bc

THE MONSTER'S LOVE TEEN STORY

book_age16+
86
FOLLOW
1K
READ
revenge
badboy
kickass heroine
gangster
twisted
bxg
humorous
female lead
campus
school
like
intro-logo
Blurb

All the young - In Love sa Demonyo Entry for Yugto Writing Contest

Lead Master: Xianyuen Nakashima

THE MONSTER'S LOVE STORY (Teen Fiction)

Written by: JL Dane

BLURB:

High Five Band # 1: “Handsome yet arrogant. Rich but a troublemaker in the school. Heartthrob heck no, he’s a snob. He’s a monster, not a master, at pagsisisihan niyang ninakaw ang first kiss ko.” Ito ang mga pinangako ni Aloudia Rivero sa kanyang sarili matapos makaharap ang sikat na campus hearththrob na isa ring palang lead master at vocalist ng High five band—walang iba kung hindi si Xianyuen Nakashima na isa sa mga elite people na eligible makapag-aral sa prestihiyosong eskwelahan.

Dahil na-bankrupt ang foster parents ay wala siyang choice kung hindi tulungan ang mga ito at pumayag na maging tutor sa anak ni Mrs. Xiana Givon. Iniwan siya ng mga magulang sa isang kakilala at pinakiusapang handa siyang magturo para sa anak nito. Mabait naman si Mrs. Xiana Givon, ngunit nang makilala na niya ang anak nito ay doon na nagulo ang kanyang mundo.

Napilitan si Aloudia na tanggapin ang offer upang makaganti sa matalik niyang kaaway na anak pala ni Mrs. Givon. Nagkaro0n tuloy siya ng magandang revision ng, 'Keep your friends close, but your enemies closer.’ At ginawa niyang ‘The best way to get know your enemy, is to get closer to him'. Kaya pinanindigan niyang tumira sa iisang bubong kasama ang monster na kinaasaran niya.

Hanggang ito ang mahulog sa patibong ni Aloudia. At uumpisahan na niya ang kanyang 'hundred ways' to get revenge. Could she forget to get her revenge and fall for him instead?

All rights Reserved ©2021 Written by: JL Dane

chap-preview
Free preview
ROUND 1: The bar where it started
ALOUDIA RIVERO'S Point Of View “Sandali lang, Alice! Saan ba talaga tayo pupunta?" Nagsisimula na akong mainis sa babaeng ito. Nanatiling nakatikom ang kanyang bibig sa buong oras na bumabiyahe kami. Sabi ko naman sa kanya, sapakin ko na lang ang lalaking nanloko sa kanya at itinali sa babaeng umagaw ng nobyo niya. Ngunit hindi naman siya pumayag. Ayaw pa rin niyang masaktan ang lalaking iyon na nuknukan sa pagiging playboy. Alam ko namang niloloko lang siya ni Laurence dahil alam ng lahat na playboy naman talaga ito. Ngunit dahil mahal na mahal siya ni Alice ay walang magawa si Alice. Kahit pa anong sabihin ko ay hindi niya tinatanggap. Kaya nang maaktuhan ni Alice na may kasamang babae ito ay talaga namang natameme ang kaibigan ko. Nag-amok tuloy ngayon na pumunta sa kung saan. Natakot naman akong hayaan lang lang siya. Baka maaksidente pa lalo na ngayon na nakikita kong nagda-drive siya at nanlalabo ang mga mata dahil sa mga luha. Isang linggo na siyang narito dahil nakabakasyon. First year college na si Alizia Estrada o Alice sa U.S., matapos nilang mag-migrate roon at tumungo lang siya rito para magbakasyon. Noong nakaraang taon lang sila umalis at nag-migrate sa U.S. Nakapangasawa kasi ang mama niya ng mayamang American foreigner at dinala silang dalawa sa U.S. Natutuwa naman ako na maganda na ang buhay niya. Schoolmate ko siya sa isang public school noon. Halos sabay rin kaming lumaki sa iisang subdivision. Ang mama niya ay nagbebenta ng bahay at lupa. Kung siya ay nineteen na, ako naman ay eigteen noong nakaraang buwan at nang umuwi nga si Alice ay niregaluhan niya ako ng rubber shoes na branded mula sa U.S. dahil hindi nga raw siya umabot sa debut ko. Hindi naman magarbo ang handaan pag-birthday ko. Sapat na nga na may pa-cake sina mama at papa. Kailangan daw naming magtipid kahit na alam kong napakaluho ni mama. Noong nakaraan ay may bago na naman itong sandals, samantalang ako, pahirapan muna bago makahingi ng mga gusto ko mula sa kanila. Ngunit masaya ako na kapag pinakikita ko sa kanila ang mga matataas kong grades ay suportado nila ako. Lalo na sa mga competition na sinasalihan ko. Gusto pa nga ng mga magulang ko na makapag-aral ako sa kilalang mga private university or academy. Gusto nila sa St. Charbel. Sa pagkakaalam ko, puro mayayaman lamang ang nakapapasok sa academy na iyon. Kahit pa nga yata pumasa ako sa entrance exam nila, malaki pa rin ang babayaran naming tuition fee. Ngunit gusto ko rin talagang makatapos. Nag-take na ako ng exam noong nakaraang taon. May mga public school na rin akong napuntahan. Maganda lang talaga sa St. Charbel dahil karamihan daw ng nag-aaral doon ay anak-mayaman at sila na ang maghahanap ng trabaho para sa iyo kapag naka-graduate ka sa prestigious school na iyon. Ngunit ang tuition fee, hindi bababa sa three hundred thousand per semester. Iyan ang sabi sa akin ni Alice. O, ‘di ba? Napakamahal! Saan naman kukuha ng ganoon kalaking halaga sina mama at papa. Si Mama ay isang staff sa jewelry shop, samantalang si papa, uber driver naman. Hinawakan ko ang kamay ni Alice para pahintuin siya sa pagmamaneho ng sasakyan na nirentahan niya. “Itigil mo kaya muna ang sasakyan. Kumalma ka muna.” Mariing tinapakan niya ang preno. At kung hindi ako naka-seatbelt ay baka nagkapalit na kami ng mukha ng windshield. “Makapreno naman talaga, wagas,” reklamo ko pa. Namumula na ang ilong niya dahil sa pinipigil na galit at pag-iyak. “Ano bang mali sa akin, Loud? Tell me.” Inilapit ko ang mga braso para hapitin at yakapin siya. “Walang mali sa iyo. Believe me. Siya ang may mali. Maganda ka, mayaman at mabait pa. He’s a jerk kaya niya ginawa iyon. Alam mo namang playboy talaga si Laurence, ‘di ba?” Pinunasan ko ang mga pisngi niya para tuyuin ang sunod-sunod na paglabas ng luha sa kanyang mga mata. Tinawagan niya ako para kitain namin si Laurence Aguilar na isang taon ang agwat ng edad sa kanya. Nasa second year college na rin pero dito ito nag-aaral. Magdadalawang taon na sana sila ni Alice sa relasyon nila pero dahil nga kailangang umalis ni Alice sa bansa ay napilitan na ring pumayag si Laurence. Tutol naman talaga si Laurence. Feeling ko nga, iyon ang dahilan kung bakit harapan na niyang ipinakita kay Alice na hindi siya bagay para sa best friend ko. “Kung ganoon, why did he cheat on me?” Inipit ko sa kanyang tainga ang tumakip na mga buhok niya. “Bata ka pa, Alice. Marami pang lalaki ang puwedeng magkagusto sa iyo. Remember, may mga dreams pa tayo. Hindi ba dapat, unahin muna nating makapagtapos ng pag-aaral? Sabi mo sa akin, pangarap mong maging CEO at ikaw ang magma-manage sa construction business ninyo.” Tumango siya sa sinabi ko. “Alam mo, tama ka. Why would I waste my life with that jerk? He’s nothing but a worthless jerk.” Sa wakas! Natauhan na rin siya. Iyon pala ang akala ko. Biglang tinapakan niya nang mariin ang pedal gas at pinaharurot ang sasakyan. Bumaha ang takot sa mukha ko at napakapit sa seatbelt. Gusto ko ng mag-sign of the cross pero hindi ko magawa. Napapikit na lang ako at hindi ko alam kung ano na naman ang nasa isip niya. “A-Alice… Please… Kalma ka lang. Huwag mong paharurutin ang sasakyan. Baka mahuli tayo! Wala tayo sa U.S…” AKO LANG yata ang nakarinig sa sinasabi at reklamo ko. Wala siyang imik at kahit yata paghinga niya ay hindi ko na marinig dahil sa lakas ng t***k ng puso ko. Hindi ko rin makita ang reaction ng mukha niya, matindi ang pagkakapikit ng mga mata ko, natatakot ako sa ginagawa niya. Pakiramdam ko ay haharang na si Mister K para kunin kami. Kainis! Huwag naman sanang si Mister K na may pangkawit ang mabangga namin. Naman talaga itong si Alice! “Kailangan ko na bang magdasal? Alice!” “Shh! Tahimik. Malapit na tayo," sabi ni Alice na binigyan ako ng babala. Lalong nagsisikip ang dibdib ko tuwing nararamdaman kong lumiliko ang sasakyan. “Come on! Ayaw ko pa pong mamatay. Marami pa akong pangarap. Please, pahintuin n’yo na po siya.” Hinawakan niya ng mahigpit ang manibela at pinaandar ang sasakyan, lumiko sa kaliwa sa isang iglap. Ilang saglit ay huminto ang sasakyan. Hindi ko tuloy alam kung ididilat ko na ba ang mga mata ko. Paano kung may nabangga na kaming ibang sasakyan? O kaya mga tumatawid na mga tao. “Sasalaksakan kita ng rubber shoes ko kapag may nabangga tayo,” banta ko kay Alice. “Nandito na tayo,” iyon lang ang sabi niya. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at nakita ko ngang nakahinto ang sasakyan. Pero, teka lang, nasaan ba kami? “Nasaan tayo?” Nagtanggal siya ng seatbelt matapos patayin ang makina. Nag-alis na rin ako ng seatbelt at pinalibot ang paningin ko sa paligid. Bago pa ako makapag-react ay nakalabas na si Alice. “Naman talaga!” Grabe! Eighteen lang ako pero para akong may mga puting buhok na dahil kay Alice. Hindi ko talaga gusto ang mga naiisip niya na ayaw niyang i-share sa akin. Ay naku! Huwag mong sabihin sa akin… Hindi ako nagmumura dahil masama iyon pero ito iyong mga panahong gusto kong manghambalos ng katulad ni Alice. Nakaparada ang sasakyan namin sa isang bar. Ano na naman kaya ang nasa isip ng babaeng iyon? Reckless driver na, pasaway pa at ngayon may balak pang mag-night gig. I check my wrist watch at pasado alas siete na ng gabi. Dapat nakauwi na ako. Nagpaalam lang ako kayla mama na sasamahan ko si Alice at dapat eight ng gabi ay nakauwi na ako. Walang curfew, ayaw ko lang mag-alala ang mga magulang ko sa akin. “Halika! Bilisan mo!” naiinip na sigaw niya nang makababa ako ng sasakyan niya at nauna na siyang maglakad patungo sa establishment na iyon. It’s no other than a bar. Nakasunod na ako sa kanya. Wala akong balak pumasok sa loob. Never pa akong nakapasok sa bar dahil hindi naman kami allowed sa ganyan. Ngunit napakapilit niya at nawalan ako ng choice. Agad ko siyang hinabol nang makita kong nasa tapat na siya ng bar at nakaharap sa malalaki ang katawang mga guard na bouncers yata. Mukhang luluwa na ang mga muscles mula sa suot na black sando at hindi kami tatantiyahin kung mag-amok si Alice dito. Huwag niyang sabihin sa aking… gusto niyang pumasok riyan? “ALICE, umalis na tayo…” mahinang bulong ko sa tabi niya habang nakakapit nang mahigpit sa braso niya. “Kinakabahan na ako sa lugar na ito.” “No! We’re going inside.” Mukhang hindi ko na nga talaga siya mapipigilan pa. Hindi ko alam kung bakit naisipan niyang doon pumunta. Maliban na lang kung... nandoon ang kanyang bastard cheater ex-boyfriend. Pakiramdam ko ay ang bigat ng mga paa ko na parang isang sako ng bigas sa bawat hakbang ko. Pinilit ko pang gumalaw at sumunod sa kanya. Mabilis siyang lumapit sa harap ng main entrance. Huminto siya kaya napahinto na rin ako sa likuran niya. “Sigurado ka bang papasok tayo sa loob? Mga menor de edad lang tayo at tiyak hindi nila tayo papayagan,” pabulong kong sabi sa kanya. I don't want to catch some attention with those big men standing in front of us like bouncers. Nah-ah ah! Nakatitig na sila sa amin ngayon. Never akong pumunta rito. This was probably my first time kung papayagan kami ng dalawang malalaking lalaki na iyan sa pagpasok sa loob. Kahit na sinasabi sa akin ng iba kong schoolmates na nakapasok na sila sa bar, hindi ko sila pinapansin. Mas masarap pa ring manatili sa bahay o library para mag-aral. Ang buhay ko ay parang bahay-school, school-bahay. I never went to a party, I’m not a party-goer but because there was no sense entering into such place. Tinitigan niya ako. Iyong titig na nakaaantig ng damdamin habang ang mga mata niya ay idinadaan ako sa pakiusap. Naawa ako kay Alice. Mukha siyang miserable. Hindi ko talaga ina-advice ang mag-party at uminom. Nakasasama sa kalusugan at hindi magandang tingnan. Pero, dahil na-adapt na niya ang buhay sa U.S. ay mukhang sanay na siya sa mga ganito. Nang lumapit siya sa tapat ng dalawang bouncer na nakatayo sa magkabilang dulo ng pintuan ay may inilabas na parang access card si Alice at bigla na lamang bumukas ang pintuan para sa aming dalawa. Hindi ko akalaing papasukin nila kami. Tiningnan ko si Alice mula ulo hanggang paa. She’s wearing a right dress. Isang floral body-con dress, pero paano naman ako? Wala akong suot na damit kundi polo shirt at jeans. Hindi ko sinasabing tomboy ako, I just like my style.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

WHAT IF IT'S ME

read
67.0K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
239.7K
bc

Rewrite The Stars

read
95.3K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook