Chapter 11: Volunteer

3062 Words
NENA'S POV . . "You only have 3 days Nena, what took you so long?" sabi ni miss Portia habang nakaupo sa harap ng mesa niya. Yumuko naman ako dahil sa kanyang sinabi at nag iisip nang sasabihin. Hanggang ngayon hindi parin kasi nila nahanap si Suma. Hindi ko alam kung ano ang ikinatagal nila pati ako ay nabibwiset narin sakanila. "Malapit na po miss Portia, may lead naman na iyong mga tauhan ko." sabi ko sakanya na ikinasaltak niya. "Siguraduhin mo lang iyan, kapag ako ang malalagot patay ka sakin. Alis!" inis niyang sabi, tumayo din naman ako atsaka yumuko ulit sakanya bago umalis ng silid niya. Tsk, bat ba atat ng atat sila? Bat di nalang sila maghintay diba? O di kaya ay sila nalang kaya maghanap, arte din nito hays. Dumiretso na ako sa bahay, at nagtaka nalang ng makitang nandon sa lamesita iyong walkie talkie ni Dustin. Naka on ito at tila may nagsasalita. Agad ko itong nilapitan at hinintay iyong nasa kabilang linya. "Bo-ss! Na-katakas sil-ang dalawa. Hin-di namin na-patay ang baba-e. Over." rinig kong sabi ng nasa kabila dahilan para mapakunot ang noo ko sa pagtataka. Anong nangyari bakit para silang hinihingal at nahihirapan magsalita? "Sino? Anong nangyari jan?" nakakunot kong tanong, nalilito ako sa nangyari. Sinugod ba sila habang hinahanap iyong lobo? "Mis-s Nen-a? Ik-aaw ho b-a it-o?" tanong ni Mccoy sa kabilang linya, um-oo naman ako at hinitay itong magresponde. "Nahanap na po namin si Suma, iy-ong baba-eng pinapahanap niyo. Kaso hindi po na-min kayang patayin siya, malak-as ho iyong hali-maw." nagalit ako sa narinig at hindi mapigilang mapasigaw. "Sinugod niyo??" "Opo.." "Bobo! Bat niyo sinugod? Kaunti lang kayo malamang hindi niyo siya kaya! At hindi iyon basta basta na lamang namamatay ng limang pana o putok ng baril lang! Magsiuwi kayo! Sino ba nag utos sainyong sumugod?" galit kong sigaw na ikinatahimik ng kabila. "I-kaw ho. Sa-bi ni bo-ss Dus-tin." Nang dahil sa sinabi niyang iyon padabog kong inilapag ang walkie talkie at hinanap agad si Dustin. Pumasok ako sa silid at agad nag ekis ang kilay ng makita siya doong mahimbing ang tulog. Agad ko siyang nilapitan at agad sinampal ng malakas dahilan para magising ito agad. "Ar-ay, bab-e bakit mo iyon ginawa?" daing niya sa sakit, sinalubong ko naman siya ng galit kong ekspresyon at agad kinwelyuhan patayo. "Bobo! Ano itong kagaguhang ginawa mo! Bat mo inutusan iyong grupo nila Mccoy na sugurin sila Suma!? Sabi ko diba paimbestigahin at alamin lang muna kung saan sila nagtatago? Tanga naman! Nasisiguro kong lalayo nanaman ang mga iyon. Potangina!" galit kong sigaw. Nagtataka parin ang itsura niya at parang wala sa wisyong bumaba sa kama. Gigil ko siyang tinignan dahil sa katangahan niya at agad siyang sinipa para mas lalo siyang magising "Teka Nena, hindi ko parin maintindihan. Sinabihan mo kasi ako kanina na magpahinga muna at si Daniel muna ang magbabantay ng balita. Wala akong inutos na ganyan kila Mccoy." paliwanag niya, inismiran ko naman siya at saka siya dinuro duro. "Tumahimik ka, tatlong araw na lang ang nalalabi sa misyong ito Dustin! Tatlong araw! Ngunit sinira mo! Akala mo ba ako lang ang malalagot kapag hindi natin natapos ang misyong ito? HINDI! Lahat tayo malalagot, at dahil iyon sa kabobohan mo! Umalis ka sa pamamahay na to." galit ko paring sabi at sinamaan siya ng tingin. "Teka naman Nena hindi ko iyan magagawa—" Hindi ko na siya pinatapos pa at agad kong kinuha iyong baril na nasa drawer tsaka itinutok sakanya. "Alis!" Hindi makapaniwalang tinignan niya ako sinisiguro kung seryoso ba ako sa aking ginawa. Kinasa ko naman ito para mas lalo siyang masindak dahilan para sumunod na lamang siya. Gigil kong tinapon lahat ng gamit na aking nakikita at napasigaw nalang dahil sa inis. Potang*na! Naudlot na naman ang aking plano! Hindi.. hindi.. hindi dapat ako susuko! Nasisiguro kong hindi lalayo ang mga iyon. Napakuyom nalang ako sa aking kamao ng maalala ang sinabi ni Dustin, sigurado akong may kinalaman na naman iyong babaeng iyon sa nangyayari ngayon bwiset talaga! Pag ako natuto manumpa ng tao uunahin ko talaga ang babaeng iyon. Lumipas pa ang ilang oras bago ako nahimasmasan. Patayo na ako ng bigla nalang may kumatok sa pintuan, agad ako itong binuksan at blangkong tinignan ang isa sa mga tauhan ko. "Pasensya na po miss Nena sa abala, ngunit gusto ko lang po sabihin sainyo na nandito na ang mga sugatang grupo ni Mccoy." nakayuko nitong sabi ng makitang naka ekis ang aking kilay. Napasaltak nalang ako at tinulak sya patabi. Sinugod ko ang kinaroroonan nila, pagkarating ay nakita kong karamihan sakanila ay sugatan. Kung hindi ba naman kasi sila kalahating bobo hindi sana nangyari sakanila iyan. Hinanap ko si Mccoy na siyang lider ng grupo, maya maya ay napahinto ang aking tingin nang makita ito na nasa dulo. Kausap niya ang walang kwentang lalaki na si Dustin habang nilalagyan siya ng nurse ng benda sa braso. Agad ko silang nilapitan, ng ilang metro nalang ang aming distansya ay napatingin silang dalawa sakin. "Miss Nena pasensya na—" hindi ko na agad siya pinatapos sa pagsalita at agad ko siyang sinampal bago kinwelyuhan. "Putang katangahan yan! Anong magagawa nyang paghingi mo ng pasensya kung nangyari na ha? Nasisiguro akong lumalayo na ang mga iyon dahil sa kabobohan ninyo! Napaka bobong nilalang!" sigaw ko sakanya at pabalibag na binitawan ang kwelyo niya dahilan para mapahiga siya sa kamang kinaupuan at napadaing na hinawakan ang sugat niya sa braso. "Rickey!" pasigaw kong tawag kay Rickey nang makita ko siya na nasa gilid na nanonood sa nangyayari. "Opo miss?" tanong nya at agad na umayos ng tayo. "Dalhin mo itong tao na ito doon sa kulungan pati narin iyong mga kasamahan niya." utos ko at itinuro si Mccoy pati narin ang mga sugatang kasamahan niya. "Nena naman mga sugatan sila hindi ba pwedeng saka na sila ikulong kapag.." Sinamaan ko ng tingin si Dustin ng magsalita ito dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita. Kitang kita din ang mga pagtutol sa mukha ng ibang mga tao na nandito, pero wala akong pakialam. "Tumahimik ka kung ayaw mong maisama sakanila, ikaw ang puno't dulo nito kaya maghintay ka sa parusa mo tulungan mo sila. Rickey! pagkatapos nyong ilipat sila ay tawagin niyo ang dalawang pangkat at mga myembro ninyo, magkakaroon tayo ng pagpupulong mamaya. Hihintayin ko kayo roon sa main." malamig kong utos sakanila na ikinatango na lamang nila. Tsk. . . . . VINA'S POV . "Nakakatakot magalit si miss Nena." rinig kong sabi ng isa sa mga nurse sa kampo na nasa tabi ko lang. Sumang ayon naman iyong katabi niya atsaka sila umalis para asikasuhin muna iyong mga sugatan bago ilipat sa kulungan. "Ayos ka lang?" napalingon ako sa tabi ko ng biglang sumulpot si Daniel sa tabi ko. Agad ko naman siyang tinaasan ng kilay, aba feeling close din tong lalaking to. "Pakialam mo?" masungit kong sabi na ikinatawa niya. "Sungit talaga nito, nagtatanong lang eh. Mukha ka kasing paiyak na." ika niya dahilan para samaan ko siya ng tingin. "Lol, mas nakakaiyak makita pagmumukha mo. Dapat ikaw nalang inilagay sa kulungan e mas bagay ka pa dun kesa kay Mccoy." sabi ko pa ulit bago naglakad paalis, tutulong pa pala ako mag bigay ng mga gamot sa mga sugatan. "Harsh talaga neto magsalita, concern lang yung tao e pinipilosopo pa." habol nya at kinuha iyong isang kahon ng gamot na nasa tray na dala ko bago ibinigay ito sa isa sa mga manggagamot na narito. "Omg ikaw pala iyan sir Daniel. Salamat po hihihi." sabi ng dalagang manggagamot ng iabot ni Daniel ang kinuha niyang kahon sakin. "Walang anuman miss pretty." Napangiwi naman ako nang makitang ang laki laki ng ngiti nung kupal, tsk babaero talaga hindi na nagbago. Hindi ko nalang sila pinansin at iniwan nalang siya doon, landi landi talaga. Lumipat na ako sa ibang manggagamot at agad binigay iyong ibang gamot na dala ko. "Eto naman nang iwan agad." hindi ko pinansin si kupal ng sumulpot na naman ito sa tabi ko, akmang kukunin niya sana ang ibang kahon ng gamot kaso inilayo ko ito sakanya at sinamaan siya ng tingin. "Pwede ba? Umalis ka nga dito, bat ka ba sunod ng sunod? May pag pupupolong pa kayong dadaluhan ah, bat di ka na umalis ng gumanda naman iyong mood ko." inis kong sabi sakanya na ikinatawa niya ulit. "Mamaya pa naman iyon tsaka hindi pa tapos sina Rickey mag lipat sakanila don sa kulungan. Bat ba ang sungit mo ha, meron ka ba ngayon?" agad ko siyang sinapok at sinipa sa paa. "Siraulo! Tumahimik ka nga, bat di ka nalang lumandi doon ako pa talaga pineperwisyo mo." sabi ko ulit at napakunot nalang ang noo ng makitang lumaki lang lalo iyong ngisi niya. Nakakainis talaga makita iyong nakakaloko niyang ngiti, sarap tanggalin nng bibig nya. "Eyy nagseselos ka ba?" bigla niyang sabi na ikinahinto ko sa paglakad at napahagalpak nalang ng tawa. Seryoso ba siya? HAHA "Lol asa ka, lakas talaga ng tama neto. Nasa ultra mega na ata lebel ng kahanginan mo. Tumabi ka nga aalis na ako sakit mo sa mata kaharap. Pag ikaw susunod sipain ko yang ano mo." banta ko sakanya ng maibigay ko iyong pang huling kahon ng gamot. Dina siya nakapagsalita nang sikuhin ko siya sa tyan at tumawa na lamang bago nagflying kiss. Naka ismid na umalis naman ako at iniwan ko na lamang siya doon. Dumiretso na ako sa canteen ng maisauli na ang tray na dala at isinuot iyong apron ko na naka sampay sa gilid. "Oh Vina nariyan ka na pala, tapos na bang magamot ang grupo nina Mccoy? Narinig kong pinagalitan sila ni miss Nena." wika ni Betty ng makapasok ako sa kusina. "Ah hindi pa, karamihan sa kanila ay nasa critical na kalagayan at kinakailangan pa ng operasyon. Galit na galit si miss Nena at gusto na sila ipakulong agad kahit hindi pa napagamot, wala atang pakialam si miss Nena sa kalagayan nila." kwento ko naman na ikinalungkot ni Betty. "Kawawa naman sila kung ganon baka mamatay lang doon. Napaka walang puso talaga ni miss Nena." sabi niya sa mahinang tono at tumingin sa pintuan para masigurong walang nakarinig. Napatawa naman ako at sumang ayon narin bago hiniwa ang mga gulay. Iyan din talaga ang napansin ko kay miss Nena, kapag siya ay galit walang kayang pumigil sakanya kahit iyong asawa niya na sir Dustin. Kung kami ay takot sakanya, siya naman ay takot kay Miss Portia. Hindi ko alam kung ano ba plano nila sa ngayon, tanging alam lang namin ay ang layunin nila na patayin ang pares ng lobo na siyang si Suma. Ipinagpatuloy ko nalang ang pag luluto at napahinto lamang ng dumating na ang kusinera na si ate Joan na kakarating lang. "Ako na jan Vina, lumabas ka muna may naghahanap sayo doon sa labas." sabi niya na ikinahinto ko at agad naghugas ng kamay. "Sino ho daw?" sagot ko at pinunasan ang basa kong kamay sa suot ko na apron. "Kasamahan ito ni miss Portia, nakalimutan ko iyong pangalan." agad akong napatayo ng maayos ng marinig ang sinabi ni ate Joan at lumabas agad sa kusina. Ng makalabas ay tinungo ko kaagad ang kinauupuan ni miss Davina at napayuko ng nasa harapan na niya ako, ngumiti naman siya ng makita ako at agad na tumayo. "Maupo ka dear." utos niya na ipinagtataka ko, sinunod ko naman siya at agad naupo sa harapan niya. "Ano po ang sadya mo miss Davina?" "May ipapagawa ako sayo Vina ayos lang ba saiyo?" tanong niya, kahit hindi sigurado ay tumango na lamang ako na ikinangiti niya atsaka niya sinabi ang kanyang sadya. Napakurap ako sakanyang sinabi. "Ho?" paniniguro kong tanong. "Pumunta ka na sa main hall kung gusto mo tumuloy, but if ayaw mo hindi kita pipilitin. I'll pay naman, just tell me what you want once it's done. Also you're talented naman you can be that useful there. That's all I shall take my leave." huli niyang sabi bago tumayo at umalis. Hindi agad ako nakahulma at natauhan na lamang ng tuluyan na siyang makaalis. Seryoso ba siya? Baka magalit si Lola Celes kapag tutuloy ako, pero may parte sa akin na kailangan ko sundin iyong pabor ni miss Davina hindi ko na alam ano ang gagawin. Mas mabuti siguro kung hingin ko muna ang opinyon ni Lola Celes at ipaalam sakanya. Nagpaalam muna ako kina Ate Joan bago umalis ng canteen at agad naglakad patungo sa bahay. Bago makapunta sa bahay ay madadaanan ko muna iyong main hall kaya napatingin na lamang ako doon at napansing nandoon na nga ang mga kalalakihang kasali sa tatlong pangkat. Mukhang kanina pa nagsimula ang pagpupulong, magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ngunit napahinto ako ng marinig ang malakas at galit na sigaw ni miss Nena sa loob. "KALADKARIN NIYO! WALA AKONG PAKIALAM KUNG MAMAMATAY IYANG GINAGAMOT NILA NGAYON!" rinig kong sigaw ni miss Nena, nakikinig lamang ako sa gilid at napatingin sa pintuan ng makitang lumabas si Justin at Daniel. Sumirado ulit ang pintuan ng main hall kaya agad kong sinundan sina Daniel, naglakad lang ako pasunod sakanila hanggang sa nakarating sila doon sa klinik kung saan naroon parin ang ibang sugatan na ginagamot. "Pasensya na pero kinakailangan daw talaga ng isang babaeng manggagamot na sasama sa pagsulong. Kung wala daw magboboluntaryo ay mamimili kami ng isa na dalhin doon papunta sa main hall." anunsyo ni Justin dahilan para mapahinto ang ibang mga manggagamot. Halata sa mga mukha nila ang pagtututol dahil maliban sa may ginagamot pa sila ay halata ding karamihan sakanila ay ayaw nilang lumabas sa kampo lalo na kung gaano ka delikado ang kagubatan. Tatlo lang ang manggagamot sa lugar nato iyong isa ay may inooperahan ata at yung dalawa lamang ay narito. Parehang matanda na iyong dalawa habang itong isa ay medj dalagita pa. "Wala bang magboboluntaryo? Kung wala ay kami na lamang ang mamimili." seryosong tanong ni Daniel na ikinalunok ko, ngayon ko lang siya nakitang ganito ka seryoso halatang ayaw niya itong gawain ngunit kinakailangan lalo na't isa itong utos. Nasanay kasi ako sa mapang asar niyang reaksyon at itsura nakakapanibago. "Ikaw! Sumama ka samin." turo ni Justin sa babaeng nasa di kalayuan, ito iyong dalagita na siyang lumalandi din kanina kay Daniel. Gulat na gulat itong napatingin at agad umiling iling senyales na tumututol ito. "Ayoko po sumama.. hindi pa po ako handang mamatay." nanginginig niyang wika at agad napaatras ng lapitan siya ni Daniel. "Hindi ka naman sasali sa pagsulong, gagamutin mo lamang ang iyong mga masusugatan kung sakaling may aksyong magaganap kaya ayos lang iyan." pangungumbinsi nila na ikinailing pa rin ng babae. "Sumunod ka na lamang kung ayaw mong makaladkad." banta ni Justin at hinawakan sa pulsohan ang babae na nagpupumiglas parin. "Ayoko po talaga, maawa po kayo.." pagmamakaawa niya at napatingin doon sa isa pa naming manggamot na matanda na agad umiwas ng tingin. Naawa kong tinignan sila at nanlaki nalang ang mata ng mapansin ang tiyan ng dalaga, buntis ito! Hindi man halata pero halatang may laman ito dahil sa umbok, hawak hawak niya rin ito sa isang kamay habang hinihila ang isa niyang pala pulsuhan. "Ate Mila tulungan moko.."rinig kong pag mamakaawa niya don sa isa naming matandang manggagamot na kakalabas lang sa operation room. Umiwas lang ito ng tingin at agad tinungo ang ibang pasyente. Naawang tuluyan na akong pumasok sa klinik ng makitang nakakaladkad nanga nila iyong babae dahil sa pilit itong kumakawala sa paghawak at baka mabitawan nila ito bigla at bumagsak sa sahig. Nakakatakot baka makunan pa. "Teka." sabi ko ng makalapit sakanila. Napatingin naman ang mga tao saakin pati narin sina Daniel. "Ako, magboboluntaryo ako sa pagsama bilang manggagamot. Kaya bitawan niyo siya." wika ko na ikinakunot ng noo ni Daniel at agad sumagot. "Hindi ka manggagamot." malamig niyang sabi habang nakatingin parin ng diretso sa aking mata. "May alam ako sa panggagamot, naging isa ako sa mga nars sa lugar na ito kapag maraming sugatan ang dumadating dito sa klinik. Atsaka bawal siyang sumama dahil buntis siya, makunan lang iyan dahil sa istress at takot pag siya isinama nyo." mahaba kong eksplenasyon, sinamaan naman ako ng tingin ni Daniel na ikinakunot ng noo ko. Ano bang problema ng lalaking to? Nagboluntaryo na nga ako oh duh. "Edi iyong isa sa dalawang matanda na iyon nalang ang piliin namin. Hindi ka parin kwalipikado." sagot ulit ni Daniel na ikinainis ko. "Siraulo ka ba? matanda na sila sa tingin mo ba makakatakbo pa ang mga iyan kung sakaling magwawala ang lobo at sugurin kayo? Mapeperwisyo lang din kayo, ako nalang ang dalhin nyo." inis kong sabi at sinamaan siya ng tingin. Hindi naman ito nagpapatalo at tiim bagang na tinignan ako sa mata nakikipagsukatan ng tingin. Aba ano akala niya magpapatalo ako? Asa siya. May saltik talaga to kanina lang ay kung makapang asar daig pa bata tapos ngayon ang sungit sungit. "Sige kung iyan ang gusto mo. Halika sumunod ka samin sa main hall." singit ni Justin dahilan para maputol ang sukatan namin ng tingin. Rinig ko siyang sumaltak kaya inirapan ko nalamang siya at agad sumunod kay Justin Tinanguan ko narin iyong dalagang manggagamot ng marinig itong mahinang nagpasalamat tsaka na umalis. Dumiretso na kami sa main hall at agad na naglakad palapit kay miss Nena. "Siya po ang manggagamot na nagboluntaryo na sasama po sa ating pagsulong." wika ni Justin kay Miss Nena na ngayo'y mukhang nakaekis ang kilay, mukhang wala parin ito sa mood. "Tsk, ikaw ihanda mo na ang dadalhin mo bukas. Sa alas syete ng umaga ay aalis na tayo." utos niya na ikinatango ko. Nagsalita ulit siya sa harap ng mga kalalakihan at tinapos na ang pagpupulong. Agad rin itong umalis ng matapos ang lahat at hindi pinansin ang asawa nitong si Dustin na sumunod din sakanya. Nagsialisan na rin ang mga taong nandito para maghanda sa pagsulong bukas. Aalis narin sana ako kaso napahinto nalang ako ng mapansing papalapit si Daniel, nakaekis ang kilay na susungitan ko na sana siya. Ngunit nang makitang ilang hakbang nalang ang layo niya sakin ay naiwang nakaawang nalang ang bibig ko dahil sa nagulat ng lagpasan niya lang ako na parang isa lang akong hangin na hindi niya nakikita. Tsk, iba talaga pag maraming personalidad, malandi nanga bipolar pa. Bahala siya sa buhay niya, siraulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD