ZEID'S POV . . "Ahhhh halimaw!" "Patayin niyo iyan!" "Abnormal na klase ng lobo yan!" "Anak ng demonyo!" Simula ng mamulat ako sa mundong ito iyan lagi ang naririnig ko sa mga taong aming nakakasalamuha. Akala ko nung una normal lang iyon pero ng nagtagal ay tsaka ko lang nalamang sakin lang pala ito nangyayari. Naririnig ko lang ang mga salitang iyon ngunit hindi ko nakikita kung sino ang mga taong ito, madilim ang paligid na kinaroroonan ko pero sa harap ay may imahe pa rin akong nakikita ramdam kong gumagalaw ang aking katawan na tila ba may kumokontrol at nagwawala dito. Rinig ko rin ang mga taong nagsasalita pero ang iba nalang mga sinasabi ay hindi ko maintindihan, bata pa lang ako wala pang kaalam alam sa mundo. "Shrida iha, hindi mo pwedeng sundan si Eric. Manganganib
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


