'Awooo!'
Nagising ako bigla ng marinig ang alulong ng isang lobo sa labas, hindi ito malakas at mukhang nasa malayo ito pero rinig parin ito hanggang dito.
Sumilip ako sa bintana at napakunot ang noo ng makitang medyo marami ang tao sa labas.
Napadaing ako ng makaramdam ng hapdi sa leeg at agad ito hinawakan, nagtaka ako ng may maliit na sugat don na ipinagtataka ko.
"Gising ka na pala, your blood taste good."
Napatingin ako sa likuran ng marinig ang boses na iyon at nagtatakang tinignan ang isang babae na ngayo'y nakaupo sa silya. Kulot ang buhok at maputi ito, ang ganda niya din at mukha siyang modelo dahil sa hubog ng katawan at suot niya.
"Just kidding." bawi nito at tumawa saglit.
"Sino ka?" tanong ko. Ngumiti siya at tinuro iyong mesa na may nakalagay na tray at sa ibabaw non ay may pagkain at tubig.
"I'm Davina, Kumain ka muna. You're Suma right?" tanong niya na ikinatango ko. Naupo ako sa gilid ng kama bago tumayo para umupo sa tapat niya kung saan may isa pang ekstrang silya. Gutom narin naman ako mabuti na iyong kumain.
"Nice name." puri niya, hindi ko siya pinansin at kumain na lamang, ilang minuto pa ang lumipas ng mapansin kong nakatitig lang siya sa akin. Naweirduhan naman ako kaya nagtatanong ko siyang tinignan. Ngumiti naman siya ulit at umiling.
"Nasan si ate Nena?" tanong ko.
"Nasa labas, busy sila ngayon may pinaghahandaan ata." sagot niya naman na ikinalingon ko sakanya. Naghahanda? Saan? sa libing? O ngayon ba sila susugod?
"Ano ang pinaghandaan nila? Ngayon ba sila susugod at planong patayin iyong mabangis na lobo?" tumingin siya saglit sa akin at tumango.
"Nagpaplano silang paslangin iyon ngayon. Ngunit hindi matutuloy dahil nandito ka, ayaw ka nilang isama." nakangisi niyang sabi at umiwas ng tingin, nagtaka naman ako sa ekspresyon niya kasi parang natutuwa pa siya.
"Eh ano ang pinaghahandaan nila?"
"I don't know, maybe an execution for someone?" tawa niyang sabi bago nagpeace sign."Just kidding ulit, plano nilang ilibing na iyong lolo at lola mo ngayong alas singko." dagdag niya.
Hindi ko nagets yung joke niya, ganon siguro mga humor ng mga tao dito.
Napatango tango naman ako bago inubos ang pagkain. Siguro gagawin na nila ang paglibing ngayon habang nandito pa ako.
"Kailan sila susugod? Gusto ko sana sumama sakanila." mabilis kong sabi sakanya. Natawa naman siya at tinapik ang braso ko.
"Hindi nga pwede." sabi niya at tinuro bigla ang pinto. "Sa likod ng pinto na iyan may gwardya diyan, sinisiguro ng ate Nena mo na hindi ka tatakas o lalabas sa bahay o sa kampong ito." paliwanag niya. Napangiwi naman ako, as if namang may plano akong tatakas o umalis. Ngayon pa ba ako tatakas ngayong alam ko na ang kinakatakutan ng mga tao dito.
"Hays, kung ganon wala na akong magagawa pa. Uh ano nalang po kwentuhan niyo nalang po ako tungkol sa mabangis na lobo kung ayos lang sana. O kung may alam ho kayo?" sabi ko sakanya.
Mas mabuti ng kumuha ng impormasyon ng hindi naman tayo nagmumukhang walang alam sa lugar na to.
"Hmm.. Well ang tanging alam ko lang is that, that thing was living here years ago I guess last 12 years? Not quite sure, I don't usually visit here. Napabisita lang ako para kamustahin si Nena and also... you." sabi nya, hindi ko narinig ang huli niyang sinabi kasi mahina ito pero hindi ko na ito pinansin pa. Magtatanong pa sana ako kaso tumayo siya ng biglang may kumatok sa pinto at binuksan iyon.
"Sino ka? nasan siya?" tanong ng isang babae, hindi ito boses ni Ate Nena kaya hindi na ako tumayo para tumingin sa labas.
"She's here why?" sagot naman ni Davina. Hindi ko alam pero pilit pumasok iyong babae.
"Ano ba dadaan ako, hindi ko kilala ang mukha mo dito. Nasan si Suma? Itinugon siya sakin ni Miss Nena na ako magbantay sakanya." tanong ulit ng babae sa labas. Nagtaka naman ako bakit hindi nila kilala si Davina, hindi ba taga rito si Davina?
"I told you she's here and she's fine." iritang sabi ni Davina. Nagpupumilit parin iyong babae at dahil naririndi ako sa away nila tatayo na sana ako para kausapin ito kaso biglang tumahimik iyong babae ng may binulong si Davina na hindi ko marinig.
Maya maya lang din rinig ko nalang nagpaalam ito at sinara na ni Davina ang pintuan.
"Anong sinabi mo?" tanong ko sakanya, nagkibit balikat lang siya at ngumiti.
"So anyways where are we again?" sabi niya at tumango tango ng maalala ang huli niyang sinabi.
"Ah so yun nga, yun lang alam ko." dagdag niya. Napabuntong hininga nalang ako, wala din pala akong mapapala sakanya.
"But if you're eager to know that thing and wants to join those fighters I can help you.." nakangisi niyang sabi. Naintriga naman ako sa sinabi niya at nagtatanong siyang tinignan.
"Pano?" tanong ko bago niya sinabi ang plano niya.
————
"Suma suotin mo to, ngayong alas singko na planong ilibing ang lolo at lola mo. Bilisan mo." biglang bumukas ang pinto at pumasok si ate Nena dala ang isang itim na dress, nagulat ako sa pagpasok niya at agad napatingin sa harap ko para tignan si Davina kaso nawala siya. Napalingon nalang ako sa bintana ng makitang bukas ito at hinahangin ang kurtina.
Bakit siya umalis? At talagang sa bintana pa dumaan.
Akala ko ba magkakilala sila ni Ate Nena?
"Ano pang tinitingnan mo jan? Magbihis kana. Handa na yung iba 4:30 narin. Intayin kita sa labas." masungit na sabi ni ate Nena bago lumabas. Wala na akong nagawa at agad na ngang nagbihis.
Hindi pa talaga ako handa, hindi pa ako handang magpaalam sakanila. Bat ang bilis ng pangyayari? Hindi ko parin matanggap na wala na sila hays.
Pagkatapos magbihis lumabas nanga ako sa silid at hinanap si ate Nena na nasa sala lang pala.
Tama nga talaga si Davina may bantay sa labas ng kwarto ko. Sumunod ito sa akin at ng makita ako ni ate Nena ay senenyasan na niya akong sumunod.
Nakakapagtaka talagang ang lamig ng pakikitungo saakin ni ate Nena, hindi naman siya ganon dati hindi ko alam kung ano ang kinagalit niya.
Napakalambing nyan noon, ngayon para syang nandidiri sa tingin niya palang.
Naglakad kami palabas ng bahay at dumiretso kami doon sa malaking bahay na pinuntahan ko kanina kung saan nandun ang labi ni lola at lolo, nagtaka pa ako ng makitang ang talim ng tingin saakin ng mga taong nadadaanan namin. Hindi ko alam anong problema nila, hindi ko nalang sila pinansin at pumasok na sa loob.
Kung ano ang ikinadami ng mga tao sa labas ganon naman ka kaunti ang tao sa loob. Siguro pito lang kami dito sa loob ako, si ate Nena, yung matanda kaninang umaga,yung pari, si Kuya Dustin at iyong isang babae at lalaki pa na hindi ko kilala.
"Bakit ho kaunti lang tayo?" tanong ko kay ate Nena. Lumingon naman iyong mga nakarinig at nagkatinginan.
"Busy lang iyong iba iha." sagot nong matanda na ikinatango ko. Hindi ko alam pero hindi ako nakumbinse sa sagot niya, may mali ata dito na hindi ko alam. Pati iyong babae na kausap ko kanina, Davina ata pangalan non wala ito dito.
Hindi ko nalang muna ito pinansin at nakinig na sa misa ng pari. Maya maya ay unti unting bumalik iyong sakit na naramdaman ko kanina.
Napaiyak ulit ako ng pinagdasal na ng pari ang kaluluwa nila bago binasbasan ng holywater ang labi nila. Ng matapos ang misa lumapit agad ako sa kabaong at isa isa silang niyakap.
Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa buhay ko pagkatapos ng gabing ito pero sana.. sana gabayan nyo po akong dalawa.
Ng oras na para ilibing sila pinahid ko ang luha na naglakad pasunod. Napatingin pa ako kay manang ng tinapik niya ako sa balikat at nginitian ako, siya lang ata ang mukhang naiiyak at nagpapakita ng pakikiramay. Si ate Nena kasi parang mas inaalala niya pa ang mga gawain niya at ni hindi man lang ako tinignan. Siguro umaakto lang siyang ganyan para hindi maipakitang naapektuhan siya.
"Lola.. Lolo..." hikbi kong bulong.
Walang tigil na tumulo ang luha ko ng isa isa silang inilagay sa baba ng lupa. Madilim na pero dahil may dala kaming kandila medyo naaninag pa namin ang lugar, pati kasi sa mga kabahayan puro mga tanglaw o kandila lang nagsilbing ilaw.
Iyak ako ng iyak hanggang sa mapaluhod na ng tinabunan na nila ng lupa ang kabaong, pinigilan pa nila ako ng umamba akong lalapit.
Haha kung pwede lang kasi sumama.. edi sana tumabi na ako sakanila.
Nasanay akong mag isa sa syudad pero ayos lang iyon kasi alam ko sa sarili kong may pamilyang bibisita, mag aalala at mangangamusta sa akin, pero kung ganito din naman pala ang pag iisang mangyari na saakin ayoko nalang mabuhay.
"Iha, tumayo ka iha madumi ang sahig. Aalis na din kami." sabi ni manang ng matapos ang lahat. Hindi parin ako gumalaw o nagsalita manlang. Ayoko umalis, kahit ngayon lang.
"Tsk, pabayaan nyo muna iyan Celes. Rickey, bantayan mo iyan." rinig kong sabi ni ate Nena bago siya umalis. Rinig ko ring umalis na yung iba kaya natira nalang kami ni manang. Hinahagod niya ang buhok ko at tsaka siya tumingin sa likuran.
"Rickey ako na magbantay sakanya, sumunod kana doon." sabi ni manang, nagdadalawang isip pa ang lalaki ngunit sumunod din.
Ngumiti naman si manang at nagulat nalang ako ng mag iba ang itsura niya.
"Ahhh!" sigaw ko na ikinatawa niya.
"Shhh, hush girl baka marinig ka ni Rickey." sabi niya at mas lalo akong nagulat ng makitang kamukha niya na si Davina. So all this time siya si Davina?
"Paano mo nagawa iyon?" kinakabahan ko paring sabi. Tumawa naman siya at binigyan ako ng panyo, tinanggap ko ito at pinahid sa mukha.
Anong klaseng nilalang ang babaeng ito?
"Secret." sabi niya bago kumindat. Hindi nalang ako nagtanong pa ng iniwas niya ang topic.
"Ano ready kana? it's already quarter to six." sabi niya na ikinalingon ko sakanya.
"Teka agad agad? hindi pa nga ako nakakain kahit nakakawala ng gana ang mga pangyayari ngayon.." malungkot kong sabi at tumingin sa hukay ni lola.
Nakita ko namang ngumiwi siya at tumingin sa langit, walang buwan at tanging mga bituin lang naroon mabuti nalang din hindi umulan.
"We really have to go immediately.." rinig kong sabi niya at tumingin sa relo niya. Napatingin ako sakanya dahil sa pagtataka.
"Bakit? Bakit parang nagmamadali ka? Naweweirduhan na ako sa iyo, pati kanina akala ko ba kaibigan ka ni ate Nena bakit ka umalis nong dumating siya? " tanong ko, umiwas ulit siya ng tingin bago tumayo.
"I am, it's just that hindi niya alam na nasa loob ako ng kwarto mo. And we have a plan remember? Now I am asking you again, gusto mo ba sumama? sabihin mo lang kung tutuloy tayo ngayon, uuwi kana bukas diba? sasayangin mo ba ang pagkakataon na to?" explain niya. Napatingin ako sa kabahayan, medyo malayo ito doon kaya walang masyadong tao sa paligid. Hindi ko alam pero nag dadalawang isip ako.
Napatingin ako sakanya ng may ibinigay siya saakin. Tinanggap ko ito at nagtaka ng makitang pamilyar ito. Saan ko nga ba ito nakita? Ahh oo ito yung dala ni lola nung isang araw, iyong medyo mabigat na bagay na binalot sa dyaryo. Unti unti ko itong binuksan at nagulat ng makitang punyal ito. Isang hindi pangkaraniwang punyal, ang ganda kulay itim ito na may masalimuot na desinyo.
"Sa lola mo iyan nakita ko lang kanina, kung may mag mamay ari man niyan dapat ikaw iyon." sabi ni Davina na ikinatango ko. "Ano ready kana?" dagdag niya pa na ikinalingon ko kaagad sakanya.
"Hindi, kita mo naman itsura ko diba. Naka dress pa ako ni wala manlang akong dalang bag na naglaman ng tubig at pagkain." sabi ko sakanya na ikinatawa niya.
"Girlscout eh? hahaha o sige umuwi ka muna, dumaan ka sa bintana mamaya at dito tayo ulit magkikita." sabi niya pa na ikinatango ko, tumingin pa ako ulit sa libingan nila lolo at lola bago umalis.
Tinago ko sa loob ng dress iyong punyal at sinigurong hindi ito mahuhulog. Ng malapit na ako sa bahay ni ate Nena nagdududa akong tinignan noong lalaking bantay ko na nagngangalang Rickey dahilan para taasan ko ito ng kilay. Kailangan kong hindi maging suspetyado delikado baka mapauwi ako ng wala sa oras ni ate Nena.
Pagkapasok sa loob ng bahay nag uusap si Ate Nena at.. teka! Si Davina?? Oo nandito siya sa loob! Pano nangyari yon? sino iyong kausap ko doon sa labas?
Napaatras ako dahil sa gulat hindi makapaniwala na tumingin sakanya.
"Oh hi eto ba si Suma, Nena? She sure looks interesting." sabi niya ng makita ako. Gulat na gulat parin ako, anong klaseng tao to at kung ano anong kababalaghan ginagawa? May kapangyarihan ba siya?
"Shut up Davina, wag mong galawin yan. Kung sino sino pa naman trip mo." iritang sabi ni Ate Nena na halatang ayaw sa presensya ni Davina. Nakita kong sumenyas si Davina na pumasok na ako sa silid ng tumalikod saglit si Ate Nena. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni ate Nena don pero diko nalang siya pinansin at agad naglakad papuntang kwarto.
"Hahaha ikaw naman Nena, I was just asking. Why are you galit ba? Hahahahah. " rinig ko pang natatawang sabi ni Davina. Hindi ko na nasundan ang pag uusap nila ng makapasok na ako sa silid.
Kinuha ko iyong maliit kong bag at kumuha na ng mga gamit na kakailanganin ko. Nilagay ko narin iyong baon kong biskwit at tubig kanina na hindi ko nagalaw at pinasok narin iyong punyal. Nagbihis nadin ako ng pants at t-shirt tsaka sinapawan ng hoodies para hindi sagabal sa paggalaw at hindi agad ako mapansin.
Napaisip tuloy ako sa plano namin ni Davina.
—Flashback—
"Pano?" tanong ko ng maintriga sa plano niya.
"Simple lang naman, itakas kita dito sa kampo nila at doon ka sa labas maghintay kung kelan sila susugod para makasabay at makatulong ka, ganon lang." sabi niya na ikinatango ko. Oo nga simple lang, teka.. SIMPLE LANG?
Anong simple don kung iyong kinakatakutan dito ay nagpagala gala sa kung saan-saan ?
" Hindi iyon simple lang, hindi ko man nakita sa personal ang lobo pero hindi iyon kinakatakutan kung ang pagtatambay sa labas ng kampo ay ayos lang." sabi ko na ikinatawa niya.
"Oo nga noh, sabagay tao ka nga pala.." rinig kong sabi niya at binulong ulit ang huling salita dahilan para hindi ko siya marinig. Bat ba hilig nito bumulong.
"Well I know a place where you can wait.. The house of your grandparents, may sekreto silang underground place doon." dagdag niya, nagtaka naman ako bakit alam niya iyon.
"I use to visit their house that's why I know." sagot niya agad ng mapansing may malaking question mark sa noo ko. Tumango tango naman ako at sumang ayon agad sa ideya niya.
—end of flashback—
Iyon ang nangyari, kinakabahan tuloy ako at napapaisip kung tutuloy nga ba. Pero wala akong choice, ayokong bumalik sa Derosa ng hindi manlang nakakapaghiganti.
Ng matapos ako sa ginagawa ko nilapit ko ang tenga sa pinto at ng marinig na may kausap si ate Nena dali-dali akong sumilip naman sa bintana.
Hindi ito mataas kaya keri lang, napatingin ako sa paligid hindi masyadong maraming tao sa side na ito mabuti nalang.
Nakakapagtaka lamang dahilan karamihan sa mga tao sa kampo ay pumupunta doon sa malaking bahay, anong gagawin nila doon? May okasyon ba?
Hindi ko nalang iyon pinansin at agad na akong tumalon sa bintana.
Ng makaalis sa kwarto itinaas kona ang hood ng jacket at patakbong umalis palayo sa bahay. Nagtago ako kapag may dumadaang mga tao, ilang minuto pa ginagawa kong pakikipagpatintero bago ako nakarating doon sa libingan ni lolo at lola. Wala pa si Davina, nasan ba iyon?
'Boo!'
"Put—" gulat kong wika na ikinatawa ni Davina. Bat ba kung saan saan siya sumusulpot? Ano ba kapangyarihan niya't nagagawa niya iyan?
"Tara na, umalis na tayo magsisimula na sila. Hahanapin kana ni Nena." sabi niya na ikinapagtataka ko.
"Bakit anong meron?" tanong ko, ngumisi siya at hinawakan ako sa pulsong hinila paalis bago nagsalita.
'"It's time for the... execution of the wolf's mate dear."