Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga sa kama ko....
Sa....kama.....ko!
Ano?! ... Teka.... Panong....
Umaga na!!
Paanong nangyari na nakahiga na ako dito sa kama ko samantalang kagabi lang....... Kausap ko si lola... At......
At bigla nalang ako nawalan ng malay??!!!...
Napahawak ako sa ulo ko dahil medyo sumasakit parin ito ..
Ano bang nangyayari sa akin? Nababaliw na ba ako?
Napaupo ako sa kama ko at napayakap sa sarili kong mga tuhod!
Paanong nangayri na andito na ako sa kama ko at umaga na!
Ano yun? Nag skip forward ang nangyari?
Napabuntong hininga ako at kahit masama ang pakiramdam ko ay sinikap kong tumayo para makapag linis dito sa bahay....
Kailangan ko pang mag trabaho.....
Hindi pwede Ang sakit , sakit sa akin, wala akong ibang maaasahan kundi sarili ko. Kaya naman kailangn kong magtrabaho para may makain ako!
Sinipat ko naman ang maliit na orasan sa ding ding ng bahay. " 7:32am"
Alas syente- trenta'y dos.
Agad ko ng nilinis ang bahay at nag sain na ako ng kanin.
Konti nalang ang bigas ko , baka tatlong araw nalng to.....
Pagkakasyahin ko nalang sa pang apat na araw...
Kailangan ko makabili ulit ng isang bigas .
Bibili nalng ako mamaya , mabuti nalng talaga at binigyan ako ng sweldo kahapon ni mang romoldo.
Mabilis kong nalinis ang boung bahay.
Naluto na din ang kanin at agad na akong kumain .
Mabuti nalng talaga at may asin at tuyo na ako dito sa bahay... May pang ulam ako kahit paano....
Makalipas ang ilang sandali, natapos na din ako sa pagkain at agad na din ako uminom ng gamot.
"8:01 am" hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari kagabi at kung ano ba talaga ang nangyari kagabi ....
Napaupo ako sa kahoy na upuan habang iniisip parin ang weirdong bagay na naganap sa akin kagabi. At sa weirdong lalong yun.
Naalala ko na naman ang sinabi niya kagabi ... Binaggit niya ulit ang panggalan na yun sa akin , tapos may mga sinasabi pa siyang salita na hindi ko na naiintindihan ....
At pagkatapos........ Pagkatapos nawalan na ako ng malay......
Sumasakit lalo ang ulo ko eh dahil don.
Walang mangyayari kung iisipin ko pa yun! Ang dapat na iniisip ko ang trabaho ko!
Agad akong tumayo at dumiretsyo na sa C.R. Para maligo....
Mabuti nalng at may tubig ako ngayon dito... Nakapag igib kasi ako nong nakaraang araw.
Sa poso talaga ang naliligo, malayo layo kasi iyon dito kaya mahirap mag igib ng tubig pang ligo....
At sa tuwing naliligo ako don , pag uwi ko dito sa bahay ay halos tuyong tuyo na ako at ang damit ko ....
Isa din ito sa mga ginagawa ko , kapag may lagnat ako, inililigo ko , para sa akin kasi... Mas madali akong gumagaling sa ganito.. wala lang. Nakasanayan na ng katawan ko eh.
Matapos kong maligo ay agad kong binulklat ang mga damit na nasa plastic bag na bigay kagabi sa akin ni aleng marisa.
Sa totoo lang nakakapag taka parin talaga ang nangyari kagabi.
Ang daming tanong sa utak ko ngayon na di ko din alam paano masasagot.
Gaya ng... Paanong nangyari na pag gising ko nasa loob na ako ng bahay at natutulog sa kwarto ko , samantalang kagabi di ko pa nabubuksan ang lock na pinto sa bahay.
At.... Isa pang bagay ang lalong gumugulo sa isip ko ngayon.....
Yung libro... Asan yun? Wala naman dito ... Totoo ba talaga na nangyari sa akin yun?
Napailing nalang ako at isa isa kong tinignan ang mga damit na bigay sa akin ni aleng marisa.
Magaganda naman ... Kaso.... Di ko ata alam kung isosout ko ba to .
Kasi naman hindi ako sanay sa mga kalse ng damit na bigay niya.
Pang babaeng pang babae Ang datingan eh.
Hindi naman ako tomboy gaya ng mga sinasabi nila o inaasar nila sa akin, hindi ko lang talaga is-tyle ang mga damit na fit na fit ang datingan,
Nasanay kasi ako sa mg damit na over-size T-shirt . Sa mga polo na damit pang lalake .
Ganon ang nakasanayan ko , isa din yun sa mga dahilan, bakit ako laging napag kakamalang tomboy, pero hindi naman ako tomboy! Hindi ako nagkakagusto sa kapwa ko babae!
Pero di rin naman ako nagkakagusto sa mga lalake.
Ay basta!
'ito nalng ang sosoutin ko ,okay na to ' agad akong tumayo dala ang T-shirt na napili ko sa mga damit na bigay ni aleng marisa na napili kong soutin ngayon ...
Matapos kong mag bihis ay agad ko ng niligpit ang mga damit , at mabilis ko itong inilagay sa maliit na cabinet sa kwarto ko. Pero......agad akong natigilan at nabitawan ko ang hawak ko na mga damit ng makita ko ang libro sa loob ng cabinet.
Agad ko itong kinuha mula sa loob at tinignan ng mabuti... Ito nga yun! Tama! Ito yung libro kagabi na ibinigay sa akin nong lola.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko , matutuwa ba dahil dahil may dyamante ang libro.
O matatakot dahil ibig Sabihin totoo ang nangyari kagabi!
Naguguluhan na talaga ako!
Agad akong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili kong gulong gulo sa mga weirdong bagay na nangyayari sa akin.
Mabilis kong inilapag ang librong hawak ko sa kama ko at agad kong pinulot ang mga damit na nabitawan ko kanina na nag kalat sa sahig at agad ko itong inilagay sa cabinet.
Muli kong nilapitan ang libro ngunit di ko ito hinawakan at nanatili lamang akong nakatayong nakatitig dito.
Nagulat ako at napaatras ng biglang umilaw ang libro na nasa kama ko at may tunog na kung ano din ito habang umiilaw.
Kinakabahan, na nahihindik , na , na e-excite ang nararamdaman ko habang nakatingin sa librong umiilaw.
Makalipas ang ilang sigundo ay nawala na ang liwanag at ang tunog nito na nagmumula sa libro.
Napalunok naman ako at kahit na dagun dong ang pag kabog ng dib dib ko ay lakas loob parin ako lumapit dito at dahan dahang hinawakan ang libro.....
Marahan ko itong hinawakan at kinuha mula sa kama at agad ko itong tinititigan ng mabuti at sinuri.
Sa totoo lang, sa istura pa lang nito , masasabi mo na talagang hindi lang ordinaryong libro ito .
Ano - ano pa kaya ang kayang gawin nito, maliban sa mag liwanag at gumawa ng tunog ..
Agad naman ako napailing....sa naisip ko , ano ba tong mga pinagiisip ko !
Baka naman may switch to sa likuran na nagbibigay liwanag at tunog.
Agad Kong sinuri ang libro mula sa likuran nito ngunit wala naman akong nakita na switch.
Napakamot nalang ako sa ulo ko.
"Eh kung ukitin ko nalang kaya tong dyamante, tapos ibenta ko ! "
Agad kong nasapo Ang nou ko Matapos Kong sabihin yun!
Ibenta? Eh hindi ko nga alam saan galing to! Oo , binigay sa akin to nong matanda, pero hindi ko din masasabi kung sa kanya ba talaga to galing, baka aksidente niyang nanakaw o kung ano tapos binigay niya sa akin , naku! May sakit pa naman yun sa utak!
Hala! Ibig sabihin! Kailangan kong mag ingat! Pano kung nakaw nga talaga to! Tapos hinahanap pa! Baka mapag bintangan pa ako!
Naku naman señorita! Di ka talaga nagiisip! Makukulong ako kung sakali, pag nagkataon! Mukhang mas mahal pa kasi tong dyamante na nasa ginta ng libro, kaysa sa buhay ko!
Kailangan kong itago ito! Agad akong lumuhod at kinuha ko ang maliit na kahon na nasa ilalim ng kama ko .
Dito ko nalang ito itatago! Pansamantala! Kapag nakita ko ulit ang matanda shaka ko ibabalik to sa kanya.
Agad akong natigilan sa pag lagay ng libro sa kahon ng biglang pumasok sa isipan ko ang kuryiusidad tungkol sa kung ano Ang meron sa libro na to.
Katulad nalang ng kung ano ang nakasulat sa librong ' to
Napabuntong hininga ako at napapikit muli kong minulat ang mga mata ko at marahan ko itong hinakawan para buklatin, ngunit di ko mabuklat.
Parang nakadikit siya ng sobra sa pahina ng libro.
Huh?
Halos ginamitan ko na ng pwersa at lakas ngunit di talaga mabuksan!
Ano to?! Bakit di siya mabuksan!
Lalo lang tuloy akong nainis. Padabog kong inilagay ang libro sa kahon at agad ko na ito inilagay sa ilalim ng kama.
Nakakainis na talaga! Bakit ba kasi di yun mabuksan!
Agad akong natigilan ng mapadapo Ang paningin ko sa maliit na orasan na nakasabit sa ding ding .
A-Alas nwebe na!
Lintik! Ang trabaho ko!
Agad akong tumayo at mabilis na lumabas ng bahay , agad ko itong ni lock at mabilis akong tumakbo papaalis.
Lintik! Naubos ang oras ko dahil sa librong yun! Nawala sa isip ko ang trabaho ko! Ang oras! Bwisit! Ganon na ba kabilis ang oras ngayon!
Agad akong natigilan sa pagkatabo ng mapag tanto kong wala akong sout na sumbrero at nakalugay din ang buhok ko! Bwisit talaga!
Hinayaan ko nalang ito at muli akong tumakbo. Nadaanan ko naman sina empoy, june , kokoy at dexter na naglalakad at naguusap habang kumakain ng chi- chirya
Napatingin naman sila sa akin na apat na may gulat na gulat na expression.
Ano yun! Nahulog pa ang chi - chirya
Sa bibig ni kokoy habang nakatingin sa akin.
Kunot nou ko silang tinignan dahil sa mga expression ng mukha nila habang nakatingin sa akin .
Hindi na ako nag abala pang batiin sila dahil dire-diretsyo na ako sa pagtakbo.
Ano ba yan! Bakit sila Ganon ? Kung makatingin akala mo naman nakakita ng multo!
Makalipas ang ilang oras na pagtakbo ay nakarating na ako sa terminal.
"Mang romoldo!" tawag ko dito habang habol ko ang hininga ko dahil sa pagtakbo ng mabilis.
Napalingon naman ito sa akin at ganon din ang mga kaibigan niya na kausap niya...
Agad akong naglakad papalapit sa kanila "Mang romoldo, pasensiya na po, ngayon lang ako , may ginawa pa po kasi ako" paliwanag ko dito , ngunit gulat na gulat lang itong nakatitig sa akin. Ganon din ang mga kasamahan niyang sina mang tomas at mang kanor na jeepny driver din "Bakit po ba ganyan kayo makatingin sa akin .. parang nakakita kayo ng multo"
"A-Asul pala ang mga mata mo?" Sambit ni mang romoldo habang titig na titig sa akin.
"Oo nga! Ngayon ko lang nakita ng mabuti ang mga mata mo señorita! Kasi lagi kang naka sombrero at halos natatabunan ang mukha mo. " Anas naman ni mang tomas.
"Kayo naman po! HAHAH kaya ba ganyan ang mga reaction ninyo? " Natatawang usal ko.
Oo asul nga ang mga mata ko pero, di ko na iyon iniinda , hindi ko naman alam na big DEAL pala sa kanila iyon
" Alam mo senorita, may kahawig ka eh, kahawig mo yung isang....... Magandang babae na napanood ko sa T.V. yung binalita , asol din ang mga mata non eh!" Sambit ni mang kanor sa akin.
Bumuntong hininga naman ako at napailing nalang. Kaya ba gulat na gulat din sina dexter ng makita nila ako kanina?
.
.
.
Malaki ang binigay sa akin ni mang romoldo ngayon! Malaki din kasi ang kinita niya ngayong araw na ito!
Nakakatuwa nga at maraming sumasakay sa jeep ni mang romoldo ngayong araw!
Pansin ko lang na karamihan ay puro lalake . Pero baka ganon lang talaga ...
Ayos to! Pwede akong bumili ng isda ngayon kay kuya black.
Pwede kong lutuin ulit kina aleng sita .
Mabilis na akong naglakad dahil Pagabi na.
Habang naglalakad ako sa ginta ng reles ng tren papunta sa palengke ay agad akong natigilan sa paglalakad ng may nakita akong lalakeng nanghihinang nakaupo sa gilid.
Ng lapitan ko ito ay nagulat ako dahil puro galos at pasa ang mukha niya.
Halatang galing sa bog bog Ang taong ito!
"Hoy! Ayos ka lang?" Sambit ko dito at hinawakan siya , nagulat ako ng bigla niya akong tinulak kaya muntik na akong matumba, buti at balansado ako.
"Don't touch me!" Aba ingleshero to!
"Ang sama ng ugali! Tinutulungan na nga, nag susuplado pa!" Asik ko dito
"I don't need you're help!" Aba! Sasapakin ko na to eh.
Kung sa bagay! Bakit ko ba siya nilapitan? At kinakausap? Pwede ko nga siya sipain sa mukha dahil sa sama ng ugali niya,
"Alam mo! Kailangan mong magamot! Wag kang O.A. " Muli ko siyang hinawakan sa braso niya para tulungan siyang tumayo.
"I said i don't need_______ " agad siyang natigilan ng tuluyan ko siyang mapatayo at agad nagtama ang mga mata namin ......
Nakatitig kami sa mata ng isa't isa.
Kulay chocolate ang mga mata niya, matangos ang ilong , maganda ang mga labi niya kahit may dugo ito sa gilid. Sa istura niya mukha siyang mayaman dahil makinis ang mukha niya.... At base sa damit Niya, mukha nga siyang mayaman.
Di ko na alam kung gaano na kami katagal nakatitig sa isa't isa.
Teka lang bakit ko ba siya tinititigan!
Pero bakit di ko magawang umiwas!
"You're eyes..... It's beautiful" mahinang usal nito
Napalunok naman ako at di alam kung ano Ang i rereact.
Maliban kasi sa uncle ko . Siya pa lang ang lalakeng pinuri ang mga mata ko.
"Uhmm. Tara. Dadalhin kita sa . Clinica sa barangay" sambit ko at agad kong , iniwas ang tingin ko dito.
Kumakabog ang puso ko! Baka dahil sa pagkatabo ko kanina! Kaya ganito!
Inaalalayan ko siya habang naglalakad kami , ramdam ko naman na nakatitig parin siya sa akin , kaya di ko tuloy magawang hindi mailang ..
Dapat nga nabubwist na ako sa taong to! Pero bakit ganon! Di naman ako nakakaramdam ng inis.
Habang naglalakad kami ay nagulat ako ng biglang sumulpot si ronel sa harapan namin na naka Crossarms pa at salubong ang kilay.
"Ano ka ba! Ang hilig mong manggulat!" Asik ko dito
"Aba! Ikaw din! Ang hilig mong manggulat! " Lumapit ito sa akin at tumingin siya sa lalakeng nasa tabi ko
"May boylet ka pala!" Tili nito ....
"Sira ulo!" Agad ko siyang sinipa ngunit nakaiwas din ang bakla.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at habang si ronel ay nasa tabi ko habang sinusulyapan ang lalakeng nasa tabi ko. Ako naman ang nasa ginta nilang dalawa.
Pinaliwanag ko naman sa baklita ang nangyari, na Nakita ko nga lang tong lalakeng to sa tabi ng reles ng tren.
"Hoy! Nakalimutan mo ba! Sabado ngayon! " Anas nito habang naglalakad kami na tatlo
"Oh tapos?"
"Anong tapos! Sarado ang clinica ngayon sa barangay! Gaga!" Agad akong natigilan sa paglalakad.
Bwisit! Tama! Sarado nga ang clinica ngayong araw! Kasi sabado!
Agad kong nasapo Ang nou ko at inis kong tinignan si ronel na humahalak hak sa tawa.
.
.
.
Napag desisiyonan ko nalng na iuwi nalng itong lalakeng kasama ko , para sa bahay siya magamot..
Sumama naman sa akin si ronel'at bago kami tuluyang nakauwi ay dumaan muna kami sa bahay nila dahil ang baklita, dito daw matutulog Ngayon! Kumuha lang siya ng ilang gamit.
"Hoy! Señorita! Wala ka bang pagkain dito! " Bungad sa akin ni ronel'habang nanghahalungkat siya sa kusina .
"May asin at tuyo dyan, sa ibabaw ng mesa" sagot ko dito habang ginagamot ang lalake.
Pansin ko naman na nakatitig parin ang lalake sa akin Ngunit di ko nalang iyon ininda.
"Ano! Tuyo at asin! Sa ganda kong to! Yan ang ipapaulam mo sa akin?" Maarteng usal ni ronel sa akin.
"Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo!" Singhal ko dito .
"Bumili nalng tayo ng ulam, tignan mo oh malapit na mag alas - sais
Napatingin naman ako sa orasan 5:48pm.
"Oh segi , bibili ako ng ulam" asik ko at agad akong tumayo matapos kong magamot ang lalake " ikaw muna bahala sa kanya babalik din ako agad." Sambit ko kay ronel na naka Crossarms habang nakaupo..
Agad ko naman dinampot ang sumbrero ko at agad ko itong isinout..
"Sama ako!" tumayo si ronel at kumekembot na naglakad papalapit sa akin
" Hindi pwede ______"
"Señorita!" Agad akong natigilan sa pagsasalita ng marinig ko ang boses ni Dexter na nasa labas ng bahay.
Agad akong lumabas at binuksan ang pinto "Oh , Dexter"
"Uhmm... May naghahanap sayo" napakamot naman siya sa ulo niya at kemi na ngumiti.
Napatingin naman ako sa dalawang lalake na nasa likuran niya.
Nagulat ako ng Makita kong kahawig nila ang lalakeng tinulungan ko kanina.
"Where's Spencer?" Malamig na saad nito sa akin na kinunutan ko ng nou.
"Anong Spencer?" Napakunot naman ang nou ng dalawang lalake Habang nakatingin sa akin.
Hindi kaya.... yung lalakeng nasa loob. Siya si ....
"Señorita!" Nagulat ako ng biglang sumigaw si ronel mula sa loob kaya agad akong pumasok, maging ang dalawang lalake ay pumasok na din at si Dexter at ganon din.
"Bakit?" Anas ko dito , agad ko naman binalingan ng tingin ang lalakeng nakatayo sa tabi niya na sa tingin ko ay si Spencer.
"A-Ano y-yan?" Kinakabahan na usal ni ronel. Napatingin naman ako sa tinuro niya.
Nagulat ako ng makita ang ... Libro ...
Na lumulutang habang umiilaw!
Ha?! Totoo ba to?! Paanong...
"What happening!" Anas ng isang lalakeng ingleshero din.
Biglang nalag lag ang libro sa sahit at nagulat ako ng bigla itong bumukas at maya maya pa ay biglang humangin ng malakas na para bang dinadagsa kami ng bagyo..
"Anong nangyayari!" Sigaw ni Dexter habang habang patuloy na lumalakas ang hangin .
"Hindi ko alam!" Sigaw ko dito at nagulat kami ng biglang naglaho ang dalawang lalake sa tabi namin...
"Nakita mo yun!!" Asik ni Dexter at bago pa ako makasagot ay sumunod na nag laho si ronel, "Ayo ko pang mamatay____!" Bago pa matapos ni Dexter ang sasabihin niya ay bigla na din siyang naglaho sa harapan ko.
"Dexter! Ronel!" Asik ko .
Nagkatinginan naman kami ng lalakeng tinulungan ko kanina .
Sa nakikita sa mga mata niya ay di naman siya natatakot, parang tingin ng nagaalala.
Inangat niya ang kamay niya at akamang hahawakan niya Ang kamay ko ay bigla na siyang nag laho sa harapan ko!
Nanlaki ang mga mata ko at inilibot ang tingin sa loob ng bahay ko na patuloy parin dinadagsa ng malakas na hangin.
Napatingin naman ako sa libro na sobrang nag liliwang .
Napatingin naman ako sa binata na bahagyang nakabukas at Nakita ko ang bilog na bilog na buwan sa kalangitan.
Biglang pumasok sa utak ko ang sinabi ng matanda sa akin. .
> Sa kabilugan ng buwan magbubukas na....
Napalunok nalng ako sa sarili kong laway at maya maya pa ay naramdaman ko nalng ang biglang pag lutang ko at parang dinala ako ng hangin o kung ano sa ibang dimension
At matapos non ay biglang nandilim Ang paningin ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.