Riann's POV
Kasalukuyan kong inaayos ang necktie ng aking blouse ng maayos ko na ito ay isinuod ko ang ang blazer nito saka napatingin sa aking skirt.
"Ang iksi talaga" sabi ko sa aking sarili at muling hinila pababa ang aking skirt.
Mabilis akong umalis sa harap ng salamin, sinigurado ko munang nakakandado ang room ni Ren gayondin ang silid ko bago ako tuloyang lumabas at sumakay sa elevator.
"Hey, Riann right?" tiningnan ko ang lalaking nagsalita at saka muling tumingin sa unahan.
"I'm Kaizer" sabi nito at inilahad ang kamay, tinapik ko lamang ito tulad ng ginawa ko doon sa Red. Hindi naman na ito nagsalita pa.
Ramdam ko ang titig nito mula sa aking likuran ngunit hindi ko nalang ito binigyang pansin, nang magbukas ang elevator ay mabilis akong bumaba.
Wala akong unang klase ngayon base sa aking schedule, alas nuebe pa ito at alas otso palang ng umaga kaya naman napili kong mag almusal sa cafeteria kung saan maaliwalas ang paligid.
"Sinusundan mo ba ako?" inis na tanung ko sa lalaking nagpakilala sa aking Kaizer, tumawa naman ito habang nakataas ang dalawang kamay.
"Easy papunta akong cafeteria iniintay ako ng mga kaibigan ko doon" nakangising sabi nito, sinamaan ko ito ng tingin at nagpatuloy na sa pag lalakad.
Nang makapasok ako ng cafeteria agad akong umorder ng pagkain at inintay ito. Nang ibigay na ito sa akin ay ibinigay ko naman ang aking card.
"Nice Gold card" sabi ng lalaki sa tabi ko na kumukuha rin ng pagkain, hindi ko ito pinansin. At agad na binuhat ang aking tray ng ibalik na sa akin ang Gold Card ko.
Inilibot ko ang aking paningin at agad na naglakad sa table na nakita ko. Matapos kong umupo ay mabilis kong kinain ang aking pagkain.
"Hindi ba yun yung babaeng hinahabol ni Boss?" rinig kong sabi ng lalaki, naging alerto naman ako at mabilis na inubos ang aking pag kain.
Ngunit natigilan ako ng may nakalimutan pala akong bilhin.
"f**k" sabi ko sa sarili ko at agad na tumayo upang muling magtungo sa counter upang bumili ng chuckie.
Ngunit bago paman ako makarating sa counter ay hinarang na ako nung mga gung gung na humahabol sa akin kahapon, may mga pasa ang mga ito.
"Dahil syao kami ang napag initan ni Boss kaya ngayon hindi na anmin hahayaang makatakas ka" nakangising sabi nung isa, unti unting lumalapit ang mga ito sa akin kaya naman paatras lamang ako ng paatras.
Naramdaman ko naming tumama ang likod ko sa isang matigas na bagay at kita ko rin naman kung paano magulat ang mga lalaking nasa harap ko at balak akong habulin.
"What do you think your doing?" matigas at may authoridad na sabi ng matigas na tinamaan ko kaya napalingon ako rito.
Ito yung lalaking nagpakilala saking Red, may hawak itong isang kape at nakataas ito na mukang iniiwas na maatrasan ko at hindi ito ang anyong nakita ko noong una ko itong makilala, maamo ang muka noon at ngayon ay animo'y isang lobo na may susugudin.
Muli kong ibinalik ang tingin sa harap at wala na ang mga lalaking kanina lang ay matapang na kukunin ako.
"Buti nalang napansin ko agad yun hahaha okay kalang ba Riann?" nakangiting tanung nito, tinitigan ko lamang ang muka nito sak napairap, ang bilis naman magbago ng mood nito tsk. Bipolar -.-
Hindi ko na ito pinansin at umalis nalang.
Bago pa ako tuluyang makalabas ng cafeteria ay nakasalubong ko nanaman si Sean, tinitigan ko ito. Wala itong kasama at ibang iba ang itsura nito kumpara sa itsura nito kahapon.
Iiwas na sana ako at dadaan sa kanang bahagi ng daan ngunit aktong doon din sya dadaanan kaya nagkatinginan kami.
"BABE" sabay kaming lumingon sa babaeng tumawag dito, bago paman ako makapag lakad paalis ay naitulak na ako ni Sean. Mabilis na tumama ang likod ko sa isang tao, hihingi sana ako ng paumanhin ng tiningnan ko ito ay tumama sa akin ang malamig na pares ng mata nito.
Umalis ito agad na parang walang nangyare, tiningnan ko ang pwesto kung nasaan si Giovanni kanina mayroon doong isang malaking sanga na kung nagtuloy tuloy ang tama ko doon ay siguradong susugat sa akin.
"Are you flirting with my babe?!" galit na tanung nung babaeng kasama nya kahapon sa akin.
Kumpara kahapon ay may kasama itong ilan pang babae.
"And you are also seducing his boyfriend Master Gael?!" galit muling tanung nito, bored ko itong tiningnan. Namula ang muka nito na animo'y sasabog na bulkan, mukang Lalo itong nagalit ng hindi ko sya sagutin.
This girl is about to slap me, pero may pumigil sa kamay nito at si Sean iyon.
"Stop that Mariel , gusto mo bang mapababa ang uri mo? Hindi ba ta ikaw nag nagsbai sakin na hinding hindi ka papatol (tingin sakin mula ulo hanggang paa) sa mababang uri lamang" napaiwas ako ng tingin sa sinabi ni Sean, masyadong masakit yun para sakin.
"Hindi ba talaga kayo aalis sa daraanan ko" sabi ng isang boses,
"M-master Drake sorry" rinig kong sabi ng babaeng kasama ni Sean at hinila patabi si Sean. Dumaan naman ito ng makatabi na sila Sea, tama nga naman nakaharang nga sila tsk -.-
"Hindi ba't 8 am ang klase mo? Umalis kana dahil malalate kana" sabi pa nung lalaking nagsalita tumango ako at tumakbo na.
Mariel's POV
"She's so nakakairita!" galit na sabi ko ng makaupo na kami sa sa table habang kumuha naman ng pagkain si Sean, I'm so swerte talaga sa kanya.
"Nakita nyo ba kanina? It look like tinulungan sya ng Honey mo Trix" sabi ni Natalia one of our friend.
"Yeah Nakita ko yun" seryosong sabi nito, saka ito ngumisi at tumingin sa amin agad naman naming nagets iyon.
"So what our plan ba?" tanung ko while nakatingin kay Sean, ayaw ko namang marinig nya yun.
"Kilala ko sya" sabi ng isang boses kaya tiningnan naming ang isang babaeng nagsalita "She's Riann Millan and she is one of my target since nung nasa mundo pa ako ng mga tao." Sabi nito at umupo sa table namin.
"I'm Arriane anyway" sabi nito at unang inilaahd ag kamay kay Trix.
"Trixie , while this is Mariel and Natalia " pagpapakilala sa amin ni Trix, we call her trix since mas gusto nya naman yun.
"About the girl you were talking about awhile ago, I know her" nakangising sabi ni Arriane.
"She's your boyfriend's ex " sabi nito habang nakatingin sakin inirapan ko lang ito.
"I alam naman na that thing, we want to alam is about her buhay ba, is she strong or mahina" maarteng sabi ko rito.
"She's weak and if you were planning to do something on her make sure na hindi nya maririnig, we are not sure kung wala pa syang care sa kanya since they been in a relationship for 2 long years" sabi nito habang nakatingin kay Sean na papalapit na rito.
I don't know kung ako lang ba o Nakita ko talaga ang lungkot sa mga mata ni Arriane ? well anyway I don't care about her.
"Sean" sabi nito kaya napatingin ito kay Arriane, may nararamdaman akong mali but ipinagpaliban ko nalang ang aking nararamdaman.
"You're here" gulat na sabi ni Sean.
"Duh ikaw kaya ang sumundo sakin sa mundo ng mga tao" maarteng sagot ni Arriane at nakipagtitigan kay Sean, parang may mali?
"Let's eat malapit na ang klase namin" naputol ang pagtititgan nito ng magsalita si Trixie.
Kaya naman nag umpisa na kaming kumain.
-------------------
"Bye, later nalang ulit " sabi ko sa mga ito ng makarating kami ni Sean sa aming klase, sabay na kais aming pumunta ni babe dito since same kmai ng schedule while the other's is kanina pa humiwalay sa amin.
Mabilis akong naupo sa tabi ni Babe and luckily natabi ako sa bintana kaya kitang kita ko ang labas.
Naninibago naman ako kay Babe dahil walang imik ito kaya naman tiningnan ko it , nakayuko ito na animo'y natutulog kaya hinayaan ko nalang.
Napatingin ako sa aking braso kung saan nakasuot ang bracelet ko kung saan nanduduon ang aking power spirit. Bigla ko tuloy naalala yung sinabi ni Arriane.
"Pwede pala yun?" nagulat ako ng magsalita si Sean. Tiningnan ko ito at nakatingin din ito sa kanyang bracelet.
"Pwede palang makapasok sa lugar na ito ang shaman na walang power spirit" mahinang sabi nya saka tumingin sa akin.
"Pwede yun, but dilekado. Maraming shaman ang naghahangad ng power spirit na dating shaman rin at para magkaroon nun kailangan mong makakita ng shaman na walang power spirit at patayin ito para kunin ang kaluluwa at gawin itong sariling power spirit, at kapag nagawa ito magiging malakas ka pati ang kuryoko mo dahil sa dugo nitong shaman, pero malabong mang yare yun dahil ang isang shaman oras na ipanganak ay may isa ng espiritu na nakatadhanang maging power spirit nya." Mahabang paliwanag ko at hinawakan ang aking bracelet.
"Kung ganun malabong wala syang power spirit?" tanung ni Sean tumango ako rito.
"Wala syang power spirit, nagsasabi ng totoo yung babae kanina" hinawakan ko ang aking bracelet ng marinig ko ang boses ni Lory ang aking power spirit.
"Tama si Lory bossing wala din akong maramdamang kakaiba mula sa babaeng si Riann" sabi naman ng power spirit ni Babe.
Nagkatinginan kami, agad akong napangisi.
Sasabihin ko agad ang impormasyon na iyon kay Trix.
Kaizer's POV
Kasalukuyan ako ngayong nandito muli sa rooftop, madalas ako rito para mangalap ng impormasyon. Dahil yun naman ang special ability ng aking power spirit.
Dahil sa naging usapan ni Mariel ang galamay ni Trixie at ng kasintahan nito ay napangisi ako, mukang may maibibigay akong bagong impormasyon kay Leader.
Mabilis akong bumaba sa railings kung saan madalas akong nakatayo, naglakad ako paalis ng rooftop upang magtungo sa HQ. Since nasa klase sila Drake at Red habang ako naman at si Gael ay tinamid pumasok ay parehas naiwan ditto sa HQ.
"I have new information about her" nakangising sabi ko, hindi ito tumingin sa akin at patuloy lamang naglaro ng baraha.
"Spill" malamig na sabi nito kaya ako'y lalong napangisi.
"Isa syang shaman na walang power spirit" Nakangising sabi ko, tumigil ito sa paglalaro ng baraha sa kamay nito.
"You're wrong" sabi nito at sya naman ang ngumisi sakin saka ito tumayo at naglakad palabas. Lahat ng barahang inihagis nya sa isang board na mukang dart board ay naglaho.
"Clauss" tawag ko sa aking power spirit ng mawala na si Leader.
Mabilis na lumabas ang aking power spirit mula sa bracelet.
"May nasesense ka bang power spirit kay Riann?" Seryosong tanung ko rito.
"Yes Master Kaizer kanina sa cafeteria noong sabay kayong umoorder ng pagkain saglit na nagdikit ang inyong balat at saglit kong naramdaman ang malakas na enerhiyang nang gagaling sa kanya ngunit ang ipinagtataka ko lamang ay hindi ito mararamdaman kung hindi mo didikitan." Mahabang paliwanag nito, kung ganun may kakaiba.
Saan naman kaya nito itinatago ang power spirit nito
"Hindi nya ba alam na sa ginagawa nyang pagtatago ng power spirit ay maari syang mapahamak sa mga kamay ng taong gusting maging malakas?" inis na tanung ko sa aking Power Spirit, tiningnan lang ako nito na parang may nasabi akong kakaiba.
Mabilis naman akong umayos ng upo "A-ang ibig kong sabihin kapag napahamak sya baka mapahamak si Leader" nauutal na paliwanag ko kay Clauss ngunit nanatili ang titig nito sa aking kakaiba.
"A-ano ba wga monga akong titigan ng ganyan, bumalik kana sa silid mo" nauutal na sabi kopa, bago ito tuluyang bumalik sa bracelet kung nasaan ang kanyang silid ay ngumisi ito sa akin.
"Wala pa naman akong sinasbai Master pero mukang alam kuna yung nasa isip mo " nang aasar na sabi nito bago tuluyang maglaho sa harap ko.
Inis akong tuminginsa aking bracelet saka bumuntong hininga. Totoo naman na nag aalala ako para sa Leader namin, dahil ang kakayahan ko ay mangalap ng impormasyon bukod sa pakikipaglaban ay napag alaman kong ibinilin ni Ren ang taga pag mana ng white empire si Riann kay Leader at binantaan ito ng kung ano.
"Aish hindi pwede to" inis na sabi ko,
"Aminin mo na kasi na sa kanya ka nag aalala hindi kay Master Gael dahil alam naman natin ang kakayahan ni Master"
"Manahimik ka Clauss!!!" inis na sabi ko rito.
"Huy Kaizer okay kalang? Bakit kasi hindi ka pumasok ayan tuloy naiwan ka ditto mag isa pati Power spirit mo kinakausap muna. " Sabi ni Red sa akin na animo'y nang aasar. Nginisian ko naman ito ng Makita ko ang ginawa nya sa cafeteria kanina.
"Ikaw Red kalian kapa naging super hero at nagawa mopang iligtas si Riann kanina kahit alam mong magagalit si Leader oras na maalog ang kape nito?" nakangising sabi ko rito. Nakita ko naman lumunok ito at ngumiti sakin .
"Muka kasi syang mabait hindi naman siguro masamang kaibiganin ko sya" sabi nito at dumeretso na sa sofa.
Muling bumalik ang inis ko kaya pabalya kong inihiga ang aking katawan , tuwing maiinis ako ay nakakaramdam ako ng antok. At wala parin akong lunas na nahahanap para sa wierdong kalagaya-------------
ZzzZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
To be continue.....