Chapter 48 Alena Lumingon ako sa aking likuran at gano'n na lang ang pagkagulat ko ng makita ko kung sino ang nagsalit. Pakiramdam ko nanlamig ang buo kong katawan nang magtama ang mga mata namin ni Rico. "Pakidala na lang sa sasakyan ni Ma'am Alena, Ricky,'' narinig kong sabi ni Sally. "Ah, sige,'' tipid nitong sabi. Siya na ang bumawi ng tingin sa akin. Dinala niya na ang box ng lagayan ng mga groceries sa may sasakyan ko. "Ito na po, Ma'am ang pera at "Sige, Sally. Magsara na kayo,'' sabi ko kay Sally nang iabot niya ang nakabalot na pera at recibo sa akin,'' "Sige, Ma'am,'' tipid nitong tugon sa akin habang ang mga mata ko hindi naalis kay Rico. Naroon na siya sa tapat ng sasakyan ko. Pakiramdam ko nanginig ang buo kong katawan. Hindi ko inaasahan na mag-cross ang landas nami

