Chapter 32 Alena Suot ang silver simple night gown at pinarisan ng white gold na hikaw na may diamong na tatlong peraso at kwentas na simple lang din ang design na iniregalo pa sa akin ni Mommy noong ikadalawangput lima kong kaarawan noon, bumaba ako sa hagdan habang nakatingala at nakaawang ang mukha ni Almira, na tumitingin sa akin. "Wow, Ate ang sexy at ang ganda mo sa suot mong iyan. Ate, kapag dalaga na ako ibigay mo sa akin ang dress mo, ha?'' nakangiting sabi sa akin ni Almira nang makababa ako ng hagdan. Ang lawak naman ng mga ngiti ni Yaya, habang nakatingin sa akin. Hinawakan ko ang pisngi ni Almira. Higit pa na maganda ang ipapasuot ko sa'yo sa araw ng ikalalabing walo mong kaarawan. Basta mag-aral ka ng mabuti at huwag ka muna magkaroon ng crush dahil bata ka pa,'' wika k

