NENA'S POV
"Tsk, ano nanaman bang trip ni Davina at himalang bumisita iyon dito?" inis kong tanong at kinuha iyong posas na kakailanganin namin ngayon. Inabot nadin ni Dustin sa akin ang isang maliit na kahon na naglalaman ng hiringgilya.
"Ewan ko, malay mo namiss ka lang. O baka dadalo siya sa okasyon ngayon. Alam mo naman kaibigan niya si miss Portia lalong lalo na si miss Angela na bff niya." sagot naman saakin ni Dustin na nakaupo sa sopa. Nakakunot ang noong napahinto ako at napaikot ang matang sumang ayon. May point din siya.
"As if, siguro may gagawin nanaman iyong kalokohan." sabi ko at naglakad na papalapit sa silid ni Suma. Humintong tinignan ko si Rickey na siyang nagbabantay kay Suma bago nagsalita.
"Mauna kana don Rickey, kami na ang bahala ni Dustin dito. Malapit na mag 7:30 siguro nakahanda na sila doon." sabi ko na ikinatango nito. Umalis din siya kaya dumiretso na ako sa silid ni Suma at kinatok ito. Pinalapit ko naman si Dustin para iassist ako na agad namang sumunod.
"Suma, lumabas ka muna jan. May pag uusapan tayo." sabi ko at hinintay siya. Walang nagsalita kaya kinatok ko siya ulit, baka nakatulog siya sa kakaiyak kanina.
"Suma naririnig mo ba ako? tsk, nevermind." irita kong sabi at agad inikot ang seradura ng pinto, nagtaka ako ng makitang lock ito. Kanina nong pumasok ako para ibigay sakanya ang susuotin niya hindi niya naman iyon nilock. Ano nanaman bang problema ng batang to. Napatingin ako sa relo at nanggigil na inutusan si Dustin na kunin iyong susi sa kwarto.
"Yung susi kunin mo bilis, paparating na ngayon si Miss Portia, pag tayo malate lagot tayo nito." pagmamadali ko kay Dustin na sumunod din naman agad.
Ilang ulit kong kinatok ang pinto nilalakasan kona rin ito para magising si Suma kung sakaling tulog nga siya.
"Eto." sulpot ni Dustin dala ang susi, inabot ko ito agad at mabilis na binuksan ang pinto.
"Suma bat ba antagal mong buk—" napahinto ako sa pagsasalita ng makitang wala si Suma sa loob, nag ekis ang kilay na sinuyod ko ang buong lugar ngunit ni anino niya ay wala talaga dito. Iyong damit na sinuot niya kanina sa libing lang ang nasa kama, iyong mga gamit niya naman na dala ay naroon parin naman. Sigurado din akong umuwi iyon dito kanina.
"Tignan mo." biglang sabi ni Dustin at tinuro ang bintana. Napatingin din ako doon at mas lalong nakaramdam ng galit ng makitang nakabukas ito. Nilapitan ko ito at napatingin sa labas.
"Bwiset!" inis kong sabi at agad naglakad palabas ng silid niya.
"Tawagin mo ulit si Rickey pati na si Mccoy at Justin. Hanapin nyo si Suma, nasisiguro kong hindi pa siya nakakalayo." utos ko kay Dustin na tumango lang atsaka umalis din.
Bwiset! bwiset! Bat ngayon pa kung kelan darating si miss Portia!
Nakapameywang na naglakad ako pabalik balik sa sala, nag iisip kung ano ang gagawin. Pucha naman, nakakainis! Ano ba ang idadahilan ko nito?
Napahinto ako ng may maalala.
"Oh hi eto ba si Suma, Nena? She sure looks interesting." rinig kong sabi Davina. Hininto ko ang ginagawa at tinignan ng masama si Davina.
"Shut up Davina, wag mong galawin yan. Kung sino sino pa naman trip mo." iritang sabi ko.
"Hahaha ikaw naman Nena, I was just asking. Why are you galit ba? Hahahahah. " pang aasar niya, seryoso ko siyang tinignan at sinulyapan si Suma na tuluyan ng pumasok sa silid niya bago binalik ang tingin.
"Wag na wag mong sirain ang diskarte ko Davina. Alam ko ang ginawa mo noon, pag uulitin mo pa ito isusumbong kita at ako ang papatay sayo." banta ko sakanya na ikinatawa niya ng malakas.
"Oooh scary naman hahaha, don't worry.. kung may plano man ako. Nasisiguro kong huli mo ng malalaman. Ahahahaha just kidding..." natatawa parin niyang sabi bago tumayo at naglakad na papunta sa pinto, huminto siya ulit bago lumingon, "..or not?" huli niyang sabi at malademonyong tumawa paalis.
Napakuyom ako sa kamao ng marealize ang sinabi niya. Pucha naisahan niya ako! Bwiset ka talagang babae ka wag na wag kang magpapakita saakin!
Dali dali akong lumabas ng bahay at pumunta sa main hall ng kampo. Naroon na ang lahat at nasisiguro kong naghihintay na sila lalo na si Miss Portia.
Pagkarating doon marami na nga ang tao sa loob, napatingin pa saakin ang lahat ng pumasok ako ngunit nagtaka ang iba ng makitang hindi ko dala si Suma.
Napatingin ako sa harap at nagmamadaling lumapit ng makita si miss Portia na nakaupo sa hindi kalayuan.
Napatingin siya sa akin ng mapansin ako at nakaekis ang kilay ng makitang hindi ko dala si Suma.
"Nasaan siya?" taka niyang tanong, napayuko naman ako at hindi agad nakapagsalita dahil sa kaba.
"Pa..pasensya po miss Portia, nawala po siya saglit, pero wag po kayo mag alala hinahanap na po namin siya ngayon hindi ko napa—" hindi ko natapos ang sinabi ng sampalin niya ako. Rinig ko ang gulat at bulungan ng mga nakakita. Nanginginig naman akong napahawak sa pisngi at napalunok na sumulyap sakanya.
"Anong katangahan nanaman to Nena! Binigyan kita ng ilang taon para dito tapos malalaman ko lang na palpak ka nanaman?" galit niyang wika na ikinaatras ko.
"Mag eex—plain po ak-o miss.. Hindi naman po siguro iyon umalis, baka po bumalik sa puntod ng lola niya. Kung.. kung tumakas po siya isa lang po ang may salarin. Si Davina.. tinakas siya ni Davina—" utal kong sabi at napahinto nanaman ng sumingit siya.
"Wag mong idadamay si Davina dito, lagi mo nalang siyang pinagbintangan kapag may kapalpakan kang ginagawa. At bakit niya naman gagawin iyon? Tanga ka ba." malamig niyang sabi. Napalunok ako at pinigilang sumigaw dahil sa inis, bakit ba ayaw niya maniwala? Eh talaga nga namang kasalanan palagi ni Davina.
"Totoo po ang sinabi ko! Si Davina, siya ang may pakana nito nakita nyo namang wala siya dito di—"
"Who says Im not here? hmmm?" napalingon ako sa nagsalita at nagulat ng makita si Davina na nakaupo sa dilim may hawak na baso at umiinom ito ng wine.
Sinamaan ko siya ng tingin, tumayo naman siya at nakangising naglakad palapit. Agad akong naglakad pasalubong sakanya at galit siyang tinignan.
"Nasaan si Suma? ilabas mo siya!" sigaw ko, ngumisi siya saglit bago iniba ang ekspresyon ng makitang naharang ko ang tingin ni miss Portia saglit.
"Teka nawala siya? Hindi ko nga alam e, bakit saakin mo siya hinahanap? Huling kita ko nga lang sakanya doon sa sala niyo e." may gulat sa boses na sabi niya na mas lalo kong ikinagalit. Wow ang galing! Galing niya umarte.
"Pwede ka ng maging artista sa kasinungalingan mo." galit kong sabi.
"Thanks" rinig kong bulong niya ng maglakad siya palagpas sa akin at ngumisi saglit na naglakad palapit kay Portia.
"Paano na ito Portia? Paano kung nakalabas ang batang iyon at mangyari iyong.." hindi tinuloy ni Davina ang sinabi. Hindi ako nagsalita ng makitang masama parin ang tingin ni Portia sa akin.
"Tsk, ikaw! Search the whole place. Walang butas o daan paalis sa kampong ito maliban sa gate, nasisiguro kong nandito pa iyong babaeng yon." utos niya sa mga kalalakihan na nasa malapit. Sumunod naman ang mga ito at nagsialisan.
Bumaling sa akin ang tingin ni Miss Portia kaya napalunok ulit ako dahil sa nakakatakot niyang awra.
"At ikaw naman Nena, bibigyan kita ng isang linggo. Isang linggong pagkakataon para matuloy ang okasyon na to. Kung hindi ikaw ang papatayin ko." huling sabi ni Miss Portia. Natulala ako sa sinabi niya atmaya maya ay napangiti nalang sa tuwa dahil binigyan niya ako ng tyansa! Isang linggo.. kakayanin ko iyan. Baka nga hindi iyon maabutan ng isang linggo e.
"Goodluck.." nawala ang ngiti ko ng marinig ang nagsalita at sinamaan ito ng tingin. Tsk, umalis na silang dalawa natira naman iyong mga taong hanggang ngayon ay nagtataka parin sa nangyayari kaya agad ko silang hinarap at ineksplenan sa mga nangyayari.
"Pasensya na't hindi matutuloy ang okasyon ngayon, nakawala ang batang magbibigay sana ng ating kalayaan. Ngunit wag kayo mag alaala, hinahanap na siya ng mga kalalakihan nasisiguro ko sainyo na matutuloy ang dapat nating gawin ngayon sa lalong madaling panahon. Sa ngayon magsiuwian na muna kayo at magpahinga, kami na ang bahala dito." pakipag usap ko sakanila na sumang ayon nalang kahit puno ng pagkadismaya ang itsura nila.
Napatingin ako may manang Celes ng lumapit siya sa akin. Bakas sa mukha nito ang pag aalala at nakakunot ang noo nito.
"Nawa'y hindi sumang ayon ang tadhana sa iyo Nena." rinig kong sabi niya bago siya tuluyang umalis. Tsk, isa pa tong matandang to sarap nilang pag untugin ni Davina.
Tignan nyo lang, magagawa ko din ito ng tama.
—————
SUMA'S POV
Dinala ako ni Davina dito sa isang madilim na lugar, bahagi parin ito ng kampo kasi may bakal na bakod parin akong nakita. Hindi ko alam saan kami pupunta o kaya ay saan kami dadaan paalis dito mukhang wala ng iba pang madadaanan bukod sa gate.
"Saan tayo dadaan Davina? Andilim dito." sabi ko sakanya at kinuha iyong cellphone ko para gamitin sanang ilaw kaso pinigilan niya ako.
Huminto siya ng nasa harap na kami ng bakal at nilingon ako.
"Tatalon tayo sa bakod." sabi niya na ikinapagtataka ko. Tatalon? Sa bakod? sa bakod na may taas na 10ft?
"Ha? Paano?" takang tanong ko, hindi niya na ako sinagot at bigla nalang yumuko.
"Sakay, bilis. Paparating na sila." nagtataka man ay agad akong sumakay sa likuran niya at nanlaki nalang ang mata ng bigla siyang tumalon. Napapikit ako sa takot at pagdilat ko ulit ay nasa lupa na kami. Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang tong kasama ko, kung ano anong mga kababalaghan at mga hindi pangkaraniwan mga gawain kasi ang mga pinanggagawa.
"Anong klaseng tao ka? O matatawag pa ba kitang tao?" tanong ko sakanya na ngumisi lang.
Bumaba na ako sakanya at magtatanong pa sana ulit kaso bigla niya nalang akong hinila patakbo palayo sa kampo.
"Hoy teka Davina! Awit andilim, wala akong nakikita baka madapa ako!" sigaw ko sakanya kaya lang para siyang bingi, ni hindi man lang siya lumingon.
Patuloy parin kaming tumakbo hanggang sa hindi na namin kita iyong mga maliliit na ilaw galing sa kampo.
Ilang minuto din iyong tinakbo namin at maya maya lang binitawan na niya ako.
"Hey deary, goodluck." rinig kong sabi niya, hindi ko siya pinansin dahil hinihingal ako kakatakbo.
Naiinis din ako sakanya dahil sa pabigla bigla niyang mga ginagawa, ni hindi manlang niya ako sinasabihan o binabalaan kapag may gagawin siya.
Napahawak ako sa tuhod at kinuha iyong tubig na nasa bag ko bago ininom ito.
Ang sakit ng paa ko nagasgas kakatakbo kanina dahil nahagip ito ng mga sanga na nakaharang sa daan.
Ng matapos sa ginagawa napatingin tingin ako sa paligid andilim nga talaga, wala din kasing buwan kaya walang ilaw na magsilbing liwanag dito sa gubat.
"Oy Davina, pwede naba akong gumamit ng flashlight? Malayo nadin naman tayo sa kampo. Atsaka saan naba tayo? Nandito naba tayo sa bahay nila lola?" tanong ko kay Davina habang kinukuha ko iyong dala kong cellphone.
Walang sumagot kaya napakunot ang noo ko, baka hindi niya narinig.
"Hoy Davina nakikinig ka ba? Awit bahala ka jan, andilim dilim hindi ako makakita. " dagdag kong sabi at pinindot iyong on button sa flashlight. Inilawan ko ang paligid at hinanap si Davina, kinakabahan ako bigla nang makitang wala ito sa harap ko.
"Davina? Nasaan ka? Hoy, awit Davina hindi ako nakipagbiruan sayo." kinakabahang sabi ko ng makitang ni anino ni Davina ay hindi ko nakita. Gagi nasaan yun? Hindi niya naman siguro ako iniwan dito diba? Hindi nya magagawa yun. Pucha baka naiihi lang, intayin ko nalang dito.
Maya maya lang nanindig ang balahibo ko sa takot ng humangin bigla at ramdam ko ang maginaw na hangin na umihip sa leeg ko.
"Davina! Gagi ka hindi ako nakipagbiruan sayo hoy, lumabas ka na jan!" sigaw ko parin. Hindi ko kaya ang tahimik ng lugar na to, feeling ko maya maya lang may biglang bubungad na nakakatakot na mukha o kaya ay may kakagat sa akin na mga hayop dito.
Pucha baka pinaglalaruan lang ako ni Davina, naalala ko ang sinabi ni Ate Nena kanina na mahilig siya mangtrip ng mga tao. Akala ko biro lang yun baka ako talaga siguro target niya, hays uto-uto din talaga ako.
Nagsimula na akong maglakad sa dinaanan namin kanina, kung ito din pala ang plano ni Davina mas mabuti sigurong bumalik nalang ako sa kampo habang hindi pa gumala gala dito sa direksyon ko ang kinakatakutan naming nilalang.
Lagot ka talaga sa akin Davina kapag makita kita mamaya. May pa goodluck² ka pang nalalaman kanina.
Lakad lang ako ng lakad, hindi ko na alam kung tama ba itong dinadaanan ko, kinakabahan narin ako kasi parang mas lalong nagkadelikado ang lugar ngayong mas lumalalim ang gabi.
Iba na iyong pakiramdam ko, naiiyak na ako sa takot.
Lalo na ng may narinig akong alulong na ikinagimbal ng buong pagkatao ko.
"Awooo!"
Napalunok akong napaatras habang nakatingin sa pinanggalingan nito, wala akong makita pero rinig ko ang ingay nito.
Dahil sa takot tumakbo ako sa ibang direksyon, hindi ko alam saan ako dadalhin ng paa ko basta ang alam ko ngayon kailangan kong tumakbo at maghanap ng mapagtataguan.
Ilang minuto pa ang lumipas ng makahinga ako ng maayos, hindi ko alam pero mukhang nakalayo ako sa nilalang na iyon.
Gagi akala ko katapusan ko na.
Uupo na sana ako sa isang putol na kahoy kaya lang nakarinig ako ng boses ng isang baboy. Napatayo ako ng maayos at napalunok ng mailawan ko ito na nasa di kalayuan.
"Awit, baboy ramo!" nataranta kong sabi at nanlaki ang mata ng makita ako nito. Bobo bat ko ba inilawan! Tumakbo ako ng makitang hinahabol niya ako.
Takbo ako ng takbo wala na akong pakialam kung ilang beses nang napunit ang damit ko dahil sa mga sanga.
Rinig na rinig ko ang pagaspas ng mga kahoy sa malayo kaya nasisiguro kong alam nito kung nasaan ako. Hinihingal na ako sa haba ng tinakbo ko, naiiyak narin ako dahilan para lumabo ang paningin ko at mas lalong humina ang pagtakbo ko.
Awit kasalanan mo to Davina!!
Hindi ko na alam ang gagawin ko, nasisiguro kong maabutan na ako nito.
Ah shemay bat kasi ang tataas ng mga puno dito, hindi ako makaakyat. Maabutan lang din ako!
Patuloy parin akong tumakbo, napapasigaw na ako sa gulat pag minsan ay nasasabit ang buhok o kaya ang damit ko sa mga puno o bato.
Dahil sa taranta hindi ko nakita ang ugat sa puno na tinakbuhan ko at bigla nalang akong nadapa.
"Arayyy!" daing ko sa sakit ng matukod ko ang tuhod sa bato na nasa lupa ng madapa ako. Mas lalo pa akong napadaing at naiiyak nang tumama ang ulo ko sa puno nang pilit akong tumayo.
Tumulo na talaga ang luha ko sa pinagsamang sakit at takot na naramdaman. Gagi ang sakit talaga, mapapamura ka nalang sa sakit.
Ah awit katapusan ko na ba talaga to? wala ng delay delay?
Ito na pala talaga siguro ang huling araw ko, mabuti narin iyon ng makasunod na ako kila lolo at lola. Dejoke lang ayoko pa mamatay!!! Lord tulong!
Pinilit ko ang sariling maupo at agad inabot iyong cellphone kong nahulog sa gilid. Inilawan ko ang harapan ko at agad nanlaki ang mata ng makita ang baboy ramo na nasa harap ko na pala, medyo malayo parin ito pero kitang kita mo ang itsura nitong gusto ng mangangain ng tao.
Nahihilo na ako pero kailangan may gagawin ako kung ayaw kong matigok ng maaga. Naghahanap ako ng kahoy pang depensa kaso ni isang kahoy wala akong makita, puro maliliit na bato lang din ang meron kaya dinukot ko ito at itinapon sa direksyon ng baboy ramo.
Isa iyong malaking pagkakamali, nagalit ito agad at tumakbo papalapit sa akin.
Wala na akong nagawa kundi ang pumikit at tinanggap nalang ang nakatadhana sakin. Sayang, ganito lang din pala kahinatnan ko dito. Siguro pag mamatay na ako makakaltukan ako ni lola sa langit kasi ang tigas ng ulo ko dahil hindi ko siya sinunod. Ewan bahala na, wala na din naman na akong magagawa as if din namang sa langit ako mapupunta.
Napadilat ako bigla ng imbes na sakit ang maramdaman sigaw at ungol ng baboy ramo ang narinig ko. Kahit nahihilo napatingin ako sa pinanggalingan nito at nanlaki ang mata ng makitang may isang malaking aso— hindi!
Isang lobo! Isang malaking lobo ang nakadagan dito at pinunit ang katawan ng baboy ramo. Pinatay niya ito sa brutal na pamamaraan bago galit na lumingon sa direksyon ko.
Ito ba ang kinakatakutan dito? bakit.. bakit ang laki? Mas malaki pa ata sa tao to.
Nanginginig akong napaatras kahit alam kong wala na akong maatrasan. Namutla na ako sa takot at hilo kaya nasisiguro kong ngayon mamatay na talaga ako, double kill ang rason ng pagkamatay kong to dahil sa hayop at heart attack.
Takot akong napatingin sa namumula niyang mata, at nanlalabo ang tingin na kumurap ng makitang nagbago ang kulay nito..
Naging kulay berde.
Labas ang pangil na lumapit ito sa akin bago nito tinaas ang kamay na kitang kita ang matulis at nagdudugo nitong kuko.
Wala na akong nagawa pa lalo na ng maramdamang gusto ng pumikit ng mga mata ko.
Dito na talaga hihinto ang buhay ko.
Napangiti na lang ako sa huling pagkakataon bago tuluyang nilamon ng dilim.