“Alam mo napaka walang hiya talaga niyang jowable mong iyon e. Naku, naku, naku! Kung nandoon lang ako baka binasag ko sa ulo niya iyong dala mong bote ng wine! Kumukulo talaga ang dugo ko sa kurimaw na iyon e!” gigil na gigil na saad ni Doktora Vida sa kaniya, habang naggagayat ito ng mga gulay para sa lulutuin nitong pancit. Kasalukuyan kasi siyang nasa bahay nito at nagmumukmok. Isang lingo na ang nakalilipas pero apektado pa rin siya sa nangyari sa kanila ni Dino. Hindi niya matanggap na ang dahilan ng pakikipagniig nito sa iba ay siya. Dahil ayaw niyang isuko ang kaniyang iniingatang puri sa lalake. “Siguro naman ngayon, natauhan ka na. Kapag hindi pa naman, naku ikaw ang pupukpukin ko ng bote ng wine sa ulo!” pagbabanta ng batang doktora sa kaniya. “Huwag ka nang malungkot diyan,

