Luke's PoV "Isa pa nga po!" Sabi ni Betty sa nagtitinda ng fishball. "Kuha lang po." Sagot ng matandang lalaki na tindero. Nung makita kasi namin itong park na puno ng mga nagtitinda ng street food ay nangulit si Betty na bumaba kami para kumain. Pinagbigyan ko na kasi wala naman akong palag sa kakulitan ng babaeng 'yan. "Ang takaw mo! Nakakailang tuhog ka na ba?" Tanong ko. "Bente pesos pa lang naman 'yon. Ay, wala pala akong perang dala. Pautang muna ako ah? Hihi." Magiliw niyang sabi habang may laman yung bibig. Matapos kong bayaran yung mangfifishball ay lumipat naman siya doon sa may ihaw-ihaw. Napapailing ako sa katakawan niya tss. "Kumain ka rin kaya para hindi ka naiingit diya ano?" Sabi niya nung napansin niya yatang kunot na kunot na ang noo ko sa pinag gagagawa niya. "Li

