Episode 55

2129 Words

Chapter 55 Alena Nakatulog ako sa aking silid nang umuwi ako ng bahay. Ang bigat-bigat ng loob ko kanina dahil sa sagutan namin ni Samuel, sa kabilang linya. Mabuti na lang nakatulog kaagad ako kahit paano nabawasan ang sama ng loob na nararamdaman ko. Nagising ako ng hapon na. Bumangon ako at pumunta ako sa silid ni Almira, para kunin ang mga marurumi niyang damit para maibigay ko na iyon kay Manang Linda, ang naglalaba ng mga marurumi naming damit. Pagpasok ko sa loob ng silid ni Almira nakita ko ang damit na pinaghubalaran niya sa sahig. Napabuntong hininga na lang ako ng malalim dahil inaasa niya na lang kay Yaya ang damit na pinaghubaran niya. Sa sobrang busy ko sa trabaho hindi ko naturuan si Almira, ng maayos. Kung paano iligpit ang higaan niya. Kung paano tupiin ang mga damit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD