floor 99 ay iisa pa lamang ang napipili ng building na ito na gumamit nun, at ngayong dumating kana dalawa na kayo habang sa Floor 100 ay mayroong apat na napili ang building na ito, hindi pa namin alam kung madadagdagan paba kayo." Mahabang paliwanag nito, tumango lang ako rito. Nais ko sanang itanung pa kung lalaki o babae ang magiging kafloormate ko ngunit nagbukas na ang elevator at nauna na itong lumabas sa akin. "Ito ang kwarto mo, dahil anong oras na ng gabi ay malamang natutulog na ang kafloor mate mo. Sabi nito sa akin at inihatid ako sa tapat ng pulang pinto. "Sige iha mauuna na ako, lumapit kana lang sakin sa baba kung may kailangan kapa." Nakangiting sabi nito sakin kaya muli ay tinanguan ko ito at nginitian. Umalis na ito kaya naman agad kong binuksan ang pinto ng kwartong nakalaan sa akin. Pagpasok ko ay namangha ako sa nakita kong disenyo at espasyo. Malawak din naman ang aking silid sa mansyon at iba pa naming bahay ngunit hindi parin maalis sa akin ang pagkamangha na ang school na ito ay kayang ibigay ang ganito kalaking espasyo ng silid para sa mga mag aaral. Inilibot ko ang aking paningim at nakitang may refregerator dito, aircon din ito at may malaking closet na kulay pula, lumapit ako rito at pumasok sobrang daming gamit na pwede kong gamitin, mayroon din mga pares ng uniporme na nahanger. "Mukang magiging masaya ang stay ko rito" sabi ko sa aking sarili at agad na lumabas sa closet. Lumapit ako sa isang Queen Size bed at pabagsak na nahiga,bigla akong nakaramdam ng pagod kaya naman ako'y natulog nalamang. Ren's POV Tok tok tok Bumangon ako at binuksan ang pinto, bumungad naman sakin ang muka ng babaeng nasa front desk. "Master Ren pwde bang pakibigay nito sa kafloor mate nyo kanina kupa sya ginigising pero hindi nya binubuksan ang pinto" Paliwanag nito, bugnot na kinuha ko ang sobre at isinara ang pinto pero agad ding binuksan. "May kasama na ako?" gulat na tanung ko, ngumiti naman sa akin ang babaeng matanda kaya napapahiya akong pumasok ulit at lumabas naman na ito. Dapat mapaalis ko ito bago pa malaman ng iba na may kasama na ako dito. "Aish bat ganyang kulay pa ng pinto?" inis na sabi ko ng makitang kulay pulang pinto ito, pabortio ito ng aking kakambal at malamang ay namimiss na ako nito. Dito sa building na ito dedepende ang mabubuong kwarto depende sa papasok, kaya sa ngayon dalawang silid palang ang meron. "Babae kaya to? Baka naman lalaki Malabo naming may magsamang lalaki't babae dito" muling parang tangang tanung ko sa sarili ko. Tiningnan ko ang relong nasa kaliwang braso ko, grabeng agap pa naman ano ba kasi itong nasa sobre. Binuksan ko ang sobre at nakitang schedule nya ito, 7am ang unang klase nito at 5:30 na. Tok tok tok "Gising na hoy" sigaw ko mula sa pinto, pinakiramdaman ko ito at mukang hindi ito natinag. "Agro ikaw na ang gumising sa kanya," seryosong sabi ko. "Wag kang magugulat pag Nakita mo na ang taong lalabas dyan Master Ren" nakangising sabi nito. Napaisip naman ako sa sinabi ito. Agro's POV "Wag kang magugulat pag Nakita mo na ang taong lalabas dyan Master Ren" nakangising sabi ko kay Master Ren dahil kilalang kilala ko ang nasa loob ng silid na yan. FLASHBACKS AH ! namulat ko ang aking mga mata ng makaramdam ako ng paparating sa floor na ito, tiningnan ko naman si Master Ren na tulog na tulog parin. Nagawa kong makalabas ng silid ni Master Ren ng hindi binubuksan ng ang pinto. "Lady Riann"tahimik na sabi ko ng makita ko kung sino ang pumasok na kasama ng babaeng nasa front desk. Kahit nagulat ay napangiti ako at bumalik na sa silid ni Master Ren. FLASHBACKS END "Agro? Lutang ka nanamang espiritu ka. " Inis na sabi sakin ni Master Ren. "Bubuksan ko lang yung lock ng pinto at ikaw na ang pumasok" sabi ko rito at bago pa ito makaangal ay mabilis akong tumagos sa pulang pinto. Inilibot ko muna ang tingin sa kwarto bago binuksan ang pinto. "Pasok na" nakangising sabi ko kay Master Ren, hindi naman sa wala akong respeto sa kanya dahil sya ang pinakanirerespeto kong tao pero hindi ko maiwasang inisin ito dahil sadyang nagbabago bago ang kulay ng mata nito oras na mainis na pero madalas nitong kulay ay Asul at abo katulad din ng mga mata ni Lady Riann. "Tsk" natawa ako ng inis itong pumasok sa silid kaya sumunod ako rito. Ren's POV Inis akong naglaakd palapit sa isang Queen size bed kung saan Nakita kong may taong natutulog, nakadapa ito kaya kitang kita ko ang buhok nitong mahaba na may highlights. "Parehas pa talaga sila ng buhok ni hime" inis na sabi ko. "Hoy miss gising " sabi ko rito. "5 minutes butler choi" mahinang sabi nito na hindi naging malinaw saken. "HOY MISS GISING" inis na sigaw ko rito. Umangat naman ito unti unting bumangon, "HIME?" Gulat na sabi ko rito ng makita ko ng malinaw ang muka nito kahit nakapikit pa ay kilalang kilala ko ito. "Ikaw pala floormate ko Rentut" husky na sabi nito napaiwas ako ng tingin dahil mahahalatang antok na antok pa ito. "Hayst mag explain ka sakin mamaya magpapaexcuse lang ako at itotour kita ditto matulog ka muna." Seryosong sabi ko saka muling tiningnan, ngumiti ito at tumango tango, pikit parin ang mga mata nito kaya tinulak ko ang noo nito at nagderederetso ang higa nito. "Dito ka na muna pupunta lang ako sa Dean office" sabi ko kay Agro at seryoso naman itong tumango sakin. Umalis an ako at agad na sumakay sa Elevator ngunit may nakasabay ako. "Balisa ka yata Dre?" tanung ni Kaizer, "Papunta ako kay Dean " seryosong sabi ko. Kasabay ko ngayon si Kaizer at ang barkada nitong sila Red, Drake at Gael na walang ibang ginawa kundi isiping kaaway ako marahil ay dahil bago ako rito tsk. Hindi naman na ito nagsalita, ramdam ko ang malamig na titig sakin ni Gael tss nababakla na yata ito sakin. Nang bumukas nag elevator ay agad akong lumabas binilisan ko ang paglalakad ko dahilan para makarating agad sa Dean's Office. Sabi ni Dad ang Dean daw dito ay kaibigan nya pero kahit ganun huwag daw kaming basta basta magtitiwala. Kumatok ako bago pumasok at Nakita ko naman si Tito Lester. "Dean gusto ko lang iexcuse ang sarili ko, may dumating na bagong studyante at isa sa ampun ni Dad yun" seryosong sabi ko rito, seryosong tao si Tito Lester. "Sige bukas na kayo pumasok , uutusan ko na lang si Miller na iiexcuse kayo " Seryosong sabi nito, "Ano nga ulit pangalan nun?" pahabol pa nya. "Riann Millan Dean" sabi ko , napangisi naman ito na ipinagtaka ko. "Sa wakas, kahit kalian talaga yung si Rogue sige na iho makakaalis kana ingatan mo ang AMPUN ng Daddy mo" nakangising sabi ni Tito Lester, kahit nawiwierdohan ay tumango nalang ako at lumabas. Riann's POV "Hindi bat ikaw yung lalakeng kasama ni Ren noong nakaraang gabi?" seryosong sabi ko sa lalakeng HUBAD na nasa loob ng floor na ito. Ang gayak kasi ng floor na ito ay parang condo unit lang din. Ilang minute narin ang lumipas ng nakaalis ang aking kakambal. "Lady Riann ikaw pala yung nagmamasid sa amin nung mga oras na yun" nakangiting sabi nito sakin, nag iwas ako ng tingin dahil sa ngiti nito tss. Ewan ko lang kung makangisi pa ito kapag nalaman kung ano ang pumasok sa utak ko nong oras na makita ko silang magkasama ni Ren. "Hindi ka ba nagdadamit? Tuwing nakikita kita lagi kang hubad tss" seryosong sabi ko, narinig ko naman ang tawa nito. "paumanhin nasanay akong kasama lagi ay lalaki at si Master Ren yun kaya ganito ako palagi sandali lamang at ako'y mag susuot ng pantaas" sabi nito at pumasok sa silid ni Ren. Nagulat naman ako ng tumagos lang ito pinto para makapasok. "Gutom lang to" sabi ko sa sarili ko at umiling iling. Totoo to dahil kanina ko pa rin napapansin na nakalutang ito at hindi nakalapat sa inaapakan ko. "Hime " Lumapit ako agad rito. "Yung kasama mong lalake na may malaking katawan hindi sya tao?" takang tanung ko dito, tumango ito. "Ipapaliwanag ko sayo Hime pero sana wag kang magulat okay?" Tumango lamang ako rito. "Master Ren nakabalik kana pala" napaatras ako ng lumapit ito sa amin. "Huwag kang matakot sa kanya mabait yan kahit ganyan " natatawang sabi ni Ren at nakita ko naming sumama ang timpla nito. "Himala nagdamit ka, " natatawa pang pahabol ni Ren kita ko naming naasar na yung taong yun ay hindi espiritu. "Oo nga pala hime sya si Agro ang aking power spirit, magaling na warrior na namatay noon. Ang academy na ito ay para sa mga shaman , shama lang ang pwedeng makapasok kasama ng kanilang power spirit. " Seryosong sabi ni Ren sa akin. "Hindi ko maintindihan pero bakit nadito ako kung mga shaman lang ang pwedeng makapasok sa lugar na to?" Napabuntong hininga ito, magulo parin ang lahat para sakin pero siguradong masasanay rin ako. "Dahil shaman si Dad at nakuha natin sa kanya ang pagiging shaman." sabi nito sakin. Maraming gumugulo sa akin at marami din akong katanungan sa isip, hindi na ako nagulat dahil mayroon na rin akong ideya, sa totoo lamang ay madalas kong makita si Dad na may kausap na parang kaluluwa pero malabo pa ito naging malinaw lang yun nung mangyare ang insidente doon sa sementeryo. "Kung ang makakapasok lang dito ay shaman dapat wala ako rito kung tunay ngang shaman ako edi sana mayroon akong power spirit pero nakikita mo anman diba na wala ?" nakangusong sabi ko. "HAHAHA meron ka nang power spirit siguro lalabas lang sya kung kalian mo sya kailangan at kung kalian handa na ang katawan mo sa ngayon ay kumain an muna tayo dahil nagugutom na ako." Tumatawang sabi ng aking kakambal. Nagpunta ito sa dining area ng floor na ito, tss para nga kasi kaming nasa condo nito dahil sa sobrang lawak. "Ah eh master ren?" parang naiilang na atwag ni Agro kay Rentut habang na nakatingin sa akin. "Okay lang sumabay ka samin" nakangiting sabi ko sa gwapong na kaluluwang ito, tsk mabuti nalamang ay nagsuot na ito ng pang itaas. "Himala at napag suot mo yan ng pang itaas hahaha" natatawang sabi ni Rentut habang iginagayak ang mga plato, umupo lamang ako at boryong na tiningnan ang kakambal ko. "Alam mo kasi kahit may laban hubad yan HAHAHA mainit daw kasi ang damit kaya himala nalang na mapag suot mo ng damit yan." Paliwanag nito kaya nman tiningnan ko si Agro na mukang nahihiya sa pinagsasasabi ng kanyang master Ren. "Pwede mo namang hubarin kung naiinitan ka hindi naman ako naiilang sa katawan ng lalaki sanay ako sa katawan ni Rentut na patpatin," sabi ko rito. "Ayus lamang kailangan ko narin sigurong masanay dahil dito kana tutuloy at may babae na kaming kasama. " Kumakamot sa ulong sabi ni Agro, habang ang sama naman ng tingin sa akin ni Rentut dahil sa sinabi kong patpatin na katawan nya. Ang totoo nyan ay maganda ag katawan nito at malaking lalake, maputi ito at mayroong magandang labi. Kung hindi mo kami tititigan ng maayos ay hindi mapag kakamalang kambal kami. "Kumain na kayo at itotour pa kita mamaya" seryosong sabi ni Rentut tsk galit agad? Kaya naman tahimik na kaming kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD