Isang buwan ang matuling lumipas at hanggang ngayon, hindi pa rin tinatawagan o pinupuntahan man lang ni Dino si Grace. Hindi niya tuloy alam kung sila pa ba, o galit pa rin ito sa kaniya. Kaya naman ngayong araw, naisip niyang puntahan na lang ito sa condo nito. Siguro naman by this time, hindi na ito galit sa kaniya. Masaya pa siyang nag-aabang ng elevator paakyat sa unit ng kasintahan, habang bitbit ang take out foods and wine sa kaniyang mga kamay. Sinubukan niyang tawagan ito kanina bago siya magdesisyong magpunta roon, ngunit nakapatay ang cellphone ni Dino. Kaya minabuti na lang niyang puntahan ito sa condo. Nang sa wakas ay nasa palapag na siya ng condo nito, agad siyang naglakad patungo sa unit ng kasintahan. Nagtaka pa siya nang bahagyang nakaawang ang pintuan ng unit ni Dino.

