Chapter 3: Ms. President and The New Kids. (Part 1)

2926 Words
If one is lucky, a solitary fantasy can totally transform one million realities. —Maya Angelou -7 years later- …When you’re dreaming, dreaming like you’re in a different world. A world that is unique and perfect. War, hate and agony are the most prohibited words and feelings. You’ll surely be the happiest dreamer. But then, just by seeing those perfect things, you’ll know that it was just a dream. A fantasy.. A dream that is far from reality. And it hurts like hell, knowing that it will never be your real world… *knock knock* I diverted my look from my book to the door when I heard someone knocked. Inilapag ko agad ang librong hawak ko at saka nagsalita. “Come in.” Agad namang bumukas ang pinto at iniluwa ang nakangiting si Master A, angSchool Master s***h Principal ng Finelry High. I’m already a 4th year high school student here but still, hindi ko pa rin alam kung bakit Master at hindi normal na ‘Principal’ ang tawag sa principal namin. It’s like a secret you’ll never be interested to know. It’s like a secret but it seems not. “You’re early.” He exclaimed nang makita ako. Agad akong tumayo at ngumiti sa kanya. “Good morning, Master A. Nagbabasa lang po ako and I still need to do some stuff for the party.” I said pertaining to Sem-Ender Party. Tumango tango naman siya at saka inilibot ang tingin sa buong Finelry High’s Circle of Leaders’ Office at tumingin sa relo nya. “You’re really responsible, Zeira.” Puri nya sakin. I’m still smiling at him kahit hindi siya nakatingin sa akin. “It’s my responsibility to be responsible, Master.” Tumingin siya sa’kin nang dahil sa sinabi ko then he smiled. Medyo nasa mid-50 na ang edad ni Master A pero mukha pa rin siyang malakas. Parang kaya niya pa rin ngang makipagsabayan sa mga runners ng FH. “Hindi talaga nagkamali ang buong Finelry High sa pagpili sayo para maging top student, Ms. President.” Nakangiti siyang lumapit sa’kin. Ang top student sa FH ang nagsisilbing President ng Circle of Leaders. For a normal school-- not that I’m saying that our school is not normal-- it’s called Student council. “Thank you, Master.” Iyon lang ang nasabi ko habang nakatingin sa kanyang papalapit sa’kin. Ngayon ko lang napansin na may hawak siyang brown folders. Para saan ‘yon? Huminto siya sa tapat ng table ko at inilapag ang folders doon. Napatingin ako sa dalawang folders at saka ulit kay Master. I was about to ask him what are these for when he spoke. “We have new students here. I want you to assist them, Ms. President.” Biglang sumeryoso ang mukha niya. New students? Pero patapos na ang 1st sem. Bawat period kasi sa school na ito ay tinatawag na Sem. At kada mag-e-end ang sem, nagkakaroon kami ng Sem-Ender party. Transferee at the end of the sem? Isa pang pinagtataka ko ay hindi naman basta basta nakakapagtransfer ang students galling sa other schools sa FH. Mahigpit dito. This school has a criteria—a higher criteria to be exact. But no one knows what those criterias are. Miski ako, hindi ko alam kung bakit dito ako pinasok nila Mimi at Didi. At kung bakit at paano ako nakapasok sa school na ito. Hindi naman puros mayayaman ang mga students dito. But every student here is unique. They have their own way of uniqueness. Same as the school. That’s why I love this school as well as the students. Magtatanong pa sana ako kay Master pero ang papalayong likod nalang niya ang nakita ko at ang mahinang pagsara ng pinto. Bumalik ang tingin ko sa dalawang brown folders na nasa table ko. Kinuha ko iyon at binuksan ang unang folder. I scan the paper inside. Name: Roanna Zaffre Age: 16 years old Gender: Female Birthday: April 7 Background: Has a brother named Viex. Their parents died in a car accident when they were 7 and 5. I continued to scan but… “That’s all?” Natanong ko nalang bigla sa sarili ko. Napakalimited ng info na nilagay dito. What’s up with this new student? Isa pa, bakit wala siyang picture? This is weird but I just shrugged. Baka naman nahihiya siyang magpapicture. Isinara ko ang folder ni Roanna at kinuha ko yung isang folder. I started to scan pero ganoong mga infos lang rin ang nakalagay. Name: Viex Zaffre Age: 18 years old Gender: Male Background: Has a sister named Roanna. Their parents died in a car accident when they were 7 and 5. Ang pinagkaiba lang ni Viex, walang nakalagay na birthday ‘yong sa kanya at… may picture sya. I looked at his picture at the top right corner. Kahit sa picture lang, nararamdaman ko ang pagiging cold ng mga mata niya. He looks so dangerous yet… so sad. Sakto lang ang mga mata niya, hindi maliit, at hindi rin malaki. Matangos ang ilong. Makapal na kilay. At manipis na labi. He’s handsome. Pero kapag nakita mo siya sa picture, parang hindi mo na gugustuhing makita siya sa personal. So magkapatid pala sila ni Roanna. I bet, maganda siya dahil gwapo ang kuya niya. “Good morning Zy!!” muntik na akong mapalundag nang dahil sa boses mula sa likod ko. Agad ko namang sinara ang folder na hawak ko at tumingin sa likuran ko, only to see Mishie’s smile. Geez. This girl! “Gosh! Mish. You scared the hell out of me! Don’t you know how to knock?” naiinis na reklamo ko sa kanya at umayos na ng upo. Kung may sakit lang ako sa puso, malamang patay na ako ngayon. “I know. Actually, I did knock, but you’re busy enough to ignore me! You did not even notice my presence, so I have decided to shout.” She explained habang lumalakad papunta sa table niya. She’s Mishiena Brent, the secretary of FHCOL. “Hindi mo pa rin dapat ginawa ‘yon. Geez.” Sabi ko sa kanya at tumingin sa relo ko. 7:30 na pala. Our classes will start at 8am. At kaninang 5am pa ako ditto sa office. I just can’t sleep. Isa pa, may dorm naman kami dito sa loob ng Finelry. So I’m free to go here anytime I want. Pwede naman kaming umuwi every weekends. Pero kapag weekdays, hindi nagpapalabas ng student ang Finelry. Narinig ko nalang na tumawa si Mish. Childish as ever. “Ano pala ‘yan?” she suddenly asked. Napatingin naman ako sa kanya. Hindi siya sa’kin nakatingin kaya sinundan ko ang tinitignan niya. ‘Yong folders. “Documents” I simply answered. Documents na wala namang ka-info-info. “Documents?” nagtatakang ulit nya sa sinabi ko. I nodded. “Yes. Transferal form to be exact.” Nakita ko naman ang unti-unting pagbuka ng labi ni Mish. “TRANSFERAL FORM?!” hindi na niya napigilang sumigaw. I just nodded in response. Alam ko namang magugulat siya dahil miski ako nagulat. Like what I have said, mahigpit ang Finelry. “OMG! OMG! LALAKI BA?! ILAN?! GWAPO?! MATATAPOS NA ANG SEM HA? PAANO SILA/SYA NATANGGAP SA FINELRY?!” nakakabinging mga tanong ni Mish habang nakalagay ang dalawang kamay niya sa magkabilang pisngi niya. I sighed. “Will you just calm down, Mishiena?” “No! No! No, Zy! I can’t! OMG!” Kung kanina, gulat ang expression niya, ngayon parang excited na siya. Seriously, Mish? Napailing nalang ako. “A guy and a lady.” I said answering her question. Tumahimik naman siya saglit and the next thing I know? Nasa tabi ko na siya at kinuha ang folders. Binuksan niya iyon at binuksan niya iyon. Biglang nagningning ang dalawang mata niya nang makita ang nasa loob ng isang folder. I think that’s Viex folder. “Ang gwapo, Zy! OMG. Mas gwapo pa siya kay Nijel! Gosh!” she shrieked. Agad kong kinuha sa kanya ang dalawang folder dahil baka bigla nalang mapunit sa sobrang kilig niya. “Shut up, Mishie. Ang ingay mo.” Someone said. Napatingin kami parehas ni Mish sa kakapasok lang. “You don’t care, Syn!” sagot lang ni Mishie at saka umirap kay Syn. Mag-uumpisa na naman sila. “Syn! Ang aga mo ata ngayon?” I asked trying to change the subject. She looked at me, dangerously habang papalapit sa upuan sa harap ng table ko. “Those bitches run at the ladies’ dorm while shouting ‘God-knows-what’ without even thinking that someone’s still sleeping!” naiinis na paliwanag niya sa amin. Oh. So that’s it. Hindi naman kasi sanay ang babaeng ito gumising ng maaga. Kung hindi ko pa nga siya gigisingin, malamang araw araw siyang late sa first and second subject namin. Good thing na rin na ako ang nagging kasama niya sa dorm at hindi si Mishie. “You should be thankful to them, Syn.” Singit ni Mish. “What?” iritableng tanong ni Syn. “Why would I?” dagdag pa nito. Napatingin naman ako kay Mish at naghihintay ng sasabihin niya. “Because If they did not shout, then you won’t be able to wake up this early.” Then she smiled triumphantly. They’re starting again. “You--!!” natigil si Syn sa pag-aalburoto nang biglang bumukas ang pinto. Bumungad sa harap namin ang nakangiting mukha ni Nijel. “Good morning, ladies.” Nakangiti niyang bati sa amin. Tumango lang si Syn sa kanya samantalang ngumiti naman ako. He’s Nijel Lrindoza. The vice president. He’s tall, chinito and, of course, handsome. He’s also smart. Almost perfect na nga siya eh. Kaya ang daming nagkakagustong babae sa kanya. And one of those is Mishie. Speaking of Mishiena. I glanced at her table at muntik na akong matawa sa itsura niya. She’s blushing, again! Well, that’s quite normal. Araw araw naman kasi yang nagbblush kapag nakikita si Nijel. “What is it, Nij?” tanong k okay Nij. Hindi pa kasi siya pumupunta sa table niya at nakatingin lang sa’min. So I guess, may sasabihin siya. “About the new kids.” He started. My heart skip a beat when he says that. And I don’t know why. Hinintay ko lang ang sasabihin niya. “I’ll go first, bestfriends.” Sinserong sabi ni Syn, kaya hindi naituloy ni Nijel ang sasabihin niya. We all nodded in response at saka siya tumayo at umalis. She must be really irritated nang dahil sa nasira niyang tulog. “Nijel?” tawag ko kay Nijel signaling him to continue what he is saying a while ago. “Ah! I’m sorry. About them, they’re at the school master’s office.” He said with a smile. “Alright. Thanks.” Sabi ko at Tumango kaya bumalik na siya sa table niya. Siguro alam na rin niya na ako ang mag-aassist sa new kids. Tumayo na ako at inayos ang sarili ko. Nag-umpisa na akong maglakad palapit sa pinto nang biglang magsalita si Nijel. “About the guy…” napalingon ako sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa papel sa table nya habang may sinusulat pero alam kong ako ang kausap niya. “…I don’t like him.” Bigla siyang tumingin sa’kin. He stares directly onto my eyes. Tinignan ko lang siya na parang siya na ang pinakaweird na tao sa buong Finelry. Pakiramdam ko kinilabutan ang buong katawan ko nang dahil sa sinabi niya. Tinalikuran ko na sila at saka lumabas ng office. -- Hindi ko talaga alam kung bakit ako kinakabahan. Pakiramdam ko handa nang lumabas ang puso ko mula sa dibdib ko. I sighed. I don’t know why I am feeling like this. I am feeling like hell. Ilang minuto na rin ako dito sa t ng tapat ng pinto ng School Master’s office. Ni hindi ko magawang kumatok. Why am I acting like I’m going to meet death? Umiling iling ako. You’re just over thinking, Zeira! I sighed for the nth time and decided to knock. Pero bago pa ako makakatok ay bumukas na ang pinto at saka bumungad sa akin ang gwapong mukha ng new kid. Pero hindi ako masyadong makapagconcentrate sa kabuuan ng mukha niya. Nakatingin lang ako sa mata niya—his cold eyes and stares. Habang tumatagal na nakatingin siya sakin ay nakakaramdam ako ng takot. Takot para sa sarili ko. Takot na naramdaman ko noong bata pa ako. Napaatras ako bigla habang nanginginig kong ikinuyom ang dalawang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit kusang gumagalaw ang katawan ko. Is it just my instinct? ‘Yong mata niya. Parang nakita ko na. Parang— “Quit starring at my him!” napaupo ako nang biglang may tumulak sa’kin. Napatingin ako sa babaeng sumigaw at tumulak sa’kin. She must be Roanna. This guy’s sister. Agad namang lumapit sa’kin si Master A at tinulungan akong tumayo. Nanginginig pa rin ako hanggang ngayon. Hindi dahil sa pagkakatulak sa’kin kundi dahil sa titig ng lalaking iyon sa’kin. I can still feel his cold stares so I just vowed my head. “I’m s-sorry.” Nanginginig pa ring sabi ko at saka tumingin sa kanila. Kay Roanna ako tumingin dahil hindi ko pa rin maiwasang matakot nang dahil sa tingin ng lalaking iyon. Tinignan niya ako ng masama at akmang lalapit ulit sakin parang itulak ako nang bigla siyang hilahin ng kapatid niya. “Stop.” And with that one word, the girl stopped. Kung cold ang mga mata niya, mas cold pala siya kapag nagsalita na. Nakakatakot siya. Parang hindi mo iisiping safe ka kung makakasama mo siya. “We’re sorry for that, Ms. And Mr. Zaffre.” Hinging paumanhin naman sa kanila ni Master. Bigla siyang humarap sa’kin. “Are you okay, Zeira? If you want, ipapatawag ko nalang si Nijel para siya nalang ang magtour sa kanila.” He said. “No, Master. I can handle it.” Mabilis kong sagot sa kanya. I don’t want to disappoint anyone. So I’ll do this. “Are you sure?” Nagtatakang tanong niya sa’kin. Determinado naman akong tumango sa kanya. “Alright.” Humarap na ulit siya sa magkapatid. “Mr. and Ms. Zaffre, this is Zeira Saldivar, the President of Finelry High’s Circle of Leaders and she’ll assist you for this day. Siya rin ang maghahatid sa inyo sa magiging mga dorm niyo. Alright. Enjoy and study well. I’ll leave you now.” He said at saka bumalik sa loob ng office niya. I gulped hard. Ramdam ko pa rin kasi ang masamang tingin sa akin ni Roanna. Geez. I managed a smile at them pero tanging kay Roanna lang ako tumingin. I really don’t want to see those eyes again. It scares the hell out of me. “S-shall we?” I asked still smiling. Ayokong maoffend sila so I still manage to smile at them. Kahit medyo nanginginig pa rin ako. Nauna na akong maglakad papunta sa Girls’ Dormitory. Una ko silang dadalhin sa dorm para mailagay na nila ang mga gamit nila doon. Naibigay na rin naman sa kanila ang mga susi nila so I guess, makakapasok na sila sa mga magiging kwarto nila. At naibigay na rin sa’kin ni Master A ang mga room numbers. A32 ang room number ni Roanna. That means sa first floor siya. Samantalang B57 naman ang kay Viex. Una kaming pumunta sa Girls’ Dorm. Lahat ng nakakasalubong namin, napapatingin sa dalawang kasama ko. They’re really a head turner. Hindi ko rin masisisi ang mga babaeng humanga sa magkapatid na ito. Maganda at gwapo naman kasi sila. Agad akong huminto sa tapat ng pinto ng A32 at saka ko iyon binuksan. “This will be your room.” Nakangiti kong sabi sa kanya pero inirapan niya lang ako at saka pumasok. Napabuntong hininga nalang ako ulit. Bakit ba parang ang init init ng dugo niya sakin? She doesn’t know me yet. “Uhm—wait!” Mabilis pa sa alas kwatrong isinara ko ang pinto sa harap ko nang mapansin kong papasok si Viex sa loob ng kwarto. Napatingin siya sakin. As usual, using his cold stares. And it gives me the creeps again kaya tumingin nalang ako sa ibang direksyon. “Y-you’re not a-allowed to g-go inside.” Sabi ko sa kanya nang hindi nakatingin. Nararamdaman ko pa rin ang cold na tingin niya sa’kin. “Nakapasok ako kahit may nakalagay na ‘No Boys allowed’ sa harap palang ng facility na ‘to. So better stop blocking my way. That’s no use.” Cold na sabi niya at saka inalis ang nakahawak kong kamay sa door knob. Napanganga ako nang bigla niyang buksan ang pinto at pumasok. Gate Crasher!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD