Chapter 1: The Seizure

1684 Words
-AT LAIRHART KINGDOM- QUEEN HERMIONE’s PoV “A-arcanus, the other kingdom is planning a war against us and they’re going to attack any moment now. What are we going to do with our Princess Zeira? W-what if--" I nervously asked while walking back and forth. Tinignan ko siya habang komportableng nakaupo sa trono niya. “We will hide her from our enemies, my Queen.” Arcanus said, confidently as he looks at me. My forehead creased on what he had said. “But where? I can't think of any place here in the other world that's safe f--” he cuts me off in mid-sentence. “Then we have no other choice but to send her in the mortal world.” I paused for awhile. "W-what? M-mortal world?" nanginginig kong ulit sa dalawang huling salitang sinabi niya. In the mortal world? Magiging maayos kaya ang anak ko doon? Kapag iniwan ko siya, mabait kaya ang makakapulot sa kanya? What if, no? How will I protect her from the mortals? My world seems to crash on that thought. I can’t think properly. Paano na ang anak ko? “Everything will be fine, my Queen.” pagpapalakas ni Arcanus sa loob ko. Seryoso siya. Desidido talaga siya sa sinasabi niya. “They can still follow her in the mortal world. They already know what our princess looks like. How are we going to hide her?” “We need to change her back on being a baby and let the mortals raise her.” he said. I-ibabalik sa pagiging sanggol? Only few sorcerers and sorceress can do that spell. And being the Queen, I am one of those 'few'. Pero masyadong risky ang spell na iyon. Once na ginamit ko iyon sa anak ko, pati ang mga ala-ala niya, mawawala. At kasama na kami don. "I d-don't think I can do that, Arcanus." nauutal na sabi ko habang umiiling. "But you need to, Hermione. That's not a request from me, being your husband, but an order from me, being the king and a father." he exclaimed. I sighed. I know he is doing this for the sake of our daughter. It's hard, pero ito nalang ang tanging paraan para makasama ko pa ulit siya, kahit taon pa ang hihintayin bago mangyari iyon. Tumayo siya at lumapit sa'kin. "Don't worry, My Queen. Everything will be alright. Trust me." he said with assurance. Unti-unti akong tumango at niyakap siya. "I will, My King." he hugged me back. "King Arcanus, Queen Hermione." naghiwalay kami ni Arcanus nang may lumapit samin. "Cyrus." banggit ni Arcanus sa pangalan niya. Siya ang kanang kamay ni Arcanus. "The battalions from Arunafeltz Kingdom are here and already attacking our kingdom." Cyrus said. I can feel the fear in his voice. Mabilis na kumalat ang kaba sa buong sistema ko. Napatingin ako kay Arcanus at nakitang kalmado lang ito. “Call all our battalions and tell them to defend our kingdom. You!" sabi niya at tinuro ang isang sorcerer na nakatayo sa likod ni Cyrus. "Bring your battalion and guide my Queen and Princess to the woods. Never let them get hurt." Tumingin siya sakin at hinawakan ang kamay ko. Alam kong kinakabahan rin siya, pero ayaw niyang ipakita iyon lalo na sa mga kaaway. That's one of the reason why I love him and why he deserves the throne. "My Queen, this is the time. Hide our princess to the mortal world. Cast the APEREINS PORTA and NEONATI spell and leave her there. Let’s just hope that good mortals will find and raise her. I love you my Queen. Save our princess." then he kissed me on the forehead. I nodded and said "I love you, too." then started to walk towards my daughter's room. Sumunod naman sakin ang mga sorcerer na inutusan ni Arcanus. "Princess?" tawag ko kay Zeira pagkapasok ko sa kwarto niya. And there I saw her lying on her bed, sleeping. Pinigilan ko ang sarili kong maiyak. Ayokong makita ako ng anak kong umiiyak. "Mommy?" nagmulat siya ng mata at umupo sa kama niya saka tumingin sakin ng nakangiti. Sinabihan ko ang mga sorcerers na sa labas nalang muna maghintay. Lumapit ako kay Zeira nang nakangiti. "Baby." "Mommy, it's already late. Bakit gising ka pa po?" sabi niya na tumitingin sa bintana. Umiling lang ako at itinapat sa mukha ng baby ko ang kamay ko. Kumunot ang noo niya sa ginawa ko pero ngumiti lang ako sa kanya ng mahina. "Swei nil uno yul." I chanted a spell. Unti-unting pumikit ang mga mata ng anak ko. Sinalo ko agad siya nang muntikan na siyang bumagsak sa sahig. "I'm sorry, my princess but I need to do this." I whispered on her ears. May tumulong luha mula sa isa kong mata pero agad ko rin iyong pinunasan. Hindi pa masyadong marunong gumamit ng spell ang anak ko. She's just 16 years old. Kaya hindi niya alam ang ginawa ko. Pinatulog ko lang naman siya gamit ang spell na iyon. Para mas madali para sa akin ang gawin ito. Para mas matanggap ko. Baka kasi kapag narinig ko pa ulit ang boses niya ay hindi ko magawang iwan siya sa mundo ng mga mortal. Pagkarating namin sa tagong parte ng gubat ay sinimulan ko agad na buksan ang portal papunta sa mortal world. “In aceastra vraja am blestema unul... Pentru ca va merge dincolo... De portal si de pretul!" I started to chant the Apereins Porta spell. "...In aceastra vraja am blestema unul... Pentru ca va merge dincolo... De portal si de pretul!” Pinagmasdan ko ang unti-unting pagbukas ng portal. This is the time. Lumingon ako sa sorcerer na may karga kay Zeira. "P-Put her down." I commanded. Sinunod naman agad niya iyon at inihiga sa damuhan si Zeira. Hindi na ako nagdalawang isip na magcast ng spell. Spell na nakakapagbalik sa mga teenagers sa pagiging sanggol. Alam kong habang tumatagal kami rito ay mas umiikli ang oras na safe ang anak ko. “Dea iuventutis, exaudi me dicere, adducis meum filia, retro in ens infantem.” Unti-unting bumalik sa pagiging baby si Zeira. Kinarga ko siya at pinagmasdan habang mahimbing na natutulog. Naglakad na ako papasok sa portal para makarating sa mundo ng mga mortal. Agad kong pinagmasdan ang buong paligid ko. Ibang iba ang hangin dito kumpara sa mundo namin. This world's really different from our world. Kung titignan parang ang payapa. Inilibot ko pa ang tingin ko. Puro damo lang ang nakikita ko. Madilim na rin dahil gabi na. Naglakad ako palapit sa isang malaking puno at inilapag si Zeira sa ilalim noon. Habang tumatagal ako rito, nararamdaman ko ang pagkulubot ng balat ko. Nararamdaman ko ang pagtanda ko. Kapag wala kasi kami sa other world, at pumunta kami rito, paniguradong tatanda kami at mamamatay. Pwera nalang kung under kami ng isang spell. Spell na kayang panatilihin ang edad namin sa other world kapag napadpad kami rito. Hinalikan ko ang noo ni Zeira sa huling pagkakataon. "Farewell, my princess. I promise you, we'll meet again. I love you, my baby." I said as I kiss her forehead, again. Tumayo na ako at lumakad palapit sa portal. I'm crying endlessly. Pinunasan ko muna ang mukha ko at lumingon sa malaking punong iyon. "Farewell, my princess." Pumasok na ako sa portal pabalik sa other world. Bumungad sakin ang mga nag-aalalang mukha ng mga kasama kong sorcerers. Nilingon ko ang portal at inumpisahang magchant ng spell. “In aceastra vraja am blestema unul, Pentru ca va merge dincolo, De portal si de pretul! In aceastra vraja am blestema unul, Pentru ca va merge dincolo, De portal si de pretul!” ** Bumalik agad kami ng mga kasama kong sorcerers sa Lairhart. Hindi ko mapigilang maiyak. Namimiss ko na agad ang anak ko kahit na minuto palang ang lumilipas. Gustong-gusto kong balikan si Zeira sa mundo ng mga mortal pero hindi ko magawa. Alam kong mas magiging ligtas siya doon. Nang malapit na kami sa Lairhart, nakita ko ang paligid. DUGO. Puro dugo ang paligid. Maraming namatay sa labanan. Natakot ako. Mas lalong naiyak. Hindi ko alam ang gagawin ko. I looked at my back pero mas nagulantang ako sa nakita ko. Lahat ng kasama kong sorcerers kanina, lahat sila nakahandusay na sa sahig at mga wala ng buhay. Nagpunta ako sa loob ng palasyo at ganun din ang nakita ko. Agad kong hinanap si Arcanus pero nabigo ako. Napapitlag ako nang bigla na lang may humawak sa akin at... “If you want to see king Arcanus, come with us… Queen Hermione…” ** At the Mortal World Mrs. Saldivar's POV Pabalik na ko sa bahay namin galing palengke. Habang naglalakad, parang nakarinig ako ng iyak. Iyak ng bata… Hindi ko nalang pinansin kasi baka guni-guni ko lang 'yon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa palakas ng palakas yung iyak. Sinubukan ko lang ulit na balewalain pero parang may nag-udyok sa akin na puntahan ito. Lumingon ako sa kung saan saan para hanapin yung iyak. Wala naman kasing nakatira sa parteng ito ng subdivision namin. Kaya imposibleng baby iyon sa kapitbahay. Sinundan ko yung iyak ng bata hanggang sa nakarating ako sa damuhan. “Damuhan? Anong ginagawa ng isang bata sa damuhan?” sabi ko sa loob-loob ko. Lumapit pa ako ng lumapit hanggang sa may nakita akong tela na gumagalaw sa ilalim ng isang malaking puno. Nilapitan ko pa iyon at nakita ang isang iyak ng iyak na sanggol. “Bakit may baby dito?” takhang tanong ko sa sarili ko. Nag-alangan pa akong kunin yung bata nung una dahil baka may magulang 'to, at sabihin pa kinikidnap ko ang anak nila. Pero napaisip rin ako, kung may magulang nga to, bakit nila iniwan dito sa damuhan? Napabuntong hininga nalang ako at kinarga ung sanggol. Pinagmasdan ko siya at napangiti ako. Tumigil siya sa pag-iyak. "Ang ganda mo namang bata. Tutal, wala ka naman atang magulang, from now on, ako na ang Mimi mo." nakangiti kong sabi sa kanya at saka naglakad paalis sa lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD