Chapter 10: Enemy or an Ally?

2476 Words
SUMA'S POV . . "Ang boring naman." bulong ko habang nakaupo sa bato. Nandito ako ngayon sa gilid ng sapa nag eemote emote nauumay na kasi ako dahil lagi nalang akong nakaupo dito. Gusto ko din sanang maglakad lakad kaso kahit saan atang lugar dito may mga insekto o di kaya ay mga hayop akong nakikita. Ayos lang sana kung human friendly kaya lang parang mga may lason pa ata tong mga to yung iba pa ay mga wild. Gusto ko na talagang umalis dito, kaya lang kapag maglalakad lang ako ng sampong hakbang papalayo kay Tarzan para na niya akong papatayin sa tingin niya. Awit naman. Nilingon ko si Tarzan at napaikot nalang sa matang inirapan siya ng makitang nakatingin pala siya sakin. Hinding hindi ko parin talaga malilimutan iyong nangyari nong isang araw, hindi ko na siya masyadong pinansin dahil sa pangyayaring iyon. Nanggigil ako sa inis at hiya, buti nalang nasampal ko siya deserve niya naman iyon dahil walanghiya siya. Tanghali na at medyo mainit na sa balat ang sinag ng araw. Bumalik na ako sa pwesto ko at dun nalang naupo. Nakasimangot kong pinagpipitas iyong mga d**o sa sahig at bigla nalang napatulala dahil inaantok ako. Ilang araw na ba ako dito? Awit pangatlong araw na pala ngayon? Ang bilis naman, hanggang ngayon wala paring balita o di kaya ay senyales na ako ay makakalaya sa gubat na ito. Ano na kaya ang ginagawa ni ate Nena ngayon? Hinahanap niya din kaya ako? "Ay inaka!" gulat kong sabi ng pag angat ko ng ulo ay tumambad sa akin ang mukhi ni Tarzan, muntik ko nanaman ulit siyang masampal kaso napigilan niya ito kaya napangiwi ako dahil sa paghihinayang, sayang hindi man lang lumapat ang kamay ko. "Bat ka ba nanggugulat ha?" masungit kong sabi, napalunok ako ng bumaba ang hawak niya sa pulso ko papuntang kamay. Ayan nanaman at bigla na namang naghaharumentado ng mabilis ang puso ko. Sinamaan ko siya ng tingin at iwawaksi sana ang pagkakahawak niya kaya lang agad niya namang hinigpitan ito dahilan para hindi ko matanggal ang pagkakahawak niya. "Tara." sabi niya at agad akong hinila patayo sabay kuha sa bag ko na nasa gilid. Napakunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka. "Saan?" tanong ko ng hilahin niya ako paalis, inabot niya sa akin ang bag bago nag wangis lobo siya at agad ako sinenyasang sumakay. Sumunod nalang ako kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta. Pumasok kami sa gubat at tumakbo lang siya sa kung saan saang lugar, hindi ko alam kung saan kami patungo pero feeling ko mas lalo kaming pumasok sa pinaka malalim na parte ng gubat. May nadaanan pa kaming sobrang dilim na parte ng gubat, ang creepy pa kasi puro dark green iyong kulay ng mga puno at lupa. Para siyang nilulumot. Sa gilid lang kami dumaan, para siyang ibang dimension at nakakatakot talaga tignan. "May ganitong parte pala ang lugar nato? Ang creepy naman doon parang maya maya lang ay may biglang susulpot na malaking mga ahas." sabi ko kay Tarzan na sumulyap lang saglit bago nagpatuloy sa pagtakbo. Tumitingin pa ako doon at nagulat ng makitang hindi nga ako nagkakamali, sa di kalayuan may ahas akong nakita pero hindi ito malaki tulad ng naisip ko. Siguro tambayan nila ito dito lalo na sa ganitong oras, maginaw kasi ang parte na yon kaya magandang spot ito para tambayan kapag tanghalian. "Doom Forest." rinig kong sabi niya na ikinalingon ko sakanya. Ha? Ano daw? Doom Forest? yun ba pangalan don? "Bakit ganyan ang pangalan?" tanong ko dahil sa pagtataka. "Tignan mo." sabi niya at biglang huminto, napatingin naman ako sa itinuro niya at nabigla nalang ng makitang may maliit na usa sa di kalayuan. Nabigla nalang ako ng matapos niyang humakbang sa berdeng sahig papasok doon ay nagsilabasan nalang bigla ang maraming ahas at pinagtulungan siyang kainin. Gulat na gulat ako dahil sa nakita at natakot pa ng makitang may dalawang ahas na papalapit sa amin. Hinampas ko kaagad si Tarzan para umalis na dahil sa takot. Agad naman siyang umulma at nagsimula ng tumakbo paalis. Ng makaalis kami sa lugar na iyon umakyat kami sa isang bundok ni Tarzan, medyo mataas ito kaya inabutan na kami ng hapon. "Malayo pa ba?" tanong ko sakanya ng patuloy parin siyang tumatakbo. Sumakit na ang likod ko dahil sa kakayuko, wala kasing masasandalan tapos ayoko namang dumapa sa likod niya o di kaya ay yumakap bahala siya sa buhay niya. Ilang minuto lang lumipas ng makaabot kami sa isang talampas, may patag pala kasi sa itaas ng bundok. "Wow!" Napanganga nalang ako ng makita ang view at namangha ng sakto lang ang pagkarating namin kasi may sunset na nakita ngayon. Napapalakpak pa akong tumingin kay Tarzan bago dali daling kinuha iyong cellphone ko. May 7% battery pa ito kaya pwede pa makapapicture. "Picturan mo ko dali! Eto, pindutin mo lang ito. Ganyan." dali dali kong sabi sakanya at tinuruan siya kung paano kumuha ng litrato. Nakuha niya naman agad ito kaya agad na akong pumwesto sa isang lugar at nagpose bago ngumiti ng malaki. Mga limang shots lang nakuha niya at ang ganda pa. Natuwa naman ako at agad siyang hinila palapit. "Dali picture din tayo!" sabi ko sakanya hindi naman siya mukhang galit o di kaya ay iritado kaya natuwa kong pinuwesto ang sarili katabi niya. "Smile ka ah selfie tayo." sabi ko sakanya, at agad na pinindot iyong capture. Kaya lang napasimangot ako ng makitang hindi siya ngumiti. "Siraulo smile ka din! Tulad nito." sabi ko at dinemonstrate pa ang pag ngiti. Halata namang ayaw niya pero dahil mapilit ako ginawa niya nga ito. Ng mapicturan ko na ang part na iyon napalunok nalang ako ng makitang nakangiti nga siya pero hindi siya nakatingin sa camera kundi sa.. akin. Bumilis ulit ang t***k ng puso ko at tinignan siya na ngayon ay nakatutok pala ang mata sa akin. Dahil naiilang ako agad akong tumayo at ibinalik iyong cellphone sa bag. At gumawa ng mapag usapan para malihis iyong nakakailang na pressure. "Ang ganda dito Tarzan! Ito ata pinakamagandang lugar dito." sabi ko at ngumiting napatingin sa pagbaba ng araw. Ang taas ng kinaroroonan namin, may ilog pa sa malayo. Ang ganda pa ng simoy ng hangin. Bat di nalang kaya kami dito tumambay ano? Ang ganda pa, kaya lang anlayo din pala. Nagstay pa kami rito ng ilang oras at inenjoy ko naman ang lugar. "Gusto mo ba tumira dito?" biglang tanong niya, natigilan ako sa tanong niya at agad umiwas ng tingin. Bakit ang tanong niya ay parang nagsasabing ayaw niya na akong ibalik? I mean sigurado naman talagang ayaw niya na akong ibalik sa hindi ko malamang dahilan, hindi ko lang nagustuhan iyong tanong niya. Ayokong tumira dito kahit kasing ganda pa ito ng paraiso. Gusto ko mang manirahan sa gubat, may parte parin saking umaasa na hinahanap ako nila ate Nena at tulungan nila akong makawala sa kamay ni Tarzan. Hindi ko man aminin pero dahil sa mga ginagawa ni Tarzan ngayon unti unting nababawasan iyong galit na naramdaman ko sakanya. Pero kahit ganon hindi ko naman hinayaang tuluyang magtiwala sakanya dahil baka trap lang ito mahirap na. Tumayo na ako at tinignan siya. "Ayoko.. tara bumalik na tayo sa sapa. Baka abutan tayo ng dilim sa daan." sagot ko at kinuha iyong bag ko, hindi naman siya sumagot at tumayo narin sa kinauupuan niya. Nag wangis lobo na siya at agad naman na akong sumakay. Tahimik lang kaming umalis hanggang sa unti unti ng dumilim. Mabuti nalang hindi pa masyadong madilim nung dumaan kami doon sa doom forest, may humarang ngang isang ahas kanina mabuti nalang inisang hampas lang ni Tarzan iyon. Ngayon medyo madilim na talaga ang paligid diko na masyadong kita ang daan, lowbat narin kasi cellphone ko hindi ko na magamit iyong flashlight. Ilang minuto pa ang lumipas bago ko naramdamang humina na ang takbo ni Tarzan. Maya maya lang ay huminto na siya at dinig ko na ang lagaslas ng sapa. Bumaba na ako sakanya at kinapa kapa ang paligid dahil madilim talaga. "Tarzan ikaw na magsindi ng apoy. Ang dilim wala akong makita." sabi ko sakanya. Natigilan ako ng walang sumagot, ni wala ding lumapit. Kinabahan nanaman ako, para kasing naulit iyong gabing iyon nong iniwan ako ni Davina sa dilim. Napalunok ako dahil sa takot at agad tinawag si Tarzan. "Tarzan! ano ba? Nasan ka oy!" sigaw ko, ramdam na ang kaba sa boses ko. Nanginginig nadin ako dahil sa pinagsamang kaba at ginaw. Natrauma na ata ako dahil sa nangyari nung gabing iyon. Naiiyak na ako kaya sisigaw pa sana ako ulit kaya lang nabigla nalang ako ng bigla nalang may humawak sa akin at niyakap ako. "Hey don't cry." sabi niya dahilan para tuluyan akong naiyak. Inaalo alo niya lang ako at nang umayos na ang pakiramdam ko ay tinulak ko na siya at agad binigay sakanya iyong posporo. "Saan ka ba nagpunta ha, magsindi ka na ng apoy wala akong makita dahil sa dilim." sabi ko sakanya habang pinunasan ang mukha na agad niya namang sinunod. Nakatayo lang ako dun hinintay na makagawa na siya ng apoy, ayoko maglakad lakad habang hindu ko makikita ang daan baka mamaya niyang may maapakan o mahawakan nanaman ako na mga nilalang. Maya maya lang din ay natapos din siya kaya agad na akong humanap ng mapwestuhan at agad inayos ang mga gamit ko. Napatingin ako sakanya ng makitang kanina pa siya balisa at naka ekis ang kilay na tumingin sa dilim. Ng lumingon siya sa direksyon ko binalik niya ang dati niyang ekspresyon at inilagay ang dalawang isda sa baga ng apoy. Bilis niya naman nakakuha ng isda, yun ba kinuha niya nong umalis siya saglit? Ng maluto na ito binigay sa akin lahat ni Tarzan iyong dalawang isda. Nagtaka ko naman siyang tinignan. "Ayaw mo bang kumain?" tanong ko sakanya, simula kasi nong kumain siya ng mga ganitong mga inihaw na mga hayop hindi na siya kumakain ng hilaw nagustuhan niya din ata pag luto na. Hindi ko lang alam ngayon, baka hilaw gusto niya? Umiling lang siya at sinenyasan lang akong ipagpatuloy ang pagkain. "Sureness?" naninigurado kong tanong. Hindi siya sumagot kaya magtatanong pa sana ulit ako kaya lang nabigla nalang ako ng makita na naging madilim ang ekspresyon niya. Natakot ako at napaatras nalang dahil sa nakita. Hindi ko alam kung anong nangyari sakanya, nawalan ba siya ng control? Hindi naman mukhang pula ang mata niya, kakainin na niya ba ako? Tatayo na sana ako kaya lang nabigla nalang ako ng bigla nalang siyang tumalon sa direksyon ko at nanlaki nalang ang mata kong napapikit dahil sa takot at gulat. "Bobo ang babagal nyo!" napadilat ako dahil sa narinig at napamulat nalang ng marinig ang isang hindi ko kilalang boses ng lalaki. Napaangat ako ng tingin ng maramdaman ang mahigpit na pagkayakap sa akin ni Tarzan. Nanlaki nalang ang mata ko ng makitang may dalawang pana siyang hawak at may dalawang tumama sakanyang likod. Napatingin ako sa likuran niya at may kaunting tuwang naramdaman ng makitang may mga tao doon. Agad kong tinulak ng kaunti si Tarzan at naglakad sa harap niya. Idinipa kopa ang kamay na parang prinotektahan siya at nakangiting tinginan iyong mga taong nakita ko. Diko man kilala ang mga ito pero alam kong kasamahan ito ni ate Nena. "Teka! Kasamahan ba kayo ni Ate Nena? Kung oo please wag nyo siyang saktan. Hindi naman siya masama. Kunin nyo nalang ako!" napapikit kong sabi, alam ko.. alam kong hindi siya sang ayon sa huli kong sinabi. Naramdaman ko nalang ang mahigpit niyang paghawak sa braso ko senyales na pinigilan niya ako. "No, hindi ka aalis." rinig kong madiin niyang sabi. Tinignan ko naman siyang nagsusumamo bago hinawakan iyong kamay niyang kumapit sa braso ko. "Gusto ko ng umuwi Tarzan.. please paalisin mo na ako dito." sabi ko sakanya at naiiyak na tinginan siya sa mata. Mas lalong dumilim ang tingin niya at humigpit pa lalo ang pagkakahawak niya sa akin. "I own you already Hera simula nung dumating ka dito sa gabing iyon. I will never let you leave again." sabi niya na ikinakunot ng noo ko. Again? "What do you mean again? Kakakilala lang natin. At bakit mo alam ang pangalan ko?" taka kong tanong sakanya. I never said my name to him, pati nga yung name na 'Suma' na laging tawag ng karamihan sa akin ay hindi niya alam. Bakit niya alam ang second name ko? Tinignan niya lang ako kaya galit ko siyang tinignan at magsasalita pa sana kaya lang hindi ko ito natuloy ng bigla nalang silang nagpaputok ng baril at pana. Hinila ako ni Tarzan sa gilid at agad kaming nagtago sa isang puno. "Unahin niyong barilin iyong babae!" rinig kong sigaw nong lider nila na ikinagulat ko. Bakit kasali ako? Akala ko ba kasamahan sila ni ate Nena? Hindi ba sila nandito para kunin ako sa kamay ni Tarzan? Nagpatuloy lang sila sa pagpapaulan ng pana at baril napatakip nalang ako sa tenga dahil nabibingi ako sa ingay. "Dito ka lang." rinig kong sabi niya. Maya maya lang ay nawala nalang bigla si Tarzan at narinig ko nalang ang mga daing at sigaw ng mga tao doon. Sumilip ako at nanlaki ang mata ng makitang pinagkalmot, tapon at hampas ni Tarzan ang mga ito. Ni hindi niya man lang ito pinagkakagat, isang himala ata iyon. Ilang beses din siyang naputukan ng baril na ipinag alala ko pero parang hindi niya naman ito iniinda Papatayo na sana ako kaya lang nagulat nalang ako ng bigla nalang may humawak sa leeg ko at may itinutok itong baril sa akin sa sentido. "Nakuha ko na siya!" sigaw niya at tumawa pa dahil sa tuwa. "Teka ano ba! Bitawan mo ako masakit! Akala ko ba kasamahan kayo ni ate Nena? Bakit pati ako ay sinasaktan niyo? Aray!" sigaw ko na mas lalo niyang ikinatawa. "Pasensya ka na iha pero paano ba yan? Nagkamali ka ata ng hinala, pinautos niya saamin na patayin kana daw. Mabuti nalang ng makalaya na ang bayang ito." sabi niya na ikinatigil ko sa pagpumiglas. Hindi.. mali ata ang narinig ko.. Bakit naman ako ipapatay ni ate Nena? Nagkakamali lang talaga pandinig ko! Hindi niya iyan magagawa! "Wag mong pagsasalitaan ng ganyan si Ate Nena! Hindi niya magagawa iyan sa akin! Ako ang apo ng pinagsilbihan niya at alam kong parang kamag anak na turing niya saakin kaya bitawan mo ako! Nasasakal ako ahh aray!" sigaw ko at pilit siyang sinisiko. Pero hindi man lang siya natinag at tumawa pa lalo. "Dami mong satsat, yan naba huli mong sasabihin?" tanong niya, napalunok nalang ako at wala ng nagawa kundi isigaw ang huling choice ko. Ayoko pang mamatay, hindi muna ngayon. Hindi muna ngayong madami pa akong tanong. Humunat muna ako bago sinigaw ang pangalan niya. "Tarzan!!! Tulong!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD