Chapter 35 Alena "Ate, tulog ka na?'' mahinang tanong sa akin ni Almira na parang paos na pato. Hindi ko siya pinapansin at hinayaan ko lang siya. Naramdaman ko na tinakpan niya ng kumot ang katawan ko at hinagkan niya pa ang aking pisngi. Good night, Ate. I love you,'' sabi nito at naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin. Ilang sandali pa yumakap siya sa akin. Ganoon siya lagi kapag katabi ko siya. Malambing si Almira, kahit minsan may pakamakulit siya. Tumagilid ako paharap sa kaniya at niyakap ko rin siya. Parang kailan lang baby pa siya at dumidede sa bote. Subalit ngayon parang dalaga na siya tingnan. "Ate, huwag ka na muna mag-boyfriend. Huwag mo sagutin si Samuel,'' sabi nito sa akin habang nakapikit ang aming mga mata. "Hmmm... Matulog ka na,'' wika ko sa kaniya. "Promise ka

