Magaan ang pakiramdam ni Grace habang nakangiting nag-iinat at inaamoy ang mabangong amoy ng comforter na bumabalot sa kaniyang katawan. Pakiramdam niya, napakasarap ng tulog niya at napakakumportable. Dahan-dahan siyang nagmulat ng kaniyang mga mata na biglang namilog nang mapagtantong wala siya sa kaniyang kuwarto. Pabalikwas siyang nahiga patihaya at nailibot ang kaniyang paningin sa loob ng silid na iyon, habang mahigpit na hawak ang kumot sa kaniyang dibdib. Mabilis niyang sinilip ang kaniyang katawan sa loob ng kumot, at napahinga ng maayos nang makita niyang kumpleto naman ang kaniyang kasuotan. “Nasaan ba ako? At kaninong kuwarto ito?” tanong pa niya sa sarili saka muling iginala ang kaniyang paningin sa loob ng silid na iyon. Kulay puti ang pintura ng silid na iyon habang kul

