Chapter 45 Alena Isang linggo na ang nakalipas ng dumating si Samuel, galing sa business trip niya. Subalit hindi man lang ako nito pinupuntahan sa bahay at hindi niya rin sinasagot ang tawag ko. Pati ang text message ko sa kanya hindi niya sinasagot. Kahit nga puntahan niya ako sa opisina ko ay hindi niya magawa. Hindi ko alam kung ano ang kinaiinisan niya sa akin. Nandito ako ngayon sa opisina malayo ang tingin sa labas ng salamin ng building na ito na tumatagos sa aking mga mata. Ang dami kong iniisip na problema. Ilang sandali pa tumawag ang assistant ko. "Bakit Margie?" sagot ko dito sa kabilang linya. Naroon siya sa 6th floor kung saan naroon ang mga tiles at mga paninda naming mga ilaw. "Ma'am, may problema po tayo. 'Yong nag-order sa atin ng mga tiles noong nakaraang

