It’s a weird thing to wake up in the middle of an unfamiliar place. That was the first thing that popped out in my mind when I get to open my eyes. Hindi ko alam kung paano ako napunta rito pero sigurado akong kahit kailan, hindi pa ako nakakarating dito. Ni sa panaginip, hindi ko maalala ang lugar na ito. Tumayo ako mula sa malambot na kamang pinaghihigaan ko. Ang totoo, kung hindi ko pa naramdaman ang lambot ng kamang iyon, hindi ko malalaman na kama ang hinihigaan ko. It looks like a big stone na nakadikit sa sahig, pero imbis na makasakit ito ay napakakomportable pa nitong higaan. I looked around me and all I can see are beautiful trees and flowers. Iba’t iba rin ang kulay ng mga bulaklak sa paligid, ganoon na rin ang mga bunga ng bawat punong nandito. Puro damo rin ang paligid pero

