Agad kong tinignan ang sarili ko sa full length mirror ng kwarto ko. Halos mapaluwa ang mata ko nang makita ko ang sarili ko. Suot ko 'yung dress na binigay sakin ng Elves at inayusan ako ni Mishie. Light lang naman yung nilagay niyang make up sa mukha ko tapos inayos niya yung buhok ko para magmukhang bulaklak. Sabi niya, mas bagay raw iyon sa outfit ko ngayon at para na rin daw may mapaglagyan nung crown ko. At tama nga siya, mas bumagay ito sa suot ko ngayon. Nakadagdag pa 'yung jewelries na binigay sa'kin ng ibang sorceress kanina na floral din ang theme. Napangiti ako. Hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Ako ba talaga 'to? "You look so pretty, Zy. Mukha ka nang dyosa ng mga bulaklak!" Nakangiti ring sabi ni Mishie. Nakabihis na rin naman si Mishie bago pa man siya p

