“Alam mo Grace, huwag mo nang isipin iyang kaibigan mong baliw. Hindi pa rin ako naniniwalang naging jowa iyon ni JR. Kaloka!” litaniya ni Vida kay Grace habang sunod-sunod ang pagsubo ng chips sa bibig nito. Nasa apartment niya ngayon ang doktora dahil nang umalis si Kath kanina, tinawagan niya ito para may makausap. Napabuntong hininga naman siya saka ibinaba ang cold compress na ginagamit niya sa kaniyang nasaktang pisngi kanina. “Ito na nga ba ang sinasabi ko Dok e, walang magandang idudulot ang pagpapanggap namin ni Rex. May masasaktan at masasaktan sa pagpapanggap naming ito.” “At kasama ka sa masasaktan?” makahulugang tanong ni Doktora Vida sa kaniya. Kunot-noo naman niyang tiningnan ang doktora. “Naku Grace, aminin mo man at sa hindi, alam kong may something ka kay Rex. Huwag na

