SUMA'S POV . . "Suma." tawag saakin ni lola Mildred na agad kong ikinalingon sakanya. "Po lola?" tanong ko sakanya tsaka pinagpatuloy ang pag pitas ng mga bulaklak sa bakuran niya. "Kakain na tayo! Naghanda na iyong mama mo ng pananghalian, tsk nasaan na ba iyong si Arnold? Mag aalas dose n ah!" pag aya niya tsaka nakapameywang na tumingin sa labas ng bakod. Sakto lang din dahil ng matapos ako sa pag pitas ay syang pagkarating din ni lolo. "Mildred anong ula—" "Antagal mo naman ata? Sinabi ko sayong wag kang magpapahuli ng oras ng pananghalian dahil baka magkasakit ka!" sermon ni lola na ikinangiwi ni lolo, agad ko siyang nilapitan tsaka nagmano. "Ayan nanaman ang lola mo Suma, daig pa ang nanay ko dahil sa kaingayan haha." natatawang sabi ni lolo dahilan para makatanggap siya n

