Kinilabutan si Grace nang datnan niya ang kaniyang bahay na puno ng sulat gamit ang spray paint na iba’t ibang kulay. Basag rin ang salamin ng kaniyang bintana na halatang binato ng malaking bato. Dali-dali niyang binuksan ang kaniyang pintuan at pumasok sa loob ng kaniyang apartment. Nangangatog ang kaniyang mga tuhod habang pinagmamasdan ang mga bubog na tumilamsik sa sahig ng kaniyang bahay. Sira na rin ang kaniyang TV na nakatumba sa sahig. Mukhang tinamaan iyon ng batong ibinato sa loob ng kaniyang bahay. Nakita niyang may papel na nakabalot sa bato kaya nilapitan niya iyon at kinuha ang papel. Tama nga siya ng hinala, may nakasulat nga sa papel na iyon. ‘Mang-aagaw! B*tch! Traitor!’ iyon ang mga katagang nakasulat sa papel. Hindi na niya kailangan pang tanungin kung sino ang gum

