SUMA'S POV
.
.
"H-i?" yun ang tangi ko lang nasabi ng makaharap ko siya dahil narin sa kaba. Nanlaki ang mata ko ng makitang galit itong lumapit sa akin at napasigaw na lang.
"Ahhh!" sigaw ko at agad tinakpan ang sarili ng dalang bag ng makitang kakalmutin niya na sana ako. Naghintay pa akong tumilapon ngunit agad din akong napadilat ng maramdamang may malaking kamay ang lumapat sa ulo ko. Pagtingin nagulat ako ng makitang kumalma na si tarzan, bumalik narin sa berde ang mata niya pero nagwawangis lobo parin siya.
Napalunok akong umatras habang nakatingin parin sakanya. Hindi ko alam kung tatakbo ba ako o manatili parin ba dito. Hanggang ngayon hindi parin ako sanay pag nagwawangis siya ng ganito nakakatakot.
Napakurap nalang ako bigla ng sa kakatitig sakanya ay bigla nalang may senaryong nagflash sa utak ko na agad din namang nawala. Mabilis lang iyon at blurred siya kaya hindi ko alam kung ano yon. Hindi ko nalang ito pinansin at napatalon nalang ako sa gulat ng magbagong anyo si tarzan, naging tao na siya ulit. Napangiwi ako ng makita ang mga sugat niya, hindi naman masyadong malalim pero ansakit parin siguro nyan. Oh well pakialam ko ba, kasalanan niya din naman iyan, mga lalaki nga naman hilig talaga makipag away.
Napaatras nalang ako ng lumapit siya sa akin at sinamaan siya ng tingin ng makitang duguan pa iyong kamay at bibig niya. Walang ekspresyon niya lang akong tinignan at napatingin nalang sa dala ko. Dahan dahan ko namang binaba iyong bag ko at napalunok na tumingin sa kung saan, hindi niya naman siguro nahalata ano?
"San ka pupunta?" napataas ang kilay na tumingin ako sakanya ng marinig na nagsalita siya, wow akala ko hanggang one word lang kaya nitong masabi, isang himala! Maamaze na sana ako kaso ng marealize ko iyong tanong niya ay napangiwi nalang ako.
Wala na talaga akong takas inangyan.
"Ah ha ha ano kasi, hinahanap kita kanina pa— oo yun nga. Pag gising ko kasi wala ka kaya hinanap kita. " pagsisinungaling ko at sumulyap saglit sakanya bago tumingin ulit sa paligid, hindi ko alam kung naniwala ba siya o hindi bahala siya sa buhay niya.
Hindi naman na siya sumagot pa at bumalik ulit sa silent mode niyang ugali. Mabuti narin iyon, wala na din kasi akong ibang maisip na irarason.
Naglakad na siya palagpas sa akin, akala ko ay sa oso siya pupunta kaya lumapit ako doon para tignan ito pero ng tignan ko siya ay napasimangot nalang ako ng makitang nilagpasan niya lang ang hayop.
Akala ko ba gutom siya? Bakit hindi niya kinain ito? Bat pa siya nag aaksayang patayin ito kung hindi niya din naman pala kakainin? Gulo din ng halimaw na to.
Tumingin siya sa akin dahilan para mapatayo ako ng maayos, at agad naglakad papunta sa kinaroroonan niya ng makitang sinenyasan niya akong sumunod.
Hindi paman ako nakakalayo sa oso ng bigla nalang may humawak sa paa ko.
"Ahhhh!!! bita-wan mo a-ko! " kinakabahan kong sigaw ng makitang buhay pa pala yung oso. Hinawakan niya ako sa paa at bigla nalang itinaas sa ere dahilan para bumaliktad ako. Nanlaki ang mata ko ng makitang balak pa ata akong itapon ng oso na to sa kung saan kaya agad na akong humingi ng tulong.
"Ahhh!! Tarzannnn tulungan mo akoo!!" nahihilo kong sigaw at tumingin sa direksyon ng kinakatayuan ni Tarzan kanina. Kaso wala na siya doon, natatarantang hinanap ko siya at nabigla nalang ng umiyak ng malakas iyong oso. Titignan ko na sana kung anong nangyari don kaya lang bigla nalang akong nahulog at maya maya lang ay naramdaman ko nalang na may kamay na sumalo sa akin bago ako tuluyang mahulog sa lupa.
Napadilat ako at nakaramdam ng ginhawa ng makita si tarzan na hawak hawak ako.
Umiigting ang panga siyang tumingin sa oso na ngayon ay tuluyan ng namatay, mukhang binali niya ang braso nito at ginilitan ang leeg gamit ang kuko niya.
Nakakatakot pa ang itsura niya halatang galit siya. Awit naman.
Agad akong lumayo sakanya ng marealize na ang dungis dungis pala niya, puno ng dugo pa iyong kamay at bibig niya. Siraulong to kaunti nanga lang damit ko dinudumihan pa, sabagay ayos lang din pala kesa naman matigok ako diba? mas iisipin ko pa bayan kesa sa buhay ko?
Sinuyod niya ang tingin sa akin at nagulat nalang ako ng dumilim bigla ang tingin niya, napatingin ako sa tinignan niya at pati ako ay nagulat ng makitang namumula iyong paa ko dahil sa lakas pala ng pagkakahawak nong oso sa paa ko.
Ngayon ko ngalang napansin na masakit ito at may kaunting sugat pa doon, dahil siguro ito sa kuko ng oso nayon.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon bigla nalang siyang nagwangis lobo at sinenyasang sumakay ako sa likod niya. Sumunod nalang din ako kasi umepekto na rin iyong sakit ng paa ko at nahirapan akong maglakad.
Bumalik ulit kami doon sa sapa at nakasimangot akong naupo sa pwesto ko noon. Si tarzan naman ayun naligo, tinatanggal at nilinis niya iyong mga dugong kumakapit sa katawan niya pati narin iyong mga sugat niya.
Gusto ko din sana maligo kaya lang pag naalala ko iyong buwaya napapaatras ako. Napatingin nalang ako sa damit at napangiwi ng makitang andumi dumi nito may bakas ng dugo pa ng oso.
Kahit ito man lang gusto ko sana itong malabhan. Tumayo na ako at nagtago sa likod ng isang puno para magbihis, sinisilip ko pa si tarzan kasi baka bigla nalang siyang sumusulpot mahirap na. Pagkatapos magbihis ay naglakad na ako palapit sa sapa, siniguro ko talagang malayo ako kay tarzan kasi ayoko lang. Atsaka andumi ng parte na kinaroroonan niya noh namumula iyong tubig.
Pagkalapit sa sapa ay agad na akong naupo at sinisiguro muna iyong tubig kung may buwaya ba, ng makitang wala naman pala ay inilunod ko na iyong damit ko at kinuskos. Ang hirap pa tanggalin ng mantsa kainis walang sabon o di kaya ay chlorine. Ilang minuto pa ang lumipas bago din iyon natanggal, napangiti nalang akong tumayo ng matapos na ito at napalingon bigla sa gilid ko ng maramdamang may tao dun.
Paglingon ko gulat kong nahulog ang dalang damit ng makita si tarzan doon na nakatayo lang at kanina pa pala ako pinanuod. Mas nagulat pa ako ng makita ang itsura niya.
Nakawet look beh, para siyang modelo sa underwear. Nakabahag parin siya tapos ang seryoso ng mukha, napanganga pa ako dahil sa abs at maskulado niyang katawan na kumikinang dahil sa tubig na tumutulo galing sa buhok niya. Teka ang init naman dito bat naman ganun.
"What?" bigla niyang tanong dahilan para matauhan ako. Awit bat ba pabigla bigla ito kung magsasalita. Napalunok nalang ako ng mapagtanto na pinagnasaan ko na pala siya, I mean hindi yun pagnanasa noh! Nashock lang ako sa look niya, tawag dun describing ganon.
Sinamaan ko siya ng tingin at nairap na kinuha iyong damit na nahulog sa lupa. Ayan tuloy katangahan nadumihan tuloy ulit.
"Bat ka ba nandito umalis ka nga jan. Para kang what the f." pagtataboy ko sakanya at mabilis nilinis iyong damit na nahulog. Nakakapressure yung tingin niya bat dina lang kasi siya umalis.
Bumaba siya sa sapa at nagulat nalng ako ng sabuyan niya ako ng tubig. Nag ekis ang kilay ko ng mabasa ang mukha ko, mabuti nalang kaunti lang nabasa sa damit ko.
Sinamaan ko siya ng tingin at napatulala nalang ng makitang nagsmirk siya saglit bago lumangoy paalis. Himala marunong pala siya mang asar? hah hindi naman bagay sakanya. Tsk.
Ng matapos linisin yung damit ko tumayo na ako at naglakad paalis doon. Naghanap agad ako ng sanga na pwede masampayan ng damit. Ng makakita isinampay ko na ito bago bumalik sa pwesto ko kanina.
Ng makitang umahon na siya sa tubig tinapon ko sa direksyon niya yung isa ko pang tuwalya at hindi nagsalita na kinalikot ang cellphone. Hindi naman na siya nagtanong pa kung aanhin niya iyon , nasisiguro naman akong hindi siya ganon ka bobo para hindi malaman kung anong gagawin niya don diba.
Pahihiramin ko nalang siya muna non, labag man sa aking loob pero kahit sa ganyang paraan man lang makapagpasalamat ako sa ginawa niyang pagligtas sa akin kanina.
Napatingin ako sa punyal na nasa loob ng bag bago sumulyap kay tarzan, syempre hindi ko parin nakakalimutan ang ultimate goal ko.
Kahit ilang beses niya pa akong iligtas hindi non mawawala iyong sakit na ginawa niya sa pamilya ko.
Kaunting panahon pa kailangan ko magagawa ko din iyon.
.
.
.
DAVINA'S POV
.
.
"Davina nag usap naba kayo ni Angela?" napatingin ako kay Portia ng magtanong siya, nagkibit balikat naman ako bago umiling.
Nasa opisina kaming dalawa na nasa loob lang din ng kampo. Dito kami natutulog at tumatambay kapag narito kami sa Miskas, may kwarto naman dito kaya hindi problema ang matutulugan.
"Hindi bakit?" sabi ko at tinanong siya pabalik.
"Wala lang naman, wala parin kasi siyang iniutos tungkol sa dalawang batang iyon." sagot niya na ikinatango tango ko.
"Tatawag din iyan, hindi parin naman nakuha ni Nena si Suma." sabi ko bago tumayo.
"Naiirita talaga ako sa Nena na iyan puro kapalpakan nagagawa nakakaumay na. Ikaw pa lagi sinisisi, mukha ka bang traydor? Eh mas kilala mo pa nga si Angela ng matagal e, hindi mo naman magagawang traydorin iyong kaibigan mo diba?" mahaba niyang litanya. Dimo sure. Ngumiti naman ako sakanya at kunwaring nasaktan.
"Grabe ka naman, syempre naman hindi. Why would I? Dont worry I'll help her incase she gets failed again." sabi ko pa na ikinatuwa niya. Pumapalakpak pa siya bago lumapit sa akin at niyakap ako. Napangisi naman ako ng lihim at tinap iyong likod niya.
"Thank you so much Davina, you're an angel in disguise! Mabuti nalang at pumunta ka rito. Ayoko na ring pumalpak nakakatakot magalit si Angela." patuloy niya paring sabi. Natawa naman ako sa sinabi niya, angel? that's hilarious. She must've meant devil! Ahahaha oh well, let her think that way.
"No worries, o siya I have to go I still have something to do." sabi ko sakanya na ikinabitaw niya, tumango lang siya bago kumaway ng umalis na ako.
Ng makalabas nawala ang ngiti ko at agad tinanggal iyong nakakapit na maliit na itim sa likod ko. Does she really think she can trick me like that?
Tinignan ko ito at napangisi, it's a little location tracker. Oh so nagdududa din pala siya sa akin? Aww, sweet. Now, dapat na ba akong mag ingat? hahaha.
Naglakad ako palapit sa gilid ng katabing bahay at dinakip iyong tumatakbong daga, inilagay ko doon ang tracker bago ito pinakawalan sa labas.
Hindi na muna ako bumalik sa opisina at dumiretso na lamang sa harap ng main hall. Pagkarating ko doon napahinto ako ng makita ang mga kalalakihang inihanda ni Dustin. Nagtitipon tipon na siguro sila para hanapin si Suma.
Nasa gilid lang ako doon at pinanuod sila sa kanilang ginagawa.
Binigyan ni Dustin ang bawat lider ng walkie talkie at pinapaalalahanan sa mga dapat at hindi dapat gawin.
"At ang pinakahuling hindi muna dapat gawin ay ang sumugod sa kanila. Maghintay kayo sa iuutos ko, wag nyo ding saktan o patayin si Suma. Ireport nyo agad sa akin kapag nalaman niyo na kung saan sila nananatili. Naiintindihan niyo ba?" sabi ni Dustin na ikinatango nilang lahat. Umalis na iyong isang grupo ng binigyan na sila ng permiso na maghanap ngayon.
Napangisi naman ako ng may ideyang nabuo sa isip ko at agad tumalikod. Binago ko ang wangis at agad pumunta sa isang bahay.
Pagkapasok ko roon bumungad sa akin si manang Celes na ngumiti lang ng makita ako. Binalik ko din agad ang itsura ko dahilan para makilala ako ni manang Celes.
"Oh Davina iha napabisita ka." sabi niya na ikinangiti ko. Napatingin nalang ako sa isang kwarto ng bahay nila ng makita roon si Vina na kakalabas lang.
Nakangiti din itong tumingin sa akin at agad lumapit.
"Miss Davina! Buti po at nandito ka na. Nagawa ko na po ang pinapagawa niyo." sabi niya na ikinatango ko at agad tinanggap ng iniabot niya ito.
"Mabuti, maraming salamat Vina." pagpapasalamat ko sakanya na ikinatango niya lang.
"Davina iha, maupo ka muna dito. May pag uusapan muna tayo ngayon." seryosong sabi ni manang Celes na agad ko namang sinunod. Hindi ako sumagot at hinintay ko lang kung ano ang sasabihin niya.
Maya maya lamang ay inilabas niya iyong isang mukhang makalumang libro at binuksan. Nang ihinto niya ang isang pahina nakita ko doon ang isang guhit kung saan may buwan at lobo na nakalagay doon.
"Ano po ang ibig sabihin nyan?" tanong ko ng hindi maintindihan ang nakaguhit, kasi sa tabi nong buwan at lobo ay may nakaguhit din doon na isang araw at nakatihaya na lobo ang nakalagay.
"Ang unang guhit ay nangangahulugang lumalakas ang lobo kapag may buwan, iyon ang magandang gabi sana na gawin ang ritwal nila ni Suma ngunit hindi natin alam kung magagawa nga ba nila ito sa gabing iyon. Etong araw naman ay nangangahulugang pagkatapos ng gabing buwanan nanghihina ang lobo sa susunod na araw, aabutin siya ng isang araw bago bumalik ang kanyang lakas. Alam kong alam na nila ito, kaya minamadali na nila ang paghahanap sa lobo at doon sa batang dalaga. Nasisiguro ko din na nagpaplano na silang sugurin ang lobo pagkatapos ng buwan." paliwanag niya dahilan para maintindihan ko ang gusto niyang sabihin.
Napatango tango naman ako at agad na tinignan iyong nakaguhit sa libro.
"Kailan ang susunod na pagtaas ng buwan?" tanong ko sakanya. Walang kalendaryo dito kaya hindi ko malaman kung kelan ang sunod na paglabas ng buwan.
"Limang araw mag mula ngayon." sagot niya na ikinatango ko. Napangisi nalang ako sa nalaman ngayon at agad ng nakaisip ng ideya.
Nice, I knew this would be really fun hahaha.
"Salamat sa impormasyong ito manang Celes. Uh matanong ko lang sana san galing iyang libro na hawak mo manang Celes." dagdag kong tanong.
"Ah eto ba? Galing ito sa kaaway ko, nakakapagtaka nga na hindi namin gusto ang isa't isa ngunit ipinagkatiwala niya sa akin ang librong ito. Nasisiraan na siguro siya ng bait. " natatawang sagot niya naman na ikinatango tango ko. Hindi na ako nagtanong pa ulit at tumayo nalang para umalis.
"Aalis na po ako manang Celes, Vina. Salamat sa impormasyong ibinigay mo sa akin." pag papaalam ko sakanila.
"Teka miss Davina kumain ka muna." sabi ni Vina na may dalamg pagkain pa, umiling naman ako dahil nagmamadali narin ako.
"Ayos lang Vina salamat." sagot ko sakanya at aalis na sana kaso napahinto nalang ako ng magsalita ulit si Manang Celes.
"Hindi ko alam kung ano ang pinaplano mo Davina, pero sana ay matulungan mong maging mapayapa ulit itong bayan na ito. Nasasakal na akong makulong sa kampong ito, nawa'y matulungan mo ang lugar na to." sabi niya bago sinarado ang librong dala. Magsasalita pa sana ako kaso napatigil nalang ako ng may mahagip ang mata ko. May nakaukit na pangalan sa librong hawak niya at nasisiguro kong sakanya ito galing. Mildred.
"Hindi ko tungkulin iyan kaya hindi ko masisigurong magagawa ko ang sinasabi mo manang. Iyon lang aalis na po ako." huli kong sabi bago umalis.