Chapter 19

1540 Words

“So, kumusta naman ang trabaho mo sa bago mong work place?” tanong ni Dianne sa kaniya. Kasalukuyan silang nasa Dreame Cafe ngayon malapit sa kanilang barangay at nagkukuwentuhan. Off niya ngayon at eksakto namang nasa labas ng kampo si Dianne, kaya naisipan nilang magkita. Matagal-tagal na rin naman noong huli silang nagkita ng kaibigan at nami-miss na niya ito. Sayang nga lang at wala sina Althea at Kristine para sana kompleto sila. “Okay naman. Mga atleta ang inaasikaso ko ngayon. Enjoy naman lalo na at maraming guwapo!” humahagikhik niyang tugon kay Dianne. “Hmp! Guwapo raw! If I know, nag-iisa lang naman ang guwapo sa paningin mo at iyon ay ang jowa mong babaero!” nakaismid na wika ni Dianne sa kaniya saka ito sumimsim sa frappe nito. Hindi na lihim kay Dianne ang bagay na iyon da

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD