Ilang minuto na rin simula nang umalis silang tatlo mula sa kinatatayuan nila dito sa likod ng dorm pero ako, nakaupo pa rin dito sa tabi ng puno. I’m still crying my heart out. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako umiiyak. Am I sad? Happy? No. All I could feel is betrayal. I was betrayed by the people I trust the most. All this time, nasa tabi ko lang pala ang totoo kong tatay pero wala manlang ni isang nagsabi sa’kin—miski siya. Pinagmukha nila akong tanga. Ganon na ba kababa ang tingin nila sa’kin? Tumayo na ako at saka pinagpagan ang suot ko. Pinunasan ko rin ang pisngi ko dahil basang basa pa rin ito dahil sa kakaiyak ko. Mag-uumpisa na sana akong maglakad pabalik sa kwarto naming ni Syn nang biglang kumirot na naman ang sugat ko. “O-ouch!” Hindi ko alam kung natamaan ba yung sugat

