Chapter 56 Alena Salo-salo kaming kumain ng agahan. May pasok si Almira, sa paaralan kaya idadaan ko lang siya mamaya sa kanyang paaralan at diretso na rin ako sa aking opisina. Mamayang hapon pa naman idadaos ang kaarawan niya sa hotel. Kailangan ko munang pumasok sa trabaho para malaman ko kung ano na ang nangyayari sa kompanya namin. Habang nasa hapag kainan kami tinanong naman ni Daddy si Almira, kung ano ang kurso na kukunin nito. Subalit hindi pa alam ni almera kung ano ang kurso nakukunin niya. Napagsabihan na naman siya nila Mommy at Daddy, kaya humahaba na naman ang nguso nito. Pagkatapos naman namin kumain hinatid ko na sa paaralan si Almira. Napapansin ko na tahimik lang ito at parang walang enerhiya. Madalas kasi makulit ito kapag nasa loob kami ng sasakyan at madalda

