Chapter 36 Alena Masaya ang byahe namin ni Samuel. Nakarating kami ng maayos sa Tagaytay. Pagkababa pa lang namin sa pinag-parking-an namin ay niyakap na ako ng malamig na simoy ng hangin. "Ang lamig naman dito,'' sabi ko kay Samuel. Hinubad niya ang jacket niya at inilagaya sa likuran ko. "Ayan para hindi ka lamigin. Doon tayo sa paborito kong restaurant. Masarap ang bulalo roon. Masarap maghigop ng sabaw,'' sabi pa ni Samuel sa akin. "Sige, tipid kong tugon, habang ang mga mata ko naroon sa mataas na lugar sa Tagaytay. Tanaw ko ang isang puting mansion. Napakaganda siguro kapag naroon ka sa lugar na iyon dahil tanaw ang buong paligid. "Maganda ang bahay na iyon, noh?'' sabi sa akin ni Samuel na nakatingin rin pala sa magandang bahay. "Oo, mukhang bago yatang patayo ang bahay na i

