Chapter 12: Distress

3455 Words
SUMA'S POV . . Nakatingala ako ngayon sa taas ng puno ng manga at nangangasim na nakatutok ang tingin sa bunga. Hindi ko alam kung nasaan ako at bakit ako nandito ang tanging gusto ko lang ay kumain nong bunga. "Gusto mo ba yun Hera? I'll get it for you." napalingon ako sa nagsalita at napangiti ng makita ang batang lalaki na kasing tangkad ko lamang at siguro ay magkasing tanda ko lang din. Medyo blurry ang mukha niya pero dahil nagkecrave ako ng manga nakangiting tumango ako sakanya. Umakyat nga siya ng walang kahirap hirap, para niya lamang itong inisang talon hanggang sa nasa tuktok na siya ng puno. Isang bugkos ang kinuha niya at agad ding bumaba. "Eto na ang manga mo." wika niya ng makababa na sa puno at inabot sakin, hinawakan ko na ito at tatanggapin na sana kaya lang bigla nalang lumabo ang paningin ko at nang ako ay kumurap nagbago bigla ang paligid. Ang batang kasama ko lang kanina ay nasa harap ko parin pero ang pinagkaiba lang ay duguan ang kamay at mukha nito. Napasigaw ako sa gulat at napabitaw ng makitang imbes manga ang hawak ko ay duguang kamay niya ang lumapat saaking kamay. "Hera.." rinig kong tawag niya sa pangalan ko dahilan para ako ay umatras. Napatingin ako sa paligid pilit tinignan kung nasaan ako at bakit biglang nagbago ang paligid na kanina lamang ay nasa malapit sa punong manga lang kami. Maya maya ay napahinto ako ng tumigil ang tingin ko sa isang lalaking nakahandusay sa sahig. "Papa.." mahina kong usal, hindi ko alam kung bakit iyon ang nasabi ko hindi pamilyar sa akin ang mukha nong lalaking nakahandusay. Duguan ito at mukhang wala ng buhay. Nanlaki lang ang mata ko dahil sa nakita at natatakot na tinignan ang bata ulit. Nanlalabo ang matang umatras ako at sunod sunod na lamang ang luha kong bumagsak. "Papa! An..ong ginawa mo! Mamatay tao ka! Wa..g kan.g lumapit! Halimaw!!! Halimaw ka! Bat mo pinatay si papa!" sigaw ko sakanya. "Hera.. wag mo akong iwan.." pagmamakaawa niyang sabi at unti unting lumapit. Mas lalo akong napaatras dahil sa ginawa niya at napatakbo nalang ng malapit na siya. "Hera!!!" huli kong narinig na sinabi niya bago makarinig ng malakas na kalabog sa loob ng bahay. Takbo lang ako ng takbo hindi ko alam sana ako patungo, lumalabo na ang tingin ko dahil sa luha. Hindi na ako tumitingin sa daan dahilan para mapatid ako at nawalan ng malay. --- Napabangon ako kaagad ng bigla akong nagising. Habol habol ko ang aking hininga na napasandal sa bato na malapit sa kinaroroonan ko. Pinahid ko ang luhang umalpas sa aking mukha at napapikit nalang ng maalala ang panaginip. Sino ba kasi ang batang iyon? Napaniginipan ko din yun nung isang araw, hindi ko alam kung sino iyon at bakit ganun nalang ang takot at galit na naramdaman ko sakanya. Napabuntong hininga nalang ako at agad napa angat ng tingin ng may maalala. Anong nangyari kagabi? Huli kong naalala ay may dumating na mga kalalakihan. At.. at.. sigurado akong hindi totoo yung sinabi nung lalaki kagabi. Nasaan ba si Tarzan. Dahan dahan akong tumayo at napangiwi na lang ng maramdaman ang hapdi ng tuhod at leeg ko. Mukhang nasugatan ata ako dahil sa nangyari kagabi. Nang tuluyan na akong makatayo ay nilibot ko ang tingin sa paligid ng makitang hindi pamilyar sa akin ang lugar. Nasisiguro akong nasa kweba ako pero pinagkaiba lang ay maliit ang espasyo dito, tama lang para may masilungan. Medyo may kadiliman ang loob mabuti nalang at umaga na. Rinig din ang lagaslas ng tubig na galing sa talon na nasa labas na gilid ng kweba. "Tarzan!" tawag ko sa pangalan niya at napakapit sa bato ng dingding nang maramdamang sumakit ang aking tuhod. Nasan ba yung lalaking iyon, naglakad ako palabas ng kweba at hinanap siya. "Tarzan! Mag usap tayo!" sigaw ko ng makita siya sa labas na nakaupo sa bato, hindi niya ako nilingon kaya napakunot ang aking noo at nainis na naglakad palapit sakanya. "Naikinig ka ba? Sabi ko mag usap tayo!" sigaw ko ulit tsaka siya hinarap. Tinignan niya lang ako ng malamig at umiwas din agad, mukhang wala siya sa mood makipag usap. Bakit ganon? Hindi ko talaga naintindihan ang nangyari kagabi. Anong nangyari, bat nila ako papatayin? Akala ko ba kasamahan sila ni ate Nena? Hindi.. nasisiguro kong hindi niya kasamahan iyon hindi ganoong tao si ate Nena. Hindi niya magagawa sakin iyon, ganun nga iyon. Malaki ang tiwala ko sakanya siya at siya lang ang kakampi ko sa lugar na to. Nakakapang sisi lamang na ang bilis kong manlambot at magtiwala lalo na sa kakakilala ko lamang. "Kumain ka muna." rinig kong sabi niya at may inilagay na pagkain sa tabi niya. Hindi ko siya pinansin at nakatuon lamang ang tingin sa kanya. Wala pa akong kain dahil naudlot iyong hapunan ko kagabi dahil sa nangyari at ngayon ay nawalan na ako ng gana, naiinis parin ako sakanya. Siguro kung hinayaan niya nalang akong sumama sakanila hindi sana nangyari ito ngayon. Nakakainis! Mas umuusbong lang iyong galit ko sakanya. Imbes unti unti ko na siyang napagkatiwalaan sa kabila ng ginawa niya kina lola nawala lamang ito agad. Nakakapanggigil, nakakainis! "Wala ka pang kain simula kagabi kumain ka muna." ulit niya, hindi ko parin pinansin ang sinabi niya at tinignan lamang siya. Sana pala hindi nalang siya nagsasalita, naiinis lang ako lalo pag binubuka niya bibig niya. Gusto kong umalis, gusto kong lumayo sakanya. Mamatay tao siya! Isang halimaw! Hindi dapat siya pinagkatiwalaan, hindi ko alam kung ano ang gusto niya at bakit ayaw niya akong pakawalan ayoko na dito. Kinuha ko iyong backpack ko na nakita ko sa likod niya at inilabas doon iyong punyal ni lola tsaka ito tinutok sakanya. Tumingin lamang siya at ni hindi man lang nakitaan ng takot ang mukha niya habang nakatutok sa harap niya ang punyal. Nanginginig ako habang tinutukan siya ng punyal. Unti unting sumilip ang luha ko ng makita ang sugat niya na kanyang natamo kagabi. Malalim at nagdudugo yung iba ngunit hindi ko man lang nakitaan ng sakit ang mukha niya kapag gumagalaw siya at dumudugo iyong ibang parte ng sugat niya. Naiiyak na nabitawan ko ang hawak na punyal at dinuro na lamang siya. "Kasalanan mo to lahat! ano ba ang kailangan mo? Bat di mo nalang ako hayaang umuwi? Pinatay mo na ang dalawang importanteng tao sa buhay ko ano pa ba ang gusto mo? Bat hindi mo nalang din ako patayin! Halimaw ka! Mamatay tao!" sigaw ko sakanya at napaupo nalang dahil sa panghihina. Sunod sunod na lamang tumulo ang luha ko at napahagulgol na tinakpan ko ang mukha. "Gus-to k-o ng umu-wi.." Gulat na napatingin ako sakanya ng hawakan niya ang baba ko at iniangat ito dahilan para makita ko ang berde niyang mata. "No, hindi. ka. uuwi." pinal at malamig niyang wika sa bawat salita na kanyang binitawan bago tumayo at umalis. Hindi ko talaga siya maiintindihan! Kung sabagay halimaw nga siya diba, walang puso ang mga halimaw bat pa ba ako nag expect na sa kaonting panahon ay magbabago siya at papayagan niya akong makauwi sa amin. Napakuyom na lamang ako sa aking kamao dahil alam kong wala akong magagawa. ----------- VINA'S POV . . (Pagkatapos ng pagpupulong) "Lola! Lola Cel!" tawag ko kay lola ng makarating ako sa bahay at agad dumiretso sa silid ko. Hinanap ko agad iyong backpack ko tsaka dumiretso sa lamesa na nasa gilid ng higaan. Pagbukas ko ng bag tsaka naman pumasok si lola Cel na mukhang galing pa sa kabilang bahay. "Oh apo anong nangyari, rinig ko ang boses mo sa kapitbahay akala ko na ano ka na." sabi niya. Kinuha ko iyong mga damit na gagamitin ko sa paglalakbay at agad pinasok sa bag. "Lola sasama ako sa pagsulong." wika ko at patuloy inaayos ang mga gamit. Natahimik siya saglit kaya napatingin ako sa direksyon niya at napahinto na lamang nang lumapit siya sa corridor kung saan may mga dahon ng gamot doon atsaka ito binalot. "Narinig ko ang nangyari, nag boluntaryo ka daw na maging isang manggagamot sa pagsulong. Ayaw ko mang payagan ka dahil bukod sa hindi ka naman manggagamot ay delikado din ang kagubatan pero kung kagustuhan mo iyan wala na akong magagawa." sabi niya at isinilid sa maliit na bag ang mga nabalot niya. May kinuha pa siya sa cabinet bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Malaki din ang naitulong mo sa tatlong manggagamot ng lugar natin sapagkat pare pareho silang tatlo na may mga iniinda pang mga sakit at obligasyon na dapat pagtuonan nila ng atensyon kesa sumama sa pagsulong." dagdag niya pa at nilingon ako. "Basta lamang ay mag ingat ka. Tandaan mo, isa ka lamang manggagamot wag kang sumali sa pagsugod. Kung alam mo sa sarili mong nanganganib na ang buhay mo at wala ng poprotekta saiyo tumakbo ka. Lumayo ka hindi lamang sa lobo kundi pati narin sa mga mababangis at mga malalasong hayop sa gubat, naintindihan mo ba?" pag papaalala niya na ikina tango ko. "Mabuti, ihanda ko muna ang dadalhin mong pagkain at tubig." huli niyang sabi at inilagay ang hawak na tuwalya at panyo sa bag ko bago umalis. Napangiti nalang ako dahil sakanyang sinabi, napakaswerte ko talaga kay Lola kasi kahit wala na ang mga magulang ko nanjan siya palagi para gabayan at paaalalahanan ako sa mga gagawin ko. Suportado niya rin ako sa lahat ng gusto kong gawin at hindi siya nagkulang sa pagpapalaki sa akin. Hindi na ako nagsalita pa at pinagpatuloy nalang ang pag empake. Kaunting damit lang ang dala ko tama lamang para pamalit kapag pinagpawisan. Nasisiguro akong isang araw lang naman ata ang paglalakbay namin. Ng matapos sa pag empake ay lumabas na ako sa silid at pumunta sa kusina kung saan naghanda si lola ng pagkain. Alas onse pa naman ng gabi at bukas pa kami aalis pero mas mabuti na iyong handa. "Andami naman po ata niyan. Nasisiguro ko namang magluluto din sila ng pagkain sa gubat kung sakaling gutumin." sabi ko ng makitang marami rami ang pagkain na ginawa niya. Limang egg sandwich at yung iba ay prutas. "Baka matagalan kayo, mas mabuti na iyong marami. Ibigay mo nalang kay Daniel yung iba." sagot ni lola na ikinalingon ko sakanya. Daniel? tama ba narinig ko? "Bat kasali si Daniel? kilala mo ho siya la?" tanong ko sakanya na ikinatango tango niya. "Oo, bago ka dumating pumunta siya rito para kausapin at ipinaliwanag sa akin na ikaw ang nagboluntaryong maging nars kapalit ng mga manggagamot sa atin." mahaba niyang kwento, nagtagal naman ako bat niya iyon ginawa. Sayang diko sila naabutan, pumunta pa kasi ulit ako sa klinik para humingi ng gamot at kagamitan na dadalhin. Anong trip ng isang yon? "Ah ganon ho ba." "Mabuti na lamang at kasama mo siya sa pagsulong bukas. Hindi na ako mag aalala kung sino ang poprotekta saiyo doon. Ang bait pa ng kasintahan mo Vina, botong boto ako sakanya." nalukot ang mukha ko sa narinig at agad napangiwi. "Hindi ko po iyon jowa la." pagdepensa ko na ikinatawa niya lang. "Ayos lang yan hindi naman ako magagalit. Basta mag ingat kayo bukas. Ibigay mo din ito sa.. ehem hindi mo kasintahan na si Daniel haha." pang aasar pa ni lola na ikinailing ko na lang. "Sige po la, magpahinga na po kayo anong oras na." ngumiti lamang siya at nagpaalam na magpahinga na sa silid niya. Napatingin nalang ako sa pagkaing gawa ni lola at itinabi iyong para kay Daniel. Tsk, bat ko ibibigay sakanya iyan e iniisnob nga ako non. Ano siya gold? Itinabi ko narin ang mga kagamitan na dadalhin ko at pumasok na rin ulit sa silid para matulog. Sana maging maayos ang paglakbay namin bukas. --- Kinabukasan "Nandito na ba ang lahat?" tanong ni sir Dustin ng mag kumpulan na ang kada pangkat na sasama sa pagsulong. Hindi pa man alas syete ay nandito na kaming lahat. Mukhang takot sila na ma late kahit kaunti. "Opo boss Dustin." sagot ni Justin. Tumango naman si sir Dustin at napatingin kay miss Nena na ngayon ay nakasakay ng kabayo. Sasama rin kasi sila, may dalang bag at pana sa likod si Miss Nena at nakaboots ito. Si sir Dustin naman ay may dalang sibat at pana sa likod. Ganun din ang mga kasamahan ko may dala silang sibat,pana at baril at mukhang handang handa na. "Ikaw." napakurap ako ng ituro ako ni miss Nena at agad tumayo ng tuwid bago tumango. "Ho?" tanung ko. "Sumunod ka lamang sa akin. Kahit anong mangyayari isa lang ang prayoridad mo at yun ay ang unahin akong gamutin kung sakali mang may mangyari nakuha mo?" utos niya na ikinatango ko ulit. "Opo miss Nena." maikli kong sagot at yumuko. May sinabi pa siyang paalala ngunit hindi na ako nakinig pa ng makita ko sa likuran si miss Davina na ngayon ay nakatingin sa direksyon ni miss Nena. Nagulat ako ng mag iba ang itsura niya at dahan dahang lumapit saakin. Napatingin naman ako sa paligid kung may nakapansin ba sakanya ngunit wala ata kasi lahat ay abala sa pakikinig kay miss Nens. Maya maya lamang ay tumabi siya saakin. "Ibigay mo ito kay Suma kung sakaling magkita kayo, wag mo itong buksan o sabihin sa iba." sabi niya at may inabot sa aking maliit na sobre. Hindi na ako nakapagtanong sakanya tungkol sa ibinigay niya dahil bigla nalang siyang umalis at naglaho. Napatingin naman ako sa sobreng hawak at agad ito tinago sa bulsa ng may tumawag sa akin. Naglalakad na pala sila paalis ng campo. Agad na akong naglakad palapit sa grupo at pupunta na sana doon sa likuran ni miss Nena kaso napahinto nalang ako ng biglang dumaan sa harap ko si Daniel at may ibinigay sa akin na bagay na binalutan ng tela. "Dalhin mo to." maikli niyang sabi. Hindi niya ako nilingon ng maibigay niya saakin iyon at nagpatuloy lang sa paglakad kasabay ako. Nagtaka man ay binuksan ko iyong binigay niya at napalunok nalang makitang isa itong baril. Seryoso ba siya? e ni hindi nga ako marunong gumamit non. "Aanhin ko to?" tanong ko sakanya. Tinignan niya ako at napasimangot nalang ako ng makita ang reaksyon niya. "Hindi ako marunong gumamit nito, at ano ba problema mo. Galit ka ba?" tanong ko sakanya, hindi siya nagsalita kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nakakapanibago talaga inaasta niya ngayon, parang noong isang araw lang nakakainis iyong pangungulit niya tapos ngayon.. tsk. "Vina, tara na." rinig kong tawag sakin ni boss Dustin dahilan para takpan ko ulit iyong dalang baril. "Pumunta kana don." iyon lang ang tanging sagot niya kaya sinamaan ko siya ulit ng tingin bago sumunod na sakanila at naglakad na sa likuran ni miss Nena. Gamitin ko to sakanya e, anlabo niya talaga lalaki nga naman. Naglakad lang kami sa kagubatan, tinatahak namin iyong dinaanan ng grupo nina Mccoy kung saan nila nakita si Suma at ang mabangis na lobo. Malayo ito kaya humihinto hinto kami kung sakaling may sumusugod sa aming mga mababangis na hayop. Mahirap pala talaga sumuong sa kagubatan. Akala ko noon iyong mabangis na lobo lang ang nagpapadelikado sa lugar ng Miskas pati din pala mga hayop na nakatira dito. "s**t Vina!" *bang* Napalunok ako ng barilin ko iyong cobra na biglang sumugod sa akin. Ansakit sa tenga ng baril, pero ang ganda pala gamitin. Napatingin ako kay Daniel at napataas nalang ang kilay ng makitang nakahinga siya ng maluwag. "Nice shot, you really should protect yourself we don't need a damsel in distressed here." rinig kong sabi ni miss Nena na nakatingin pala sa amin saka nilingon ulit ang mga kalalakihan sa harap. Ngumiti lang ako kay miss Nena at binalik sa tela iyong baril. Ang sungit, pero tama din naman siya hindi dapat ako magtanga tangahan dahil ako lang ang may alam sa pag gagamot. Kapag ako ang maunang matuklaw baka di na ako mabubuhay dahil wala namang alam sa paggamot ang mga kasamahan ko dito. Tinignan ko nalang ulit ang paligid at sinisugurong walang ibang hayop na bigla nalang susulpot. May sumugod kasi na tatlong baboy ramo kaya napahinto kami sa paglalakad at hinarap nila iyon. Inilabas ko iyon kasi baka may ibang baboy ramo pa sa paligid. "Ayos ka lang?" tanong ni Daniel na mukhang nag aalala nga, oh diba bipolar talaga kani kanina lang ang lamig ng pakikitungo tapos ngayon haynaku. Tumango lang ako at hindi na siya tinignan. Ng matapos sila ay ginamot ko muna iyong mga sugatan bago kami nagpatuloy na maglakad ulit, dala nila ang dalawang patay na baboy ramo. Uulamin daw namin iyon mamaya. Nagpatuloy kami sa paglalakad dumaan na kami sa kung saan saan at nakaengkwentro ng klase klaseng hayop hindi ko alam na ganito pala kalawak ang Miskas. Maya maya ay napahinto lang kami ng makaramdam na ng gutom si miss Nena. Pumwesto kami malapit sa isang talampas at inihaw nila iyong baboy ramo na dala. Naupo lang ako sa gilid kung saan may punong manga at agad kinain iyong sandwich na dala. Ah oonga pala nakalimutan kong ibigay kay Daniel yung ginawa ni lola na sandwich. Napahinto ako sa pag kain at agad tumingin sa paligid para hanapin si Daniel, maya maya lang ay nakita ko siya na ngayo'y nakaupo din sa kabilang banda at nakatingin din ito sa direksyon ko. Ng magtama ang tingin namin ay agad siyang umiwas at kinausap iyong kasama niya. Tch mamaya ko nalang siguro ibigay ito sakanya, tinamaan nanaman kasi ata siya ng kabipolaran niya. "Vina halika rito." napatayo ako bigla ng marinig ang boses ni miss Nena at agad lumapit. "Po miss?" tanong ko ng makalapit. "Magbibihis ako, samahan mo ako doon." sabi niya at tinuro iyong may malaking acacia sa di kalayuan. Sumunod naman ako sakanya at dinala iyong binigay niyang sarong para daw pantakip. Itinaas kona iyong sarong para makapagbihis siya at agad lumingon sa gilid na ikinalaki ng mata ko. Nasa gilid na pala kami ng talampas at sa baba ay ang ilog. Hindi ko napansin iyon, ang lalim pa naman. Kapag ikaw mahulog siguro ansakit bumagsak non tapos malulunod ka pa. "Im done tara na." binaba ko kaagad ang sarong na hawak ng marinig ang boses ni miss Nena at tumango sakanya. Naglakad na kami pabalik at tamang tama lang dahil luto na daw ang aming kakainin. Nilapitan ko muna iyong gamit ko at tatayo na sana kaya lang ay biglang yumugyog ang lupa na kinatatayuan ko dahilan para matumba ako. "May paparating na dalawang oso! maghanda sa pakipag laban!" sigaw ni Boss Dustin dahilan para dali daling kinuha ng mga kalalakihan ang mga sibat at armas nila. Kinuha ko naman iyong baril ko at agad itong kinasa. "Vina! Sa likod ka lang." napatingin ako kay Daniel na bigla nalang sumulpot sa tabi ko at naghanda na ng makita ang dalawang oso na sumulong sa amin. Siguro ay naamoy nila iyong inihaw namin kaya napunta rito. Nanlaki ang mata ko ng makitang sumugod sa direksyon namin iyong isa. "Magtago ka doon!" sigaw ni Daniel sabay turo doon sa pwesto na pinagbihisan ni miss Nena kanina. Pilit niyang pinipigilan ang oso na makalapit sa pwesto ko at pinagbabaril ito ng iba naming kasamahan. Sumunod naman ako sa sinabi niya at dala ang bag na nagtago doon. Napakatigas ng oso, parang bakal ang katawan nito dahil hindi ito kaya ng isang sibat lang. Kakaibang mga nilalang talaga ang nandito. Akala ko malapit na nila itong mapatay dahil natamaan nila ang mata nito ngunit nagulat nalang ako ng hampasin nito si Daniel dahilan para tumilapon siya sa pwesto ko at muntik ng mahulog sa bangin. Mabuti na lamang at napakapit siya sa isang ugat. "Daniel! tulong! " sigaw ko at agad siyang dinaluhan para tulungang makaakyat ngunit ang bigat niya at ang laki ng sugat niya sa braso at tiyan mukhang malalim ito. Nanghingi ako ng tulong ngunit abala ang iba sa pagpatay sa dalawang oso. Tinawag ko rin si miss Nena ngunit hindi ko siya mahagilap. "Kumapit ka Daniel! Wag ka muna mawalan ng ulirat." naiiyak kong sabi at hinawakan ang pulsuhan niya at pilit siyang binuhat pataas ngunit kahit anong gawin ko unti unti lamang siyang bumibigat. Nanghihina na siya! "Bitawan mo naako Vina! Iligtas mo ang sarili mo!" nauutal utal niyang sigaw na ikinailing ko. "Ayoko! Daniel!! Kumapit ka—ahh!" napasigaw nalang ako ng bumitiw siya at dahil hawak ko ang pulso niya nadala rin ako dahilan para pareho kaming mahulog sa bangin. Bumagsak kami pareho sa ilog. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyayari dahil nanlalabo na ang aking paningin, huli kong nakita ay ang pilit na paglangoy ni Daniel palapit sakin bago ako nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD