Kinagabihan, kagaya nga ng sinabi ni Kyle kina Rex, ala sais pa lang ay nasa Casa Vielle na sila. Medyo nagka-aberya pa dahil hindi naman nila inaasahang may mga media na sa labas ng gusali kaya naman pahirapan ang naging pagpasok nila sa loob. “JR! Anong masasabi mo sa kumakalat na video na may dini-date ka na raw na magandang babae?” tanong ng isang reporter sa kaniya. Hindi naman siya umimik at mabilis lang na naglakad papasok sa loob ng Casa Vielle Condominium. Kabilin-bilinan kasi ni Kyle na huwag silang sasagot sa kahit na anong tanong sa kanila hangga’t hindi pa oras ng press-con. Mabuti na lang din talaga at maganda ang security ng condominium na iyon at agad silang na-protektahan ng mga security ng lugar na iyon. “Grabe naman iyon! Ganoon pala pakiramdam ng sikat— kinukuyog!” n

