Nasa kalagitnaan na nang pagkain sina Grace at Rex nang maramdaman niyang mag-vibrate ang kaniyang cellphone. Binitiwan niya ang kaniyang kubyertos saka dinukot sa bag ang kaniyang cellphone. Natigilan pa siya nang makitang si Dino ang tumatawag na iyon. Napasulyap siya kay Rex na matamang nakatingin lang sa kaniya. “Sasagutin ko lang ‘to,” paalam niya sa binata saka tumagilid ng pagkakaupo. “Hello.” “So, kaya pala hindi ka na nag-e-effort na tawagan ako, kasi may iba ka na pa lang boyfriend,” nang-uuyam na saad ni Dino mula sa kabilang linya. “Napatawag ka ba dahil diyan? Dahil kung oo, wala akong panahon para magpaliwanag sa iyo. Baka nakalilimutan mong wala na tayo. And besides, sino ba ang nagloko sa ating dalawa?” matapang niyang turan dito. “Woahhh! Matapang ka na rin pala ngayo

