Chapter 33 Alena Nakahiga ako sa aking silid pagkatapos kong mag-shower. Kagagaling ko lang sa trabaho at nagpahinga lang ako ng ilang minuto bago mag-shower. Ilang sandali pa bumukas ang pintuan. Pumasok si Almira dala-dala ang libro at kaniyang papel. "Ate, may ginagawa ka ba?'' tanong nito sa akin. "Wala naman, bakit?'' tanong ko sa kaniya. "Ate, turuan mo ako rito sa assignment ko. Hindi kasi ako marunong,'' paglalambing nito sa akin at tumabi siya sa akin. Bumangon ako sa pagkahiga at tiningnan ang assignment niya. "Siguro hindi ka nakikinig sa teacher mo kapag pinapaliwanag niya sa inyo kung paano gawin ito,'' sabi ko sa kaniya. "Eh, kasi ang bilis ng teacher namin magsalita, Ate. Ito lang naman ang hindi ko alam kung paano siya e-solve,'' sabi niya sa akin sabay pakita ng

