“Number eighteen, Trimor got the ball, spot on three... Shoot! Three points!” Narinig niyang sigaw ng tagapag-anunsiyo, kasabay ng hiyawan ng mga nanonood sa kanilang laban. Opening na ng basketball league, kaya naman maraming nanonood sa Stadium Arena. Yes, official member na siya ng Dreame Magic. After graduation, tuluyan na siyang kinuha ni Kyle— ang coach ng Dreame Magic. Mahirap na raw kasi baka masulot pa siya ng iba. Kaya ngayon, heto na siya— ang next Captain ng Dreame Magic. “Astig! Panalo na naman tayo!” tuwang-tuwang wika ni Marvin habang nakikipagkamay sa kaniya. Yes, nakapasok rin sa Dreame Magic ang tatlo pa niyang kaibigang sina Bernard, Ian, at Marvin. Samantalang si Jiggs naman ay nagtuloy ng pag-aaral sa ibang bansa. “Good job, Trimor! Good job, team!” ani Kyle sabay

