“I heard that you are living in with your so called boyfriend.” Halos mapalundag sa pagkagulat si Grace nang marinig niya ang tinig ni Dino. Nakatungo kasi siya habang naglalakad patungo sa Stadium Arena kung saan ang kanilang clinic. Simula nang maging kunwaring sila ni Rex, palagi na lang siyang nakatungo kapag naglalakad para hindi mapansin ng mga fans ng binata. Nilingon niya ang pader na sinasandalan ni Dino at nasalubong niya ang malungkot na mga mata nito. Aaminin niyang nahabag naman siya sa binata, pero hanggang doon na lang iyon. Isa pa, hindi pa rin naman niya nakalilimutan ang mga kasalanang ginawa nito sa kaniya. Didiretso na sana siya ng paglalakad, ngunit mabilis naman siyang nahawakan ni Dino sa kaniyang braso. Sa kaniyang pagkagulat, mabilis niyang hinaltak ang kaniya

