CHAPTER 3 THE BOOK

2194 Words
"oy! Señorita!" Agad akong nagulat ng biglang sumigaw si mang romoldo mula sa likuran ko. "Mang romoldo naman! " Asik ko dito at sapo sapo ang dib dib dahil sa gulat . "Kanina ka pa tulala dyan... " Ugtang nito " Kanina ka pa din wala sa sarili mo " Napabuntong hininga naman ako at napakamot sa ulo ko. " Mang romoldo, possible kayang mag katotoo ang mga panaginip...." Napakunot naman Ang nou nito . "Ano bang pinagsasabi mong bata ka !" "Ibig ko pong sabihin... Katulad ng .. may importante na bagay na nabanggit sayo mula sa panaginip mo , na nabanggit din sa realidad.... Ah. Parang ganon?" Huh? Tama ba yung sinabi ko? Bakit parang naguluhan din ako sa sarili kong paliwanag. "Tigilan mo na nga yan señorita!" Inabot nito sa akin ang otsyenta "Ito! Ikain mo nalng yan." Agad ko naman tinanggap ito at ngumiti ng konti" salamat mang romoldo " "Alam mo señorita , masyado ka lang nag iisip ng kung ano ano eh..... Kakapanood mo siguro yan ng mga teleserye sa T.V. kina kokoy. " "Hindi po ah!" Hindi na nito pinansin ang sinabi ko at umiiling iling na naglakad na lang ito pabalik sa jeep niya. Oo nga naman! Napaka impossible nga ng ganon! Bakit ba ako masyadong nagiisip ng kung ano ano. Nagkataon lang yun...... Nagkataon lang.... . . . Pasado alas- sais na ng pauwi ako sa bahay ko , ngunit patuloy parin gumugulo sa akin ang mga bagay na kanina pa nasa utak ko ..... Nababaliw na ba ako?! Tsk! "Hoy!" "Ay anak ng kabayo!' gulat kong usal ng biglang may kumalabit sa akin.... "Ronel!" Inis kong singhal dito . Bwisit! Nagiging magugulatin na talaga ako nito ! Malakas naman niya akong hinampas sa braso " hoy! Anong Ronel! " Inis na asik nito " Rose! Roseeeeeee ang beotipol name ko !" Usal nito na may kasamang tili . "Beautiful! Hindi beotipol!" Singhal ko dito at agad na akong naglakad ulit ngunit mabilis din itong sumunod sa akin at isikunublit ang dalawang kamay Niya sa braso ko. "Hoy! Magkapareho lang parin Yun!" Sambit nito habang naglalakad kami. Hindi ko na lamang ininda ang pag hawak niya sa braso ko dahil malalim parin ang Iniisip ko.. 'tama... magkaparehong magkapareho ang sinabi ni uncle at ni lola_____' "Hoy ! Tomboy!" Malakas na sigaw ni rose sa akin at malapit pa sa tenga ko "Bwisit! Ano ba!" Sigaw ko pabalik dito at agad Kong binawi ang braso ko. Humarap naman ito sa akin at tinaasan ako ng kilay at nag Crossarm pa Ang gago! Inis ko itong tinignan at naglakad na ako ulit.. naku! Baka masapak ko na talaga siya! Masama pa naman ang pakiramdam ko ! "Ano ba kasi yang iniisip mo" ugtang nito habang sumasabay sa akin sa paglalakad. Kahit na nakakabwisit itong si ronel / rose , minsan matino din naman ito kausap, isa din siya sa mga malapit kong kaibigan at minsan ka asaran na napupunta sa pikonan at bwisitan. Napabuntong hininga naman ako at bahagyang napatingala sa kalangitan na walang ka bitwin bituwin at wala ding buwan. "Di kasi mawala sa isip ko ang matanda kanina" "Oh may gad!" Maarteng usal nito "pati yung matanda nagustuhan mong tomboy ka!" Inis ko siyang nilingon at malakas ko siyang binatukan sa ulo "Aray!" Agad niyang hinawakan ang ulo niya na binatukan ko at mabilis din siyang sumunod sa akin sa paglalakad. "Sira ulo! " Singhal ko dito "may sinabi kasi siya na nasabi sa akin ni uncle sa panaginip ko!" "Weee?" Aba! Ayaw pang maniwala! .sa bagay. Di naman ka pani paniwala ang pinagsasabi ko. "Bahala ka nga!" Lalo lang sumasama ang pakiramdam ko sa pagmumukha niya eh "Ito naman!" Kalabit nito sa akin ngunit mabilis lamang ako nag lakad "oy! tomboy!" "Ano ba!" Singhal ko dito habang patuloy kami sa paglalakad " hindi nga ako tomboy!" Kunot nou kong singhal dito Lagi nalang nila akong inaasar na tomboy! Dahil daw 'Mas lalake pa ako kumilos kaysa dito kay ronel' aba! Mga siraulo! Nagawa pa talaga nila akong ikompara sa balkang to! "Sinabi ko na sayo! May sakit ang matandang yun! Naku..... Mukhang nahawa ka na nga" maarteng usal nito Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy na ako sa paglalakad! Kailangan ko pang bumili ng paracetamol! Masama ang pakiramdam ko...lalagnatin na talaga ako nito "Hoy! Galit ka!?" Kunot nou nitong tanong sa akin at muling isinukublit ang mga kamay niya sa braso ko. "Oy! Ito na naman ang dalawang couple tandem!" Usal ni Inday na nakaharang sa dinaraanan namin ni ronel' , nasa tabi naman nito si wena na katulad niya ay napaka iksi ng short at napaka pula pa ng mga nguso nito. "Nag dadate ata tong balka at tomboy na to" usal naman ni wena at sabay pa sila napahalak hak na parang mga bruha. Nagkatinginan naman kami ni ronel' at muli kong binaling ang tingin ko sa dalawang bruha na nasa harapan ko. Umisang hakbang ako sa kanila na ikinatigil nila sa paghalak hak "Naalala niyo pa ba ang huling... engkwentnro natin no'n " seryosong usal ko sa kanila na parehong ikinalunok nilang dalawa. Muli akong humakbang papalapit sa kanila na ikinaatras naman nilang dalawa...."Gusto niyo ba... Maulit ang nangyari sa mga mukha ninyo_______ Bago ko pa natapos ang sasabihin ko ay mabilis na silang tumakbo papalayo. "HAHAHAH! mga duwag!" Halak hak ni ronel na nasa likuran ko. Napabuntong hininga naman ako at kunot nou ko itong tinignan na patuloy parin sa pag halak hak.. "Bakit ka ba tumatawa? " "Kasi ... HAHAHA. Naalala ko ang mga HAHHAHA... istura nila noon. HAHAHA. nong binog bog mo Ang mga yun, HAHAHA!" Tawang tawa na asik nito. Kaya lang naman takot na takot sa akin ang dalawang yun ay dahil halos di na sila makilala noon sa ginawa ko sa mga pagmumukha nila. Sinagad nila ang maiksing pasensiya ko eh! "Uuwi na ako ! Bhala ka na nga!" Tinalikuran ko na ito ngunit patuloy parin sa pag halak hak ang sira ulo. 'mamatay ka sana sa kakatawa' "Goodnight Tomboy!" Sigaw nito na kinawayan ko lang din patalikod. Sa totoo lang, dito sa barangay tagpi, si ronel'o A.K.A rose talaga Ang isa sa mga pinaka close ko dito sa barangay tagpi, maliban kina empoy, kokoy, june at dexter, Kasi kahit nakakabwisit siya lagi naman siyang totoo sa mga sinasabi niya sa akin. Sa tingin ko nga rin ay , kaya naging bakla yun , ay dahil puro babae ang mga kapatid non, at siya pa ang bunso. Bale, siya ang pang pito sa kanila. Bata pa lang din siya ay namatay n ang papa niya sa atake sa puso . Kaya naging baleke yan si ronel eh. At dahil na nga din sa lagi kaming mag kasama niyan , ay lagi din kaming ini - issue han ng mga kolongoy dito. Pero nasanay na din kami , kaya di nalang pinapansin. Makalipas ang ilang oras na paglalakad ay sa wakas ay naka rating na ako sa tindahan ni aleng marisa. "Aleng maris. Paracetamol po dalawa" Agad naman din akong inabutan ni aleng marisa ng paracetamol. "May sakit ka?" "Ang pusa ko po...... Di , biro lang, Opo eh, dibale. Isang inom lang nitong paracetamol. Okay na ako" "Aba mag iingat ka. Baka Ano na yan . Uso Ang dengue ngayon.... Ay sandali!" Agad siyang tumayo at parang may kinuha na kung Ano. Lumabas naman ito mula sa tindahan niya dala ang isang plastic ng bag na may laman na parang mga damit. "Ito oh. " Inabot niya ito sa akin. "Nakita ko kasing, butas butas na ang ilan sa mga sinusout mong t-shirt . May tsienelas din dyan . Kakauwi lang kasi ni gloria at maraming mga dalang damit at ano ano pa. Kaya naisipan kong bigyan ka din . Bagay yan sayo... Para naman may mga matitino ka ng soutin at di puro ganyan .. " "A-Aleng marisa...." Usal ko dito na parang ma iiyak.. "Alam mo. Maganda ka naman talaga señorita eh , kung mag ayos at mag bihis ka ng matino, mapag kakamalan kang mayaman . Tignan mo nga yang kutis mo oh. Parang kutis mayaman " "Aleng marisa naman . " Agad kong tinanggap ang plastic bag na may laman na mga damit. At mabilis kong niyakap si aleng marisa. "Salamat po talaga" "Sus! Ikaw talagang bata ka!" Nakangiting humarap ako dito at mas lalo akong napangiti ng abutan ako nito ng chocolate. Chocolate! Na galing sa abroad! Woowww! . . . Masaya akong pauwi ngayon dala ang plastic bag na may laman na mga damit na bigay ni aleng marisa , kasalukuyan ko naman ding kinakain ang imported na Chocolate ! 'hmmm. Ang sarap talagaaaa! Grabe!' "Señorita!" Natigilan ako sa paglalakad at agad akong napalingon sa tumawag sa akin. "Oh. Dexter" patuloy naman ako sa pag nguya "Anong _______hoy!" Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang agawin ang chocolate ma hawak ko at mabilis niyang kinagtan ng sobrang.... LAKI pa ! "Woww! Ang sarap naman nito!" Pumikit pa ito habang ngumunguya at damang dama pa talaga niya Ang pagkain ng chocolate ko! "Akin na nga yan! Bwisit ka!" Inis kong sambit dito habang pilit na inaabot sa kanya ang chocolate na hawak niya at itinaas ito. Mabilis ko siyang sinuntok sa sikmura na agad niyang ikinapilipit at mabilis niyang naibaba ang kamay kaya agad Kong nakuha Ang Chocolate ko na hawak Niya. 'buti nga!' "Cough*! cough*!" Ubo nito habang sapo sapo ang sikmura niya at tumingin sa akin na parang sinasabing 'IKAW!!!!!!' napangiwi naman ako at muling kinagat ang chocolate at mahina kong tinapik ang likuran niya "Ikaw naman Kasi eh! " "A-Anong.... A-Ako.. cough*! Kailangan mo ba talaga, Cough*! Ako, sikmurahan ! Cough*!" "Tsk!" Tumayo ito ng tuwid habang sapo sapo parin ang tyan niya. " Ang lakas non! Dapat bayaran mo ko!" Pinandilatan ko naman siya at bahagya ko pa siyang dinuro gamit ang chocolateng hawak ko. "Hoyyyyy!" "Segi na..... Kahit yang chocolate nalng.... Please......" Agad naman ako kinilabutan ng umasta itong cute. Ha?! Cute?! Sino?! "Arghhh ! Ahh! Oo na! OO NA! Sayo na! Basta itigil mo na yan!" Agad kong tinulak ang mukha niya gamit ang palad ko at kunot nou kong binigay sa kanya ang chocolate. "Ayon! Salamat señorita ah!" Nakangiting usal nito , samantalang ako inis na nakatingin sa kanya na sarap na sarap na kinakain ang imported na Chocolate ko! "Alam mo bwisit ka! Ano ba kasing ginagawa mo dito!" Lumabi naman ito habang ngumunguya" gusto ko lang..... Magpasalamat sayo... Ulit " bahagya itong napayuko at napansin kong napahigpit ang hawak niya sa chocolate ." Salamat ulit. Señora" nakangiting sambit nito at tumingin sa akin. Natigilan naman ako at napatitig ng mabuti sa mukha niya. Ngayon ko lang kasi nakita ang pag ngiti niya sa akin , ng ganito... Parang.... May kakaiba sa ngiti niya. .. Hindi naman nakakakilabot, May kakaiba lang talaga na ...... Di ko matukoy kung ano ..... "Uhmm" agad akong umiwas ng tingin sa kanya dahil iba talaga ang mga tingin niya ngayon." Wala yun! " Bahagya ko siyang hinampas sa braso para di ako gaano mailang . Huh? Mailang? Bakit naman ako maiilang? Tsk! "Uhm. Segi.... Una na ako! " Sambit ko dito habang tumatango tango. "Segi". Agad na akong tumalikod dito ng muli niya akong tawagin " Sandali" muli akong lumingon sa kanya ." May tanong lang ako" tumungo ako dito at inanatay ang pagtatanong nito" Bakit ba....... Ang......" "Ang...???" Inis kong usal. "Ang........ bakit ang pangit mo?" Nanlaki naman ang mga mata ko at mabilis dinampot ang pud pod kong tsenilas at bago ko pa ito maibato sa kanya , ay mabilis na siyang tumakbo papalayo habang humahalak hak. "Bwisit!" Muli kong ibinaba Ang tsienelas ko at sininout ito, agad na akong naglakad ulit... At sa wakas! Nakauwi na din! Agad Kong binunot sa bulsa ko ang susi ng pinuan ng bahay ng biglang may kumalabit sa akin na ikinagulat ko ng sobra sobra. Napalingon ako sa kumalabit sa akin at halos tumalon sa gulat ang puso ko ng mapag tanto kung sino ito. "L-Lola!" Gulat na anas ko dito. Paano siya nakapunta dito!? Diba dinala na siya sa ospital kanina?! Paano niya nalaman na dito ako nakatira?! Napalunok naman ako ng titignan niya ako ng mabuti....."Malapit na..." Usal nito at nagulat ako ulit ng biglang may ipinahawak siyang libro sa akin. Hindi! Hindi lang siya ordinaryong libro! Kakaibang libro! Hindi naman gaano kalakihan o kaliitan. Sakto lang na may kakapalan at ang mas lalong ikinalaki ng mga mata ko ..... Ay ang...... Ang...... Ang... dyamanteng nasa ginta ng libro... Kumikinang pa ito.... ! A-Ang ganda! Halatang totoong totoo Ang dyamante. Kinakabahan na namamangha sa nakikita ang nararamdaman ko ngayon, "Malapit ng magbago ang buhay mo......... Señorita.. " usal ni lola napatingin naman ako dito at muli itong nag salita...."Señorita Elizabeth Cale Fuentes....... ***«««»»»****....." Matapos niya mabanggit ang panggalan na yun ulit , ay may kasunod siyang sinabi na mga salita na hindi ko maintindihan at maunawaan..... Nakatitig lang ako sa bibig nito na patuloy na nag sasalita at parang unti unti akong inaantok at napapikit... Hanggang sa..... Tuluyan na nga ako nakatulog.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD