NENA'S POV
.
.
"Nena."
Napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito at tinawag ako ng kakapasok lang na si Dustin, problemado din ang itsura nito at nagdadalawang isip na magsalita.
"Hindi parin namin siya nahanap." sabi niya dahilan para mag ekis ang kilay ko. Naupo siya sa silyang nasa harapan at tumingin siya sa akin, naghihintay ng iuutos ko. Kagabi pa sila naghahanap ngunit hanggang ngayon hindi parin nila nakita si Suma.
Bwiset talaga, nasisiguro kong kagagawan to ni Davina. Hindi naman daw siya nakitang dumaan sa gate kaya imposibleng makakaakyat iyon sa bakod.
One week.. magsisimula na ngayon ang isang linggo kong tyansa. Kung sakaling wala na nga talaga dito si Suma sa kampo mahihirapan akong mahanap siya sa kagubatan. Mas lalo pang magiging mas mahirap kapag natagpuan niya na siya.
Ah hindi ko na alam ang gagawin. Napahawak ako sa aking noo dahil sa istress.
Ilang taon ko itong pinaghirapan tapos ganito lang din pala ang mangyayari? Ano nalang kaya mangyari sa buhay ko pag pumalpak pa to? No hindi yan, masyado naman ata akong nega.
"Ihanda mo iyong limang grupo ng kampo, salitan sila kada araw sa paghahanap kay Suma sa gubat. Kayo na ang bahala kung sino ang mauuna, pag usapan nyo nalang iyan. Ipapanigurado mong mahanap nila ang batang iyon. Bibigyan ko ng pabuya ang sinong makakahanap sakanya." utos ko sakanya na ikinatango niya lang.
Tatalikod na sana ako kaso napatigil din ako agad ng hawakan niya ako sa kamay.
"Sigurado ka ba talagang itutuloy mo parin ito?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko. Hindi ko nagustuhan iyong tanong niya.
"Ilang beses mo na bang tinanong iyan sa akin Dustin?" sagot ko naman sa naiinis na boses. Kitang kita sa mukha niya ang pag alala, kaya iniwaksi ko ang kamay niya at malamig siyang tinignan.
"Alam mo ang magiging kahinatnan kapag mag kamali ka ulit." dagdag niya pang sabi. Tumawa ako dahil sa sinabi niya bago sya seryosong tinignan.
"At sinong may sabing magkakamali ako ulit? Nasisiguro ko ngayon Dustin matatapos ko ang misyong ito. Kaya pwede ba sumunod ka nalang?" inis kong sabi sakanya, wala nadin naman siyang nagawa kundi tumango nalang.
"Sige, mag ingat ka palagi. Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka." dagdag niya pang sabi bago umalis. Napabuntong hininga naman akong tinignan siyang umalis bago hinawakan ang tyan. Hindi pwedeng magkamali ako ngayon, lalo na't may dinadala na akong kinakailangan kong protektahan.
"I see something suspicious here." nagulat ako ng may nagsalita kaya napaupo ako ng maayos at sinamaan ng tingin si Davina na ngayon ay nakaupo sa bintana.
"Ano nanaman ba ang kailangan mo?" galit kong sabi, ngumisi naman siya bago naupo sa kinauupuan ni Dustin kanina .
"Wala lang nangangamusta lang. Namiss kasi kita Nena hahaha. Sweet ng jowa mo ah hahaha." sabi niya at malademonyong tumawa. Tinignan ko lang siya ng masama at napasandal nalang sa upuan.
"Pwede ba kung wala ka rin namang sasabihin umalis ka nalang? Marami pa akong dapat gawin. Kung nandito ka lang para mambwiset nagawa mo na, happy?" masungit kong sabi. Gigil ko siyang tinignan ng tumayo siya at naglakad na napatingin sa mga nakasabit na frame sa dingding.
"Well I have a little surprise for you. As you can see, they already seen each other! hahaha isn't it exciting?" sabi niya at pumalakpak pa. Natigilan ako sa sinabi niya at napakuyom nalang ako sa aking kamao. Mabilis kong hinablot iyong punyal ko at sinugod siya. Diniin ko siya sa pader at tinutok iyong punyal sa leeg niya hanggang sa magsugat ito ng konti. Hindi naman siya nagpumiglas at ngumiti lang akong tinignan.
"Ano ba ang kailangan mo at bakit mo ito ginagawa? Akala ko ba ay kaibigan ka kina miss Angela at Portia? Ginigigil mo ako Davina, pag ako magalit tutuluyan talaga kita ngayon." galit kong sabi na ikinatawa niya ulit bago nakangising tinignan ako sa mata.
"My life's kinda boring Nena, why not mess with everyone?" natatawa niyang sabi at hinawakan ang braso ko bago niya ito winaksi. Nagulat ako dahil ang lakas niya, pero agad din akong natauhan at tinawanan siya.
"Hah! dinala mo lang ang sarili mo sa iyong kamatayan. Hindi mo sila kilala, hindi mo alam kung anong kaya nilang gagawin. Mabuti narin iyon ng mawala kana sa mundong to, sana lang sa impyerno ka mapunta." nakangisi ko ding sabi. Ngumisi lang din siya at pinahid iyong sugat niya sa leeg gamit ang hinlalaki bago dinilaan ito.
"Sweet. Oh? hindi mo ba alam taga don ako? Hahaha, my bad." gulat niya kunwareng sabi. Naglakad siya ulit palapit sa bintana at naupo doon bago lumingon sa akin. Napakunot ang noo ko ng makitang unti unting humilom ang sugat niya sa leeg at nagtataka siyang tinignan.
"Pano nangyari yon? Anong klase ka bang nilalang, wag mo sabihing isa ka sa mga Pyras (vampires)?" nagtataka kong tanong. Humagalpak siya ng tawa at napahawak nalang sa tiyan na tumingin, ilang minuto pa siyang tumawa bago nahimasmasan.
"Lol, siguro? hindi ko sure, masarap ang dugo pero hindi ko bet. Kung isa ako sa mga yun siguro patay na siya, patay ka na at lalong lalo na patay na yang nasa tyan mo hahaha." natatawa parin niyang sabi at inayos ang damit.
"Kung ganon sino ka ba talaga?" tanong ko ulit. Tumingin siya saglit sa labas bago nilingon ako ulit at ngumising sumagot.
"I'm someone's greatest nightmare Nena.. hindi ka sana kasali e, kaso humarang ka. Oh well yun lang talaga sadya ko hahaha osya I gotta go, ciao!" huli niyang sabi at nakangising tumalon sa bintana paalis.
Lumapit ako sa bintana para tignan sana kung saan siya papunta kaso pagtingin ko wala na siya doon, ni anino o pigura niya ay hindi ko na nakita.
Nakakunot ang noo akong napatingin sa kawalan nagtataka sa huling sinabi ni Davina.
Sino kaya ang taong tinutukoy niya? Hindi kaya ay si Portia? Tsk, kahit sino pa iyan hindi kita hahayaang magawa mo ang pinaplano mo Davina.
Tandaan mo iyan.
.
———
SUMA'S POV
.
.
Nasa sapa parin kami ngayon, hapon na at hindi ko parin alam kung dito ba kami mananatili hanggang dilim. Kung ako ang tatanungin, malamang gusto ko na umuwi! Ayoko matulog sa gubat baka mamaya pag mahimbing na ang tulog ko bigla nalang may gagapang na ahas sa katawan ko, naku naman.
Tinignan ko si tarzan na ngayon ay nangongolekta ng kahoy sa di kalayuan. Hanggang ngayon hindi ko parin alam ang pangalan niya o kung meron nga ba talaga siya non. At dahil hindi ko din naman alam ang itatawag sakanya tarzan nalang ipapangalan ko mukha naman din talaga kasi siyang si tarzan sa itsura niya e.
Maliban sa antahimik niya ang lamig din niya magsalita. Hindi ko nga alam bakit ang ikli niya lang magsalita, hindi ba siya marunong? Ayoko naman siya tanungin dahil maliban sa hindi din iyan sasagot, hanggang ngayon hindi ko parin siya mapapatawad sa ginawa niya kina lola at lolo.
Ang kapal ng mukha niya. Ngayon hindi na ako nakatali, ramdam niya sigurong hindi talaga ako makakatakas dito. Nakakainis lang, ano nalang kayang mangyayari sa akin? Magiging taong gubat narin ba ako tulad niya?
Ayoko! Mas mabuti pang guluhin ako ni Cholo araw araw doon sa syudad kesa mastuck ako dito kasama ang halimaw na to.
Mabuti nalang talaga hindi siya moody ngayon nakakatakot pag mukha siyang galit parang manununtok ang awra niya. Napatingin ako sa sapa at napangiwi nalang ng maalala ang nangyari kanina. Siraulong buwaya yon, dapat pinatay ni tarzan iyon ng wala ng buwaya don. Gusto ko panaman sanang maligo kanina. Nakakapanindig balahibo parin pag naalala yun awit muntik nayon.
Napatingin ako sa harap nang may bumagsak, paglingon ko nakita ko si tarzan sa harapan ko dala dala iyong kahoy na kinokoleta niya.
Gagawa ba siya ng bonfire dito? Lah, so dito kami magpalipas ng gabi?
"Teka tarzan.. Dito ako matutulog ngayong gabi? Sa maginaw na lupa at gubat na ito?" nanlaki ang matang tanong ko, tinignan niya lang ako bago pinagpatuloy ang ginawa. Oo ba yun?
"Hoy sumagot ka nga! ayoko matulog dito! Maliban sa maginaw marami ding delikadong hayop na umaaligid sa paligid!" at isa kana dong hinayupak ka. sigaw ko. Hindi parin siya sumagot at kinuha niya iyong posporo na nasa bag bago sinindihan iyong pinagpatong patong niyang kahoy. Paano kaya niyan natutunan? May alam din pala sa ganyang modernong bagay ang hayop?
Napabuntong hininga nalang ako sa inis, paano nalang kung uulan? saan kami sisilong nito? Ayos lang naman sakanya kaso paano naman ako? Mukha ba akong hayop na kayang tumiis ng pabago bagong panahon?
Kagigil talaga tong halimaw na to, sarap iheadshotin ng punyal sa ulo.
Maya maya lang umapoy na iyong kahoy na sinindihan niya, sakto lang din kasi dumidilim na din ang paligid. Napalunok nalang akong tumingin sa paligid ng makitang wala na akong makita sa malayo, napaparanoid na ako feeling ko may nakatingin sa akin doon kahit wala naman. Dali dali kong inabot iyong bag ko at kinuha sa loob iyong sarong na dala, tinakip ko ito sa ulo at napatingin kay tarzan na ngayon ay nakatingin din pala sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan, mabuti nalang talaga may malaking batong malapad dito pwede ko itong mahigaan.
Ng tuluyan ng dumilim, kinain ko na iyong pagkaing isda na sinugba ni tarzan. Hindi ko napansing nangisda pala siya kanina. Hindi na ito hilaw sa loob syempre nangialam na ako kanina ayoko na kumain ng hilaw, mas lalo na yung sunog!
Nakaupo lang siya sa tapat ko nakasandal sa isang bato at nakatingin sa apoy. Hindi ko alam ano ang iniisip ng hayop na to, baka mamaya niyan maisipan niya akong lutuin naku wag naman.
Tinignan ko lang siya habang kumakain at umiwas ulit ng tingin ng lumingon din siya sa akin, bakit kasi ang tahimik? hindi naman ako takot sa tahimik kasi nasanay naman ako doon sa syudad, lalo na pag gabi dahil ako lang naman ang nakatira doon ng mag isa sa apartment kaya lang iba kasi dito e nasa gubat kami hello?
Masisiraan siguro ako ng bait kung ako si tarzan. Pero ayos narin pala kung tahimik kesa naman mag iingay ako baka may mga hayop pang makarinig at pumunta dito diba. Hays ewan, nagmumukha na akong sira sa mga pinag iisip ko. Isang araw pa nga lang ang lumipas ah paano na kaya kung magtatagal ako dito baka mabaliw na ako ng tuluyan!
Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at naglakad paalis.
"Teka san ka pupunta.. wag mo kong iwan dito." pigil ko sakanya at nanginginig na hinawakan siya sa braso. Nakakatakot man siyang hawakan wala na akong magagawa pa, kahit malaki ang galit ko sa halimaw na to wala na akong ibang mapagkatiwalaan pa maliban sa kanya kung itong gubat nato ang pag uusapan.
Natrauma na ako sa nangyare kagabi, pero ng dahil sa nangyari kanina doon sa sapa medyo gumaan ang pakiramdam ko sakanya. Ayoko maiwan dito, mukha naman siyang harmless kasama pag hindi galit e, medyo lang.
Napangiwi nalang ako ng pagkatapos niya akong titigan ay iniwaksi niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya bago naglakad sa dilim.
Oh diba sabi na eh hindi nga siya harmless kaso heartless nga lang awit naman feeling pogi, well pogi naman talaga siya slight.
Pinanuod ko lang siyang nawala sa dilim at napasimangot na naupo ulit, napalunok na tumingin ako sa paligid bago dali daling kinuha iyong punyal ko sa bag.
Buti nalang pala meron ako nito, kung sakali mang may susugod bigla, sasaksakin ko nalang.
Napatingin ako sa langit at nadismaya ng makitang walang buwan ngayon, wala ding stars pero hindi naman siya mukhang mauulan.
Ilang minuto pa ang lumipas pasulyap sulyap akong napatingin sa dinadaanan ni tarzan pero hanggang ngayon wala parin siya. Nasisiguro naman akong babalik din iyon diba?
Sumandal nalang ako sa puno na nasa likuran ko at pinikit ang mata na dinama ang malamig na hangin.
Dahil narin siguro sa antok at pagod hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
.
.
Kinabukasan nagising ako dahil sa sinag ng araw, napakurap kurap akong bumangon at napatingin sa paligid.
Nakatulog pala ako kagabi. Napakunot nalang ang noo ko ng makitang wala si tarzan sa paligid. Umalis na naman ba siya? Mabuti naman ayos lang sa akin na sa umaga siya umaalis, wag lang sana talaga sa gabi kasi nakakatakot mapag isa.
Tumayo na ako at naglakad palapit sa sapa. Ngayon minabuti ko na talagang tignan ang tubig kung nandun ba ang buwaya o wala bago nanghilamos.
Ng matapos naupo ulit ako sa bato na kinauupuan ko kanina at inintay si tarzan.
Nagugutom na ako, antagal niya naman. San ba iyon nagsusuot?
Napabuntong hininga nalang ako at napangisi nang may naisip. Bat di nalang kaya ako tatakas ngayon habang wala pa siya diba?
Medyo masakit parin iyong mga sugat ko pero nakapagpahinga nadin naman ako kaya, kaya ko ng tumakbo pa ng maayos.
Napatingin tingin ako sa paligid, tinitignan kung narito naba siya o wala pa. Ng makitang wala ay inayos ko na ang aking bag at nilagyan muna ng tubig sa sapa iyong bottle water ko bago naglakad palayo doon. Takbo ako ng takbo, hindi ko alam saan ako pupunta basta ang naisip ko lang ngayon ay ang makakalayo dito.
Ilang minuto na akong tumatakbo hindi ko alam kung nasaan na ako, napahinto nalang ako sa tabi ng malaking acacia para sana magpahinga kaso hindi paman ako nakaupo napatigil nalang ako ng makarinig ng alulong ng lobo at iyak ng isang hayop.
Nasisiguro akong boses niya yon! Awit naman, imbes lumalayo tayo mas lalo lang tuloy tayong napapalit.
Napabuntong hininga nalang ako dahil sa bad trip at aalis na sana kaya lang napatigil ako ng marinig ulit ang ungol at iyak ng isa pang boses ng hayop.
Hindi ko alam kung anong katangahan ang sumagi sa isip ko at naisipan kong lumapit sa kinaroroonan ng ingay. Oo ako na bobo, tyansa kona sana iyong umalis e awit naman chismosa ko talaga.
Ng makalapit nanlaki ang mata ko ng makitang isang oso ang kalaban ni tarzan. Gagi anlaki ng oso. Kinagat ni tarzan ang oso habang pilit naman lumalaban iyong isa.
Kinakalmot siya ng oso dahil sa sakit at pilit itong kumakawala sa pagkakahawak sakanya. Napalunok nalang ako dahil sa takot at nagtaka ng may mapansin kay tarzan.
Yung mata niya, imbes na berde ang kulay ng mata niya kumulay pula ito ngayon. Hindi ko alam bakit ganon ang kulay nito, ganyan din kulay niya nong gabing magtagpo kami pero naging berde naman iyon diba? Pana- panahon ba ang pagkukulay nito?
Napatingin ako sa katawan niya at napangiwi ng makitang marami narin siyang sugat, iyong mga peklat niya sa katawan nadadagdagan nanaman. Tsk ganon naba siya kagutom para targetin ang malaking oso?
Teka nga ano bang pakialam ko problema niya na iyan, dapat ngayon tumatakas na ako eh.
Tumalikod na ako ng maisipang umalis na, kailangan ko ng bumalik sa kampo nasisiguro akong hinahanap na ako ni ate Nena, bahala na kung mapapagalitan niya ako siguro mapapatawad niya naman ako diba.
Nakalimang hakbang palang ako ng bigla nalang may tumilapong malaking bagay sa harapan ko, nanlaki ang mata ko ng muntik na akong mahulugan ng nasirang puno at napaatras nalang ng makita ang oso sa harapan ko.
Hindi na ito gumagalaw at nasisiguro kong patay na ito dahil sa dami ng dugo na umaagos sa braso at ibang parte ng katawan nito.
Nanigas nalang ako sa aking kinakatayuan ng makaramdam ng malakas na paghinga sa likuran. Hindi ko alam kung lilingon ba ako o tatakbo, hindi ko magalaw ang sarili!
Awit naman eto naba sinasabi ko e, bobo ko talaga bat kasi nanuod pa ako sa laban nila ayan tuloy.
Napapikit nalang ako ng marinig ang malakas niyang dagundong. At dahil wala na din naman akong magagawa nanginginig at akong lumingon sa direksyon niya bago ngumiti ng pilit.
"H-i?"
-----