Pabalik balik lang ako ng lakad dito sa kwarto ko dito sa pinakapalasyo ng Mystic Palace habang iniisip 'yung mga sinabi ni Master Hans kanina. Bakit ganun? Bakit ganun si Viex? Hindi ko siya ma-gets! Naputol ang pag-iisip ko nang maramdaman kong may nakatingin sa'kin. Napaharap ako sa pintuan at nakita ko dun si Wren na nakatayo habang naka-smirk sa'kin. Nakahinga naman ako nang maluwag na nandito na siya. "Pinapatawag mo raw ako, mahal na prinsesa." He said, mockingly. mockingly I rolled my eyes at him."Pwede ba, Wren? Hindi ako nakikipaglokohan sa'yo." Seryosong sabi ko. Bigla mamang kumunot ang noo niya. Siguro dahil sa pagtataka. Wala naman kasi talaga akong balak makipag-asaran sa kanya. I need to ask him something important. Sa ngayon kasi, siya lang ang kaya kong pagkatiwalaan

