Red's POV
"Papasok ka?" tanung ko kay Gael na ngayon ay abala sa paglalagay ng kung ano sa bag nya.
Hindi ako nito tiningnan at tumango lang, napatingin naman ako sa tabi nito.
"Yo! Red" sabi nito, napailing naag ako ng makita kung ao ang hawak hawak ng power spirit ni Gael.
"Ahhhh ! nakakamiss din mabuhay," sabi pa nito na hindi ko nalang binigyang pansin.
Nang maayos na ni Gael ang kanyang bag ay tumayo na ako at naghanda na paar umalis, sadyng hinintay ko ito upag sabay na kaming lumabas.
"Pumasok ka na," malamig na sabi ni Gael sa kanyang Power spirit na abala sa pag inum.
"Nahhh mamaya na, Sabi nito saka ito tumayo at nauna ng umalis samin.
"Bakit hinahayaan mo lang syang umalis?" tanung ko kay Gael, kaming dalawa nalang ang naiwan dito dahil maagap ang schedule ni Dark at Kaizer.
"Let him, hindi lalayo sakin yan" mahinang sabi nito at naglakad na, paglabas namin ng pinto ay nakasandal ang power spirit ni Gael at mukang hinihintay kami.
"Tsk ang tagal nyo" maiksing pasensyang sabi nito, hindi naman sya pinansin ng kanyang master bagkus ay naglakad na ito papasok sa elevator.
"Knight yung pinagagawa ko gawin mo," malamig na sabi ni Gael kaya naman nagtatakang tumingin ako sa dalwa, tahimik at seryoso lamang na tumango si Knight.
Si Knight ang power spirit ni Gael ngunit hindi mo mahahalata sa kanya na isa itong power spirit dahil kung makaasta ito ay animoy nabubuha pa, may kakayahan din ito itago ang presensya nya bilang isang power spirit.
"Malapit na ang Ranking" mahinang sabi ko kay Geal, hindi ito nagsalita kaya hindi narin ako nagsalita hanggang makababa at makalabas kami ng Elevator.
"Malapit na at mukang wala parin syang alam na kahit ano," hindi ko naman batid kung sinong sya ang tinutukoy nito, hindi nalang ako nagsalita at sumunod nalang dito sa paglalakad.
Nang makarating kami sa klase namin ay nakita ko agad ang muka ni Riann, parehas pala kami ng schedule ngayon.
"Yow Riann, mukang puyat na puyat ah," sabi ko rito dahil kitang kita sa mata nito ng eyebags.
Hindi ito nagsalita at dumukmo lamang sa lamesa kaya umupo nalang ako sa likod nito dahil nauna si Gael na maupo sa tabi nito.
Hindi pa man nakakarating ang aming guro ay may pumasok ang isang lalaki ang kaibahan nito sa ibang pumapasok ay nakatingin ito ay Riann at taging kay iann lamang ang atensyon kay malamang ay si Riann ang pakay nito kya tinitigan ko ito.
"Mag usap tayo Max," seryosong sabi nito, nagtatakang tiningnan ko ang dalawa.
"Sya yung lalaki kahapon Master Gael" rinig kong sabi ni Knight, kung hindi ako nagkakamali ay ang lalaking nasa tapat ngayon ni Riann ay si Sean, ang dating kasintahan nito base sa mga naririnig ko.
"Umalis kana, wala na tayong dapat pagusapan pa," malamig na sabi ni Riann, tumingala ito at medyo tumagilid. Kaya naman kitang kita ko mula sa kinauupuan ko ang mata nitong puro Eyebags .
"Sumama ka sakin kailangan nating mag usap," malamig na sabi ni Sean dito, aawat na sana ako ng nakita kong umiling si Leader kaya naupo nalang ako.
"Anong nangyayareng kaguluhan ditto? Mr baka nagkakamali ka ng klaseng pinsaukan mo, maari kanang umalis dahil nakakaabala ka sa klase ko." Buti nalamang ay dumating na ang guro namin.
"Magkita tayo mamaya sa garden after class mo," sabi nito saka umalis, napailing nalang ako at tinapik si Riann sa balikat.
Riann's POV
Bumontong hininga ako ng makaalis na ito , nag umpisa naman ng magturo ang guro.
Inaantok ako dahil halos hindi ako makatulog kagabi sa pag iisip dahil sa mga narinig ko.
FLASHBACKS
Dismissal na namin ng hapon ngayon at mag isa akong naglalakad ng may Makita akong maliit na liwanag kaya sinundan ko ito, nakaramdam naman ako ng kaba ng dalhin ako nito sa likod ng isang building.
"What's your plan baby?" nang marinig ko ang boses na yun ay mabilis akong nagtago sa likod ng mga drum doon na mukang walang laman. Sinilip ko kung sino ang nagsasalita.
Tinakpan ko naman ang aking bibig upang hindi mkagawa ng ingay.
"Sa ngayon wala pa" sagot ni sean.
"Bakit hindi mo nalang ituloy yung plano natin kay Riann? HAHAHA you know what she look pathetic that time, she really loved and trusted you without knowing na ginagamit mo lang sya." Ramdam ko naman ang pamamanhid ng katawan ko dahil sa narinig.
"Yeah" simpleng sagot sa kanya ni Sean.
"Ang tahimik mo yata babe? anyway happy 5years anniversary, iloveyou." Sabi ni Arriane ditto kaya nanlaki ang mga mata ko, Damn.
So all this years sa buong 2years naming ay niloloko nya lang ako?
"Happy Anniversary baby iloveyoumore." Akmang hahalikan na sya ni Sean kaya't hindi na ako tumingin dahil hindi baka hindi ko kayanin ngunit..
"May tao master Sean" rinig kong sbai ng isang boses mula sa bracelet ni Sean.
Nagpanick naman ako , inilibot ko ang aking paningin. f**k
Nakita ko namang naglakad na si Sean inilabas nito ang kanyang power spirit ganun din ang ginawa ni Arriane, rinig ko ang kabog ng dibdib ko.
Mahuhuli nako s**t, sabi ko sa sarili ko ngunti natigilan ako.
Bakita naman ako matatakot na mahuli, hindi nga sila natakot na lokohin ako ang ng dalwang taon!!!
Akmang haharapin ko na sila ng biglang may bumalot sakin na kung ano, para itong mga baraha. Nakatayo na ako ngayon mula sa pagkakatago ngunit laking taka ko ng mapansing hindi nila ako nakikita.
"Walang tao, mabuti pa bumalik kana sa dorm mo." Sabi ni Sean kay Arriane, nakita ko namnag umalis na yung dalawa at unti unting nawala ang parang shield na bumalot sakin.
"Hi" biglang sabi sakin ng isang lalaki .
Tinitigan ko ito, napansin kong asul ang mga mata nito at sa gitna ay parang may diamond, ang puti nito at maayos ang pananamit ngunit mayroon itong tattoo sa ibaba ng kanyang mata. Tinitigan ko ito ng mabuti, napansin ko naman n para itong si Joker ngunit napakagwapong version ng lalaking nasa harap ko.
"Are you okay miss? You know what kaya siguro nalalagay ka sa kapahamakan because you're a cat, lagi kang kinakain ng kursyonidad." mahaba at mayabang na lintaya nito.
"Anyway, I'm Knight and this is the second time I protect you. Oh well thats my Master want. HAHAHA. Go to your dorm, baka mamaya may pagala gala ditong gusto kang gawing power spirit dahil wala ka nun HAHAHA, bye Kitten. " Sabi nito at naglaho, ibig sabihin isa itong power spirit ng isa sa mga studyante dito?
"Damn" I should be more careful next time.
FLASHBACKS END
"MS. MILLAN" agad akong napatayo.
"M-m-maam bakit po?"kinakabahang tanung ko, rinig ko naman ang tawanan ng mga kaklase ko.
"Mukang malalim ang iniisip mo, palalampasin ko yan kung masasagot mo ang tanung ko." Namumula sa galit na sabi nito.
"Y-y-yes maam" kinakabahang sabi ko rito.
"Who is the owner of Shaman Academy?" galit na tanung nito sakin Sumimangot naman ako, tumahimik ang paligid
"Its inappropriate na ipahiya ang isang baguhang studyante at itanung ang bagay na kahit sino ay hindi nalalaman kung anong sagot?" Sabi ng malamig na boses, nakita ko naman kung paano mamutla ang muka ng guro na ito.
"S-s-sorry Master Gael" nauutal na sabi ng guro.
"D-Dismiss" sabi ng guro kaya nag alisan agad ang mga studyante kaya naman tumayo na ako.
Masyadong maagap kaming napalabas.
----------
Ala-sais na ng hapon ngunit maliwanag parin ang paligid, kaya napili ko muna tumigil dito sa Garden na nadaanan ko kaninang pauwi na ako sa dorm. Tahimik akong nakatingin sa langi habang umiinum ng chuckie.
"Hi" sabi ng isang boses kaya tiningnan ko ito.
Si Drake pala, naupo ito sa tabi ko.
Ngumiti ako rito "YO!" cool na sabi ko saka ipinagpatuloy ang pag inum ng chuckie.
"Gusto mo?" ramdam ko naman ang titig Drake kaya naman inalok ko ito ng iniinum ko ngayon.
"Miss ko na sya" Sabi ko sa isip ko habang nakatingin sa langit, kamusta na kaya si Ren? si Dad kaya?
"Sino?"Takang tanung nito.
"Ahm yung kapatid ko"simpleng sagot ko rito, totoo naman na namimiss ko ang kapatid kong si Ren. Nakakagulat lang talaga na narinig nya ang sinabi ko.
"May kapatid ka ?" gulat na tanung nito,"Ang alam ko ay ampon ka lang ni Mr.MacMillan, isa ka sa mga batang naulila dahil sa kasamaang ginawa ni Mr.MacMillan." Nagulat naman ako sa sinabi nito ngunit hindi ko ipinahalata.
"Anong ibig mong sabihin? Naging mabait naman sakin si Da-- Mr. MacMillan" gulat at dire diretsog sabi ko at muntik pa akong madulas ng Daddy.
"Si Gael, Kaizer, Red at ako, utang namin ang buhay namin kay Mr. MacMillan, yun ang nasa isip naming nung una.Pero dumating yung araw na nalaman namin na kaya kami naulila ay dahil pinatay ng mga tauhan ni Mr.MacMillan ang mga magulang namin, isa isa kaming nagbalik tanaw nung oras na yun at tama nga dahil tandang tanda namin noon ang tatak ng mga uniporme ng mga pumatay sa magulang namin, nung mga oras na yun ay gusto naming sugudin si Mr.MacMillan ngunit wala pa kaming sapat na kakayahan hanggang sa may mabuong plano sa utak ni Gael. Tumakas kami noon magkakasama, nabuhay namin ang sarili namin at hindi kami hinanap ni Mr.MacMillan at yun ang pagkakamaling ginawa nya. Hinayaan nyang makawala ang mga halimaw na balang araw ay papatay sa kanya, hanggang sa isa isa namin nalamang shaman pala kami at pumasok kami sa academy na ito ilang taon na ang nakalilipas." Mahabang kwento nito, dala ng gulat ay natulala ako rito. Hindi ganun si Daddy.
"Okay kalang ba?" bakas sa muka nito ang pag aalala ng mabitawan ko sa sobrang kaba ang chuckie na iniinum ko .
"Y-y-yeah a-aalis na ako may gagawin pako sa dorm" nagmamadaling sabi ko rit , ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko.
Mabilis akong naglakad papunta sa aking dorm dahil sa aking narinig.
Hindi ganun ang Daddy ko, he has a good heart, kaya kailangan ko syang makausap ngayon din.
Mabilis naman akong nakarating sa dorm ko, isinara kong mabuti ang mga pintuan ganun din ang binatan pumasok ako sa aking sariling silid at chineck kung maayos ang pagkakasara. Nang masigurado kong ayos na lahat ay mabilis kong binuhay ang aking Relos, may pinindot pindot ako rito at sa wakas nag umpisa ng tumunog ito tanda ng pag coconnect ng aking gamit sa gabi ni Dad.
"WHAT?!" sigaw ko ng biglang nag rejecting tapos hindi na muling nagring.
Napasabunot ako sa aking buhok dahil doon.
"Paano na ito? I need to tell him about this," parang baliw na kinakausap ko ang aking sarili. Nagpagulong gulong ako sa kamang hinihigaan ko, wala na anga akong tulog kagabi at mukang hindi din ako makakatulog ng maayos ngayon, damn.
Nanatili lamang akong nakahiga roon at dala ng malalim na pag iisip ay may narinig akong lagabong mula sa labas ng silid ko.
Sa pagkakatanda ko ay inilock ko ng maayos lahat ng pinto at bintana rito, nakaramdam naman ako ng kaba.
Mabilis kong binuksan ang maliit na silipan mula sa kwarto ko at Nakita ko roon ang tatlong lalaki na naghahaluhog sa buong dorm na ito. At dahil nag iisa nalang ako rito ay iisa lang rin ang room kaya naman sigurado akong ditto na ang punta nila sa room ko.
"Wala akong laban sa kanila may kapangyarihan sila habang ako ito at maganda lang," tahimik kong sabi sa aking sarili habang nakatingin sa mga hawak nitong medium na may power spirit. Pumasok ako sa CR ng aking kwarto, tumingin ako sa taas at napangisi.
Mukang may tunnel sa taas, mabilis kong inakyat ang square na harang nito at pumasok ditto.Sinigurado ko ring maayos kong nailagay ang takip upang hindi mahalata.
Narinig ko naman na nasa loob na sila ng aking silid kaya nagmadali akong umakyat ng umakyat, bakit ba kasi pataas ang tunnel na to. s**t.
Nang makita kong may lilikuan ito ay agad akong lumiko roon. Napangiti ako ng makitang mayroong pwedeng labasan.
Kaizer's POV
"Susunod nalang ako sa dinning hall maliligo lang muna ako" sabi ng aming leader, tumango naman sila Drake at Red.
"Iintayin kana namin," sabi ko rito at naupo sa sofa.
Pumasok naman ito sa Bathroom at hindi pa nakakalipas ang ilang minuto.
"WHAT THE f**k" bigla nalang itong sumigaw kaya nag uunahan kaming pumasok sa bathroom ngunit may kakaiba kaming nadatnan.
Nakasalampak si Gael habang naked at tanging towel lang na nakatali sa bewang nito ang suot suot nito habang si Riann naman ay gulat na gulat na nakapatong sa tyan nito.
"Ang panget ng bagsak ko," sabi ni Riann habang hinihimas ang kanang paa.
"GET OFF" ng sumigaw si Gael ay dali daling tumayo si Riann ngunit nadulas ito.
"Argh" daing ni Gael ng muling mapaupo ito sa tyan niya.
"S-s-sorry" sabi nito at pilit na tumatayo ngunit napansin ko naman na mukang namamaga ang kanan nitong paa kaya lumapit na ako para tulungan ito .
"Anong ginagawa mo dito?" takang tanung ni Red, napakamot ito sa ulo nya.
"Ano kasi may pumasok na tatlong mga lalaki sa dorm ko kaya tumakas ako gamit yung tunnel na yun(turo sa bukas na tunnel) mula sa CR ko kaso dumulas ako at napasama ang hulog sa kanya," nahihiyang sabi nito .
Sumeryoso naman kami ,
"What?" tanung ni Gael tiningnan ko ito, nakasuot na ito ng bathrobe.
"Ano kako tumakas ako gamit---" hindi na pinatapos ni Gael ang sasabihin at lumapit na dito.
"May tatlong lalaki sa dorm mo?" seryosong tanung nito, tumango naman si Riann.
Lalo akong sumeryoso, kusang lumabas si Clauss ng aktong tatakbo na kami palabas ay sumigaw si Riann .
"Hoy teka paano ako," sigaw nito habang nakahawak sa pinto ng CR na nagsilbing suporta sa kanya.
"DAMN , BILISAN NYO PUNTAHAN NYO ANG DORM NITO AT IHARAP SAKIN YUNG MGA LALAKING YUN." Galit na sigaw ni Gael, napangisi ako. Ang sarap nya sanang asarin kaso wala sa oras hahah.
"Oo nga Master Kaizer bagay nga sila pero gusto mo bang mahuli sa bakbakan, kasi kanina pa tumakbo papunta doon sila Master Drake" sabi ni Clauss na nagdulot ng inis ko ngunit agad kong pinakalma ang sarili ko at tumakbo nalang.
Kapag nagpadala ako sa inis ko ay lalong wala akong aabutang bakbakan.
Pagdating namin doon ay tanging magulong dorm nalang ang aming naabutan, wala na yung mga lalaki.
"Damn ang bilis nila" inis a sabi ni Red habang ako naman ay pinipigilang mainis dahil baak ditto pa ako makatulog tsk. Naglakad nalang ako pasakay ng elevator ngunit at pinindot ag floor number namin. Sumabay naman na sa akin si Red at si Drake na malalim ang iniisip.
"Para sa isang babaeng baguhan ay masyadong malaki ang floor na yun para lang mag isa sya bakit walang ibang pinipili ang building na ito para makasama nya? Ang pagkakaalam ko ay maraming studyanteng bago. " Seryosong sabi ni Drake , dahil sa sinabi nyang iyon ay napaisip din ako.
Mabilis kaming nakarating sa floor namin, naabutan namin doon si Riann na seryosong nakaupo habang nakataas ang paa na ngayon ay mayroong benda. May hawak hawak itong chuckie.
"Si Gael?" tanung ni Drake nito, ngumuso lamang ito sa pinto ng CR.
"Arte arte nakakailang ligo ba yun sa isang araw" tanung nito, napatawa naman ako sa inasal nito.
"Depende kababaan ay 4 na ligo siguro " natatawang sagot ko rito.
"Kalalakeng tao, anyway nahuli nyo ba????" tanung nito at dahan dahan umayos ng tayo, umiling ako rito. Nakita ko namang napabuntong hininga ito.
"Kung may power spirit lang ako, nahuli kuna sana yung mga yun at napakain sa alagang Lion ng kapatid ko" dire diretsong sabi nito di alintana ang mga lumalabas sa bibig nito.
"M-may kapatid ka?" tanung ni Red tumango ito .
"Ay hindi pala nasabi sa inyo ni Drake, anyway may kapatid ako at wala dito yun kaya walang magtatanggol sakin tsk . Kaya ko sarili ko pero pag usapang power spirit dibale nalang," sabi nito at nagkibit balikat. Tumahimik naman na kami.
"Nahuli nyo ba?" seryosong tanung ni Gael, napupunas pa ito ng buhok na animo'y katatapos lamang.
"Hindi,pagdating namin dun nakaalis agad" sagot ni Drake dito.
"Knight ikaw na bahala " sabi nito, lumabas naman mula sa bracelet nito ang power spirit nyang si Knight.
"Ikaw? Hindi ba ikaw din yung nandun sa likod ng building." Gulat na tanung ni Riann dito, tumango si Knight at ngumiti dito.
Nakita kong nakatingin ng seryoso si Gael dito ganun din ang iba pa maliban kay Riann na ginantihan ang ngiti nito . Nakakagulat nga naman makitang nakangiti ang power spirit ni Gael, sa totoo lamang kung anong inugali ni Gael ang pagiging kalmado nito lagi, seryoso at malamig ay nakuha ng power spirit nito kaya't nakakagulat na nakikipag usap pa ito kay Riann.
"Late , milady" sabi ni Knight at nawala nalang bigla, napailing nalang ako at hinarap si Riann.
"Sino ka ba talaga?" seryosong tanung ko, namutla ito at napatigil ang pag inom nito ng chuckie at sumeryoso.