Chspter 37 Alena AFTER 1 YEAR Isang taon na ang lumipas may party kami na dadaluhan ng pamilya ko kasama si Almira at Yaya. Anniversay ng kompanya nila Samuel. Nagdaos na rin ng ikalabing apat na taong kaarawan si Almira, anim na buwan na ang nakaraan. Isang taon na rin na nanliligaw sa akin si Samuel. Pinatunayan niya sa akin na seryoso talaga siya sa panliligaw niya sa akin. At mamaya balak ko na siyang sagutin. "Dalagang-dalaga ka na talaga tingnan, Almira. Huwag kang lumayo sa amin, ha? Baka mamaya makita namin may nanliligawa na sa'yo,'' sabi ko kay Almira, habang pinagmamasdan siya. Ang ganda niya sa suot niyang evening party dresses na kulay skintone. Habang ako naman suot ang kulay blood dress na hapit na hapit sa aking baywang ang backless sa likod. May Swarovski rin na nak

