Naglakad kami papunta sa masukal na part ng Mystic Palace. Ngayon lang ako makakapunta sa part na 'to dahil sabi nila nandito daw 'yung falls na pwedeng paliguan. Malaki pala talaga ang Mystic Palace. Pero ang sabi nila, mas malaki pa daw dito ng sampung beses ang Lairhart Kingdom. Para nga itong isang nayon na nasa gitna ng kagubatan. Pero hindi katulad ng gubat sa labas, makulay ang gubat dito sa loob ng Mystic Palace. Ang daming puno na nag-iiba iba ang kulay. Marami ring bunga. May mga puno rin na nagbubunga ng magagandang bulaklak. Nagulat nga ako nang makita 'yun. Ang bango-bango pa nung nilapitan namin. Tresenia raw ang tawag sa punong iyon at iilan lang ang ganoon dito sa Mystic Palace. Madami daw sanang ganoon sa otherworld dati pero dahil sa pamumuno ng mga Vampires, namatay 'y

