Chapter 5: The wolf

2707 Words
SUMA'S POV . . "Aray." mahina kong daing ng tumama ang ulo ko sa isang matigas na bagay. Napadilat ako ng maramdamang yumugyog ang katawan ko at nanlaki ang mata ng makitang lupa ang una kong nakita. Napapikit ako ulit ng makaramdam ng hilo bago dumilat at nilingon kung nasaan ako. "Ahhh!" sigaw ko sa gulat at muntik ng mahulog ng makita kung nasan at sino ang bumuhat sa akin. Isang lalaki! isang lalaki ang bumubuhat sa akin at nakabahag lang ito! "Sino ka!? hoy ibaba mo ako dito! Ah aray ko." sigaw ko at sinuntok suntok ang likod niya, napatigil din ako ng makaramdam ng sakit sa ulo at sa katawan. Ano ba ang nangyari? Sino ba tong may hawak sakin? Bakit hindi ako namatay? Huli kong naalala ay kaharap ko iyong malaking lobo na malapit na akong sasakmalin at kalmutin. E sino tong nakahawak sakin? Siya ba nagligtas sa akin? "Hoy sumagot ka! Kasama ka ba nina ate Nena? Kung oo iuwi mo na ako please.. gusto ko na umuwi." pagmamakaawa ko ngunit ni hindi man lang nagsalita o nagreact itong may hawak sa akin. Patuloy parin kaming naglalakad hindi ko alam saan niya ako dadalhin, hindi din kasi ako pamilyar sa lugar pero nasisiguro kong nasa gubat parin kami ng Miskas. Hindi ba siya natatakot sa lobong gumagala dito?Ang tapang niya naman. Hindi kaya cannibal to o kaya ay kulto tapos iaalay niya ako? Naku wag naman sayang yung second life ko. Ilang minuto pa kaming naglakad bago kami makaabot sa isang sapa. "Teka anong gagawin mo?" sabi ko ng huminto siya at bigla nalang akong binuhat na para bang isa lang akong magaan na bagay at agad nilapag sa lupa. Hindi naman masakit ang pagkabagsak ko dahil narin siguro sa d**o. Napatingin ako sa mukha niya nang makaget over na ako sa pagkalapag sa sahig at agad natulala ng makita ang kabuuan ng mukha niya. Kamukha niya si Tarzan, may itsura din siya. Ang taas ng ilong niya, ang kapal pa ng kilay at ang ganda ng abo niyang mata. Dumagdag pa sa itsura niya yung hanggang leeg niyang buhok. Pero kahit ganon, nakakatakot iyong tingin niya ang lamig at nakakailang tignan. "Nas-aan ako? Ano-ng nangyari bakit ako nand-ito? Nasan yung hali-maw nong gabing iyon!?" utal utal kong tanong ulit at tumingin sa likod niya para maiwasan ang nakakabinging katahimikan. Ngunit ng mapatingin ulit ako sakanya napalunok ako ng sinuyod niya ang tingin niya sa buo kong mukha at bigla nalang hinawi ang buhok kong nahulog at humarang sa pisngi ko. Nanindig ang balahibo ko ng napunta ang kamay niya sa leeg ko at may pinahid doon dahilan para mapadaing ako, sugat ko ang hinawakan niya. Ng ilayo niya ang kamay may dugong sumama sa hinalalaki niya at nabigla nalang ako ng dilaan niya ito. Natakot ako lalo ng makitang ang abo niyang mata ay nagkulay berde. Napaatras ako ng may napagtanto. Noong gabing iyon.. kahit alam kong nanlalabo na ang mata ko dahil sa hilo hinding hindi ko malilimutan iyong pulang mata ng nilalang na iyon na naging kulay berde. Wag.. wag mo sabihing itong taong to ay ang lobo? Nagiging tao ba ang hayop? I mean oo sa pantasya o di kaya ay sa mga palabas pero realidad ito pano yan mangyari? "S-sino ka ba tala-ga?" utal kong tanong. Nanginginig akong dahan dahang umatras. Hindi parin siya sumagot at nakatingin lang sa akin, para niya akong ineeksamin. Sumasagot ba to? Para din kasi siyang taong gubat sa itsura niya, nakabahag lang siya at—awit napaiwas ako ng tingin sa baba nya ng may sumilip doon na ahas, malaking ahas at napalunok na tumingin sa ibang direksyon. "Bingi kaba? O di kaya ay pipi?" tanong ko ulit pero hindi parin siya sumagot. Napatingin ako sakanya ng bigla siyang tumayo at naglakad palayo. Dahil don unti unti din akong tumayo, kailangan kong makatakas dito. Baka cannibal talaga to, diba sa wrong turn hindi nagsasalita yung mga killer? Baka ganon din tong lalaking to. Naghintay muna akong makalayo siya kaunti bago hinanda ang sarili. Napangiwi ako ng mahirapan akong tumayo, may sugat parin pala ako sa tuhod at braso, ansakit. Pero kahit nahihirapan dali dali akong tumakbo ng tuluyan na akong makatayo at naghanap agad ng malulusutan iyong hindi niya madadaanan. Para akong pilay habang tumatakbo at ang bagal pa. Kaya naisipan kong maghahanap muna ng mapagtaguan kaya lang hindi paman ako nakakalayo narinig ko na agad ang alulong niya. Napatingin agad ako sa likuran ng makarinig ng malakas na takbo ng nilalang na iyon at agad natumba ng harangan niya ang dinadaanan ko. Nanlaki ang mata kong napaatras at napalunok ng makitang galit ito. Hindi na siya tao, isa na siyang malaking lobo ngayon, nakakatakot. Mas malaki pa siya sa akin at kulay abo ang balahibo niya. Akala ko ba sa gabi lang nagbabagong anyo ang lobo? Lalo na pag may buwan? bakit nagwawangis lobo ito ngayong mataas pa ang araw? "Wag mo akong lapitan. Dyan ka lang! Mamatay tao ka! Pinatay mo ang lolo at lola ko!" sigaw ko dito at napatingin sa paligid para maghanap ng kahoy na ipang depensa sakanya. Yung punyal ko kasi nasa bag, hindi ko din alam kung nasaan iyong bag ko baka naiwan doon sa gubat kagabi. Ng may nakita akong kahoy ay agad ko itong inabot at itinutok sakanya. Walang emosyon niya lang akong tinignan at nag anyong tao na lumapit sa akin. Naiiyak na umatras ako dahil sa sa takot at malamig niyang ekspresyon at napapikit nalang ng lumapit siya. Akala ko may gagawin siya sa akin ngunit nagulat nalang ako ng iniwaksi niya lang ang kahoy na tinutok ko sakanya dahilan para tumilapon ito sa malayo at bigla niya akong hinawakan sa bewang at binti bago binuhat. Nagpupumiglas ako sa hawak niya at pilit siyang sinisipa at kinakagat sa braso, ni hindi niya manlang niya ininda ito at tinignan lang ako. "Anu ba! bit-awan mo ako! Wag mo akong hawakan! Ah tulong! Hindi ako nagpapahawak sa mamatay tao! Bitawan mo ako!" sigaw ko parin. Natahimik lang ako ng inilapag niya ulit ako pero hindi na doon sa kinaupuan ko kanina. May lubid siyang hawak, ni hindi ko alam kung saan nanggaling iyon at itinali niya nalang ako sa malapit na puno. Hindi mahigpit iyong pagkakatali niya, pero tama lang ito para hindi ako makatakas. Sinamaan ko lang siya ng tingin ng matapos siya sa ginagawa atsaka siya umalis papalapit sa sapa. Bwiset! Bat kasi ang hina ko tumakbo sayang ang pagkakataong yon. Gigil akong napabuntong hininga at isinandal nalang ang ulo sa puno na tumingin sa kalangitan. Ah ano na ba itong nangyari sa buhay ko. Parang kailan lang excited pa ako sa pagkarating nila lolo at lola tas ngayon hawak hawak na ako ng napakadelikadong nilalang dito sa bayang to. Nakakainis pa wala akong tamang alam sa nilalang na to. Akala ko ba mamatay tao ito at mahirap amuhin? bakit hindi niya pa ako pinatay? I mean hindi naman sa excited akong mamatay nakakapagtaka lang talaga na ganito nangyari, pero baka may pinaplano ito? Nakakapagtaka tuloy kasi wala akong narinig na nagiging tao pala itong halimaw na to. Alam kaya nila iyan? Kababago ko palang din naman doon sa kampo baka alam na nila iyon. Naalala ko tuloy iyong sinabi ni Davina kahapon.. may okasyon doon sa kampo diba? Papatayin daw nila iyong pares ng lobong to. May ibang lobo din ba maliban sa lalaking to dito? Hala baka naghihiganti ito dahil dinakip nila ang pares ng halimaw na to? Kung ganon ako pala ang magbabayad? Hays dami kong tanong wala namang sagot kainis. Bat pa kasi ako sumunod kay Davina. Tama talaga si ate Nena antigas pala talaga ng ulo ko eto tuloy nangyari sakin. Sana pala umuwi nalang ako agad. Hindi ko din naman masisi si Davina, sumang ayon din kasi ako sa planong ito. Ayan tuloy naisahan ako, ginawa pa akong pa-in sa halimaw na to. Aish wala na din naman tayong magagawa nandito na tayo e. Tanging gagawin nalang natin ngayon ay patayin din siya.. Napatingin ulit ako sa lobo ng makitang naglalakad siya palapit dito, napatingin ako sa hawak niya at nagtataka ng makitang may dalawang isda syang hawak. May isda pala don, aanhin niya yan? Akala ko ba ako ang kakainin niya? loh laswa pakinggan. I mean ako uulamin niya ba like lulutuin. Nagtataka ko siyang tinignan ng pagkalapit niya ay tinanggal niya ang tali sa katawan ko. Inilipat niya iyon sa paa ko bago niya inilagay sa kamay ko iyong isdang dala niya. Dahil sa gulat nabitawan ko ito ng makitang buhay pa at sinamaan siya ng tingin. "Aanhin ko to?" taka kong tanong sakanya at tinuro iyong isda na gumagalaw galaw pa sa sahig. "Eat." nagulat ako ng magsalita siya, isang word lang yon pero ang lakas ng impact ang lalim pa ng boses! Pero kahit ganon napangiwi nalang ako ng bigla niyang kinain iyong isda na hawak niya kahit buhay pa ito at hindi pa luto. Dinidemonstrate niya ba yon? Hindi naman sa nandidiri, kumakain naman ako ng hilaw na isda pero yung ganito na may dugo dugo pa tapos walang sahog o suka? Gagi ayoko! "Siraulo ka ba? mukha ba akong hayop tulad mo na kumakain ng isda na hindi luto?" inis kong sabi, hindi ko mapigilang mag sungit sino kakain ng ganyan agad. Hindi naman siya nagsalita at tinapon niya lang sa kung saan iyong kinakain niya ngayon. Anong trip ng lalaking to? Tumayo siya saglit at may kinuha sa malayo, ng bumalik siya nanlaki ang mata ko ng makitang iyon yong bag ko. Awit akala ko nawala na iyon! Thank you Lord hallelujah! Nandun yung punyal, damit, at ang mga kinakailangan ko para makasurvive sa gubat nato. Pinanuod kolang siyang hinalungkat ang laman ng bag ko at agad siyang sinigawan ng mahulog yung ibang gamit doon. "H-oy! Iba-lik mo yung mga nahulog! Naku baka mawala pa yung iba." hindi ko alam kung bingi ba to, pipi o ba kaya ay hindi nakakaintindi. Hirap nito kausapin, para talagang aso na need pa itrain para makaintindi. Well aso naman talaga siya. Maya maya lang binitawan niya na iyong bag ko at ni hindi manlang binalik ang ibang gamit na hinulog niya. Pagtingin ko sa hawak niya napataas ang kilay ko ng makitang iyon yung posporong dala ko. Pano niya nalamang may ganong gamit ako sa bag? Alam niya ba pano ito gamitin? Tsk. Tumayo nalang ako ng makitang umalis siya saglit at patalon talong lumapit sa kinalalagyan ng bag ko. Hindi ko matanggal iyong lubid na nakatali sa paa ko, kahit papano magaling siya magtali. Wala din akong masyadong lakas kaya tiis tiis nalang muna, tatanggalin niya din ito. Mabuti nalang hindi nakatali iyong kamay ko nakakagalaw pa ako kahit papano. Ng makaabot ay agad ko ng ipinasok ang mga gamit na nakakalat sa sahig sa loob ng bag ko at napangiti nalang ng makita iyong punyal sa loob. Hinawakan ko ito at napalunok na tumingin sa lobong tao na yon, kaya ko bang pumatay? Kaya yan! Kailangan nating mabuhay. Sayang hindi ko man lang ito nagamit kagabi dahil sa taranta at takot. Pero na sisiguro kong ngayon magagamit ko na ito laban sa lobo na iyon. Inisa isa kong nilagay ito sa loob at maya maya lang ay natuwa ako ng makita iyong cellphone ko sa loob ng bag at agad itong binuksan, kahit gasgas na ang screen kitang kita parin naman ang mga letra. Ayos na sana kasi bumukas na kaso ng tignan ko iyong signal nanlumo ako ng makitang no signal ang nakalagay doon. Pano ko nalang macontact si ate Nena nito? Iyon pa naman ang ikinatuwa ko. Napabuntong hininga nalang akong nilagay ito pabalik sa loob ng bag at sinarado iyon. Napatingin ako sa hindi kalayuan ng makitang bumalik na ang lobo at napataas ang kilay ng makitang may dala siyang kahoy at umuusok ito. Inilapag niya muna iyong hawak na kahoy sa gilid bago lumapit sa akin at binigay iyong isdang dala niya. Napangiwi ako ng makitang sunog ang magkabilang side nito tapos sa loob ay hilaw. Niluto niya ba to? Taray ano to medium rare? "Ano to? Bakit hilaw sa loob." sabi ko sakanya, kitang kita kong nag ekis ang kilay niya ng makitang hindi ako satisfied sa ginawa niya. "Tsk." yun lang sagot niya at tinapon sa direksyon ko iyong posporo na dala niya. Napupuno na siguro siya lol. Pinanuod ko lang siyang nahiga sa di kalayuan at napangiwi ng sinalubong niya ang tingin ko. Ibinaling ko nalang ang tingin sa isda at napalunok na hinawakan ito, gutom nadin talaga ako ayoko sana kumain pero kailangan. Pinilit ko nalang din itong kinain kesa naman magutom ako. Kailangan ko munang mabuhay, gagawa ako ng paraan makatakas lang dito Nakakapagtaka tuloy bakit niya ako pinapakain? Pinapataba niya ba ako bago niya ako lechunin? Grabe naman yon. Pagkatapos kumain ininom ko na iyong tubig ko sa bag at kinuha iyong panyo. Pinunas ko ito sa mukha at napadaing nalang ng may sugat din pala ako sa noo at sa pisngi. Andumi dumi nadin ng ibang parte ng katawan ko. Tumayo ako ng may maisip at dahan dahang lumapit sa taong lobo, pagkalapit tinignan niya naman ako ng nagtataka bago siya naupo sa pagkakahiga. "Uh an-o, pwede bang pakitanggal muna ng tali sa paa ko? Gusto ko lang manghilamos sa sapa." sabi ko sakanya at inaksyon pa iyong sinasabi ko, malay mo diba hindi niya gets. Tinignan niya ako ng matagal tila tinitignan kung totoo ba ang sinasabi ko. Hindi ko naman sinalubong ang tingin niya kasi maliban sa nakakailang nakakatakot din ito. Tsaka totoo naman talaga, malagkit na kasi ang braso at balikat ko dahil sa pawis kahit punas lang ayos na sakin. "Wag kang mag alala hindi ako tatakas, pano din naman ako makakatakas eh sampong hakbang ko pa ngalang isang talon mo na iyon diba." nakasimangot na dagdag kong sabi sakanya, iyon na talaga ang masakit na katotohanan wala na akong magagawa don. Hindi parin siya sumagot. Naintindihan nya ba ako? Wala ng pag asa tong hayop na to. Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nakarinig ng napunit, kaya napatingin ako sa paanan ko at nagulat ng nasira niya iyong lubid. Ni hindi manlang gumalaw ang paa ko ng sirain nya iyon. Grabe, gaano ba kalakas tong halimaw na to at napunit niya ang ganyan katibay na lubid? Bumalik ulit siya sa pagkakahiga habang ako ay natulala at hindi makapaniwala sa ginawa niya. Ilang segundo pa ang lumipas bago ako makaget over sa nangyari, tinignan ko lang siya bago umalis. Kinuha ko narin iyong bag ko at lumapit na sa sapa. Pagkarating agad na akong nanghilamos sa sarili, binasa kona rin iyong braso at paa ko. Ayos na sana e kaso ng mapatingin ako sa tubig nanlaki nalang ang mata ko dahil sa nakita. "Ahhhh!!!" sigaw ko nung magtama ang mata namin nung isang buwaya. Takot na napaatras agad ako at nanlaki ang mata ng makitang umahon ito sa tubig. Nanginginig na tumayo ako para tumakbo sana kaso napatigil din ako ng bumangga ako sa isang matigas na pader. Napatalon pa ako sa gulat ng bigla nalang may humawak sa bewang ko dahilan para hindi ako tuluyang matumba. Pagtingin ko iyong taong lobo pala ito. Tinignan niya ako saglit bago binitawan at inisang suntok lang iyong buwaya dahilan para bumalik ito sa tubig. Lumangoy na ito palayo hanggang sa hindi na siya makita pa. Kahit wala na ito nanginginig parin ako habang nakatingin parin sa tubig, grabeng trauma yun nakakakaba. Sinong di magugulat o matatakot kung pagbuka mo palang ng mata maka eye to eye mo agad ang isang buwaya. Nakakatakot lang, kung hindi ko siguro yun napansin tigok na sana ako ngayon o kaya putol na yung braso at kamay ko. Napatingin ako sa taong lobo ng mapansing nakatingin siya saakin hindi naman siya mukhang nag alala kaya tinaasan ko siya ng kilay bago nagsalita. "Bat dimo sinabing may ganyang hayop pala dyan! Awit naman." inis kong sabi bago nagmamadaling tumalikod. Ayoko ng tinitignan ng ganyan nakakailang. Bumalik na ako sa pinagpwestohan ko kanina at wala ng nagawa kundi maupo nalang at maghintay nalang kung kailan patayin ng halimaw na to. ------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD