"Napapagod na ako, Yana. Ilang beses ko bang kailangang buhatin 'yang kahoy na balde at dalhin sa magkabilang dulo ng training room na 'to?" Angal ko habang iniikot ikot yung kanang balikat ko. Sobrang ngalay na kasi. Hindi naman kasi ako magrereklamo kung hindi ako napapagod. Isama mo pa na binan niya ang vampire skills ko sa training na 'to kaya hindi ko magamit. Tinotorture yata ako nito! Napatingin ako sa dalawang balon sa magkabilang dulo ng training room. Yana created those well para makapagsalok ako ng tubig, tapos kapag nakapagsalok ako, itatapon ko 'yon sa isa pang well sa dulo at uulitin na naman. Halos ilang libong beses ko na yatang nagawa 'yun kaya ngalay na ngalay na ang braso at balikat ko. Hindi naman sobrang laki nung balde pero malayo naman kasi ang nilalakad ko at nag

