CHAPTER 5 THE BEGINING

2298 Words
Malambot , mabango at magaan sa pakiramdam ang nararamdaman ko habang komportable akong nakahiga sa __________... Agad akong natigilan at nag mulat ng mga mata.. At halos manigas ako sa kinalalagyan ko ng makita ang maligid. Nasa isang napakalaking kwarto ako! Nakahiga ako sa malambot at malaking kama! Agad akong napabangon at napaupo sa kama , pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko dahil sa sobrang gulat at kaba. Nilibot ko ang paningin ko sa boung silid. Hindi ako makapaniwala! Mas Malaki pa ang kwartong ito kaysa sa bahay ko! Agad akong natigilan ng maalala ang huling nangyari kinagabihan . 'tang*na!' Mabilis akong tumayo at at Nakita kong hindi naman nagbago ang sout kong damit. Hindi ko alam kung paano ako napaunta sa kwartong to! Kailangan kong hanapin si Dexter, ronel at yung lalakeng tinulungan ko kahapon! Akamang bubuksan ko ang pintuan ng kwarto ng matigilan ako . 'teka! Baka kapag nakita nila ako sa labas , mapag kamalan nila akong magnanakaw ! ' Agad akong humakbang paatras mula sa pinto , agad naman nabaling ang tingin ko sa malaking bintana. Mabilis akong naglakad patungo dito at agad ko itong binuksan. Nanlaki ang mga mata ko at halos malag lag ang panga ko ng makita ang labas.. Napakaganda at may malaking estatwa pa na nakatayo sa centro ng boung lugar na ito..... Hindi ko pa nakikita Ang boung lugar ngunit alam kung sobrang laki nito. Agad kong tinignan ang ibaba kung gaano ito ka taas. Sa tingin ko ay nasa ikalawang palapag ako ng bahay na ito. Naku! Hindi! .....Masnsion ... Mansion ito! Hindi bahay! Kaya ko naman talunin ito ngunit alam kong mapipilayan ako nito pag ginawa ko yun. Hindi na ako nakapag isip pa ng marinig ko ang katok mula sa pinto ng kwarto. Patay ako nito! Argh! Bahala na! Hindi na ako nag dalawang isip pa, saktong pag bukas ng pinto ang siya ding pag talon ko. "Ahhh!" Napadaing ako sa sakit ng maramdaman kong napilay Ang kabila kong paa. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at mabilis akong tumayo at naglakad para makaalis. Kahit na paika ika ako sa paglalakad ay tuloy tuloy parin ako. Palinga linga ako palagi dahil baka bigla akong mahuli ng kung sino dito.. Mahirap na at baka mapag kamalan--- "Andito siya!"agad akong napalingon sa nagsalita mula sa likuran ko Halos manlamig ang bou kong katawan ng makita ko ang dalawang lalake na pormal na naka sout ng kakaibang damit na ngayon ko lang nakita sa boung buhay ko. Dumating ang ilang kasamahan nito na katulad nila ng damit at nanlaki ang mga mata ko ng ituro ako ng isa sa mga lalake. Mabilis akong tumakbo kahit na paika ika ako , hindi na ako nag abala na lumingon dahil baka bigla nalang akong madapa _______ "Ahhh!" Bwisit! Nadapa nga ako! Wow ha! Ang ganda ng damong meron sila dito parang pantay pantay ang laki ng mga ito.... Argh! Ano ba señorita! Umayos ka nga! Mabilis akong tumayo ngunit bago pa ako makatakbo ay agad din akong natigilan ng may dalawang lalake na humawak sa magkabilang braso ko. Sila yung mga lalakeng humabol sa akin ! Bwisit! Nahuli ako! Diyos ko! Ayo kong makulong! . . . Agad akong dinala ng dalawang lalake pabalik sa napakalaking mansion. Panay ako salita sa kanila ngunit para lang silang mga bengi na di ako naririnig. Habang hawak hawak ako ng dalawang lalake sa magkabilang braso ay nakasunod naman sa amin ang sampung kasamahan nila . Ng makarating kami sa loob ay parang nanliit ako . Mas maganda pa ang damit ng mga katulong dito kaysa sa sout ko ngayon! At ngayon ko lang din napag tanto na napaa lang pala ako ! Nagulat naman ako ng bigla akong bitawan ng dalawang lalake at yumuko sa akin. Napakamot naman ako sa ulo ko. 'nababaliw na ba sila?' Agad silang tumayo ng tuwid at pormal na naglakad paalis. " Ano yang sout mo" agad akong napalingon sa nagsalita at halos tumalon ang puso ko sa gulat ng lumapit siya at yakapin ako sandali.. "Hmm?" Napakurap naman ako ng ilang beses habang nakatingin sa babaeng nasa harapan ko , sobrang ganda niya. At.. katulad ko.... Asul din ang mga mata niya..... "Are you okay?" Usal nito sa akin na para bang nagaalala. Ano bang nangyayari! Nababaliw na ba ang mga tao dito? "S-Sino po kayo?" Tanong ko dito dahilan para sandali na mapakunot ang nou niya. Hindi naman siya mukhang galit, sadyang nagtataka lamang ang mga tingin na ipinupukol niya . "Ano bang pinagsasabi mo. I'm Helena, your mother" ngumiti siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko.. Umawang naman ang labi ko dahil sa Sinabi Niya. Hindi ko naman din masabi kung 'NAGJOJOKE BA SIYA?' kasi seryoso niyang sinabi iyon at walang biro.. "P-Po?!" "What happened to you? Senorita?" Nagaalalang tanong nito. Alam Niya ang panggalan ko? "Pano mo po nalaman ang panggalan ko?" Tanong ko dito. Naguguluhan siyang nakatingin sa akin at maya maya pa ay napahawak siya sa bibig niya na parang may natuklasan na kung ano . "Call the doctor's now!" Utos ni Ma'am Helena sa mga kasambahay . Bigla naman nagkumpulan ang lahat at mabilis na kumilos. "Oh , my daughter.." muli niya akong niyakap at hinaplos ang buhok ko. Hindi ko alam kung ano ang irereact o ano Ang sasabihin. Ano bang nangyayari?! Ano to!!? Diyos ko! Nababaliw na ba Ang mga tao dito o ako Ang nababaliw? . . . "Nagkakamali po kayo, hindi ako ang anak ninyo" ilang beses ko na sinabi sa pag asawang Fuentes na hindi ako ang anak nila ngunit ayaw talaga nila maniwala. Kasalukuyan akong nasa kwarto kung saan ako nagising kanina at sinusuri ako ng iba't ibang espesyalista na pinatawag ni Mrs. Helena Fuentes. Matapos akong suriin ng ilang doctor ay lumapit sila sa mag asawang Fuentes at kinasuap ito. Hindi ko gaano narinig kung ano ang pinagusapan nila dahil bahagya silang lumayo sa kinaroroonan ko . Matapos makausap ng mag asawang Fuentes na mga 'MAGULANG KO ' raw, ang mga doctor ay agad na itong nagsialisan at lumapit naman sa akin Ang mag asawa. Marahang umupo si mrs. Helena sa kama kung saan ako nakaupo din.. "The doctor said, you have a temporary amnesia" hinawakan naman ni mrs. Helena Ang kamay ko at malungkot na tumingin sa akin. "Ma'am, nagkakamali po talaga kayo, oo ' at magka panggalan kami ng anak niyo pero di naman din siguro kami.. magkamukha. Diba?" Di nga ba? Narinig ko naman Ang pag buntong hininga ni sir Robert na asawa ni ma'am helena. Naglakad ito patungo sa maliit na mesang nasa gilid at kinuha ang isang picture frame. Muli siyang naglakad pabalik tungo sa kinaroroonan namin ni ma'am helena, "Here" inabot sa akin ni sir Robert ang picture frame na nakuha niya at kahit nagtataka ay tinanggap ko din ito at agad tinignan. Umawang ang labi ko at napalunok ako ng biglang nanuyo ang lalamunan ko . Nasa.....nasa picture frame ako! Kasama sina ma'am helena at sir Robert! Totoo ba to! Paanong... O hindi kaya.. kamukha ko lang yung anak nila .... Ano yun!? Nagkataon na kapanggalan ko ang anak nila at kamukha?! "Elizabeth, I think you need to rest darling" usal ni sir Robert at hinagkan ako sa nou , ngumiti naman si ma'am Helena sa akin at hinagkan din niya ako sa nou at naglakad na sila palabas sa kwarto. "Uhm.." usal ko na nag palingon sa kanilang dalawa " itatanong ko lang po, ma'am, sir? Ano po ba Ang boung panggalan ng.... Anak--- boung panggalan ko?" Halos di ako huminga habang inaantay ang magiging sagot nila. Nagkatinginan muna silang dalawa bago muling bumaling sa akin at sumagot.. "You're name is, Senorita Elizabeth Cale Fuentes" nakangiting sagot ni ma'am helena. "Take a rest, señora" nakangiting sambit ni sir Robert, matapos non ay tuluyan na silang lumabas sa kwarto 'KO' naiwan akong tulala at di makapaniwala! Ang sakit ng paa ko! Hindi ko naman pwedeng sabihin na nananaginip ako , kasi kung panaginip to! Di dapat ako nakakaramdam ng sakit! Agad kong sinampal ang magkabilang pisnge ko ng paulit ulit , at ng mapagod ako ay huminto din ako at di parin makapag isip ng matino. Pano nangyari yun? Ano ba talaga ang nangyayari? May kinalaman ba to lahat sa ...... Sa....... libro! Napasandal ako sa headboard ng kama at mariing napapikit. Hindi ko alam kung saan napunta sina dexter at ang iba pa. Hindi ko alam ano ang nangayri sa kanila .. Ganito din kaya Ang nangyari sa kanila? Anong gagawin ko? Hindi kaya........ Nasa.... Nasa loob kami ng libro! Nasa loob ako ng libro! Teka! Tama ba tong naiisip ko! Nasa tamang pag iisip pa ba ako? Sinong matinong tao ang iisipin na nasa loob siya ng libro? Agad kong natampal ang nou ko at marahan akong tumayo 'Kailangan ko ng umalis dito! ' ngunit bago pa ako makaisang hakbang ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang kasambahay na may kaedaran na . "Oh , madam , saan ka po pupunta?" Tanong nito sa akin habang papalapit siya sa kinaroroonan ko dala dala ang tray na may lamang pagkain at gatas. Napalunok naman ako habang nakatingin sa mga pagkain na dala niya.... Kumakalam na din ang tyan ko . Kahapon pa ako di kumakain , nakalimutan ko na sa dami ng mga weirdong nangyari.. "P-Para sa akin po ba yan?" Sambit ko dito at nakangiting tumango naman ito. Nakakahiya ! Masyado na atang makapal ang pagmumukha ko dito! "Para kanino pa ba" agad niya inilapag ang pagkain sa mesa at nakangiting lumapit sa akin , agad niya akong inalalayan na maglakad papunta sa mesa kung saan niya inilapag ang pagkain na dala niya . "Naku, kaya ko na po" magalang na sambit ko dito . Hindi kasi talaga ako sanay na ... pinag sisilbihan ako "Pero, masakit yang paa mo. " Ngumiti ako dito " naku! Di naman po , parang eto lang, kayang kaya ko po to, maliit na bagay" Umawang naman ang labi niya at halatang nagulat. " Totoo nga Ang sinabi nila" sambit nito" ano bang nangyari sayo bata ka, bakit ka nag kaganyan" Napakamot naman ako sa ulo ko at di nalang nag abala pang magpaliwanag. Wala kasing kahit na sino ang naniniwala sa akin dito . At paniguradong .. hindi din ako paniniwalaan nito ni manang... Napabuntong hininga ako at napaupo. Nakatitig lang ako sa pagkain na nasa harapan ko. "Ayaw mo ba sa pagkain na dinala ko?" Tanong ni manang sa akin , marahan naman akong umiling habang nakatitig parin sa pagkain na nasa harapan ko. "H-Hindi lang po kasi.... Ako... Makapaniwala na may pagkain ngayon sa harapan ko" mahinang usal ko. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni manang, alam kong nagtataka siya sa mga sinasabi ko , hindi ko naman siya masisisi, Hindi ko sila masisisi. Paano kung nasa loob nga kami ng libro? Ako? Muli akong napabuntong hininga at nagsimula na akong kumain . " Tinapay at hotdog po ba ang paborito ni Senorita?" Tanong ko kay manang habang ngumunguya ako. Tinapay at hotdog kasi ang dinala niyang pagkain at may gatas din "Ang totoo , hindi naman niyan talaga ang paborito mo " nag angat ako ng tingin sa kanya... Siguro malapit siya kay Senorita O sabihin na nating 'SA AKIN' dito sa libro . "Nasanay ka na kasing yan nalng ang lagi mong ginagawang agahan" "Agahan? Ito?" Sambit ko habang ngumunguya. " Kung gusto mo magpapaluto ako ng mga pagkain para sayo." Tatanggi na sana ako ng bigla akong natigilan at napaisip. Kung totoong nasa loob ako ng mahiwagang libro , at ako talaga si Senorita Elizabeth Cale Fuentes dito , di naman masama kung...... Kung sulitin ko ang pagkakataon na ito... "Pwede po ba?" Nakangiting usal ko sa kanya. . . . Nakaupo ako sa isang napaka gandang upuan at nasa harapan ko ang maraming pagkain. Iba't ibang potahe ang nasa harapan ko ngayon. Matapos maihain ng mga kasambahay ang mga pagkain sa mesa ay agad silang tumayo sa gilid. "Wow, nagpahanda ka?" Nakangiting sambit ni ma'am helena. Bigla tuloy ako nahiya! Ang daming pagkain ang ni request ko. " Sorry po" mahinang usal ko. "No, don't say that , you can do what ever you want " sambit ni sir Robert "Salamat po , sir, ma'am ---- "Mommy and daddy" sambit ni ma'am helena. Lalo tuloy ako nahiya, parang di bagay sa akin ang ganitong buhay. Napatingin naman ako pareho kina ma'am helena at sir Robert na inaantay sa sasabihin ko. "Opo... M-Mommy , D-Daddy" Nakayukong sambit ko sa kanila.. Ngumiti naman sila pareho sa akin at umupo na din sila . Akmang kakain na sila ng bigla ko silang pigilan.."Sandali lang po!" Gulat naman silang napatingin sa akin "why, darling? " "Uhm.. m-mag.... d-dasal po muna tayo" pareho naman silang nagkatinginan na parang gulat na gulat sa sinabi ko. Maya maya pa ay nakangiting tumango sila sa akin. Sabay sabay kaming pumikit at nag dasal. "Panginoon, maraming salamat po sa pagkain na nasa harapan namin ngayon, hindi ko po alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa buhay ko ngayon, pero sana po ay lagi niyo po akong gabayan , lagi niyo pong gagabayan ang mga taong mahalaga sa akin san man sila naro-roon.... Amen" Ng magmumulat ako ng mga mata ay nakatingin sa akin sina ma'am helena at sir Robert na tila gulat na gulat. Kailangan ko munang manatili dito , at kailangan ko ding hanapin sina dexter, ronel at yung..... yung lalakeng ang panggalan ay.... Spencer. Tapos shaka ko iisipin kung paano kami makakabalik . Biglang sumulpot sa utak ko ang sinabi ni uncle sa panaginip ko. > Malapit ng magbago ang buhay mo . Tama si uncle. At ito na ang simula...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD