Riann's POV
Byernes ng hapon ngayon at dahil sabado bukas ay makakatulog ako ng dire diretso. Masyado akong binabagabag dahil hanggang ngayon hindi parin ako kinokontak ni Dad o kahit ni Ren manlang.
"Padorm kanaba?" tanung sa akin ni Lulu, lagi na itong nakasunod sa akin at dahil same kami ng class ngayon ay sabay kaming natapos.
"Oo lulu" sagot ko at inayos an pagkakahawak sa librong hiniram ko kanina sa Library, hindi kasi ako nakapag lunch dahil nang hiram ako ng books sa library.
"Friday ngayon so it means walang pasok bukas, ayaw mo bang mag bar, tuwing Friday night and Saturday night ay nagbubukas ang isang bar na malapit sa forest" sabi nito, naging interesante naman ako sa sinabi nito kaya tiningnan ko naman ito ng mabuti, madalas kasi ako nitong pagtripan noong nasa mundo pa sya ng mga tao mahirap na baka sabihin bigla nitong prank lang yun. At alam na alam nyang mahilig akong mag bar kaya naman baka niloloko lang ako nito.
"Magkita nalaang tayo doon" sabi ko ng masigurong hindi naman ito nag bibiro, saka ako mabilis na umalis sa harap nito.
"IINTAYIN KITA" sigaw nito hindi ko a ito nilingon at nagpatuloy lamang sa pag lalakad, ng makaliko n ako ay may humarang sa akin.
"Natyempohan Karin naming na mag isa, bakit ba kasi lagging sumasama sayo si Luke HA!?" galit na tanung ng babae, tiningnan ko ito isa isa.
Dalawa lamang sa kanila ang kilala ko,
"Akalain mong hanggang ditto magcocross pa rin pala ang mundo natin?" nakangising sabi nito sa akin pero hindi ko nalang ito sinagot, taimtim lamang akong nakatingin sa kanila.
"What do you want from me?" nang mainip ay ako na ag nagtanung dahil wala yata silang balak na sabihin sa akin ang kailangan nila tsk.
"Trix she's so nakakainis nasagot sagot pa sya to us" sabi ni Mariel sa babaeng nasa gitna, tiningnan ko si Mariel bago ibinaling ang tingin kay Arriane. Napailing ako.
"Natalia patulogin mo sya" sabi nung trixie sa babaeng katabi nito, naalerto ako at akmang tatakbo paalis ngunit hindi ko maigalaw ang mga paa ko, tiningnan ko ito.
"Habang kinakausap ka namin hindi mo namalayan na napasok at nalanghap muna pala ang gamut na nakakapag paralisa ng isang tao, dapat yata pinatulog kana lang namin," nakangising sabi ni Trixie.
"You don't have the right to flirt my boyfriend b***h *PAK*" sabi nung trixie at sinampal ako, nabaling ang ulo ko sa kabilang gilid dahil s lakas ng ginawa nito.
"Natalia" tawag nito sa babae tumango naman ito at may inilabas na isang mini fan bigla itong lumiwanag, kung ganun yun ang kanyang over soul.
Itinapat nito ang mini fan sakin at biglang humangin ang hangin na iyon ay nakakaantok at alam kong hindi ko na mapipigilan ang pagbaksak ng talukap ng mata ko.
"Dalhin nyo sya! Sya ang magiging entertainer sa bar mamaya HA HA HA" huling narinig ko.
Luke's POV
Nakangiti akong naglakad papunta sa aking dorm, Silver Building ito at kasama ko doon si Sean, Edward at Zach mayroon parin anim na hindi ko naman gaanong kasundo.
"Parang ang saya mo yata?" salubong sa akin ni Edward, ngumiti ako dito.
"Sa wakas kasi makakapag unwind ako mamaya kahit papano", pero ang totoo ay dahil muli kong makakasama ang aking kaibigan na si Riann. Alam ko kung gaano yun kalakas uminum. Masaya itong kainuman, kahit hindi madalas magsalita.
"Oo nga pala katatawag lang ni Mariel kay Sean may paspecial event daw sila mamaya , mukang masaya to" nakangiting sabi ni Edward, hindi konalang ito pinansi at nagtungo sa aking silid.
Binuksan ko ang aking Drawer at Nakita roon ang larawan naming dalawa ni Riann.
"Hindi ka sana nasaktan kung hindi ako naging duwag noon " malungkot na bulong ko habang nakatingin sa larawan.
Tumayo na ako para maiwasan ang mga negatibong maaring pumasok sa isip ko.
Fast Forward.
"Hoy Luke tumigil ka nga kanina pako nahihilo sayo" inis sabi ni Zach sa akin, umupo naman ako sa tabi nito.
Kasalukuyan kaming nandito na sa Bar at 'till now wala parin si Riann.
"Ano bang problema mo dude? Mag enjoy kana lang okay, tingnan mo yun oh ang daming chiks na kasama ni Trixie" sabi nito habang itinuturo ang groupo ni Trixie na naglalakad palapit sa couch kung saan kami nakapwesto, kasama nito ang kasintahan ni Sean.
"Hi girls" malanding bati ni Edward sa mga it , mukang masaya ang mga to.
"May pupuntahan lang ako", maiksing paalam ko ngunit bago palang akong tatayo napatigil na ako.
Nkaita ko lang naman ang groupo nila Gael at himalang nagpunta si Gael dito. Naglalakad ang mga ito at lahat ng atensyon ng mga nandito sa bar ay napunta sa kanila, naupo ang mga ito sa VVIP couch.
"Hindi ba aalis ka Luke?" tanung ni Mariel.
"A-ah oo " sabi ko at akmang maglalakad na ng marinig kong magsalita si Trixie.
"Mukang interesado ka talaga tungkol sa sinabi ko at nagpunta ka rito" nakangising sabi nito kaya nama tiningnan ko ang iniimikan nito.
Nakatayo ngayon si Trixie sa gilid ni Gael, pero imbis na tumingin sa kanya ay nakatingin lamang si Gael sa baso ng alak.
Totoo pala ang sabi sabi na hindi ito tumitingin sa mata ng kausap nito, masyado kang mailap dude.
"They blackmailed me" malamig na sagot nito at tumalikod kay Trixie.
Imbis na umalis ay naupo nalamang ako, baka nahuli lamang ito.
"This night will be full of fun" nakangising sabi ni Trixie, nakita kong ngumisi rin si Arriane bago uminum ng alak.
Nakaramdam naman ako ng kaba kaay ako'y tumayo na, hahanapin ko si Riann baka napapano na yun.
"Good evening shamans !! Nais ko lang ipaalam sa inyo na nagbigay ng handog si Lady Trixie upang mayroong mapagkatuwaan sana ay mag enjoy kayo sa gabi na ito." Masayang sabi ni Chibi, isang shaman din na inatasang mamahala ng ganitong Bar dito sa loob ng Academy.
Nagsigawan naman ang mga kalalakihan, alam na nila kapag si Trixie ang nagbigay ng handog ay lagging Babae ang ibinibigay nito, at ang ibinibigay nito palagi ay ang mga shaman na babae na nakakaaway nya. At walang karapatan ang mga shaman na wala pang ranggo sa Academy na ito para pigilan ang ganung bagay. Kaya tuwang tuwa nag mga lalaking shaman dahil maari nilang gawin lahat ng gusto nila sa mga inaalay ditto kung walang ppigil na nakatataas.
Hindi na ako umalis dahil masama ang kutob ko sa isang malaking kahon na nasa Dance stage.
"Bakit parang may mangyayareng hindi maganda?" Rinig kong sabi ni Zach, palihim akong sumang ayon dahi totoo nga iyon.
"Luke tumingin ka sa table nila Gael , nakakapanibago diba? Wala yung pilyong ngiti ni Kaizer , hindi nagbabasa ng libro si Drake , at hindi wala yung masayahing muka ni Red? Bakit kaya puro sila seryoso?" usisang tanung ni Edward, mukang narinig naman ni Zach yun.
"Baka dahil kasama ang leader" nguso nya kay Gael na malalim ang tingin sa malaking box na nasa ibabaw ng dance stage.
"Bakit naman ganun sila makatitig dun sa Box? Gusto ata nila yung handog ni Trixie." Pilyong sabi ni Edward, tama nga ito lahat sila ay nakatitig doon sa box habang may tig iisang hawak na baso ng alak.
Hindi ko nalang binigyan pansin at uminum narin ng alak, mukang wala ng balak magpunta dito si Riann.
Kaizer's POV
"Dude umuwi kana kaya? Mamaya ditto kapa abutin ng sakit mo" sabi ni Red sa akin habang nakatingin sa Stage.
Bumuntong hininga ako, tama siya baka pag nainis ako ay ditto pa ako abutin ng tulog magiging pabigat lamang ako sa kanila.
"Wag po kayong mag alala Master Red, ako nalang po ang bahala sa kanya sa oras na makatulog ito" napangiti ako ng marinig ang boses ni Clauss na nagmula sa aking Bracelet.
Hindi naman na nagsalita si Red, nakakapanibagong hindi ito makulit ngayon.
Nandito kami ngayon sa Bar dahil sa nalaman kung impormasyon isama mo pa ang sulat ni Trixie na binigay daw kay Gael kaninang hapon.
FLASHBACKS
"Master Kaizer hindi ba't si Lady Trixie yun" sabi sa akin ni Clauss, tiningnan ko ang tinitingnan nito.
Tama si Trixie nga at kasama nito si Natalia, Arriane at Mariel at dalawang lalaking may hinihilang babae.
"Masama ang kutob ko" sabi ko sa sarili ko, tiningnan ko iyon ng maayo.
Tama ako si Riann yung hila hila ng mga ito at halos makita na ang pang ilalim nito dahil maiksi ang skirt ng school na ito, may punit narin ang blusa nito at wala ng blazer.
Mabilis akong tumakbo paalis ng Rooftop upang makapunta sa aming HQ ngunit pag dating ko roon ay walang tao.
Kaya tumakbo ako ulit ng makarating ako sa Gold Building, mabilis akong sumakay ng elevator may naitulak pa akong isang babae.
"D-dude" hinihingal na sabi ko ng makarating ako sa floor naming at pumasok doon. Lahat naman sila ay kampanteng nakaupo.
"S-s-si Leader" hinihingal na sabi ko.
"Kaaalis lang dude siguro papunta sa HQ naingayan daw samin" nakangiting sabi ni Red, inis kong ginulo ang aking buhok.
"KAIZER" rinig kong sigaw ni Red ng mapaupo ako.
"Inaanto---" tuluyan na akong nakatulog.
FLASHBACKS END
At pag gising ko kanina ay paalis na sila nung itanung ko kung pasaan ay papunta daw ditto at balak pa akong iwan ng mga gago. Mabilis akong nagbihis kanina. Hindi ko na kailangang sabihin yung nalaman ko dahil nakita ko naman ang laman nung sulat na hawak hawak kanina ni Leader nung magising ako.
"Ano kayang nagawa sa kanya ni Riann" tanung ni Ren, nagkibit balikat ako at tumingin kay Leader.
Tama lang na anndito sya dahil sya ang dahilan kung bakit pinag iinitan ni Trixie si Riann.
"Nag iistart na" mahinang sbai ni Drake kaya tinutukan ko na ito ng tingin.
Unti unti ng ginupit ng dalawang lalaki ang malaking ribbon at nang matanggal ito ay inangat ng mga ito ang takip. Saktong pag tanggal ng takip ay pagbagsak ng apat na bahagi ng kahon at lahat naman ay napapikit at napatakip ng mata dahil sa kulay asul na liwanag.
Nang mawala ito ay tumayo ako, ngunit nauna na pala sa aking yung tatlo pare parehas itong naroon na sa stage.
Bigla akong nakaramdam ng inis kaya tumakbo ako patungo sa kanila at umakbay kay Red. Sa mga ganitong sitwasyon mas okay na akbayan to.
"Dude okay kalang?" tanung ni Red tumango ako at tiningnan si Riann.
Habang nakatitig kay Riann ay nawala ang antok ko, ngunit ramdam ko parin ang inis ko.Tinititigan ko ang kabuuan nito marami itong galos ngunit hindi na uniporme ang suot nito nakasuot na ito ng isang asul na bistida na parang diwata nakapikit ang mata nito na tila natutulog. Hindi mahawakan dahil may bumabalot na parang kuryente sa katawan nito.
HOY TUMABI NGA KAYO DYAN HINDI NAMIN MAKITA OH!!!
Narinig ko naman ang singhapan ng mga tao, mukang hindi kilala ng lalaking ito kung sino kami. Tiningnan ko ito at hindi ito pamilyar sa akin mukang bago nga lang ito.
"Aba matigas ang mga to" sigaw nito.
"Boss kilala ko sila hayaan nalang natin baka mamatay pa tayo ng wala sa oras." Sabi ng alagad nito ngunit hindi ito nakinig at inilabas ang medium at power spirit nito.
Natawa nalang ako dahil alam ko namang hindi sya papatulan ng mga kasama ko ngunit nagulat ako ng may isang malakas na sigaw ng halimaw.
Tumingin ako kay Drake, tama nga ako ang halimaw na yun ay gawa ni Drake.
Nagsigawan naman dito sa loob ng Bar, nilibot ko ang tingin ko at nadako ang tingin ko sa table kung nasaan sila Trixie inis na nakatingin si Trixie sa gawi ni Gael habang ang ibang kasama nitong babae napatingin naman ako sa mga lalaking nandoon naagaw ang pansin ko ng dalawang lalaki yung isa ay kilala ko dahil ilang taon na itong studyante ditto. Habang yung isa ay nakilala kong Ex ni Riann.
"ARRRGGGGHH" tiningnan ko naman si Riann na animo'y nasasaktan sa kuryenteng nakabalot sa kanya.
Tiningnan ko muli yung Ex ni Riann kitang kita sa muka nito ang pag aalala kaya napatawa ako, ganun din ang itsura nung Luke.
"Hindi mo sya mahahawakan, unti unting sisirain ng kuryenteng yan ang makinis na kutis ng babaeng yan HAHAHA" tiningnan ko si Trixie na nakalapit na pala sa amin, nakatingin ito kay Gael ngunit hindi sya pinansin ni Gael seryoso lamang itong nakatingin kay Riann na nakapikit at mukang nahihirapan.
Nakita kong lumapit narin ang Ex ni Riann at kasamahan nito.
"Kailangan matanggal agad yan kundi lulubog ang kuryente at mapuputol ang katawan nya", seryosong sabi ni Drake at kita ko rito ang pag aalala, ramdam ko rin ang galit ng lalaking katabi ko ngayon.
"Kumalma ka Red" sabi ko rito.
"Ako na bahala sa kanya, kaya kong gumawa ng pangontra sa ginawang kuryente ni Trixie" sabi ni Drake, kaya lahat napatingin dito nawala narin ang halimaw na ginawa nito .
"Minamaliit mo yata ako Drake baka nakakalimutan mong isa ako sa Rank 10 siigurado kong hindi nyo matatanggal yan hanggang makita nyo mismo kung paano maghiwa hiwalay ang laman ng babaeng yan." Nakangising sabi nito kay Drake, kita ko naman kung paano mangibabaw ang galit sa mata ng aking kaibigan.
"Masyado kang mayabang," malamig na sabi ni Gael habang nakatingin kay Riann.
Naramdaman ko naman ang isang malakas na enerhiya kaya ako'y napangisi.
Nakita ko kung paano unti unting bumalot ang baraha sa katawan ni Riann, hinihigop ng baraha lahat ng enerhiya ng kuryente na nakapalibot kay Riann at ng mawala na ito ay naglaho narin yung malakas na enerhiya pati mga baraha.
Binuhat ni Gael si Riann na walang malay, kaya sumunod na lang kami rito ng maglakad na ito paalis.
Luke's POV
Naiwan lamang kaming nakatulala doon.
"ARRRRGHHH THAT b***h!!!" nabalik lang ako sa katinuan ng sumigaw si Trixie ,saka ito padabog na umalis kasunod nito si Natalia, si Arriane naman ay tumitig muna kay sean bago sumunod sa mga ito.
"Alam mo ba to?" nagulat ako ng biglang magsalita si Sean gamit ang malamig na boses nito. Kita ko naman ang pamumutla sa muka ni Mariel.
"Y-yes, bakit ba nagagalit ka ha Sean?apektado kapa rin? EX MO NA SYA OKAY!" galit na sigaw ni Mariel, gusto kong maawa sa kanya ngunit hindi ko magawa dahil sa ginawa nila sa kaibigan ko.
"HINDI MO KASI NAIINTINDIHAN OKAY? WALA AKANG NAIINTINDIHAN, ISANG BESES NA SAKTAN MO PA SI RIANN MAKIKITA MO" galit na sigaw ni Sean ditto at umalis , nakatingin lamang ako sa nilabasan nitong pinto.
Tiningnan ko si Mariel na tila nanghina at bumagsak nalang.
"Ihatid nyo muna yan" baling ko sa dalawa, tumango naman si Zach at Edward saka ito inalalayan.
Naglakad na ako pabalik sa Dorm. Akala ko pa naman ay makakapag saya kami.
Habang naglalakad sa madilim na pasilyo ay nakasalubong ko ang isa sa kasamahan ni Gael.
"Kaibigan ka ni Riann right?" tanung nito tumango lamang ako,
"I'm Kaizer, diba kaya mong magteleport? Pagod na kasi ako at kailangan kong kumuha ng Green fruit sa Infirmary dahil wala kaming stock sa Dorm kaya hindi magamot si Riann" mahabang explanation nito, tiningnan ko ito at mukang seryoso sya.
"Tara" sabi ko at hinawakan sya, sa isang kisap mata ay nandito na kami sa loob ng infirmary mabilis syang kumuha ng maraming Green Fruits.
"Lulubusin ko na dalhin muna rin ako sa Gold building floor 100" sabi nito, tumango ako at hinawakan sya mabilis kaming nakarating doon.
Nang akmang papasok na ito ay bigla itong tumigil.
"Salamat" sabi nito na tinanguan ko lang, "pwede ko bang makita si Riann?" akala ko ay papayaag ito ngunit hindi.
"Baka magalit si Leader hayaan mo at padadalhan kita ng mensahe oras na maging maayos na sya" sabi nito at tuluyan ng pumasok sa kabuuan ng Floor 100.
Umalis na ako doon at saktong paglitaw ko dahil ginamit ko ang teleport ay sa harap ako ni Sean lumitaw.
"Dude saan ka galling? Akala ko mauuna kapa sa amin, oo nga pala naihatid na naming ng maayos si Mariel" sabi ni Zach sa akin habang may hawak ito na beer in can.
"Infirmary, kumuha kami ng Green fruits para kay Riann" malamig na sabi ko at kumuha rin ng isang beer, batid kong naagaw ko ang atensyon ni Sean.
"Sinong kayo dude?" si Edward naman ang nagtanung.
"Kaizer , nagpahatid din sya sa floor nila" simpleng sabi ko, mabilis na lumapit sakin yung dalawa.
"Nakita mo ba ang kaloob looban?" parang tanging tanung ni Zach, umiling ako rito at uminum muna ng beer bago magsalita. "Gusto ko sana kaso bawal sabi ni kaizer baka daw magalit si Gael." Nakita ko naman ang pang hihinayang sa muka ni Zach at Edward marahil ay gusto nilang malaman ang itsura ng kabuuan ng floor 100 kung saan apat lang ang tumutuloy.
"Kamusta daw si Riann" mahinang tanung ni Sean, sumeryoso ako.
"Hindi ko rin alam pero sabi ni Kaizer magpapadala nalang daw syang mensahe oras na magamot na nila si Riann" sabi ko, tumango ito sakin at tumayo na.
"Balitaan mo ako" huling sinabi nito bago pumasok sa loob ng silid nya, tumayo narin ako at pumasok sa silid.
Doon ko nalamang iintayin ang mensahe, walang maingay at makulit na Zach at Edward.
Riann's POV
Ilang araw na rin ang nakalilipas simula ng mangyare ang insidenteng yun, nagulat nalang ako na nagising ako sa ibang silid.
FLASHBACKS
Pinakiramdaman ko muna ang aking sarili bago tuluyang imulat ang mga mata ko, hindi naman nahirapang mag adjust ng mga ito dahil hindi gaanong maliwanag sa lugar na yun.
"Nasaan ako" namamaos na sabi ko, may nag abot naman sakin ng isang basong tubig kaya tinanggan ko ito. Mabilis ko itong naubos dahil pakiramdam ko ay tuyot na tuyot ang lalamunan ko.
"Nandito ka sa floor 100, sa kwarto ni Gael since ito ang kalakihang kwarto sa floor na ito." Sabi nito, tumango lamang ako at hindi na nagsalita.
"Magpahinga kana muna" rinig kong sabi ni Gael, muli akong humiga at hinayaan ang sarili na makatulog ngunit tila pinipigilan ako ng aking diwa dahil ito't gising na gising pa.
"Salamat" Mahinang bulong ko bago ako tuluyang makatulog.
FLASHBACKS END
Nang magisinga ko kinabukasan ay mabilis akong umalis nun, ngunit nagpasalamat muna ako sa mga ito inihatid naman ako ni Drake sa aking Floor para daw sigurado.
"Bakit kaya ganun nalang ang galit sakin nun." Tanung ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Naalala ko yung araw na hinarang ako nila Trixie.
FLASHBACKS
Antok na antok ako ngunit nagising ako sa isang malamig na tubig, kaya naman pag mulat ng aking mga mata ay agad kong nakita sila Trixie.
"Mabuti naman at gising kana, mas okay na gising ka bago ka pahirapan. Para kitang kita ko sayo yung sakit." Diretsong sabi nito.
"Ano bang kailangan nyo sakin?" Galit na tanung ko, bigla ko namang naramdaman ang pamamanhid ng pisnge ko dahil sa sampal na natanggap ko.
Muli ko itong tiningnan ng masama,
"May gana kapa talagang sumagot imbis na magdasal sa lahat ng santong kilala mo." Nakangising sabi ni Arriane.
Pasalamat lamang sila dahil nakakadena ang dalawang kamay ko pati paa ko pero kung hindi sisiguradohin kong mata lang nila ang walang latay tsk.
" Nung una si Ren, tapos si Sean at ngayon naman si Gael? Boyfriend ko pa talaga ang pinangahasan mo?!" Galit na sabi ni Trixie. Umirap ako rito dahil ang alam ko ay kambal ko si Ren , ex ko si Sean at wala akong nakikitang masama .
"Sinong Gael ba yan?" sabi ko, na mukang lalong ikinagalit nito. Ts baka naman ang tinutukoy nito ay yung lalaking malamig at masungit makatingin. Pero baka malabo, malabong pumatol sa kanya yun tsk.
"Argh !! Pahirapan nyo ang babaeng yan kayo na ang bahala sa kanya gawin nyo lahat ng gusto nyong gawin!!!" Inis na sigaw nito kaya kitang kita ko kung paano ngumisi si Arriane at Natalia habang yung muka naman nung Mariel ay kakikitaan pa ng pag aalinlangan.
Mabilis na lumapit sakin ang dalawa, pinunit ni Arriane ang aking skirt kaya pumalag na lamang ako ngunit wala akong magawa dahil sa ako'y nakagapos. Habang si Natalia naman ay tinatanggal ang butones ng aking uniforme.
"Tumigil kayo" Sabi ko at nagpumiglas. Ngumisi lamang ang mga ito at nagpatuloy.
"I heard Trixie ngayon lang guys, ilagay nyo na raw sya sa big box cause were going na daw ang we need to prepare na daw for later" Rinig kong sabi ni Mariel kaya naman tumigil ang mga ito sa mga ginagawa nito.
"Are you sure Trixie said that?" Naniniguradong tanung ni Natalia, tumango lamang si Mariel at inilabas ang kanyang power spirit.
"Patulogin mo na sya" Sabi nito kay natalia, ang mga sumunod ay hindi ko na alam ang nangyare.
FLASHBACKS END
Yun yung nangyare that time and hindi ko alam kung bakit pag gising ko ang suot suot ko na ay isang magandang dress, yung mga sugat ko ay nawala narin parang ang gaan gaan pa ng pakiramdam ko nung magising ako that time.
"I think I have to go." Sabi ko sa sarili ko at muling inayos ang buhok kong mahaba. Nang masiguro na maayos na ang lahat sakin ay lumabas na ako ng Closet ko at lumabas narin ako ng room ko.
Kumuha muna ako sa fridge ng isang pach ng Chuckie at inilagay iyun sa aking bag pero binalot ko muna ito ng isang tela upang hindi mabasa ang ibang bagay na nasa bag ko, kumuha narin ako ng isa para mainum habang papunta sa aking klase.
Lumabas na ako ng floor na yun at sumakay ng Elevator, hindi ko naman inaasahan na makakasabay ko si Giovanni.
Mukang tinanghali ito ng gising, dahil lunes ngayon ang alam ko parehas kami ng schedule at ang pag kakaintindi ko sa sitwasyon ay parehas narin kaming late.
Habang kampanteng nakatayo at iniintay na makalapag ang elevator ay ramdm ko ang titig nito kaya kahit hindi pansinin ay hindi ko maiwasang tingnan ito.
" Staring is rude mister" Sabi ko saka sumipsip sa chuckie na hawak hawak ko. Nakita ko ang paglunok nito at pag iwas ng tingin. Kaya ako naman ang tumitig sa kanya.
Sa aking pag titig doon ko lang narealize na ang gwapo nya pala, mayroon syang makapal na pilik at mahahaba rin ang mga ito, ang kilay nito ay animo'y inihanay ng maayos dahil umaayon sa iisang direksyon, mayroong ilong na matangos, labing hindi mo aakalaing lalaki ang nagmamay ari at ang panga nito.
TING
"Ay perpekto." Nasabi ko dahil sa gulat ng tumunog ang elevator, ibig sabihin nakababa na kami.
Nakita ko ang pag ngisi nito kaya napapahiyang iniwas ko ang tingin ko at patakbong lumabas ng elevator.
"Hooh! nakakahiya yun." Sabi ko sa sarili ko at inayos na ang paglalakad na tila hindi pa ako huli sa klase ko.
Nang makarating sa tapat ng silid ng klase ko ay hindi ko nagawang kumatok dahil binuksan na ito ng taong nasa likod ko pala.
"Huli ka nanaman sa klase ginoong roosevelt, at ikaw binibini bago kalang rito ngunti pahulihin kana rin." Sabi ng striktong history teacher namin. Hindi nalang ako nag salita at naglakad nalang papasok, umupo ako sa upuang nasa harap para hindi ako antokin.
Isa pa alam kong uupo si Giovanni sa likod at ayulong makatabi sya dahil sa nanyare kanina.
Mabilis na lumipas ang oras dahil naengganyo akong makinig sa aming guro.
Natapos naman ang klase nya ng matiwasay at nung aktong lalabas na ako ng silid ay may tumawag sakin.
Tiningnan ko ito, "Bakit kaizer" Tanung ko sa lalaking tumawag sakin, ngumisi naman ito.
"Sumabay kana samin total wala ka namang kasabay." Sabi nito sabay akbay sakin , tinanggal ko naman ang pagkakaakbay nito.
"Gusto ko sana kaso---" tingin kay Giovanni.
"Huwag kang mag alala hindi sya nagpupuntang cafeteria." Sabi ni Kaizer at kumindat sakin.
" Pupunta ako at kung gusto mo sumabay dalian nyo." Malamig na sabi nito saka tumingin sa mata ko, nakaramdam naman ako ng ilang.
"Tara na. " Sabi naman sakin ni Drake, ngumiti ako at tumango. Nauunang maglakad si Giovanni habang nasa kanang bahagi nito si Kaizer at sa kaliwang bahagi naman ay si Red na masayang nakangiti. Habang kaming dalawa naman ni Drake ay parehas na nasa likod nila.
"Mahilig ka palang magbasa ng ganyang books." Maiksing sabi ko na tinutukoy ang librong hawak nito. Nakita ko ang pamumula ni Drake .
"A-alam mo ang laman ng story nito?" Tanung nito sakin na tinanguan ko lang.
Kyaaaaaahhhh nandito sila master Gael
Wait girl maganda paba ako? ("huh? paba ?may expiration ata ganda nito," sabi ko sa isip ko)
Girl may kasama sila ohhh !!!
hala oo nga girllll she's beautiful huhuhu
katabi nya si Drake, posible kayang girlfriend sya ni Drake ????
Waaaaahhhh Ayuko naa may gf na baby koo
Wag kang malungkot girl marami pa naman nandyan pa naman si kaizer, red lalong lao na si Master Gael Kyaaaaaahhhh
Kyaaaaaaaaaahhhh
"SHUT UP" natigil naman ang sigawan dito sa cafeteria ng sumigaw si Giovanni.
Hindi ito nakatingin sa kanila ngunit nakakatakot ang lamig ng boses nito na kahit sino matitigilan.
"Masanay kana." Sabi ni Red na tumabi din sa akin, nasa isang round table kami ngayon at nasa tapat ko si Giovanni.
"Anong sainyo guys kami na ang oorder ni Red. " Sabi ni Kaizer kaya naman sinabi ko na yun sakin. Since lunch break na kaya kanin, ulam, dessert ang inorder ko.Isang buong umaga kasi ang klase ng history namin.
Nang matapos kong sabihin ay umalis na sila para umorder.
"May nakalimutan pa yata ako." Sambit ko sa sarili ko, pilit kong iniisip ngunit ipinagsawalang bahala kuna lang dahil sumasakit lamang ang ulo ko.
"Here's your order milady." Pilyong sabi ni Kaizer at ibinaba ang isang tray sa harao ko, may kasama pa itong isang lalaki na may hawak ding tray at ibinaba nito sa harap ni Giovanni.
Tiningnan ko si Red, mukang ayus lang din ito dahil may kasama rin itong lalaki.
" Anyway Riann this is Clauss my power spirit, " pagpapakilala ni Kaizer dito. Tiningnan ko naman yung lalaking nagdala ng tray ni Giovanni, mayroon itong suot na nerdy glasses may hawak na laptop at masasabing may ibubuga ang itsura.
Pumasok naman si Clauss sa bracelet ng master nya matapos magpakilala sakin, habang si Red naman ang lumapit sakin habang hila hila ang power spirit nito.
"aray aray ano baaa master red." Naalala ko tuloy bigla ang aking kakambal .
" Sya si Gab my power spirit na napakapasaway." Sabi ni Red.
"Hello milady." Sabi nito at hinalikan ang kamay ko agad ko namang binawi iyon.
" Kakain ba kayo o magpapakilala lang." Natigil kami lahat ng magsalita ito.
"Pumasok kana Gab. " Utos ni red na agad sinunod nito.
Nag umpisa naman na kaming kumain ng tahimik ng malapit na kaming matapos ay tila nagulantang ang lahat.
"Where's my f*****g drink" Malamig na sabi nito ngunit ramdam ang inis, tumingin naman ako kay Kaizer na nabitawan ang kutsarang hawak nito.
" I- I forgot , wala na daw and mamayang hapon pa dadating ang bagong stock" Sabi ni Kaizer, hindi nakatingin si Giovanni dito ngunit ramdam namin ang masamang awra nito .
" H-hey anong d-drink ba kasi yun?" Nauutal na sabi ko ng makita kong unti unting parang nasasakal si Kaizer ngunit wala naman akong nakikitang sumasakal dito . Umaakto lamang ito na parang sinasakal, at ramdam kong si Giovanni ang may gawa nito.
" C-c-c-chu-ckie" Putol putol na sabi ni Kaizer, nakita ko naman kung paano mamula sa katatawa si Red at pagkadaan ng ilang segundo ay parang sinasakal narin.
" Mamamatay talaga lahat ng nakapaligid sa kanya kapag hindi sya nabilhan ng chuckie nya." Simpleng sabi ni Drake at ngumiti sakin at nagpatuloy sa pagkain na tila walang nangyayareng p*****n sa harap nya.
Naalala ko naman ang isang pack ng chuckie na nasa bag ko ,
"T-teka Gio-v-vanni hoy!" Nauutal na sabi ko rito dahil binabalot na ito ng maitim na aura, halos masira ang aking bag sa pagdadalian na makuha ang chuckie.
Tumingin ito sakin ng masama,
" s**t " Sabi ni Drake.
Ngunit di ako nagpatinag at ng makuha kuna yung chuckie ay ibinato ko itong isang pack sa muka niya na akala ko ay tatamaan,ngunit agad na nawala ang masamang enerhiya na nakaagaw narin ng atensyon.
Inabotan ko naman ng tubig si Red at Kaizer habang si Drake naman ay malalim ang iniisip na nakatingin sakin, ngunit dikona ito pinansin.
"Mapapatawad kita sa ginawa mong pagtawag sa akin ng pangalan na yon, dahil dito." Sabi nito at itinaas ang isang chuckie na ngayon ay iniinum na nya.
Sinamaan ko ito ng tingin ngunit ngumisi lamang ito sakin habang nakatitig na parang nang aasar.
Nawalan naman na ako ng ganang ubusin ang aking pagkain dahil naisip kong wala ng natirang chuckie para sakin.
Hindi ko namalayan na tumayo na pala si Giovanni, dahil nakatungo lamang ako.
Gusto ko ng chuckie. *pout*
" Sa susunod wag mong ibigay lahat, magtira ka para sa sarili mo." Narinig ko mula sa isang malamig na boses at may naglapag ng isang chuckie sa harap ko.
Nagliwanag naman ang aking muka dahil dun at tiningnan ang naglagay nito. Ngunit nakatalikod na ito, gayunpaman ay kilala ko naman ang likod na yun.
Salamat Giovanni, hayaan mo at magtitira ako para sa sarili ko palagi.
Sabi ko sa aking isip at masayang ininum ang chuckie.
"Okay kana ? Hatid ka na namin sa next class mo baka mamaya harangin ka nanaman ng kung sino dyan." Sabi ni Red.
Tumayo na ako, ayaw ko man magpahatid ay natatakot din ako na baka nga may humarang sa akin.
"Hindi ba ako nakakaabala ?" Nahihiyang tanung ko habang naglalakad kami.
"Hindi naman, mas okay na to dahil wala naman kaming ibang gagawin." Sabi ni Kaizer.
"Kaya ba lagi kang nasa rooftop na yun ?" Tanung ko at itinuro ang rooftop ng isang building na kung saan kapag nandun ka ay makikita mo ang kabuuan ng lugar na ito.
" Paano mo naman nalaman?" Gulat na tanung ni Red.
Nagkibit balikat nalang ako "Naramdaman ko lang" parang wala lang na sabi ko, nakita ko namang bumagsak ang panga ni Red habang si Kaizer naman ay hindi makapaniwala at si Drake ay seryosong nakatingin sakin.
Tumakbo na ako, " Salamat sa paghatid". Sabi ko sa mga ito at kumaway saka pumasok sa silid ng aking klase.